Kapatid na Elias,
Sino kaya ang makabagong Herodias na siyang totoong UGAT NG LAHAT NG KAGULUHANG ITO? Nagtatanong lamang po.
Naala-ala ko tuloy ang brutal na pangyayaring naganap noong ipanganak ang ating Panginoong Jesucristo–pinagpapatay ni Herodes ang lahat ng batang lalake para matiyak na mapatay ang batang Jesus. – Martin
———————————————————————————————
Kapatid na Martin,
Tayo ay mga lingkod ng Panginoong Diyos na naatasan magpahayag ng Kaniyang Salita na dapat walang kinikilingan kung kanino man ito napatutungkol. Binigyan tayo ng pahintulot na magpahayag gamit ang malayang pagpuna. At ito ay sa panahong natin ngayon na tila sa pakiwari ng iba ay walang mapaghihingahan na ng kanilang mga saloobin mula ng ang kapatid na Eduardo ay mas pinili niya at panaigan siya ng isang desisyon na ang napapaboran ang mga tiwaling Sanggunian.
Sa loob ng anim na taong pananahimik ay narinig na rin natin ang kanyang mga pananaw patungkol sa mga kaganapan na tila nalusaw ang pag-asa ng marami sapagkat hindi nabigyan ng kaukulang pansin ng kapatid na Eduardo ang hinaing ng mga kapatid na siyasatin ang mga katiwalian at ito ay nasa panig ng mga napili niyang maging mga katuwang na nasa Sanggunian.
Matangi pa riyan ang isang pagpapasya ng kanyang itiwalag ang sariling Ina at mga kapatid niya na sina kapatid na Cristina Villanueva Manalo, kapatid na Felix Nathaniel Villanueva Manalo, kapatid na Marco Eraño Villanueva Manalo, at kapatid na Lolita Manalo Hemedez ang pamilya ng kapatid na Eraño G. Manalo na kanyang Tatay, ng nabubuhay pa ang Tagapamahalang Pangkalahatan ng IGLESIA NI CRISTO noon.
Sa mga mababasa sa Blog ng IGLESIA NI CRISTO NEVER KEEP SILENT at Blog ng IGLESIA NI CRISTO …HINIRANG kapwa halos naroon na ang paliwanag kung bakit ang isang anak ay nag-rebelde matapos na di matanggap ang pagpapasya ng Kagalang-galang na Kapatid na Erano G. Manalo na dahil doon nagtanim ng poot at ngayon ay hayag na malupit na naghihiganti.
Sino nga ba at Kanino ba nag-ugat ang lahat ng ito? Bigyan daan natin ang katanungan ng kapatid na Martin isang Ministro ng IGLESIA NI CRISTO upang mabigyang linaw ang lahat.
Kaya kapatid na Martin narito ang katugunan sayong katanungan sa tulong ng Panginoong Diyos at ng Panginoong Jesu-Cristo natin sa patnubay pa rin ng Banal na Espiritu.
SINO NGA BA SI HERODIAS?
Si Herodias hipag ni Herodes sa kapatid niyang si Felipe. Ang katangian ng babaing ito ay makialam. Ang isipan niya ay mapaminsala at kayang magpabilanggo. At higit diyan kaya niyang magpapatay. Ang gusto ni Herodias ay napagbibigyan siya sa kanyang kahilingan at kung matanggihan hindi mo basa kung ano ang lumalaro sa kanyang kaisipan, ang alam niya nagrerebelde siya at hindi siya nawawalan ng pag-asa. Ipipilit niya kung ano ang naging pasya niya, kung ano ang gusto niya walang makahahadlang sa kanya. Kaya nga kahit alam niya ang mga kabawalan, gagawa ng paraan masunod lang ang kagustuhan, handang lumabag sa tuntunin at batas na umiiral sa isang kaharian.
