Marami ang nakakikilala kay Propeta Daniel. Sa kanyang kapanahunan, kinilala siya ng mga hari dahil sa husay niyang magbigay ng pakahulugan sa panaginip. Kinasangkapan din siya ng Panginoong Diyos sa paghahayag ng mga hiwaga. Sa mahabang panahon ay tinaglay niya ito. Ipinakilala kasi ni Propeta Daniel kung sino talaga ang naghahayag ng hiwaga. (Daniel) 2: 28 Ngunit mayroon pong isang Diyos sa Kalangitan na naghahayag ng mga hiwaga. At sa pamamagitan ng inyong panaginip ay inihahayag Niya sa inyo ang mangyayari sa hinaharap. Kaya naman matagumpay niyang nabibigyan ng pakahulugan ang isang panaginip, hindi dahil sa kaniyang sariling unawa at galing. Hindi rin dahil sa nakahihigit siya sa mga pantas, kung kaya niya ito nagawa, gaya ng kanyang pag-amin, dahil sa tulong ng Panginoong Diyos natin.
Kinalugdan ng Panginoong Diyos si Propeta Daniel na mula sa lipi ng Juda. Dahil sa katangian na pagiging mapanalanginin at labis na pagtitiwala sa Kanya, binigyan Niya si Daniel ng Karunungan, kakayahang umunawa at magpaliwanag ng lahat ng uri ng pangitain at panaginip. Ang makaunawa at makapagpaliwanag ng lahat ng uri ng pangitain at panaginip ang naglapit kay Daniel para pagtiwalaan siya ng mga hari sa kapanahunan niya. (Daniel) 6: 3 Si Daniel ang naging pangunahin sa tatlong tagapamahala at sa mga pinuno ng mga rehiyon dahil sa pambihira niyang karunungan. Dahil dito, inisip ng hari na siya ang gawing tagapamahala sa buong kaharian. 4 Kaya, ang dalawang kasama niyang tagapamahala at ang mga pinuno ng mga rehiyon ay humanap ng maibibintang kay Daniel upang huwag matuloy ang magandang balak ng hari para sa kanya. Ngunit wala silang makitang dahilan sapagkat laging matapat si Daniel sa kanyang tungkulin. 5 Kaya’t sinabi nila, “Wala tayong maibibintang sa kanya maliban sa mga bagay na may kinalaman sa kautusan ng kanyang Diyos.”
May pinagtibay na kautusan ang hari noon sa loob ng tatlumpung araw ay walang mananalangin at sinumang lumabag ay ihahagis sa kulungan ng mga leon. (Daniel) 6: 10 Nang malaman ni Daniel na nilagdaan na ng hari ang gayong kautusan, umuwi siya. Lumuhod siya’t nanalangin at nagpasalamat sa kanyang Diyos sa isang silid sa itaas ng kanyang tirahan sa may bukas na bintanang nakaharap sa Jerusalem. Tatlong beses niyang ginagawa ito sa maghapon gaya ng kanyang kinaugalian. Binantayan siya ng mga naiingit at kumakaaway sa kanya na mga namamahala, kaya naisumbong nila si Daniel sa hari hanggang naisagawa ngang maihagis siya sa yungib kasama ang mga leon. Ngunit ang mga nagsumbong kay Daniel ang nilapa ng mga leon ng ipagutos ng hari ihagis sila yungib. Samantalang si Daniel ay hindi man lang kinakitaan ng hari ng kahit anumang pinsala na ikinatuwa ng hari kaya dahil dito pinuri ng hari ang Panginoong Diyos na dinadalanginan lagi ni Propeta Daniel.
Maging ang mga Anghel ng Panginoong Diyos na sina Arkanghel Gabriel at Arkanghel Miguel ay magkatuwang na isinugo sa kanya upang agapayanan at tulungan siya.
Hanggang sa: Daniel 12: 4 Daniel, ingatan mo muna ang mga pahayag na ito at isara ang aklat upang hindi ito mabuksan hanggang sa katapusan ng sanlibutan. Marami ang magsasaliksik at magsisikap na maunawaan ang maraming bagay.” Pinaingatan kay Daniel ni Arkanghel Gabriel ang Anghel ng Panginoong Diyos ang pagpapahayag sa kanya, at pinasara muna ang aklat sapagkat ito ay tinakdaan na ng Panginoong Diyos kung kailan muli mapapahintulutan na mabuksan.
Subalit nagpupumilit pa rin si Daniel na maunawaan niya ang mga pangitain na ipinakikita sa kanya ng Panginoong Diyos. Muli siyang nagtanong sapagkat Daniel 12: 8 Hindi ko naunawaan ang kanyang sagot, kaya’t ako’y nagtanong, “Ginoo, ano po ba ang kahihinatnan ng lahat ng ito?” 9 Sinabi niya sa akin, “Makakaalis ka na, Daniel. Ang kahulugan nito’y mananatiling lihim hanggang dumating ang wakas. Gustong unawain talaga ni Daniel ngunit hindi pa ukol sa panahon na yun na malaman niya, kaya naipagkait pa sa kanya.
