Kapatid na Marilyn: Maraming salamat din po sa pagtugon ninyo. Matapos ko pong basahin ang isinulat ninyo lalo na po sa huling bahagi na itinanong nyo kung may napanaginipan ba kayo bigla po akong kinilabutan kaya agad po akong sumulat sa inyo. Napanaginipan ko po na nakaharap ako at kausap ang Kapatid na Marco Erano Manalo at sinabi po nya sa akin na magsisimula nang matutupad ang nasa kasulatan. At sinabi ko po sa kanya na itiniwalag din nila ang aking ama …kitang kita ko po ang mukha ni Ka Mark na sobrang lungkot sa mukha nya at biglang pumatak ang luha sa kanyang mga mata.
————————————————————————————————-
Maraming salamat Kapatid na Marilyn. Totoo, kasalukuyan ng nagaganap ang nasa kasulatan na kanyang pinatutungkulan. Higit sa lahat ang Banal na Kasulatan. Sayo mismong panaginip sinabi mo kay Kapatid na Marco Erano Manalo na ang iyong sariling ama ay kanila ding ititiwalag. Dahil diyan ikinalungkot ng Ka Marco Erano ang ipinahayag mo na ikinaluha pa niya.
ANG KAUKULAN NG PANAGINIP MO:
Ikaw ay hindi ikaw sa panaginip mong yun! Ikaw ay kumakatawan sa anak na babae ng Kapatid na Eduardo V. Manalo na magpapahayag sa Espiritual ng sabihin maging ang kanyang ama ay ipinatiwalag! O ipinapatay .. sa karapatan!
Ang Kapatid na Marco Erano Manalo naman ay kumakatawan sa Kapatid na Kinauukulan na kinilala ng Kapatid na Erano G. Manalo ng siya ay kasa-kasama pa, at nagawang makapagbilin sa Kapatid sa mga magaganap sa loob ng IGLESIA NI CRISTO pagka-alis Niya. Batid ng Kapatid na matutupad at matutupad ang nakatakdang kaganapan na ipinahayag ng Kapatid na Erano G. Manalo. Kaya kapag nangyari na ang nasabing pagpatay na binabanggit sa Biblia. Labis Niyang ikalulungkot ito iluluha sapagkat kaalinsabay na nito ang napakalaking pagsubok na darating sa IGLESIA na papasanin ng mga maiiwang kapatid sapagkat magpupumilit lang ang papalit kay Kapatid na Eduardo V. Manalo. Ang papalit ay wala siyang karapatang maging isang Pamamahala. Paano ba ilalarawan ng Banal na Kasulatan ang paglitaw ng nasabing walang karapatang maghari. (Daniel) 11: 21 “May lilitaw na isang malupit at kinapopootang tao na gustong maging hari. (Sino ang pinatutungkulan dito na maraming galit sa kanya?) Ngunit hindi ibibigay sa kanya ang karapatan sa trono. Kaya, bigla niyang aagawin ang kaharian sa pamamagitan ng pandaraya at katusuhan. (BMBB) (May plano talaga siya na agawin ang pagiging Pamamahala.. Sino siya?) 22 Lahat ng humadlang sa kanya ay papatayin niya pati ang Punong Saserdote. (Sino ba ang Punong Saserdote ngayon?) 23 Makikipagkasundo siya sa maraming mga bansa ngunit dadayain niya ang mga ito. (Kaya nga gamit ang FYM Foundation nakikipag-usap na siya ngayon. Sino siya?) Bagamat maliit ang sariling bansa, (Pilipinas) siya ay magiging makapangyarihan. Walang sabi-sabi niyang 24 kukunin ang pinakamainam na lalawigan. (Halos ipinagbibili nanga ang maibigan) Gagawa siya ng mga bagay na di nagawa ng kanyang mga ninuno. Babahaginan niya ang kanyang mga tagasunod (Sinu-sino sila sa mga nasa Sanggunian at mga nakiayon na rin sa buktot nilang gawain?) ng mga nasamsam nila sa digmaan.(sinabing digmaan dahil nakipagdigma sila sa pananalita at pakikipagtalo para makuha nila ang bawat maibigan) Iisip siya ng mga paraan laban sa ibat-ibang tanggulan, ngunit hindi siya magtatagal. (MBB)…………………………..
Ito ang tugon Kapatid na Marilyn sa panaginip mo! Maraming- maraming salamat! Kapatid na Marilyn, nawa sumaiyo ang awa at habag ng Panginoong Diyos natin! Tanggapin mo ang Kanyang mahalagang basbas at pagpapala sa inyong sambahayan. – Amen
Mga Kapatid, Ang Blog na ito ay makatutulong upang bawat isa sa inyo ay mabigyan ng paunang mensahe sa ikaaagap ng lahat upang mapaalalahanan ng makaiwas sa tiyak na nagbabantang kaganapan. Kaya sa pamamagitan ng lahat ng makikibahagi ng kanilang mga pangitain at panaginip sa Blog na ito ay maituturing na ninyong gampanin o tungkulin niyo sa Panginoong Diyos at sa ating Panginoong Jesu-Cristo. Sapagkat ma-ipagmamalasakit niyo ang kapakanan ng indibidwal na kakapatid sa IGLESIA NI CRISTO sa mga hanay ng panaginip at pangitain na ang Panginoong Diyos din ang may bilin nito.
MAGHIHINTAY AKO SA IBA PANG NAIS MAGHANAY NG KANILANG MGA PANAGINIP AT PANGITAIN. BIBIGYAN NG PALIWANAG AT IPAUUNAWA MULA SA NAKASULAT SA BANAL NA KASULATAN.
Papaano po ako mkakapag padala sa inyo ng sulat?.. May mga panaginip din po ako na gusto kong mabigyan linaw.. Mula pagkabata na hanggang ngayon po maliwanag padin sa aking isipan…
LikeLike
Ka Peter, pwede po ninyong ipm sa fb page ni Ka Elias or dito po mismo pwede ninyong isulat sa kanya. Kung paano kayo ngayon nagpost.
LikeLike
Magandang hapon po Ka Elias. Nagising po ako kaninang umaga na ang natatandaan ko lamang po sa panaginip ko ay “4 1/2 months”. Wala po ako nakitang tao ni sulat na 4 1/2months. Ang pakiramdam ko po ay sinabi lang po sa akin na yun lamang po ang tandaan ko. Pero hindi ko po matiyak kung sino ang nagsabi sa akin na tandaan ko iyon. Maraming pong tanong ang nabuo sa isipan ko dahil yun lamang po ang laman ng panaginip ko..walang ibang detalye ng tao, lugar at iba pa. Iniisip ko po kung kailan po ako mag-uumpisang magbilang ng 4 1/2 months?..Kung ano ang kahulugan nito?.. Kung mayroon po kayang mahalagang pangyayari habang o pagkatapos ng mga buwang ito? Maraming salamat po.
LikeLiked by 1 person
Ka Elias, napanaginipan ko po nung nakaraan ay biglang bumangon si Ka Erdy at parang zombie, natakot po talaga ako at dun ako nagising. Nakalimutan ko na ang ibang detalye sa panaginip ko.
LikeLike