Gandang AM po,
Meron daw po kaming titignang malilipatan na bahay, pero parang bodega, nang pagpasok namin sa tagiliran ng pintuhan… na medyo bandang likod, maluwag po pero sa bandang unahan, meron palang pagtitipon at praktis ng mga mang-aawit. Palusong siya na parang theater ang set up dahil makikita mo sa baba yong mga nanguna at nagpeperform, at biglang nagkagulo ng may dumating, ang sabi mga leaders, nakipila narin ako kasama bunso ko at anak ng isang kapatid na kung sinong may gustong makipagkamay, yon pala ice candy ang ibibigay, kulay violet sa akin. Nang akmang ngatngatin ko ang plastik na nabalunbong bahagi ng ice candy, bigla ulit nagkagulo, lahat ay yumuko at halos lumuhod maliban ako at mga kasama ng Mataas na Katungkulan, medyo natakpan ako ng dalawang mama, parang security guard ng mga dumating. Humagulgol po ako at napapikit ng sandali at nanalangin sa Ama, sa Kanya lang ako yuyuko at sasamba. Nang ipinaling bahagya pakanan ang ulo ko upang tignan kung sino ang niluluhuran nila? Nagsalubong ang mata namin, mga mata niya ay umaninag na parang kristal? Hindi naman mukha ni EGM o si EVM pero parang mukha ng Huling Sugo, payat at bilugin ang mukha? Sinuway niya ako at bakit daw di ako gumaya mga ginawa ng karamihan? Nanatili lang po ako nakatayo at nagising na po ako.
Abedom
Magandang umaga Kapatid, Maraming salamat at nakibahagi kayo sa pahinang ito ng mga panaginip na pinahihintulot ng Panginoong Diyos para sa ikalilinaw ng mga usapin mayron ngayon na nagaganap sa kabuuan ng IGLESIA NI CRISTO. Nawa ang kapayapaan at pagpapala ay dumating sayo at sayong sambahayan tulad ng panalangin ko sa lahat ng nakikibahagi dito at ibinabahagi ang mga kaalaman at kaunawaan dito na nagagawa lang ng abang lingkod niyo sa tulong ng Banal na Espiritu na isinusugo ng Panginoong Diyos natin at ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
Ang panaginip mo, ang tagpo ay nasa isang bahagi ng Philippine Arena dito na nga nililipat ang mga pangunahing aktibidad. Anyong bodega sa gawing tagiliran sa pagpasok mo… kapag nasa loob kana ay palusong sa bandang kalagitnaan, na nakikita mo ang nasa entablado kung may magpe-perform. Sa paglalarawan sa panaginip mo marami ang naroroon na nasa kasalukuyang nag-eensayo nang biglang nagkagulo dahil sa dumating. Ang nakatatawag ng pansin dito ang terminong mga leaders .. pinahintulot na mabanggit dahil marami na nga sa mga nangunguna o namumuno ang mabilis na kumilala sa tinig ng magbibigay sa kanila ng hudyat. Dahil ang mga leaders na sinasabi mo sa panaginip ay mga pangunahing binibigyan ng instruction o bilin. Sa pagpila ninyo may mga ibinigay na ikapanlalamig ninyo… kasi ayaw man at sa gusto kukunin ninyo yun… ang “kulay violet sakin” yan ay katumbas ng ibabayad mo doon sa ibinigay sayo. Ibig sabihin sa loob ng Arena ay may ibibigay sa inyo na tutumbasan mo ng halaga sa kulay na iaabot sayo. 100 pesos ang halaga ng ganun lang kaliit na binigay sayo doon. Inilalarawan pa na gutum na gutom ka na (paano ba naman pati yun pipilahan niyo) kasi sa halip na kagatin lang ay halos ngatngatin muna sa pinapahiwatig. Hanggang sa muli kamong nagkagulo, kaya lang napansin mo ang lahat ay nakayuko at nakaluhod maliban sayo at mga kasama na Security ng nasa mataas na katungkulan na dumating. Ikaw ang tinayuan ng dalawa dahil sila ang babakod na magtatanggol sa mataas na katungkulan na dumating kung gagawa ka ng paglaban sa kanya. Tama yung ginawa mo kahit sa panahon ng nananaginip ka, magagawa mong utusan ang isip mo na makapanalangin. Iniluha mo sa Panginoong Diyos na sa Kanya mo lang ipatutungkol ang pagyuko at Pagsamba. Nang kilalanin mo kung sino ang kanilang niluluhuran ipinakita kamo sayo ang mukha. Lamang hindi ang Kapatid na Erano G. Manalo at hindi rin kamo ang Kapatid na Eduardo V. Manalo pero parang (parang?) mukha ng Huling Sugo … payat at bilugin ang mukha. Pilit niyang pinasusunod ang lahat ang paglalarawan ay sambahin siya at sundin ang lahat ng kaniyang ipinag-uutos. Ang ibig ipaunawa sa panaginip mo nagpapakilalang siya ay sugo rin tulad ng Kapatid na Felix Y. Manalo. Yan ang pagkakilala niya sa sarili. Hindi ang Kapatid na Felix Y. Manalo mismo sapagkat siya ay patay na. Kaya ang pinatutungkulan ng panaginip ng lahat, kung sino ang buhay at nasa panahon natin ang kasalukuyang ipinakikilala sa panaginip mo. Siya ang kapatid na Glicerio B. Santos, Jr. o Jun Santos ang nagpapakilalang siya na ang namamahala ngayon sa Iglesia sa kasalukuyan. Siya rin ang nag-uutos na ilipat na sa Philippine Arena ang lahat ng pangunahing mga aktibidad dahil sa pansariling pakinabang na inilalarawan sa panaginip mo. At siya rin ang kaugnay sa panaginip ng Kapatid na Minna.
—————————————————————————————————-
Kapatid na Minna, Jun 25th, 12:32am Maraming salamat sa pagbibigay kahulugan sa panaginip ko. Mayron pa po akong isa. Napanaginipan ko, kinakausap ako ni Jun Santos at ang kapatid na Angelo (anak ng Kapatid na Eduardo V. Manalo) Sabi niya sa amin may …
PAKIBASA NA LANG KAPATID SA LINK NA YAN, KAUGNAY SA PANAGINIP MO.
Reblogged this on Iglesia Ni Cristo Never Keep Silent.
LikeLike
ISAIAS 1: 26 Bibigyan kita uli ng mga tagapamahalang tulad noong una, at ng mga tagapayo gaya noong simula, pagkatapos ay tatawagin kang Lunsod ng Katuwiran, ang Lunsod na Matapat.”
Sino po kaya ito?
LikeLike