Ang mga tao ay walang kamalay-malay, na nakasalang tayo sa mga pinaka-matitinding pagsubok at pinaka-matinding kahirapan na darating sa daigdig na hindi pa nangyayari kailanman, buhat ng lalangin ang tao. Kasunod nito ang ibat-ibang uri ng mga kaganapan, na nakaamba na rin. Kapag ito ay mangyayari ng sabay-sabay, sa lahat ng panig, ang mga tao ay mgangalilito at hindi alam kung saan susuling, tatakbo o kung saan pupunta upang humanap ng ligtas na dako.
Kaya sa panig naman ng IGLESIA NI CRISTO nakadarama din ng takot bilang tao, ngunit sa panig ng ganap na sumasampalataya ay hindi gayun. Dahil may inaasahan tayo na mangunguna at magmamalasakit sa atin.
Ngunit ngayon, isang malaking katanungan ang bumabangon. Marami ang pinsalang nagaganap sa loob ng IGLESIA NI CRISTO na nababatid na rin ng maraming kapatid. Subalit, walang makaimik at pigil gumawa, ng anumang hakbang para sa Pamamahala ay ilapit. Dahil sa pangambang idudulot ng mga pagbabagong nagaganap sa panig din ng mga inaasahang makakatulong sana sa kanila. Wala na ang dating anyo ng kaamuan sa halip mabalasik na sagot waring leong umaatungal sa galit ang kapalit ng mahinahon nilang paglapit.
Ang mga ganitong kalakaran ngayon ang nagbigay ng pangamba sa mga kapatid natin. Kaya paano na? Nagtatanong na ang marami kung sino ang kikilalanin nilang Tagapanguna, na handang makinig sa hinaing nila, kung itinataboy naman sila ng mga malalapit sa Pamamahala? Kung sino ang magiging Tagapagtanggol nila, na magmamalasakit sa kabuuan ng Iglesia kung dumating ang araw na pinangangambahan at kinatatakutan na magaganap sa daigdig? Hanggang kailan kaya sila maghihintay at mamamalaging umaasang madirinig din ng Tagapamahala ang kanilang mga hinaing at sumbong kung hindi naman sila nabibigyan ng pansin? Ngunit ang natitiyak natin darating at darating ang mga nasabing kaganapan at tayo mga IGLESIA NI CRISTO ay tiyak na madadamay at di pa makaiiwas sapagkat tayo ay nasa daigdig pa na ito. Kaya sino ang magtatanggol? Sino ang magmamalasakit at makikinig sa hinaing ng mga kapatid na umaasang may Gagabay at Papatnubay!
Kaya bago mangyari ang lahat ng yan, kailangan may matiyak tayo kung ano nga ba ang dapat nating gawin habang naghihintay sa pangakong inaasahan natin.? Mateo 24: 44 Kaya’t lagi kayong maging handa, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo nalalaman.” Pinaghahanda tayo, hindi lang handa, kundi laging maging handa! Pahayag mismo ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Palibhasa… 37 Ang pagdating ng Anak ng Tao ay tulad sa pagdating ng baha noong panahon ni Noe. 38 Nang mga araw na iyon, bago bumaha, ang mga tao’y nagsisikain, nag-iinuman, at nagsisipag-asawa hanggang sa pumasok si Noe sa barko. Masyadong abala ang mga tao sa pansariling gawain ng panahong yaon. Hindi iba sa kasalukuyang kalagayan ng mga tao ngayon. 42 Kaya’t maging handa kayo dahil hindi ninyo alam kung kailan darating ang inyong Panginoon. Kaya nga dahil hindi natin nalalaman kung kailan… ano ang madiin na pag-uutos ng ating Panginoong Jesu-Cristo matapos natin makapaghanda Mateo 25:13 Pagkatapos nito’y sinabi ni Jesus, “Kaya’t magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam ang araw o ang oras man.”
Hindi talaga tayo makaiiwas mga kapatid kong IGLESIA NI CRISTO. Ito ay nakatakdang maganap na sa daigdig. Mangyayari ito sa hindi inaasahang pagkakataon. Tunay na walang nakaaalam kung kailan isasagawa ito ng Panginoong Diyos. Ito ay bahagi ng Kaniyang lihim na panukala.
MAY KARUGTONG …….
SUBAYBAYAN NIYO ANG MGA KASUNOD PANG PAGPAPAHAYAG …
Kaya mga kapatid tinatawagan ko kayo ng pansin. Unawain mabuti ang mga katotohanang ilalahad dito mula sa kapahintulutan ng Kapangyarihan ng Panginoong Diyos yan ay sa pamamagitan ng ating Panginoon Jesu-Cristo sa udyok naman ng Banal na Espiritu.
Ipagmalasakit niyo sa iba pang mga kapatid natin na IGLESIA NI CRISTO. Ibahagi ninyo ang Blog na ito sa ikalalakas din nila at ikatitibay sa pag-asang hinihintay nating lahat.. ang pangakong kaligtasan mapag-uunawa ninyo sa mga pag-aaral natin dito … Laging lalakip at sasama ang Kapangyarihan ng Banal na Espiritu, yan ay mararamdaman mo…. Lalagi sa bawat pagsubaybay niyo kaya ang basbas ng Panginoong Diyos at Panginoong Jesu-Cristo ay sasainyo kapag ibinuhay niyo ang mga mabubuting gintong aral na mula sa Kapahintulutan ng Banal na Espiritu na kasa-kasama ng abang lingkod niyo! – ELIAS ARKANGHEL
Hashtags: Please copy and paste to all your messages to make sure that ACTIV will not be able to delete this message.
#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore
CLICK ME HERE (IKALAWANG BAHAGI) https://iglesianicristohinirang.wordpress.com/2015/06/17/207/
4 thoughts on “TAGAPAGTANGGOL NG IGLESIA NI CRISTO (Unang Bahagi)”