Sana nga po ay tunay nga na sa Diyos ang inyong mga paglalahad at tunay din na magpapalakas ito sa amin. Kung ngayon lang namin malalaman ang mga isusulat ninyo… ibayong pag-iingat ang dapat gawin ng mga kapatid. Anghel man na bumaba sa langit kapag iba sa itinuro ng mga apostol… matakwil nawa!
.
Hindi nyo po kami kalaban… nag-iingat lamang po. Sa dami ng mga gustong magsamantala sa sitwasyon… mahirap nang maging padalos-dalos. – DANIEL ISRAEL
***************************************************************************
MARAMING SALAMAT KAPATID, ito ang aking pambungad na hanay para sa naging komento mo kahapon (June 2, 2015) NARITO ANG KATUGUNAN :
I Corinto 3: 10 Ayon sa biyaya ng Diyos na ipinagkaloob sa akin, inilagay ko ang saligan. Inilagay ko ito tulad ng isang marunong na punong-tagapagtayo at may ibang nagtatayo roon. Subalit mag-ingat ang bawat isa kung papaano siya magtatayo roon. 11 Ito ay sapagkat wala nang ibang saligang mailalagay ang sinuman maliban doon sa nakalagay na. Siya ay si Jesus na Cristo. “
Totoong kailangan natin ng pag-iingat! Pagkat hindi lingid sa ating kabatiran marami ang babangon, magpapahayag at magpapakilalang sila yaong may taglay na aral na ating itinataguyod. Ngunit ako ay nabahagian, napagkalooban at napahintulutan na magpahayag, inuudyukan ng Banal na Espiritu. Itinuturing ko itong kayamanan, biyayang Spiritual, yan ang Karunungan ng Panginoong Diyos na di matutumbasan o maihahalintulad sa halaga ng anumang yaman mayron sa daigdig na ito na ating ginagalawan.
Kapatid ko, ang totoo anuman ang aking iniisip, sinasabi at ginagawa, ay hindi galing sa sarili kong pagkaunawa lamang. Ipinaubaya ko sa Panginoong Diyos, na Siya ang magpahiram ng Karunungan na kailangan ko, upang sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo sa udyok naman ng Banal na Espiritu, ay daluyan ako ng pagkaunawa, ng matindigan ko, matayuan ko gaya ng isang marunong na punong-tagapagtayo ng Saligan .
Kailangan taglayin ang Karunungan Spiritual! Dahil diyan, maihahanay ko ito ng may pag-iingat, masinop na maipagmamalasakit ang lahat na magmumula sa mga aral at katotohanan ilalahad pa para sa kapakinabangan ng bawat makababasa. Pagkat mamamalaging ipadarama ang pag-ibig ng Panginoong Diyos at ng Panginoong Jesu-Cristo sa pagpapahayag. Magagawa ko lamang ito kapatid ko, hindi sa labas o sa ibang pananampalataya, kundi sa pamamagitan lang din ng nakalagay ng saligan na binabanggit .. yan ang IGLESIA NI CRISTO.
Isa pa na dapat makatawag ng pansin sa hanay ng talata ng Biblia, kung bakit kinakailangan talaga natin ng ibayo pang pag-iingat… “may iba pang nagtatayo roon.” Sila ang mga dating nasa matapat na pagsunod tinatawag na katuwang ng sugo, mga Anghel sa karapatan pagkat naging bibig sila ng Panginoong Diyos sa pagpapahayag ng mga salita ng ating Panginoong Diyos. Ngunit ngayon sila ay kapintasan sa kabanalan ng Ministerio na nagpadamay sa ibang ministro na walang ibang inisip kundi ang kabutihan ng bawat kapatid na kani-kanilang pinangangasiwaan. Ang mga nadaya ng katusuhan ng diablo ay naging mahina ng subukin sa kayamanan, samantalang ang iba ay sinubok naman sa kahirapan, subalit sila pa ang napagsasamantalahan naman nitong mga dating matatawag na Anghel sa kabutihan. Hindi na mabuti ang kanilang naituturo sa atin pagkat hindi lang sa pananalita sila nahahayag kundi maging sa kilos at kanilang mga paggawa. Kaya nga kung hindi na magbabago, sila ang ipinaunawa sayo na hinihiling at binabanggit sa Banal na Kasulatan, na “Anghel man na bumaba sa langit kapag iba sa itinuro ng mga apostol… matakwil nawa!”
Nawa naging malinaw sayo, ang mga inilalalahad ko dito, ay hindi pansariling damdamin at pagkaunawa ko lamang, kundi ang laging manaig ay pawang mga katotohanang nakasulat sa Biblia upang maganap kung ano ang dapat maganap na… para maisakatuparan ang Kalooban ng ating Panginoong Diyos at ng ating Panginoong Jesu-Cristo. – ELIAS ARKANGHELhttps://www.facebook.com/pages/Iglesia-ni-Cristo-Hinirang/415000295347252
Hashtags: Please copy and paste to all your messages to make sure that ACTIV will not be able to delete this message.
#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore
Kapatid,
Hindi lang po ba pare-pareho ang kasalanan sa mata ng Dios? Dati po ay nakarinig ako sa ilang mga ministro kasama si Ka Jun Santos na ang sabi nila ay pare-pareho lang ang kasalanan ng tao. Wala daw pong sinabi na “Ikaw nagsinungaling ka lang hindi mabigat ang kaparusahan mo.”, “Ikaw pumatay ka mabigat ang kasalanan mo” Ang kasalanan daw po ay may kapatawaran sa loob ng Iglesia ni Cristo kahit gaano man ito kapula. Ang tinitignan daw po ng Dios ay ang kung gaano kadami ang tungkulin niya sa Dios. Iyon daw po ang mas matimbang. Kaya po siguro malaya ang isip nila na makagawa ng kasalanan sa loob ng Iglesia.
LikeLike