MINISTRONG MAY DANGAL

10 thoughts on “MINISTRONG MAY DANGAL”

  1. Salamat po Ama sa mabiyayang pagsamba ngayong umaga. Salamat sa Ministrong kinasangkapan upang muling maghayag ng katotohanan mo. Naging pagkain ng aming kaluluwa ang aral na tinanggap namin sayo. Hinayaan na ang Tribuna at ang pulpito ay muling maging daluyan ng pag-ibig mo’t banal na espiritu. Batid ko man sa kanyang isipan ang takot ngunit ang puso nya’y inihayag mo. Nanatiling dalisay ito sapagkat sya’y aral at totoong Ministro mo. Naging katuwang ng dating Namamahala ng Banal na Iglesia mo. Di man maikukubli ang luha ng pighati at kalungkutan ang syang naghahari. Ngunit ika’y aming Diyos ang pag-asa, pananampalataya, pag-ibig at pagtitiwala nya ay nasa iyo. Mas makapangyarihan ang Kanang Kamay ng Katwiran mo. Sa tamang panahon iyong lilinisin ang Banal na Iglesia mo. Manatili nawa ang kababaang loob ng puso ng Ministrong ito. Maging matibay na tagapag-ugnay ng mga hinirang mo sa kabila mang sya’y nasa loob ng Templo Central ng Iglesia mo. Salamat po Ama, Salamat po ng marami. Tulungan mo nawa ang buong Iglesia aming Panginoong Jesucristo. – CJ

    #iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore

    Like

  2. Salamat po Ama sa mabiyayang pagsamba ngayong umaga. Salamat sa Ministrong kinasangkapan upang muling maghayag ng katotohanan mo. Naging pagkain ng aming kaluluwa ang aral na tinanggap namin sayo. Hinayaan na ang Tribuna at ang pulpito ay muling maging daluyan ng pag-ibig mo’t banal na espiritu. Batid ko man sa kanyang isipan ang takot ngunit ang puso nya’y inihayag mo. Nanatiling dalisay ito sapagkat sya’y aral at totoong Ministro mo. Naging katuwang ng dating Namamahala ng Banal na Iglesia mo. Di man maikukubli ang luha ng pighati at kalungkutan ang syang naghahari. Ngunit ika’y aming Diyos ang pag-asa, pananampalataya, pag-ibig at pagtitiwala nya ay nasa iyo. Mas makapangyarihan ang Kanang Kamay ng Katwiran mo. Sa tamang panahon iyong lilinisin ang Banal na Iglesia mo. Manatili nawa ang kababaang loob ng puso ng Ministrong ito. Maging matibay na tagapag-ugnay ng mga hinirang mo sa kabila mang sya’y nasa loob ng Templo Central ng Iglesia mo. Salamat po Ama, Salamat po ng marami. Tulungan mo nawa ang buong Iglesia aming Panginoong Jesucristo.

    #iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore

    Like

  3. Salamat po Ama sa mabiyayang pagsamba ngayong umaga. Salamat sa Ministrong kinasangkapan upang muling maghayag ng katotohanan mo. Naging pagkain ng aming kaluluwa ang aral na tinanggap namin sayo. Hinayaan na ang Tribuna at ang pulpito ay muling maging daluyan ng pag-ibig mo’t banal na espiritu. Batid ko man sa kanyang isipan ang takot ngunit ang puso nya’y inihayag mo. Nanatiling dalisay ito sapagkat sya’y aral at totoong Ministro mo. Naging katuwang ng dating Namamahala ng Banal na Iglesia mo. Di man maikukubli ang luha ng pighati at kalungkutan ang syang naghahari. Ngunit ika’y aming Diyos ang pag-asa, pananampalataya, pag-ibig at pagtitiwala nya ay nasa iyo. Mas makapangyarihan ang Kanang Kamay ng Katwiran mo. Sa tamang panahon iyong lilinisin ang Banal na Iglesia mo. Manatili nawa ang kababaang loob ng puso ng Ministrong ito. Maging matibay na tagapag-ugnay ng mga hinirang mo sa kabila mang sya’y nasa loob ng Templo Central ng Iglesia mo. Salamat po Ama, Salamat po ng marami. Tulungan mo nawa ang buong Iglesia aming Panginoong Jesucristo. – CJ

