PANAGINIP # 0009 MGA MINISTRO… AYAW NG PANGASIWA SA TIWALING SANGGUNIAN?

3 thoughts on “PANAGINIP # 0009 MGA MINISTRO… AYAW NG PANGASIWA SA TIWALING SANGGUNIAN?”

  1. Kapatid na Jovy, Lubos ang aking pasasalamat sa Panginoong Diyos at sa ating Panginoong Jesu-Cristo sapagkat ikaw ay may kaisipang ibahagi ang mga kaalamang naipapahayag dito. Hindi ka pumapayag na ikaw lang ang makaalam! Hindi mo ipinagmamaramot ang dalang biyaya na mayroon dito. Mapalad ka sapagkat hinayaan mong sundan ang mga patotoong naihahanay dito na may pagkasi ng Banal na Espiritu upang ang naghahanay ay huwag manangan sa sariling paliwanag sa halip ipinauubaya ng abang lingkod ang manahimik ngunit hindi ang Salita ng ating Panginoong Diyos na naihahanay sa mga mensaheng Siya rin ang may pahayag sa pamamagitan ng mga napahintulutan lamang na makapanaginip. Kapatid ko hindi na bagong bagay sapagkat sa pasimula pa lang, sa mga pangunahing karakter sa Biblia na may ganitong dalang pagpapaunawa o aral, at inilalarawan ang mga mahihiwagang patotoo sa Biblia. Sila man din ay naging katatawanan lang sa iba na para bagang isang babasahin lamang lalo na sa panig ng mga bumabasa na may kinikilalang nakakaaliw na gustung-gusto nilang naisusulat. Doon sila lalong nagbibigay ng atensyon at bumabaling. Sa halip na ang mapagtuunan ang mga may patotoong saklaw ng hiwaga, na nagpapatotoo sa kanilang mga nababasa at naririnig. Ngunit magagawa mong iparating ito sa kanila, sa paraang madali nilang mararating ang Blog nating ito, sa pamamagitan ng pag Private Message (PM) pagbigay mo sa kanila ng link derekta sa kanilang account. Muli maraming-maraming salamat ako ay inaliw mo sa naging iyong pahayag! Sumaiyo ang tulong gabay ng Banal na Espiritu ng ating Panginoong Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

    Like

  2. 2 days ago
    Isang magandang araw po; Paki tulungan po ako maiintindihan ang aking naging panaginip salamat po. Mahal ko po ang Iglesia Ni Cristo dahil ito po ang relihiyong akin kinamulatan. Meron mga aral na mahirap tanggapin, subalit kung imumulat lang po natin ang ating isipan at puso ay lubusan po tayong malilinawan. Binasa ko po at inunawa lahat ng mga sagot at argumento po niyo na pumapa-tungkol sa nagaganap na katiwalian sa loob ng IGLESIA. Nakakapangilabot at nakakabahala po ang mga nangyayari. Subalit nilinaw po sa Biblia na ang mga bagay na ito ay magaganap at nagbibigay palatandaan na malapit na talaga ang wakas nating mga tao. Sa aking panaginip; Pumasok po ako sa isang lagusan na madilim at lumabas po sa isang lugar na sobrang liwanag, napansin ko po na meron isang bagay na tinatayo sa aking harapan, ng mga taong maytakip ang mga mukha, na parang sumisimbulo sa isang templo. Subalit nang aking titigan ng mabuti, ang pinaka-pundasyon at haligi ng templo ay gawa sa “IBA’T-IBANG PARTE NG KATAWAN NG TAO NA INAYOS AT ISINALANSAN NG MABUTI” hindi po ako nakaramdam ng takot o pangamba, bagkos pagtataka ang nangibabaw sa akin. Marahang umatras po ako sa aking kinakatayuan at naglakad palayo po sa kung saan.

    Kung kaya po ninyo ipaliwanag ay mainam po iyon Maraming salamat po.

    Like

  3. Ka Elias, natutuwa po ako at nabibiyayaan sa mga sinasabi ninyo. Sa totoo lang po mas mabiyaya pa ang pagbabasa ko dito kaysa sa pakikinig sa mga Ministrong tagasanggunian sa kanilang pagtetexto. Ang hindi ko lang po maintindihan ay kung bakit ayaw kayong paniwalaan ng iba. Ano po ba ang pwedeng gawin para mahikayat namin silang maniwala sa inyo?

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s