Ito nga ba talaga ang pagkakakilanlan kay Herodias? Mabuti pa na ang Biblia na ang ating sangguniin ng hindi tayo mauwi sa pagbibigay lang ng pansariling pakahulugan. Paano nga ba inilalarawan ng Biblia ang hipag ni Herodes na si Herodias?
MATEO 14 : 1 Nang panahong yao’y narinig ni Herodes na tetrarka ang balita tungkol kay Jesus, 2 At sinabi sa kaniyang mga tagapaglingkod, Ito’y si Juan Bautista; siya’y muling nagbangon sa mga patay; kaya’t ang mga kapangyarihang ito ay nagsisigawa sa kaniya. 3 Sapagka’t hinuli ni Herodes si Juan, at siya’y iginapos, at inilagay sa bilangguan dahil kay Herodias, na asawa ni Felipe na kaniyang kapatid. 4 Sapagka’t sinabi ni Juan sa kaniya, Hindi matuwid sa iyo na aariin mo siya. 5 At nang ibig niyang ipapatay siya, ay natakot siya sa karamihan, sapagka’t siya’y kanilang ibinibilang na propeta.
6 Datapuwa’t nang dumating ang araw na kapanganakan kay Herodes, ay sumayaw sa gitna ang anak na babae ni Herodias, at kinalugdan ni Herodes. 7 Dahil dito’y kaniyang ipinangakong may sumpa na sa kaniya’y ibibigay ang anomang hingin niya. 8 At siya, na inudyukan ng kaniyang ina, ay nagsabi, Ibigay mo sa akin dito na nasa isang pinggan ang ulo ni Juan Bautista. 9 At namanglaw ang hari; datapuwa’t dahil sa kaniyang mga sumpa, at sa nangakaupong kasalo niya sa dulang, ay ipinagutos niyang ibigay na sa kaniya; 10 At nagutos siya at pinugutan ng ulo si Juan sa bilangguan. 11 At dinala ang kaniyang ulo na nasa isang pinggan, at ibinigay sa dalaga: at dinala nito sa kaniyang ina. 12 At ang kaniyang mga alagad ay nagsiparoon, at kanilang binuhat ang bangkay, at kanilang inilibing; at sila’y nagsialis at isinaysay kay Jesus.
Mga kapatid mabuti ng mayron kayong alam patungkol sa tunay na pagkakakilanlan kay Herodias. Ang hipag na wala ng kasing-sama noon, sa panahon ni haring Herodes. Baka may kilala kayo na gayun din ang pagkakilala niyo sa kanya. Kailangan nating mag-ingat-ingat mga kapatid. Mahilig siyang makialam at pangunahan ang kanyang asawa. Hindi siya sumasangguni, ang ibig niya ang nasusunod. Pati ang hari sinisilo niya sa pamamagitan ng tusong pamamaraan.
Si Herodias ay mapanggamit! Ang kanyang anak na babae ang naging silo sa hari kaya naipagkanulo ang kanyang karapatan at ito ang naging dahilan ng kanyang pinsala. Nagkabatik siya sa paningin at pananaw ng maraming tao na kanyang pinangangasiwaan. Malaking kapintasan dahil ang isang lingkod ng Panginoong Diyos ay namatay sa kanyang kapanahunan. Sa pangyayaring yun ang kanyang hipag na si Herodias ang gumawa ng malaking kasiraan at nakialam sa kanyang pamamahala sa kanyang kaharian.
Maging sa panahon natin tila ang espiritu ni Herodias ay may pinatutungkulan na nasa iisang katauhan din. Ito ba ay taglay din ng Kapatid na Babylyn Ventura ang may bahay ng Kapatid na Eduardo V. Manalo?
Bago natin isipin na taglay nga niya.. mabuting pag-aralan natin. Sapagkat kung ang katangian ni Herodias ay hindi iba sa katangian ni kapatid na Babylyn Ventura Manalo, mga kapatid dapat tayong ma-alerto at makapag-ingat. – Elias Arkanghel
…. gumawa kaagad ng salaysay ang Ka Eduardo Manalo ng paghingi ng tawad sa lahat ng kanilang naging pagkakasala sa KAPATID NA ERANO G. MANALO.
