PANAGINIP #0005 KAPATID NA ANGELO … PAGTUTURO SA MINISTERIO APEKTADO?

9 thoughts on “PANAGINIP #0005 KAPATID NA ANGELO … PAGTUTURO SA MINISTERIO APEKTADO?”

  1. Ka Elias,
    Mga ilang linggo ko na pong napapanaginipan ang Iglesia ni Cristo nang magkakasunod na gabi. Ako po ay isang katoliko kaya naman po ako ay nababagabag. Ano po ba ang ibig sabihin nito?
    Minsan po, ganto ang panaginip ko, may trahedyang nangyari at lahat ay pinapatay. Kaya tumatakbo daw ako hanggang sa makarating sa Iglesia ni Cristo. Andun ang Katolikong pari, umiiyak at nananalangin, nakatingin sa langit. Dumating ang tatlong taong pumapatay, humingi sila ng kapatawaran at kinausap sila ng pari. Ako naman ay pumasok at nakarating sa opisina. Nagmasid masid. Hanggang sa nagkaroon ng misa. Nakatayo ako sa likod. Sabi ng Pastor, “iwelcome natin ang kapatid nating katoliko” lahat sila ay pumalakpak at isa sa kanila ay lumingon sa kin at ngumiti. Minsan, nasa dagat ako, payapa ang lahat, hanggang sa lumutang sa dagat ang Iglesia ni Cristo at nagliliwanag ang lahat. Unti unting bumagal ang lahat. Parang may enerhiya akong naramdaman na gusto kong lapitan ang INC. Naputol na po doon ang panaginip ko. Minsan naman, nakatayo lang ako sa harapan ng INC. Nanaginip na din ako ng dinodoktrinahan sa loob ng Iglesia ni Cristo. Napanaginipan ko din na umaattend n daw ako ng service sa INC kasama ang isang kapatid. Minsan naman ay habang pasakay ng barko, may mga kabataang pumigil sa kin “ate, wag ka munang umalis. Kelangan mong makinig sa salita ng Iglesia ni Cristo. Napatigil po ako ngunit nagising na po ako.

    Ano po ba ang kahulugan ng mga panaginip kong ito? Naguguluhan na po ako. Tinatawag po ba ako? Maraming Salamat po.

    Like

  2. Ka Elias, sorry to bother you again po, but I had another dream last night. I dreamt that I was in the middle of an ocean filled with sewage and debris. I was holding onto my car which was floating, so I used it to keep afloat. I saw many others in the same situation. Then I floated by 3 American children (two boys and a girl, all blonde) who were also holding onto their car to stay afloat. They caught my attention because they were just children all alone. I wanted to help them, but I was also helpless myself. Suddenly, a giant red bus drove through the water. It was driven by a black lady who was picking up people who had no floatation device, to drop them off at their cars, so they had something to hold onto. I took this chance to hop on the bus, although I felt bad leaving those children behind. On the bus, I saw many different people, with different nationalities. I asked the bus driver to take me to the chapel. She dropped me off on dry ground, which ended up being a dangerous neighborhood where the chapel was located. I walked on the dry street, thankful that I was no longer floating in the sewer water, but afraid because I was in a dangerous neighborhood. I saw my mom and my sister walking towards the chapel too, so I ran to them and met up with them. We arrived at the chapel exactly at 7:30 pm. The worship service was to start at 7:30 pm. We had barely made it in. When I got there, the choir had just finished singing a hymn, and all of the deacons, officers, and members were getting up out of their chairs. I discovered they were going to leave, because the minister had not arrived. Then, the minister did end up arriving, but he was late. Everyone went back to their places. Quietly, everyone whispered for no one to be upset that he was late, because he was newly-assigned to our locale, and maybe he did not yet know the schedule of our worship service here. As I sat down in my seat, I looked down and noticed I was wearing pants, and not a skirt. I was ashamed that the minister would see that I was not dressed properly, so I asked my sister to switch seats with me, so that I could be more hidden from the minister’s sight. After this, I woke up.