    Like

  4. Kelly Ong shared Kelly Ong’s post.
    14 hrs ·

    Kelly Ong
    ANG DAHILAN NG PAGKAUBOS NG PONDO NG BAWAT LOKAL AT DISTRITO

    Marami pong kapatid ang nagtatanong kung bakit walang pondo ang kanilang mga lokal at distrito. Marami ang nagtataka kung bakit halos lahat na ng gastusin sa lokal ay ipinasasagot na sa mga individual na kapatid, mula sa mga mga repair, pagpapapintura, bayarin sa kuryente at tubig, upa sa mga sasakyan, pagbili ng mga kagamitan at maging ang mga pundidong mga ilaw ay inihihingi sa mga kapatid. Ang dati-rating maayos na sistema at kaukulan ng paggugol ng iglesia ay nawala na. Ang P-13 ay para sa pondo ng Lokal at Distrito para sa mga gugulin nito, ang P-9 ay para sa pagpapatayo ng mga gusaling sambahan at pagbili ng mga lupang pagtatayuan nito at ang P-1 ay para sa Administrasyon ng Iglesia (dito kinukuha ang tulong ng mga ministro at manggagawa, tulong ng mga na-oopisina at nasa construction pati ang kanilang taunang tulong tuwing katapusan ng taon, kuryente at maintenance ng Central Office, office supplies ng iglesia at iba pang mga mehoras at mga kagamitan na ginagamit sa Administrasyon ng Iglesia at sa pagpapalaganap. Ganito po kaayos ang ginawa ng SUGO NG DIYOS at ng KAPATID NA ERANO G. MANALO. Ang sabi nga ng Kapatid na Erdy sa isang pagsambang kanilang pinangasiwaan “hindi kami humihingi sa inyo ng panibagong abuluyan. Tinitiyak namin na bago namin simulan ang isang proyekto ay may pondo munang magagamit. Hindi natin inililipat isang pondo para sa ibang bagay, ang bawa’t abuloy ay may kaniyang kaukulan, …”.

    Subalit ang kaayusan pong ito ay nawala na. Wala na rin ang mataas na uri ng paggalang sa kaukulan ng bawat pondo at abuloy ng iglesia. Ang kahayagan po nito ay ang sunod-sunod at walang katapusang paghingi ng TANGING TANGING TANGING HANDUGAN sa loob ng anim na taon mula nang magpahinga ang Kapatid na Erano G. Manalo. Tanging handugan para sa Arena, tanging handugan para sa lingap, tanging handugan para sa nasalanta ng kalamidad sa leyte, tanging handugan para sa binagyo ng (kung saang lugar kaya tuwang-tuwa si Jun Santos kapag may kalamidad), tanging handugan para sa paputok, tanging handugan para sa pagsasara ng centennial, tanging handugan para sa mga sasakyan sa pamamahayag ng distrito, tanging handugan para sa worlwide pamamahayag, tanging handugan para pambayad kay Chris Brown, at bukod pa rito ang malawakang bentahan ng t-shirt, registration fee sa mga kung anu-anong mga proyketo tulad ng family fun day, alumin, kadiwa-binhi day, bentahan ng coffee table book, sim cards at iba’t-ibang memorabilia ng iglesia. Walang katapusang kaltas-tulong sa nga nag-oopisina para sa bigas. Pinasok na po pati mga uniporme ng SCAN, DIAKONO at DIAKONESA, barong ng mga Ministro at mga nagmamanggagawa, pati give aways sa mga bata sa pasalamat ay pinasok na rin ng mag-asawang Jun Santos. Ang totoo po ay mas mabilis pa sa pagpapalit ng araw ang pagdami ng mga kalakal o negosyo na nakataya ang pangalan ng iglesia (legal man o illegal). Kung masusi kayong sumusubaybay ay naririnig ninyi sa mga balita sa telebisyon ang pagkakasangkot natin sa corruption sa customs, sa pagkakahuli sa isang malaking kontrabando ng droga at maging ang obstruction of justice sa mga international criminals. Legal na rin sa ating Purchasing Department ang paghingi ng prosiyento sa lahat ng mga supplier at dealers sa lahat ng sangay at Departamento ng Iglesia. Mapatotohanan ito ni Charmil Castro isang manggagawa sa Central na kanang kamay ni Ka Angelo Manalo, anak ni Ka Eduardo Manalo na may sarili ring raket sa paghingi ng mga porsiyento sa lahat ng dealers sa mga Distrito ng Metro Manila.
    Pinasok na rin po ng Unlad Kabuhayan ang T-shirt factory at sa bawat panahon ay naglalabas ng daan-daang libong mga t-shirts para sa iba’t ibang proyekyto ng iglesia at ang huli ay ang pakikipag kontrata nito Kay Binay at sa maraming mga pulitiko para sa kanilang mga campaign materials kapalit ng boto at pagkakaisa ng iglesia. Ganito bumaba ang dangal ng Iglesia at naging dumi at latak sa mga mata ng Diyos.

