A. PAHAYAG AT PAGKILALA NG KAPATID KO … SA GABAY NA BANAL NA ESPIRITU

9 thoughts on “A. PAHAYAG AT PAGKILALA NG KAPATID KO … SA GABAY NA BANAL NA ESPIRITU”

    1. Kopya ng panaginip na ipinadala sa email ni Kapatid na Antonio noong Hunyo 30, 2015:
      Komusta na, Kapatid na Antonio,

      Ako ay nakasulat na muli upang magpahayag na lalong nag-iibayo ang aking Pananampalataya na ang Kapatid na Elias nga ay Siyang Hinirang ng Espiritu Santo para magtanggol sa ating mahal na Iglesia at ibalik ito sa dating uri na malinis at walang kulubot (maayos) na Pamamahala ng ating Pinakamamahal na Eraño G. Manalo. At gaya ng kaniyang binanggit sa isa sa nag-comment sa kaniyang blog, hindi na rin talaga masyadong mahiwaga sa akin kung Sino siya.

      Noong nakaraang linggo ay nanaginip ako at ito ay ikinuwento ko sa aking asawa at kinuha ko ang kaniyang opinion kung dapat ko itong isulat kay Kapatid na Elias. Nanalangin ako sa Panginoong Diyos na ipinahayag ko sa Kaniya ang aking pagkilala na si Kapatid na Elias na nga ang Siyang Kaniyang Hinirang at pinagkalooban ng Banal na Espiritu para ayussin ang lahat ng bagay sa Iglesia. Sumangguni ako sa Kaniya kung dapat kong isulat ang aking napanaginipan at ako nga’y naghintay ng Kaniyang katugunan. Sa pagdaraan ng mga araw laging umuukilkil sa aking isipan buong araw mula sa aking paggising hanggang sa pagtulog, pero hindi naman ako natatakot kundi lagi pa ring nagtatanong sa sarili kung susulat na ako o hindi pa. Ang nakapag-udyok sa akin para isulat na ito sa pamamagitan mo ay ang kaniyang sinabi kay Kapatid na Raphael na, “Maraming salamat Kapatid na Raphael at ibinahagi mo ang panaginip ng iyong anak. Yan ay malaking pagkilala mo sa ibinigay ng Panginoong Diyos sa kanya na kanyang gampanin o tungkulin ang makapagpahayag ng mensahe.” Ang isa pa na nagpalakas ng aking loob ay ang conviction na anuman ang ibubunga ng aking pagsulat ay hindi na ako matatakot pagkat ako ay nasa panig ng kinasihan ng Banal na Espiritu. Nadama rin mula nang ako’y magpahayag na lalong malakas na pagkasi ng Banal na Espiritu sa aking mga pagtupad at lalo ko Siyang nakilala hindi lamang sa aking puso kundi sa aking pagkaunawa. Pagkat kung ang isang kapatid ay naniniwala, katulad ng maraming ministro, na totoong lahat ang kanilang nalalaman tungkol sa Sanggunian at sa masama nilang “pinuno” ay sasampalataya rin siya na may darating na “Elias” na magsasa-ayos ng lahat ng bagay, pagkat ang Iglesiang ito ay hindi na matatalikod kundi daratnang banal at malinis ng ating Panginoong Jesus. Lahat silang Sanggunia ay dumating na sa point of no return na kahit gusto pa nilang bumalikwas ay wala nang natitira sa kanila kundi ang paghihintay sa kakila-kilabot na INDULTO. Kaya ang aking pagpapahayag ng pagkilala kay Kapatid na Elias ay isang “leap of faith”—mangyari na ang mangyari, ako ay sumasampalataya na ako at aking pamilya ay magiging ligtas na kasama niya.

      Kaya sa iyo ko minarapat na paraanin ang kuwento ng aking panaginip sa halip na sa wordpress ay sapagkat gaya rin ng kagustuhan ni Kapatid na Elias ay dapat na kami ay magpakatalino sa aming mga pagkilos. At ako ay naniniwala na sa pamamagitan mo ay makakarating ito sa kaniya.