Ano ba ang nakita ni Daniel sa kanyang pangitain? 5 Akong si Daniel ay tumingin at may nakita akong dalawang tao, isa sa magkabilang pampang ng ilog. 6 Tinanong ng isa ang anghel na nakatayo sa gawing dulo, “Gaano pa katagal bago maganap ang mga pangitaing ito? 7 Itinaas ng anghel ang dalawang kamay at narinig kong sinabi niya, “Sa pangalan ng Diyos na nabubuhay magpakailanman, magaganap ang lahat ng ito sa loob ng tatlong taon at kalahati, kapag natapos na ang paghihirap ng bayan ng Diyos.” Ito ang unang napag-unawa ni Propeta Daniel, na magaganap lang ang mga pangitain na ipinakita sa kanya, matapos ang paghihirap ng bayan ng Panginoong Diyos. Nakita niya yung dalawang tao sa magkabilang pampang, tila may tugon ang isang anghel sa isa pang anghel na nagtanong kung kailan magaganap ang mga inilalarawan sa mga pangitain patungkol sa dalawang tao?
Ano nga ba ang kaugnayan nito at naging bahagi sa lihim na panukala ng Panginoong Diyos noon, at may malaking kaugnayan ngayon? At kung kailan magaganap, yung tatlong taon at kalahati na katapusan ng paghihirap ng bayan ng Diyos na binabanggit? Ang mga katanungang ito ang nagiging palaisipan kay Propeta Daniel. 10 Marami ang dadalisayin at mapapatunayang may malinis na kalooban. Ngunit magpapakasama pa ang masasama, at wala isa man sa kanila ang makakaunawa sa mga bagay na mauunawaan ng marurunong Ang mga pahayag na ito NOON ng Anghel ng Panginoon kay Propeta Daniel ay nanatiling lihim hanggang sa siya ay mamatay.
NGAYON hanggan sa kasalukuyan na panahon natin, marami ang magsasaliksik at pilit pa rin itong inuunawa ngunit ang lihim ay namamalaging lihim pa rin sa pagkaunawa ng marami, kung, ano ang kaukulan ng mga ipinakita noon kay Propeta Daniel sa ating kapanahunan ngayon? Kaya nga hindi ito naging madali para pag-aralan, alamin at unawain ng mga naunang inihalal, ng mga dalubhasa sa Biblia, mga dalubhasa sa kasaysayan, sinugo, may basbas na mga ministro, mga pastor, mga manggagawa, at mga tagapagturo kung sino ang higit na pinatutungkulan ng mga pangitaing ipinakita kay Propeta Daniel. Ngunit sadyang may kanya-kanyang kaukulan ang bawat isa, ayon sa minarapat na kaloob na ibinigay ng Panginoong Diyos para sa kanila. Kaya wala pa at hindi sa hanay nila makikilala. Maging ang mga manghuhula, mapanaginipin, mga nagpapakilala at ipinakikilalang sila ay propeta. Lahat sila pawang nagtatanong din sa magkakahalintulad sa ipinakita kay Propeta Daniel. Ngunit may isang nagtagumpay, ang nabigyan na ng pagkaunawa. Kinilala Siya ng Tagapamahalang Pangkahalatan sa Kanyang kahalalan. At pinalad naman tayo upang ang inyong abang lingkod naman mapahintulutan na makabahagi ng Karunungan ng Panginoong Diyos natin. Kaya nga muli, “Ako ay magpapakilala sa inyo sa takdang panahon! Pagkat may nakahihigit pa sa akin“. “Siya ay ako, ngunit hindi ako Siya.” “Ako ay sa Kanya, ngunit Siya ay hindi sa akin“. “Kung ano ang inisip ko, yun din ang iniisip niya!” “Pagkat hindi kami dalawa, kundi kami ay iisa!” “Iisa ang aming diwa sa pag-ibig at pagmamahal sa IGLESIA gaya rin naman ninyo tayo ay iisa sa Katawan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.”
Kaya bilang napahintulutan ng Panginoong Diyos sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo, sa patnubay at paggabay ng Banal na Espiritu. Ipinahihintulot na ibahagi sa lahat ang pagkaunawa sa Hiwaga sa matagal na panahon ay inilihim ng Panginoong Diyos!
Kaya, ano nga ba ang pakahulugan ng lahat ng ito sa kaugnayan sa mga magaganap sa kasalukuyan , magaganap sa kinabukasan at magaganap sa hinahaharap?