Nakasaad sa naturang salaysay ang mga sumusunod:
1. Kinikilala po namin ang aming pagkakasala
2. Humihingi po kami ng pagkakataon upang mapatawad at huwag mapinsala ang aming karapatan.
3. Sumasampalataya kami na ang PAMAMAHALA NG KAPATID NA ERANO G. MANALO at ang lahat ng kanilang PAGPAPASIYA AY MULA SA PANGINOONG DIYOS.
Bagamat ayaw sana ni ka Babylyn gumawa ng salaysay ay natatakot naman siyang huwag lumagda sapagkat ipinaliwanag sa kaniya ng Ka Eduardo na iyon na lamang ang natatanging paraan upang patawarin sila ng Diyos at ng KA ERDY at huwag silang maalis sa tungkulin.
Lumagda din sa nasabing salaysay ang lahat ng mga anak ng Ka Eduardo.
Kinabukasan ay maaga pa lamang ay ipinahatid na ni Ka Eduardo sa tanggapan ng KAPATID NA ERANO G. MANALO ang nalagdaang salaysay ng kaniyang buong pamilya kalakip ang pag-asa na mapanatili siya sa kaniyang tungkulin bilang Pangalawang Tagapamahala na inilagay sa panganib ng kaniyang asawa dahil sa pakikialam sa pangangasiwa sa Iglesia.
Samantala, sa bahay ni ka Eduardo ay nagsasalita at nagsisigaw kung kani-kanino si ka Babylyn. Ito ang kaniyang paraan upang mailabas niya ang kaniyang galit, sama ng loob at mga plano sa hinaharap.
Hinarap niya ang isang kasambahay na tahimik na nagpupunas ng mga kasangkapan sabay sabi:
“TANDAAN MO ITO, PAGDATING NG TAKDANG PANAHON, SISIRAIN KO, DUDURUGIN AT BUBURAHIN SA IGLESIA SI ANGEL AT SI MARK”.
Nangilabot sa mga narinig ang nasabing kasambahay, gulat na gulat at hindi makapaniwala. Sa takot niya dahil sa nanlilisik na mga mata ni ka Babylyn ay kaagad na nagpaalam upang tumungo kunwari sa ibang gawain. Ngunit hindi ito ang totoo niyang ginawa. Tumawag siya sa kaniyang Nanay na noon naman ay isa sa mga kasambahay ng mga anak na KA ERDY at umiiyak siyang isinalaysay ang lahat niyang nasaksihan kalakip ang mga naikuwento sa kaniya ng iba pang mag kasambahay na kanilang nasaksihan sa mga naging pag-uusap ng mag-asawa.
Sa susunod, abangan kung ano ang nangyari sa kasambahay na nagkuwento. At ano ang nangyari pagkatapos magsalaysay ang ka Eduardo.
SOURCES:
Mga kasambahay, Drivers, mga guwardiya at mga pinagtitiwalaang tauhan ni ka Babylyn Manalo.
( May karugtong … Subaybayan)
MAY KARUGTONG PARA SA KARAGDAGANG PAGKAKAKILANLAN SA KUNG SINO AT ANO ANG MALAKING KAUGNAYAN NG MGA PINATUTUNGKULAN SA HINAHARAP PARA SA IGINAGAYAK NA PAGBABAGO AT PAGSASAAYOS NG PANGINOONG DIYOS SA LOOB NG IGLESIA NI CRISTO..
AWESOME
LikeLike
Reblogged this on Iglesia Ni Cristo Never Keep Silent.
LikeLike
KEEP ME POSTED FOR MORE INFO..ABOUT HERODIAS STORY
LikeLike