      ANG PANAGINIP (Dalawang yugto):

      (Unang yugto) Nasa loob ako ng isang malaking bahay na hindi naman kongkreto kundi yari lamang sa kahoy, pero ang lahat ay black and white at mapusyaw. Nasulyapan ko si Ka Eduardo na pumapasok sa kabilang daanan, opaque din ang tingin ko sa kaniya at pero mataba at parang matamlay, May dibisyon sa pagitan ko at ng dinadaanan niya pero mababa at ang nakita ko lamang ay ang itaas at kanang tagiliran ng kaniyang katawan. May naaninawan akong babae na sumusunod sa kaniya pero malabo at lagus-lagusan ang kaniyang anyo na parang vapor lamang; in- assume ko na yun ay ang kaniyang asawa. Na- realize ko bahay pala ng Kapatid na Erano Manalo yun, at may tinig na nagsalita sa akin mula sa likuran ko, in- assume ko rin na tinig ng aking asawa, na nagsabing, “Hiwalay na ang tirahan nila Ka Eduardo kay Sir, may pader na sa pagitan ng mga tinitirhan nila.

      (Ikalawang yugto — lahat ay in color na ng light green at yellow o kaya ay yellow-green) Nakita ko mula sa kinatatayuan ko isang eroplano na yellow at green ang pintura na nag-landing sa isang lugar na napapaligiran ng maraming puno. Pumarada ito sa tabi ng isang malaking globe na mas mataas pa sa kaniya. Iniwang naka- idle ang makina dahil may hihintayin siya na sasakay. Ang mga mapa ng mga continente sa globo ay nakukulayan ng either green or yellow, ang Brazil ay yellow. Kasunod ay parang naka- suspend ako sa aire at nakita mula sa itaas ang eroplano at globo at sa pagitan nila ay isang flagpole na kasingtaas ng globo na nakalagay ay ang flag ng Brazil. Nang nasa lupa ulit ako, naka- idle pa rin ang eroplano pagkat di pa dumarating ang hinihintay. Hanggang sa nago- overheat na ang engine. Nagtanong ako bakit hindi pinapatay ang makina. Sa halip bigla kong nakita ang isang barbecue-han sa tabi ng globo na umuusok at mainit na mainitna may sukat na four feet by four feet by three feet, kargado ng uling pero umuusok lang at mainit na mainit. May isang lalake na hindi ko kilala (ang kalan at lalake lamang ang black and white sa yugtong ito ng panaginip), slender mga six footer, nakasuot ng puting long sleeve at pantalon pero nangingitim at nanlulumahid, nakasandalias lang siya. Sa halip na sabuyan ng tubig ang kalan ay pilit na tinatakpan niya ito ng corrugated galvanized iron na karaniwang ginagamit na bubong sa Pilipinas.

      (Wakas ng panaginip, Tawagin na lang ako sa first pseudonym na Martin.)

      Ang iyong kapatid,

      Martin

      Like

  1. Mahal na Ka Elias
    Marami na po ako na pinasahan ng Blog po na ito na nakaunawa at nagalak. Subalit may ilan din naman na hindi makapaniwala lalo na po sa Blog ni Ka Antonio Ramirez Evangelista na paninira daw po. Ewan lang po if binasa nila lahat ng paghahayag niya. Yung iba na mga kapatid ayaw basahin, dahil ang utos po ng Pamamahala ay huwag magbasa ng Social Media

    Like

    1. Ka Rahab,

      Mabuti po at kagaya ko rin kayo na isa sa nakaunawa. Ako naman po ay nalungkot dahil pinaghinalaan ako ng iba na ako daw si Erano Martin o alagad ni Erano Martin dahil sa pagpasa ko ng blog na ito sa kanila. 😦

