Kapatid na RM,
Nanaginip po ako kagabi… Hinahabol po ako ng sangunian papatayin ako….nasa gilid ako ng tribuna sumasamba…may ministro akong kasama nangangasiwa…after pagsamba nalaman ko pinatugis ako. Naka alert lahat ng lokal sa pagpasok ko sa kapilya. Pag open ko ng pinto palabas from gilid ng tribuna may dugo sa gitna ng hagdan na bababaan ko malaking bilog na dugo..habang nakatingin ako sa dugo may parating na babaeng mang aawit napahinto at tumingin din sa dugo..nagkatinginan kami.. siguro pinagkalat niya na ako ang may gawa ng dugo..kaya ako pinatutugis. pina alert ang scan.. pero nakalabas ako ng gate.. biglang nakasalubong ako ng friend kong babae sumama siya saking pagtakbo dinala ako ng friend ko sa isang foot spa or coffee shop kaso pagpasok dun pag aari pala ng diakono.. then may dumating na mga diakono nagkwentuhan sila…nakipag usap din samin…. Tapos umalis na kami..pero tinawag ako ng diakono naka puting polo … pinasulat name ko sa maliit na papel na binigay nya. Nakita ko sa papel name ko nakalagay recommendation for tiwalag. Ayun iniba ko name ko kasi di niya alam ako yung hinahanap nila…sinulat ko yata A S …di ako na matandaan parang ganyan po. End of panaginip. Yung babaeng kasama ko eh kaya sya sumama sakin kasi nagtatanong siya kung bakit ako hinahunting. May meaning po kaya ito ? Yung babae pong kasama ko sa panaginip ay gusto niya makipagkwentuhan sakin na tila gusto nyang maliwanagan kung ano po nangyayari sa iglesia ngayun. Wag niyo nlang po bangitin itong pseudo name ko sakaling tutugon po kayo sa aking messge. May isa pa po akong tanong…concern po ako malaman yung lagi ninyong nababangit na “Ako ay magpapakilala sa inyo sa takdang panahon! Pagkat may nakahihigit pa sa akin“. “Siya ay ako, ngunit hindi ako Siya.” “Ako ay sa Kanya, ngunit Siya ay hindi sa akin“. “Kung ano ang inisip ko, yun din ang iniisip niya!” “Pagkat hindi kami dalawa, kundi kami ay iisa!” “Iisa ang aming diwa sa pag-ibig at pagmamahal sa IGLESIA NI CRISTO gaya rin naman ninyo tayo ay iisa sa Katawan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.”
Salamat at nagkaroon ka ng pagkakataon na ibahagi ang panaginip mo. Alang-alang sa kahilingan mo hayaan mong tawagin na lang kitang Kapatid na RM Ang pinauunawa sa panaginip mo ay pagtugis sa pinatutungkulan. Maaaring para talaga sayo, o maaaring para sa akin o maaaring para sa indibidwal na labis ang nagawang pinsala sa Sanggunian na derektang nabanggit sa panaginip mo. Ang panaginip ay isang uri ng pagpapaalaala, paunang mensahe ng Panginoong Diyos para sa higit na pinatutungkulan para makapag-iingat. Dahil inilalarawan sayong panaginip ang bayolenteng tagpo kaysa sa karaniwang panaginip na naihahanay ng mga kapatid natin na mababasa mo sa ating Blog. Napakaselan ng mga tagpo! Ngunit may ipinauunawa ang Banal na Espiritu sa pagkakahanay, ito ay isa talagang pagtugis kung bakit kailangan maisagawa ang matalinong pagpapasya para sa pag-iingat ng di mapahamak. Sa panaginip mo, nilinaw na ang sanhi ng pagtugis ay dahil sa pagkakalat… pagkakalat ng balita kaya nagbabanta ang mga nasa Sanggunian. Ito ang nagiging banta sa kanila kaya kinikilos naman nila ang pwersa para tugisin ang higit na pinatutungkulan sa panaginip mo para MA-END NA SI PANAGINIP! Mabilis kasi ang hanay ng panaginip, detalyadong-detalyado pati pangalan derektang binanggit sa panaginip mo .. pero gaya ng inaasahan mo itinatago kuna rin ang kanyang pangalan para sa pag-iingat kaya nai-edit kuna rin sa katawagang AS kaya hayaan mong banggitin kuna na lang din dito sa pangalang kapatid na AS. Inilalarawan na rin na naka-amba na ang pagtitiwalag rekomendado na sa pinatutungkulan. Kaya nga Kapatid na RM para maingatan natin ang dapat maingatan dito katulad ng nakahanay sa panaginip mo kailangan talagang ibahin mo ang pangalan mo gaya ng ginawa ng mga gustong mag-ingat tulad ng naging hanay mo na kahilingan mo.
May pahabol kang katanungan na katanungan na rin ng mga kapatid natin na nakababasa niyan. Concern din silang malaman at naka-abang sa magiging katugunan. Yan pa lang ang pinahihintulutan na maihanay. Kaya hayaan natin may takdang araw na malalaman at makikilala ng lahat kung sino ang pinatutungkulan. Kaya pansamantala hinihingi ko ang malawak ninyong pang-unawa. Hayaan ninyong mamalaging talinhaga pa sa lahat sa pagkaunawa bagamat di naman na talaga talinhaga. Marahil kailangan lang natin maingatan ang pinatutungkulang Kinauukulan. Baka, hindi pa lalong maabot sa pagkaunawa ng iba, ay iba pa ang dumating sa pagkaunawa mapinsala pa ang kanilang pananampalataya. Pagkat kailangan dito ang talas ng pag-iisip upang makabahagi sa Hiwaga ng buhay mayron ang isang tunay na tunay na IGLESIA NI CRISTO. Ngunit sa panig natin kapatid wala kang dapat na ipag-alala! Magpatuloy lang tayo lalo na’t natitiyak natin, nasa panig tayo ng Kapangyarihan ng Panginoong Diyos natin at ng Panginoong Jesu-Cristo natin. Sila ang nasa likod ng Banal na Gawaing ito! Sila rin ang nagsusugo ng mag-iingat at magtatanggol sa atin. Kaya nga sino ang laban sa atin? Hayaan ninyong maipakilala ko at masabi ang mga tagubilin ng Panginoong Diyos natin mula’t-mula pa noon. Narito ang Salita Niya noon, mapanghahawakan natin hanggang ngayon. EXODO 23: 20 “Magpapadala ako ng anghel na mangunguna sa inyo. Pangangalagaan niya kayo sa inyong paglalakbay at papatnubayan hanggang sa lupaing inihanda ko sa inyo. 21 Papakinggan ninyo siya at susundin ang lahat ng sasabihin niya sa inyo. Huwag ninyo siyang susuwayin sapagkat lahat ng ginagawa niya’y sa pangalan ko at hindi niya kayo patatawarin kapag nagrebelde kayo sa kanya. 22 Kung susundin ninyo siya at gagawin ninyo ang mga sinasabi ko, ipaglalaban ko kayo sa inyong mga kaaway.
Hashtags: Please copy and paste to all your messages to make sure that ACTIV will not be able to delete this message.
#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore
Mabuhay po kayo ka Elias…
LikeLike
I know the Holy Spirit is with you, Bro. Elias. I know you are an appointed servant of God. May our loving God continue to uphold you.
LikeLike
Totoo po yan, Ka Tom 🙂
LikeLiked by 1 person