ISINALIN SA FILIPINO
Kapatid na Minna, ka elias, maaari mo bang maipaliwanag ang napanaginipan ko, buwan ng marso sa taon ding ito? Nakapanaginip ako, ang mom ko ay naglalakad kami pababa sa mahabang puting pasilyo. wawariin ito parang hospital, nang tumambad, nakita namin ang Kapatid na Tenny na papalapit papunta sa amin ang suut-suot niya ay itim halos lahat, pang itaas na bahagi hanggang ibabang bahagi. Itinanong ko sa kanya kayo po ba ay nasa mabuting kalagayan? kailangan niyo ba ng tulong? Tumanggi siya ngunit nagsabi ring Oo nangangailangan siya ng tulong, Nangangailangan siya ng kagamutan ngunit hindi kailangan na iderekta sa kanya. Nagbanggit siya ng tiyak na pangalan na kailangan naming hanapin para itawid sa kanya ang makagagamot sa kanya. At hindi namin maaaring iderekta sa kanya. At doon na ako nagising, hindi ko matandaan ang pangalan ng ministro na kanyang sinabi. Malungkot ako ng ako ay bumangon dahil sa nakasuot siya ng itim at maputla.
—————————————————————————————————
Kapatid na Minna,
Ang paglalakbay ng mga kapatid sa paglilingkod ang inilalarawan niyo ng mom mo, sa panaginip mo. Bagamat kayo ang ipinakikitang karakter doon, yun ay simbolikal lang sa higit na mga pinatutungkulan. Ibig sabihin bagamat kayo yun, pero, hindi talaga kayo yun! Kundi ang mga kapatid sa paglalakbay, sa kabuuan kasama na tayo doon! Kaya naman, ang ipinakita sayo na pasilyong puti, yun naman ay lumalarawan sa kapayapaang nilalakaran natin, kaya nga ang IGLESIA parang Hospital sa paglalarawan doon ng mga may sakit sa kaluluwa. Doon kasi ginagamot at inaayos ang dating masamang kalagayan hanggang sa gumaling ng lubusan para wala ng maging kapintasan at batik. Ngunit nagulat ang marami, sapagkat tumambad ang kalagayan ng IGLESIA, bagama’t may kasiyahan nadarama dahil nakapagpapatuloy sa paglalakbay. ( na simbolikal na kumakatawan kay Kapatid na Tenny.)( UNAWAIN NG MABUTI: Ang babae sa panaginip ay ang IGLESIA. Namamalagi itong malinis sapagkat ito ay Katawan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Ang pinarumi at ginawang itim ay ang ibinihis sa Kanya.) Bakit parang napakapanglaw? Mula sa mataas na bahagi (CENTRAL) hanggang sa pinaka mababang bahagi (mga Lokal) ay larawan ng kadiliman. Nagtatanong sila kung kailangan ba ng IGLESIA ng tulong? Marami ang hindi maka-imik ngunit may umaayon din, na kailangan talaga ng IGLESIA ng kagalingan dahil halos maubusan na ng dugo (pondo) kaya maputla na sa paglalarawan.. mula sa pinsalang dulot ng mga gumagawa ng mga katiwalian! Kaya nga ang babaing ihaharap sa ating Panginoong Jesu-Cristo na babae na malinis ay nasa kaanyuan ng itim. Pagkat ito ang ibinihis ng mga gumawa ng paglabag na ang pinatutungkulan ay nakahanay sa mga nasa itaas na bahagi ng posisyon ng IGLESIA hanggang sa mababang posisyon na bahagi ng IGLESIA. Sila ang nagbigayna pinagmulan ng sakit o kapintasan ng IGLESIA. Kaya kailangan talaga ng tulong ng IGLESIA ngunit hindi maaaring iderekta gaya ng ipinahayag. Sapagkat alam natin na ito ay mapapariwara lamang at gagamitin lamang ng mga tiwali sa kanilang pansariling kapakinabangan. Sa halip na gumaling at magamot, ito ay masosobrahan. Kaya nga sa makalawang ulit na binanggit HINDI MAAARING IDEREKTA SA KANYA sapagkat habang dinaragdagan ng inaakalang makagagamot ay lalo palang lumalala. Hindi makagagaling kung kaya may pinahahanap, sa panaginip mo.. binanggit ang pangalan ng ministro.. ngunit simbolikal lang ang ministro na pinatutungkulan kundi ito ay pinatutungkol sa nagtataglay ng Karunungan na nakasulat sa Banal na Kasulatan. Pagkat ang totoong pinaka-manggagamot natin dito ay ang PANGINOONG DIYOS pa rin natin ang magbibigay kung sino ang kakasangkapanin. Yan ay sa pamamagitan pa rin ng ating Panginoong Jesu-Cristo na ang pinatutungkulan ay ginagabayan ng Banal na Espiritu. Walang hihingiin na anumang kabayaran sapagkat libre niya itong ipinaglilingkod, ang Karunungan na patungo sa Bayang Banal!
