Iglesia Ni Cristo Never Keep Silent
Panalangin kay Kuya
Panginoong Jesus, Ikaw po ang aming Kuya
Panganay ng mga Hinirang ng ating Dakilang Ama
Aba man kami at sa kabanalan, walang kaya
Tinubos Mo ng Iyong Dugo, Inilapit sa Ama
Kuya, tunay na wala kang kasimbait
Sa pag-ibig mong dalisay, walang maipapalit
Magkasala man kami at makalabag sa Iyong Utos
Hindi Ka nagparusa, ipinamagitan Mo sa Diyos
Kuya, kung sana, kami’y makikiusap
Ipagkaloob ang dalangin naming at ito’y maging ganap
Alalahanin Mo ang atin pong sambahayan
Huwag mong itulot na magkakapatid ay magkalaban-laban
Kuya, hindi ba tagubilin sa Iyo ni Ama
Walang mawala, wala kahit na isa?
Sa halip na mabawasan, Iyo pang paramihin
Sa araw ng pagparito mo, lahat kami tunay na Buhay ang kamtin
Alalahanin mo si Bunso na nagbantay kay Itay
Ayaw magpahinga kahit saglit, ayaw humiwalay
Hawak ang kamay, ibinubulong sa kanya
Itay, huwag mo kaming iwan nina inay
Isipin…
View original post 1,511 more words