      Like

  2. Ka Elias, nakakalungkot po ang mga pangyayari ngayon sa Iglesia pero sa kabilang banda ay natutuwa po ako dahil nalaman ko ang mga katotohanang ito na ayaw basahin ng iba, masasabi kong napakapalad ko. Pinipilit ko po sila na magbasa dito, ang iba nakikinig at nagbabasa na ngayon dito at ang iba naman sinasarado talaga isip nila at napagkakamalan pa po akong tiktik ng Sanggunian. Maging ang iba ko pong kapatid nagbabasa na pero ang iba ayaw padin 😦 Sabik na sabik na po kami na malaman ang ikalimang bahagi na isusulat niyo dito na base sa hula sa Biblia. Nagresearch din po ako tungkol sa mga ibinahagi ninyo at nalaman ko po na 100% na TOTOO! Nakakakaba po kung ano ang susunod ninyong ipapabasa sa amin pero umaasa po akong lalong makakapagpalakas ito ng aming kaluluwa. Lubos pong lumakas ang pananampalataya ko sa Dios dahil sa mga ibinahagi ninyo dito. SALAMAT PO NG MARAMI! AT MARAMING SALAMAT PO SA DIOS NA GUMAGABAY SA LAHAT NG INILALAHAD NIYO!

    Like

  3. magandang araw po! may mga katanungan po ako.

    1. Kapatid po ba kayo sa IGLESIA?
    2. Magkakilala po ba kayo ni Ka Antonio Ebanghelista o IKAW at SIYA ay IISA?
    3. Nabasa ko po lahat ng article ninyo, sa aking pagkakaunawa, ayon sa inyo ay may susunod na Pamamahala o magiging Leader ang INC na wala sa hanay ng mga Manalo. At ito po ay nalalaman ng Ka Erdy nung sya ay nabubuhay pa, paano at gaano po kaya ito katotoo?
    4. Ayon din po sa isang article nyo, “Pagkat alam ng Kapatid na Erano G. Manalo na mangyayari ang lahat ng ito. Hindi siya papayag na mapariwa ang IGLESIA NI CRISTO, kaya naisagawa ang pagpapatong ng Kanyang kamay sa Kinauukulan. Ako ay magpapakilala sa inyo sa takdang panahon! Pagkat may nakahihigit pa sa akin. “Siya ay ako, ngunit hindi ako Siya.” ” Ako ay sa Kanya, ngunit Siya ay hindi sa akin.” “Kung ano ang inisip ko, yun din ang iniisip niya!” Pagkat hindi kami dalawa, kundi kami ay iisa!” “Iisa ang aming diwa sa pag-ibig at pagmamahal sa IGLESIA NI CRISTO gaya rin naman ninyo tayo ay iisa sa Katawan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.”.. Ano po ang ibig nyo sabihin dito? Na Mali ang ginawang pagpapatong ng kamay ng Ka Erdy, kay Ka Eduardo? At meron pa syang ibang pinatungan ng kamay?
    5. Nagpapakilala po kayo na Elias, tapos mala-Daniel para po magpaliwanag ng panaginip, pano kayo nakakatiyak na totoo yung mga binibigay sa inyong panaginip?
    6. Nasaan na po yung kasunod na article nyo?

    SALAMAT PO.

    Like

  4. Bro. Elias, thank you so much for sharing what you know. Your words inspire me and give me hope, which helps a lot during these trying times. Please do keep your posts coming as I eagerly look forward to them. God bless.

    Like

  5. Are you a member of INC? Your blog tell us there will be un expulsion through the command of Holy Spirit and I’m very curious about the verses of Daniel your adding the year of trouble, and the birth of Ka EVM and etc.

    Like

  6. Gud am po. Marami lang ang nagtatanung kayo po ba ay kaanib ngayon sa INC? Sinusubaybayan ko itong blog po niyo, kasi daw po ang panaginip at our age and time hindi na po ginagamit at paano po yung July 27 pagtitiwalag talaga po bang mangyayare yun? Salamat po

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s