    Hindi po natatapos sa negosyo at pagpasok sa pulitika ng Sanggunian at ng mga tiwaling Tagapangasiwa at mga ministro ang kahihiyan at karumihan ng Iglesia ngayon. Ang iglesia na dati-rati siyang bumibili ng mga ari-arian ay siya nang nagbebenta ng mga pag-aari, may halos humigit-kumulang 100 na po na mga kapilya nito at mga ari-arian sa pilipinas at sa abroad ang naipagbili na lingid sa kaalaman ng maraming kapatid. Ang higit na masaklap ay baon sa utang ang Iglesia sa mga malalaking bangko at mga negosyante ng bansa. Walang kamalay-malay ang mga kapatid na ang kanilang ipinagmamalaking philippine arena ay hindi pa pala lubusang pag-aari ng iglesia.

    Nag-aakala ang iba na bankrupt na ang iglesia. Hindi po. Kung tutuusin ay lubhang napakalaki ng halagang naingatan ng SUGO at ng KAPATID NA ERANO G. MANALO. Tama po ang sinabi ni Ka Jun Santos kamakailan sa pulong ng lahat ng mga ministro at manggagawa sa buong mundo nang sagutin niya ang batikos sa kaniya ukol sa corruption. Ang sabi niya “ano ang alam nila sa pananalapi ng Iglesia?”. Tama po. Wala nga pong alam ang maraming kapatid ukol sa pananalapi ngayon ng Iglesia. Dati rati ay alam ng lahat saan napupunta ang mga salaping handog ng Iglesia.

    Saan nga po ba naroon ngayon ang ating mga handog? Ano na nga po ba ang mga nangyayari sa ating mga handog? Bakit wala nang pondo ang iglesia? Bakit said na ang laman ng ating mga bangko sa Metro Bank, East West Bank, PNB, China bank at iba pa?

    Tiyak, kapag nabasa po ang mga pahayag kong ito ng mga kapatid na bulag na tagasunod, mga kapatid na kaagad-agad na nagagalit kahit walang nalalamang anoman ay pagbibintangan na naman akong naninira.

    Tinatawagan ko po ang lahat ng mga kapatid sa buong mundo, ang susi po ng inyong kasagutan ay ang mga ingat-yaman ng lokal at Distrito at mga pangulong Diakono. Itanong po ninyo sa mga ministro ninyo sa inyong Distrito saan napupunta ang ating mga handog?

    May ilang taon na rin po ang nakalipas mula nang simulan ni ka Jun Santos na ipasok sa bag o maleta ang mga handog o abuloy ng mga kapatid sa abroad tuwing matapos ang mga pagsambang pinangangasiwaan niya at ng Ka Eduardo V, Manalo. Kapag hindi ito ginawa ay ipinahahatid niya ang mga abuloy sa mga ministro at mga kapatid doon sa kaniyang tinutuluyang hotel. Hindi na po dumadaan sa bangko ang ating mga salapi. Kinabukasan ay umaatikabong shopping dito, shopping doon ang gagawin ni Annie Batungbakal na asawa niya at pagkatapos ay isasakay sa helicopter na dala nila at iuuwi pilipinas. Makisuyo po sa mga kapatid na nagbibintang na ako daw po ay naninira, pakitanong po muna ninyo ang ating mga kapatid at mga ministro sa US, Hongkong at Japan. Paki confirm po muna ninyo sa kanila bago kayo magalit.

