Ang Kanyang mga lihim na panukala ay nakapaloob at nakasulat sa Banal na Kasulatan. Ang tanong ay kung, (Karunungan ni Solomon) 9: 13 “Sinong tao ang lubos na makakaunawa sa kaisipan ng Diyos? Sino ang makakaalam sa kalooban ng Panginoon? 14 Kapos ang kaisipan ng tao at walang kasiguruhan ang aming mga panukala. 15 Sapagkat ang aming kaluluwa ay binabatak na pababa ng aming katawang ang hantungan ay kamatayan. Ang aming katawang lupa ay pabigat sa isipang punung-puno ng mga panukala. 16 Nahihirapan kaming mahulaan man lamang ang nilalaman ng daigdig, at malaman kung ano ang mga bagay sa paligid namin. Sino, kung gayon, ang makakaunawa sa mga bagay na makalangit? 17 Wala pong makakaalam ng iyong kalooban malibang bigyan mo siya ng iyong Karunungan, at lukuban ng iyong banal na espiritung mula sa kaitaasan. Kung sino talaga ang makaaalam, malinaw na malinaw wala talaga! Pero, tiniyak, kung lulukuban o gagabayan ng Banal na Espiritu, tataglayin niya ang Karunungan ng Panginoong Diyos. Dahil diyan, kung sumasa kanya na ang kapangyarihan ng Panginoon ay marapat lamang na mapag-ukulan natin ng pagpapahalaga pagkat biyayang Espiritual ang dala-dala ng nagpapahayag. (II Pedro) 1:21 sapagkat ang pahayag ng mga propeta ay hindi nagmula sa kalooban lamang ng tao; ito’y galing sa Diyos at ipinahayag ng mga taong nasa ilalim ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. Yan ang totoo, hindi makapandaraya at makapagkakanulo ng indibidwal na kapatid sa pananampalataya, sapagkat ginagabayan, binabantayan ito, at nasa ilalim ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu na isinusugo ng ating Panginoong Diyos sa napahihintulutang hinirang. Kaya nga 20 Higit sa lahat, unawain ninyong walang makakapagpaliwanag ng alinmang propesiya sa Kasulatan sa sariling kakayahan, . Ito ang dahilan kung kaya kailangan nating pumanatag kapag may isang kinakasangkapan na nagpapahayag ng salita ng ating Panginoong Diyos. Hindi siya ang nangungusap, kundi ang Kapangyarihan ng Panginoong Diyos na sumasama sa napahintulutan lamang. Ito ay kalooban ng Panginoong Diyos. Lamang mga kapatid may ipinakikisuyo na (I Tesalonica) 5: 19 Huwag na ninyong hadlangan ang Espiritu Santo. 20 Huwag na ninyong bale-walain ang anumang pahayag mula sa Diyos. Kailan ba nagagawa ng tao na mahadlangan? Sino ang nakagagawa nito? Sila ang napakabilis humusga, humatol at walang ingat na nag-aakusa! Paano nila ito nagagawa? Ano ang kanilang mga sinasabi? Sila ang kariringgan ninyo ng “kapatid hidwang pananampalataya na yan! Tila nagbabago ka na ng paniniwala at nakikinig na kayo sa mga Espiritung mapanghikayat, itakwil mo yan, sa diablo yan!” Hindi natin dapat tularan ang may ganyang kaisipan. Magsasapanganib sa kanya kapag namusong na siya sa Banal na Espiritu. Ang pamumusong ay napakabigat na kasalanan, nagagawa nilang pagbintangan ang Panginoong Diyos ayon sa masamang tumatakbo sa kanilang kaisipan, kauri ng pagmumura, paglapastangan mismo sa ating Panginoong Diyos. (Mateo) 12: 31 Kaya’t sinasabi ko sa inyo, mapapatawad ang anumang kasalanan at paglapastangan, ngunit hindi patatawarin ang anumang paglapastangan sa Espiritu. 