    Like

  3. Ka Elias, thank you so much po for taking the time to interpret my dreams. Before I read your very first post, I prayed to God that He give me a sign whether I should entertain any of the information in your blog. After I prayed, I felt a cool shiver, like continuous water trickling down my back. I took this as a sign to pay attention to the words you wrote. So far, everything you have said in your blog has made sense to me, and at times, makes me feel like crying, although I don’t know why. To be honest, the things that you say are quite frightening, but at the same time it gives me hope and encouragement to continue in this fight for our faith, because our salvation is almost at hand. May God continue to guide you with His Holy Spirit. God bless po!

    ISINALIN SA FILIPINO

    Ka Elias maraming salamat po sayo sa paglaan mo ng oras upang bigyang-kahulugan ang aking mga panaginip. Bago ko basahin ang una mong nilathala, nanalangin muna ako sa Diyos na bigyan niya ako ng isang palatandaan kung dapat ko bang istimahin anumang impormasyon sa iyong blog. Pagkatapos kong manalangin, nakaramdam ako ng pangingiligkig sa ginaw, parang may kakaibang gumagapang na patak ng tubig sa aking likuran. Ipinalagay ko na isa itong palatandaan kung dapat ko bang pagtuunan ng pansin ang mga isinulat mong mga pahayag. Sa ngayon, lahat ng sinabi mo sa iyong blog ay nagbigay-unawa sa akin, at may pagkakataon pa nga, nararamdaman kuna lang na umiiyak na ako , kahit na hindi ko alam kung bakit. Sa totoo lang, ang mga sinasabi mo ay lubhang nakapangingilabot, ngunit sa gayunding pagkakataon nagbibigay ito sa akin ng pag-asa at panghihikayat para magpatuloy lang ako sa laban na ito para sa ating pananampalataya, dahil ang ating kaligtasan ay halos nasa mga kamay na natin. Nawa’y patuloy kang gabayan ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Banal na Espiritu. God bless po!

    Liked by 1 person

    1. Walang anuman Kapatid ko! Ipinagpapasalamat ko rin sa ating Panginoong Diyos at sa ating Panginoong Jesu-Cristo na ikaw Minna ay kabilang na sa mga pangunahing nakabahagi ng natatanging gagampanan mula sa ating Panginoong Diyos. Yan ay kaugnay sa Kaniyang naging paunang pahayag na paghahatiran Niya ang lahat ng mensahe upang magbigay babala sa mga pinatutungkulan at magpahayag naman din ng Kaniyang mga saloobin para sa kanyang mga Hinirang. Tulad ng ipinagpauna, lahat ng kinatatakutan ng tao ay dapat munang maganap ngunit iingatan naman ang mga tapat. Kaya kapatid ko wala kang dapat na ipag-alala! Magpatuloy lang tayo lalo na’t natitiyak natin, nasa panig tayo ng Kapangyarihan ng Panginoong Diyos natin at ng Panginoong Jesu-Cristo natin. Sila ang nasa likod ng Banal na Gawaing ito! Sila rin ang nagsusugo ng mag-iingat at magtatanggol sa atin. Kaya nga sino ang laban sa atin? Hayaan ninyong maipakilala ko at masabi ang mga tagubilin ng Panginoong Diyos natin mula’t-mula pa noon. Narito ang Salita Niya noon, mapanghahawakan natin hanggang ngayon. EXODO 23: 20 “Magpapadala ako ng anghel na mangunguna sa inyo. Pangangalagaan niya kayo sa inyong paglalakbay at papatnubayan hanggang sa lupaing inihanda ko sa inyo. 21 Papakinggan ninyo siya at susundin ang lahat ng sasabihin niya sa inyo. Huwag ninyo siyang susuwayin sapagkat lahat ng ginagawa niya’y sa pangalan ko at hindi niya kayo patatawarin kapag nagrebelde kayo sa kanya. 22 Kung susundin ninyo siya at gagawin ninyo ang mga sinasabi ko, ipaglalaban ko kayo sa inyong mga kaaway.