Magpapasimula na tayong gamitin ang isang pahina ng Biblia mula sa ilang talata at basahin ang mga reperensyang sinipi natin sa wikipedia sa talaan ng buhay ng Sugong Lider sa muling pagbabalik ng Iglesia ni Cristo sa mga Huling Araw ang Kapatid na Felix Y. Manalo, Tagapamahalang Pangkalahatan Kapatid na Erano G. Manalo at ng Pamamahala, Kapatid na Eduardo V. Manalo. Iyan ang atas ng Banal na Espiritu! Ang titulo ng bawat isa ay hindi maaaring gamitin pa ng iba kahit ang isa ay pinagpahinga na. Sapagkat hindi inuuri ng mga itinalaga ang antas, kundi ang Atas na mula sa Panginoong Diyos ang kanilang sinusunod at pinahahalagahan.
Kapatid na Felix Y. Manalo – Sugong Lider ng Iglesia ni Cristo sa mga Huling Araw
Kapatid na Erano G. Manalo –Tagapamahalang Pangkalahatan
Kapatid na Eduardo V. Manalo – Pamamahala
Ihahanay na natin ang mga katanungan at sasagutin din ng mga talata ng Biblia ayon sa ating mababasa:
PAHAYAG talata 20: Isinasamo na muling matayo ang Templo sa banal na bundok. KAILAN AT SAAN? (Isaias) 2:2 Sa mga huling araw, Ang bundok na kinatatayuan ng Templo ni Yahweh ay mamumukod sa taas sa lahat ng bundok. Daragsa sa kanya ang lahat ng bansa.
PAHAYAG talata 24 : Ang lunsod na ito at ang iyong mga kababayan ay binibigyan ng 490 taon upang tigilan ang pagsalansang, layuan ang kasamaan at pagsisihan ang mga kasalanan. ANONG TAON AT KAILAN? 490 taon + 1521 natala sa kasaysayan = 2011
MAY KARUGTONG …….
SUBAYBAYAN NIYO ANG MGA KASUNOD PANG PAGPAPAHAYAG …
——————————————————————————————–
MAHALAGANG TAGUBILIN :
Ipagmalasakit niyo rin sa iba pang mga kapatid natin na IGLESIA NI CRISTO ang Blog na ito. Kung may panghihina na sila sa kanilang pananampalataya bunga ng mga katiwalian na kaganapan sa loob ng IGLESIA NI CRISTO, sa pamamagitan ng blog na ito ay muli silang lalakas sa mga mababasa nilang inihahanay dito. Mabubuhay ang pag-asa nilang hindi pala dapat ikapanlupaypay ang mga kaganapan na nahahayag sa mata ng marami. Pagkat ito ay bahagi ng mga kailangan maganap para makarating doon sa pangakong kaligtasan, pagkat nakasulat sa Banal na Kasulatan. Hayaan ninyo ang Banal na Espiritu ang magpahayag. Ang inyong abang kapatid ay naglilingkod lang para sa kapakanan ng lahat! Kinakasangkapan lamang ako ngunit wala sa akin ang karapatang humahatol. Kung naihahanay man ang mga inaakala ninyong masakit na pananalita ay huwag ninyong iisipin na ang katauhang ito ang nagsasalita, at naghahanay ng mga nababasa niyo. Sapagkat ipinauubaya ko sa Panginoong Diyos, sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo sa udyok ng Banal na Espiritu ang gumagabay sa lahat ng aking paghahanay, ng walang sinumang pangingilagan na dapat patutungkulan kung ito ay atas ng Banal na Espiritu. – ELIAS ARKANGHEL
MAY PANAGINIP KA BA? MAY PANGITAIN KA BA? NAIS MO BANG IBAHAGI MABIGYAN KA NG PAGKAUNAWA KUNG SAAN AT KANINO ITO NAPATUTUNGKOL! ANG IYONG ABANG KAPATID HANDANG IPAGLINGKOD ANG ANUMANG KASAGUTAN IUUDYOK NG BANAL NA ESPIRITU!
Hashtags: Please copy and paste to all your messages
#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore
Salamat po

—————————————————————————————————————–
Maraming salamat din sayo kapatid na Aiza at sa Mister mo. Maraming salamat kapatid, hindi kayo nawawala sa mga hanay na patuloy na nakasubaybay sa Blog na ito! Ang larawang ipinadala mo ay hindi pangkaraniwan ito ay may simbolikal na paliwanag. Ang katotohanan nasa tabi ko ang BIBLIA na gamit ko at ang larawang iyan ang ipinapaliwanag at inilalarawan sa talatang nakikita ko sa nakabuklat na BIBLIA na di ko naman binubuklat pa. Nagalaw lang dahil ipinatong ko sa ibabaw ng unan. Maraming salamat kapatid na Aiza. Abang-abang ka lang dahil ibibigay din sayo ang pagkaunawa sa ipinadala mong larawan at ang kaukulan nito. Magandang gabi sa buo mong sambahayan!
Sumainyo ang Pagpapala ng Panginoong Diyos at ng Panginoong Jesu-Cristo.
LikeLiked by 1 person
Ka aiza pls message me naman. U know who I am. Ur frend sa FB defender
LikeLike