Ka Maria
KAUGNAY SA PANAGINIP NI KAPATID NA AIZA …
AMOS 5: 1 Mga taga-Israel, pakinggan ninyo ang panaghoy kong ito tungkol sa inyo: 4 Ito pa ang sabi ni Yahweh sa mga taga-Israel: “Lumapit kayo sa akin at kayo’y mabubuhay; 7 Kahabag-habag kayo na nagkakait ng katarungan at yumuyurak sa karapatan ng mga tao! 10 Namumuhi kayo sa naninindigan sa katarungan, at hinahamak ang nagsasabi ng katotohanan. 11 Ginigipit ninyo ang mahihirap at hinuhuthot ang kanilang ani. Kaya’t hindi ninyo matitirhan ang bahay na batong inyong itinayo, ni malalasap man lang ang alak mula sa malalawak ninyong ubasan. 12 Alam ko kung gaano karami ang inyong ginawang kasamaan, at kung gaano kabigat ang inyong mga kasalanan. Kayo’y humihingi ng suhol sa mga taong matuwid, at ipinagkakait ninyo sa mga mahihirap ang katarungan. 13 Naghahari ang kasamaan sa panahong ito; kaya’t kung ika’y matalino, mananahimik ka na lang. 14 Gawin mo ang matuwid, hindi ang masama, upang ikaw ay mabuhay. Sa gayon, sasaiyo si Yahweh, ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat, tulad ng sinasabi mo. 15 Kamuhian mo ang masama, ibigin ang mabuti. Pairalin mo sa mga hukuman ang katarungan, baka sakaling kahabagan ni Yahweh ang matitirang buhay sa lahi ni Jose. 16 Kaya’t sinasabi ni Yahweh, ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat, ang Panginoon, “Maririnig sa mga lansangan ang mga pagtangis; at ang mga paghihinagpis sa mga liwasan. Pati ang mga magsasaka ay makikidalamhati, kasama ng mga bayarang taga-iyak. 17 May mga pagtangis sa bawat ubasan, sapagkat darating na ako sa inyong kalagitnaan.” 18 Kahabag-habag kayo na naghi-hintay sa pagdating ng araw ni Yahweh! Bakit ninyo hinihintay ang araw na iyon? Iyon ay magiging araw ng kadiliman, hindi ng kaliwanagan. 19 Para kayong umiwas sa leon ngunit oso ang nasagupa! O kaya’y gaya ng isang taong umuwi sa bahay, ngunit pagsandal sa dingding ay tinuklaw ng ahas! 20 Magiging pusikit na kadiliman at hindi kaliwanagan ang araw ni Yahweh; araw na napakalungkot at napakadilim! 21 “Namumuhi ako sa inyong mga handaan, hindi ako nalulugod sa inyong mga banal na pagtitipon.
Ang mga katotohanang ito ang paglalarawan ng Panginoong Diyos natin kung paano nila pinakikitunguhan ang mga kapatid. Pinagkakaitan nila ng katarungan at ang sama pa nito grabe nila kung yurakan ang karapatan ng iba. Galit na galit sila sa mga kapatid nating naninindigan sa katarungan at kapag nagsasabi ng katotohanan sobra kung kanilang mga hamakin at pasinungalingan ang mga katotohanan inihahayag patungkol sa masasama nilang gawain.
Walang hindi sa kanila nakauunawa na masama ang kanilang ginagawa. Alam nilang masama ngunit nahihirati na sila sa patuloy na paglusong sa nakapipinsalang kaisipan, pananalita at paggawa. Balikwas na mga mahal kong kapatid! Igalang ninyo ang kabanalan ng ministerio. May nalalabi pang panahon! Nawa, huwag kayong mabilang sa tiyak ng mapapahamak na ang patutunguhan ay dagat-dagatang apoy, balikwas na, piliin na ninyong maging mabuti, iwan na ninyo ang masamang pamumuhay. Tularan niyo ang matutuwid ninyong mga kasama sa ministerio na napipintasan dahil sa inyo.
PAHAYAG 22: 11 Magpatuloy sa pagpapakasama ang masasama, magpatuloy sa pagpapakarumi ang marurumi, ngunit ang mabubuti ay magpatuloy sa pagpapakabuti at ang banal sa pagpapakabanal.” Kaya nga matawagan tayo ng pansin sa talatang nabasa niyo. Kung ano ang piliin ninyo, magpakasama, magpakarumi, magpakabuti o magpakabanal yan na ang ilalagi ninyo. Kaya mas piliin na natin NGAYON DIN ang magpakabuti at magpakabanal. Dahil kung ang pipiliin natin ay magpakarumi at magpakasama. Aral na tayo, na di yan nakalulugod sa ating Panginoong Diyos at sa ating Panginoong Jesu-Cristo. Kung yan pa ang pipiliin natin sa kabila na inaralan na, tinuruan na tayo, nakilala na natin ang katotohanan, malinaw na ang pagkakasala ay sinasadya na natin. Kaya,
HEBREO 10: 26 Sapagka’t kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan, 27 Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway. 28 Gaano kayang higpit ng parusa, sa akala ninyo, ang ihahatol na nauukol doon sa yumurak sa Anak ng Dios, at umaring di banal sa dugo ng tipan na nagpabanal sa kaniya, at umalipusta sa Espiritu ng biyaya? 30 Sapagka’t ating nakikilala yaong nagsabi, Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti. At muli, Huhukuman ng Panginoon ang kaniyang bayan. 31 Kakilakilabot na bagay ang mahulog sa mga kamay ng Dios na buhay.
Ka Elias nanaginip po ang 10 taon gulang kong anak matapos ang Pastoral Visit ng Ka EVM sa aming lokal.Sa panaginip niya nasa kapilya kami ng madaling araw mga 3am. Nakayapak siya. Nakita niya akong nakatayo sa isang dako ng kapilya at sinabi ko sa kanya na winawasak ito. Pagtingin niya ay may apat na helicopter na kung saan nakatali ang kapilya. Iniangat daw ito ng mga helicopter at inihampas sa malaking pader hanggang mawasak. Wala siyang magawa kundi umiyak ng umiyak. Pag-uwi nakita niya sa TV yung pagwasak sa kapilya. May kahulugan po kaya ito? Nanaginip po siya bago pa namin nalaman ang nangyayari ngayon sa Iglesia. Maraming salamat po.
LikeLike
Ka Elias, maraming salamat po sapagkat pakaiingatan ko po ang aking pagiging kaanib sa iglesia ni cristo sa kabila ng maraming pagsubok at mga balakid magpapatuloy po ako sa aking paglilingkod sa ating Ama kapiling ng aking asawa.maraming salamat po.
LikeLike