Karunungang kailangang ibahagi sa lahat sapagkat sa kalagayang Espiritual ay may mga pinanghihinaan na sa mga hayag na kaganapan. Inaakala na nila na wala ng kagalingan pa. Mayron mga kapatid! Pumanatag lang kayo anuman ang mangyari! Laging manalangin at hingin ang tibay at tatag ng pananampalataya sapagkat yan ang makapagliligtas sa atin.
Kapatid na Minna ipinagpapasalamat ko ang ibinahagi mong panaginip. Nawa ipaglingkod mo rin ang IGLESIA NI CRISTO … HINIRANG Blog sa mga katulad mong naniniwala na maisasaayos pa ang lahat. Hindi dahil sa katauhang nagpapahayag sa inyo ngayon. Kundi sa tulong pa rin ng ating Panginoong Diyos, sa patuloy na pamamagitanng Panginoong Jesu-Cristo sa patnubay at paggabay ng Banal na Espiritu na Kanilang isinusugo. IPAGPASALAMAT MO SA PANGINOONG DIYOS NATIN AT PANGINOONG JESU-CRISTO ang tinanggap mong pagkaunawa sa panaginip na pinahintulot sayo. Muli maraming salamat!
Mga Kapatid, Ang Blog na ito ay makatutulong upang bawat isa sa inyo ay mabigyan ng paunang mensahe sa ikaaagap ng lahat upang mapaalalahanan ng makaiwas sa tiyak na nagbabantang kaganapan. Kaya sa pamamagitan ng lahat ng makikibahagi ng kanilang mga pangitain at panaginip sa Blog na ito ay maituturing na ninyong gampanin o tungkulin niyo sa Panginoong Diyos at sa ating Panginoong Jesu-Cristo. Sapagkat ma-ipagmamalasakit niyo ang kapakanan ng indibidwal na kakapatid sa IGLESIA NI CRISTO sa mga hanay ng panaginip at pangitain na ang Panginoong Diyos din ang may bilin nito.
MAGHIHINTAY AKO SA IBA PANG NAIS MAGHANAY NG KANILANG MGA PANAGINIP AT PANGITAIN. BIBIGYAN NG PALIWANAG AT IPAUUNAWA MULA SA NAKASULAT SA BANAL NA KASULATAN.
Hashtags: Please copy and paste to all your messages to make sure that ACTIV will not be able to delete this message.
#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore
Reblogged this on Iglesia Ni Cristo Never Keep Silent.
LikeLike
Ka Elias, may napanaginipan ako heto po: napanaginipan ko na nakaupo daw ako at nakita ko yung tatlong lalaki na buhat ang casket ni Ka Erdy, hindi ko po na napansin kung sino yung tatlo na yun, kasi nagtataka ako bakit tatlo lang sila, nasa kanan ang isa at yun dalawa ay nasa kaliwa nagkasunod malungkot daw ako at umiiyak bigla nakita ko daw si Ka Erdy naglalakad nakabarong na long sleeve na puti at papalapit daw sa may hawak ng casket niya. Nagulat daw po ako bakit buhay siya at naglalakad nag-iiyak daw ako.. doon naputol panaginip ko at nagising po ako. Salamat po
LikeLike
Ka Elias, maraming maraming salamat po! Kagabi po tinatanong ko ang Mr. ko kung bakit nagkataon na nakapanaginip ako ng mga ganun tapos ang iba ay nakapanaginip din ng may connection sa Iglesia at nagkataon din kung bakit nagtanong kayo sa blog na ito tungkol sa panaginip! Ngayon pala ay may dahilan base narin sa talatang iyan na ibinigay niyo. Nabigyan po ng katugunan ang nasa isip ko. Salamat po 🙂
LikeLiked by 1 person
Walang anuman kapatid na Aiza… Patuloy kong ipaglilingkod sa tulong ng Banal na Espiritu.
LikeLike
Maraming salamat din Kapatid na Aiza at sa Mr. mo. Ngayon nalaman muna ang kasagutan sa katanungan mo kung bakit nakapananaginip ka ng mga naihanay muna dito. Kaya bilang pagtupad sa gampaning ipinagkaloob sayo ng ating Panginoong Diyos, ay lalo pa kayong maging mabuting instrumento sa paghahanay ng mga pangitain at panaginip. Muli maraming salamat! Basbas at Pagpapala mula sa ating Panginoong Diyos at sa ating Panginoong Jesu-Cristo ang tanggapin ninyo!
LikeLike