      Like

  4. Maraming salamat kapatid na Elias sa inyong mga paliwanag sa mga panaginip ng ating mga kapatid..nakakalungkot at nakaiiyak ang mga pangyayari sa loob ng Iglesia lalo na ang katiwalian sa pamunuan.. ang dating maningning na kalagayan ng ating mahal na Iglesia at talagang nadungisan.. sana tulungan tayo ng Ama na malinis ang Iglesia..

    Like

    1. Maraming salamat din Kapatid, Kung naging malinaw man at naging maliwanag sayo at sa mga kapatid ang mga ibinigay na pakahulugan ay hindi dahil sa sarili kong pang-unawa. Lahat ng yan mula pa rin sa tulong ng ating Panginoong Diyos at ng ating Panginoong Jesu-Cristo sa patuloy na pag-agapay ng Banal na Espiritu. Alam mo nakalulungkot man ang mga pangyayari, may hangganan din ang lahat ng ginagawa nilang pamiminsala sa Banal na Katawan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Kaya hinihikayat natin ang mga nasa hanay ng Sanggunian at ng lahat ng umaayon sa kanilang masasama nilang gawain. Mga kapatid ko kakaunting panahon na lang ang inilalagi na ibinibigay sa inyong pagkakataon. Bumalikwas na! Sapagkat hindi biro ang mga naunang ipinahayag dito.

      Like

      1. Kapatid na Elias,

        Nanaginip po ako kagabi at nang magwakas ang panaginip ay sabay naman akong nagising (madaling araw kaya nai-post ko tuloy yung aking isang matagal nang napanaginipan).

        Napanaginipan ko po na ako’y pumasok sa isang maliit na kapilya na yari lamang sa kahoy. Ang mga bangko ay yari din sa kahoy na may sandalan pero masyadong masikip ang mga pagitan at di gaanong maayos ang pagkaka- arrange. Sa may harapan ng kapilya ay may awang ang bubong kaya kita ang kalangitan. Lumuhod ako para manalangin pero sa halip na yumuko at ipikit ang mga mata ay tumingala ako sa langit. Nakita ko na ang langit ay maliwanag na maliwanag, ang mga ulap ay mapuputi. Mamaya nakita ko ang napakaraming mga maliliit at maiitim na ibon na sabay-sabay lumilipad mula sa silangan patungong kanluran. Medyo nagulumihanan ako sa aking nasaksihan, parang bad omen.

        Sa isang senario po naman, parang nasa klase ako at nagtatanggapan ng Suguan. Nagulat ako nang magbigayan ng suguan sa mga pagsambang English sa mga malalayong lugar, dahil sa mismong araw ng klase ibinibigay ang mga suguan at noon din ay sasakay sa eroplano para makarating sa oras ng pagsamba. Ako ay isinugo sa isa ring malayong lugar pero di ko na matandaan kung nag-eroplano din ako. Pagdating ko roon ay maliit din ang kapilya at bukod sa madilim ang paligid dahil walang koryente ay basa pa, dahil sa masama ang panahon at umuulan. Kailangang hanapin ko pa ang Pangulong Diakono at dahil walang koryente, ang mga kapatid ay nasa kani-kanilang kuwarto. Magtuturo na ako ay wala pa ring mga tao sa loob. Dahil hindi ako sanay gumamit ng PG na inihanay ng Sanggunian, inilapag ko ito sa sahig at ginawa kong luhuran, at inutusan ko ang aking asawa na hanapin yung outline at yun ang aking gagamitin.

        Dito na po naputol ang aking panaginip at ayaw na akong dalawin ng antok.

        Ang inyong kapatid,

        Martin

        Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s