    Ang sistema po na ito ni Jun Santos ay nakita po niyang effective. Hindi po siya sinansala ni Ka Eduardo (dahil sa lubhang maselan at masalimuot na mga kadahilanan). Ngayon ay ginagawa niya ito sa Pilipinas. Hindi na po pumapasok sa nga bangko ng Pilipinas ang ating mga salapi!

    Saan naroon? Saan din naroon ang ating mga salapi na dati ay nasa bangko at nakapangalan sa Iglesia?

    Ang atin pong mga abuloy ngayon ay nailipat na po sa pangalan ni ka Jun Santos.

    Tanungin po ninyo si Ka Erning Suratos, General Treasurer ng Iglesia subalit inutil at walang silbi. Dapat ay siya po ang tagapag-ingat ng ating mga handog at hindi po dapat ma-withdraw sa alinmang bangko ang ating mga handog nang wala siyang lagda. Ngayon ay hindi na ang General Treasurer ang may hawak ng salapi kundi ang General Auditor na at nakapangalan pa sa kaniya.

    Alam po ng lahat ng mga Tagapangasiwa, mga Auditor at Ingat-yaman ng mga Distrito sa buong mundo na ang mga handog sa bawat lokal na tinitipon sa distrito ay hindi na po nila ipinapasok sa mga banko ng Iglesia. Ito po ay isinasako at dinadala sa opisina ni Ka Erning Suratos upang bilangin. Ang trabaho po ngayon ni Ka Erning Suratos ay hindi na General Treasurer kundi GENERAL TAGABILANG.

    ALAM PO ITO NG MGA MINISTRO AT EMPLEYADA SA FINANCE DEPARTMENT NA SAKU-SAKO NGAYON ANG PERA SA OPISINA NI KA ERNING SURATOS. BINIBILANG UPANG IHULOG SA BANGKO NA NAKAPANGALAN KAY GLICERIO SANTOS JR.

    MABUHAY PO ANG LAHAT NG MGA MINISTRO AT MGA KAPATID NA PATULOY NA NAKIKIPAGLABAN SA KATIWALIAN. EXPECT MORE LOYALTY CHECKS IN FINANCE DEPARTMENT!

    Maraming salamat po.

    Kelly Ong

    ——————————————————————————-
    https://iglesianicristohinirang.wordpress.com/2015/06/23/tagapagtanggol-ng-iglesia-ni-cristo-ika-apat-na-bahagi-kalapastanganang-walang-kapantay-nagaganap-na/

    Like

  5. Tayo pong lahat ay dapat manghawak sa mga salita ng Dios at hindi po sa mga salita ng tao or ni JS o mga taga sanggunian. Hindi po ako nagtataka na ito ay nangyayari sa INC. pagkat ang Diyos ang may sabi, sa mga huling araw magaganap talaga ito. Kaya bilang mga Kristyano, magdamayan at magmahalan at magtulungan po tayong mga kaanib sa INC kahit ano pong mangyayari. Wag po karakarakang susunod kung labag na po sa Biblia ang pinagagawa at iniuutos sa atin ni JS lalo na po tayong mga Ministro ng Ebanghelyo.

    Marami pong salamat..

    Bro. EM

    Liked by 1 person

    1. Sa kaalam na ito hindi ko po alam if dapat pa akong mag abuloy at maglagak sa aking taonang Pasalamat. Ang ibang kapatid po ay ibabanko daw nila at kung ang lahat ay maayos na at bumalik na muli sa dating kalayagan ay saka na uli ito ilagak sa Iglesia . Patuloy po ako sa walang humpay na pagdalangin sa Panginoong Diyos at sa Panginoong Jesu Cristo .

      Like

      1. Ako po ay tinigilan ko na ang paghahandugan, lagak sa taunang pasalamat. Pati abuloy ko P20 na lang from P100.00. Ang ginagawa ko ay nag do donate ako ng in kind na mga kagamitan sa kapilya

        Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s