32 Sinumang magsalita laban sa Anak ng Tao ay patatawarin, ngunit sinumang magsalita laban sa Espiritu Santo ay hindi patatawarin, maging sa panahong ito o sa panahong darating.” Kaya’t maging maingat sa pananalita. Huwag padalus-dalos, tiyakin natin kung ang Espiritung nasa sa kanya ay ayon sa ipinahayag mismo ng ating Panginoong Jesu-Cristo bago natin paniwalaan. Kaya nga, (I Juan) 4: 1 Mga minamahal, huwag ninyong paniniwalaan kaagad ang bawat nagsasabing nasa kanila ang Espiritu. Sa halip, subukin muna ninyo sila upang malaman kung talagang mula sa Diyos ang espiritung nasa kanila, sapagkat marami nang huwad na propeta sa mundong ito. Kaya dapat lang talagang matiyak ninyo sapagkat maraming huwad na propeta o mangangaral ang babangon at tutularan ang paraan ng ating mga ipinapahayag at palalabasin pa na tayo na ang kumokopya. Kaya makikilala ninyo ang totoong sinasamahan ng Banal na Espiritu gaya naman ng pagpapakilala ng Panginoong Diyos mismo (Isaias) 59: 21 At tungkol sa akin, ito ang aking tipan sa kanila, sabi ng Panginoon: ang aking Espiritu na nasa iyo, at ang aking mga salita na inilagay ko sa iyong bibig, hindi hihiwalay sa iyong bibig, o sa bibig man ng iyong lahi, o sa bibig man ng angkan ng iyong lahi, sabi ng Panginoon, mula ngayon at magpakailan pa man. Kaya ang tipan ng pangako ng Panginoong Diyos ay tataglayin ng sinumang Kanyang pinili at maibigang hirangin. Madarama mo sa kanya ang Banal na Espiritu sumasakanya at hindi humihiwalay sa kanyang bibig ang Salita ng ating Panginoong Diyos magpakailan-kailanman. Ito ay Kanyang gagawin hanggang mai-sakatuparan lamang ang lahat ng Kanyang pinakalihim na panukala, hanggang lubusang mahayag ang ating Panginoong Jesu-Cristo.
Ngayon tayo ay magpapasimulang basahin ang aklat ni Propeta Daniel na siyang pagtutuunan natin ng pag-aaral ngayon. Ilang talata sa isang pahina kung saan nakasulat ang ilang lihim at hiwaga. Ngunit sa patnubay ng Banal na Espiritu ng ating Panginoong Diyos mabibigyang linaw ito. At kung paano natin ito mapag-uugnay-ugnay upang ang mga mahahalagang detalye ay makuha natin at umaayon sa naganap na, kasalukuyang nagaganap na at maiuugnay sa magaganap pa lang.
Minarapat natin kumuha ng mga sipi o reperensya sa pagkakataong ito. Sapagkat sa pamamagitan ng Biblia at ng reperensya, mapagtutugma natin ang mga bilang, taon o panahon, kung kailan mapangyayari ang mga kaganapang binabanggit sa isang pahina ng Biblia. Kailangan natin ng mga pagbabatayang ito upang lalo nating maintindihan sa ikauunawa ng lahat.
(Kasabikan niyo kasunod na bahagi …)
https://iglesianicristohinirang.wordpress.com/2015/06/22/243/ IKATLONG-BAHAGI
https://www.facebook.com/pages/Iglesia-ni-Cristo-Hinirang/415000295347252
Hashtags: Please copy and paste to all your messages to make sure that ACTIV will not be able to delete this message.
#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore
Hay di ko po masyadong naalala itong ipinagpauna niyo.
(I Juan) 4: 1 Mga minamahal, huwag ninyong paniniwalaan kaagad ang bawat nagsasabing nasa kanila ang Espiritu. Sa halip, subukin muna ninyo sila upang malaman kung talagang mula sa Diyos ang espiritung nasa kanila, sapagkat marami nang huwad na propeta sa mundong ito.
Kaya dapat lang talagang matiyak ninyo sapagkat maraming huwad na propeta o mangangaral ang babangon at tutularan ang paraan ng ating mga ipinapahayag at palalabasin pa na tayo na ang kumokopya. Kaya makikilala ninyo ang totoong sinasamahan ng Banal na Espiritu gaya naman ng pagpapakilala ng Panginoong Diyos mismo
– Elias Arkanghel
Akala ko po dati kayo rin ang elijah na nagpopost sa mga comment section sa FB.
Lumilitaw na kung di niyo siya ipinakilala ay pinalilitaw niyang false prophet kayo.
(: Salamat
LikeLiked by 1 person