PANAGINIP # 0008 SINONG “THE BIG FOUR” SA CENTRAL? … WINASAK NILA ANG IGLESIA?

7 thoughts on “PANAGINIP # 0008 SINONG “THE BIG FOUR” SA CENTRAL? … WINASAK NILA ANG IGLESIA?”

  1. Magandang Araw po ka. Elias, may nakita po ako sa aking pangitain kagabi April 17,2016 habang ako po ay nasa byahe, nakita ko ang aking ANAK sa Tubig na umaagos at sya’y inanod at ang laking gulat ko at lalong nagpakaba sakin ay ng Makita ko sa bandang unahan ng umaagos na tubig ay pabulusok ang agos ng tubig at malalim sa kababagsakan nito at humahalimbukay ang tubig at pagdaka’y naalimpungatan na ako at kinabahan pa ng lalo. Ano po ba ibig sabihin ng aking napaginipan at maari po bang malaman ang kahulugan nito?
    Ang inyong kapatid sa panginoon “_”…..

    ————————————————————————————————-

    Mahal kong kapatid,

    Ang iyong panaginip kapatid ay simbolikal na pinatutungkulan ng anak ay sumasagisag kay kapatid na Eduardo V. Manalo … Nagpakalabis na siya sa pagtampisaw …patuloy na nagpapadala ayon sa kanyang maibigan at hindi na sa Kalooban ng PANGINOONG DIYOS.. Hindi niya namamalayan ang mga panganib sa unahan o sa hinaharap. Ang taas na ng kanyang pagkakilala sa sarili kaya hindi niya mamamalayan na bigla na lang siyang lalagapak sa dami ng kanyang kakaharaping mga problema at suliranin ang simbolikal na paliwanag sa humahalimbukay na tubig. Yan ang tugon sayong panaginip kapatid na Gregorio Pilar. – Elias Arkanghel 02072017

    Like

  2. Ka elias,
    Na istroke po ang papa ko last december. May mga tumutubo na sugat sa mukha niya at ang napaginipan ko po ay related dun nakatayo daw po ako tapos nakita ko po ang aking mukha na may sugat-sugat kagaya ng mga sugat na tumubo sa papa ko. Tumingin po ako sa salamin at nakita ko po na tadtad nga po ng mga sugat yung mukha ko kagaya ng sugat ni papa at nagulat po ako at cnabe ko po na bakit ganun? Kahit hindi naman ako naghihilamos hindi naman nagkakaganun ang mukha ko tapos gulat na gulat po ako di ko po matandaan kung meron din sa katawan pero sigurado po ako na meron sa mukha. Yun lamang po at nagising na ako.

    Like

  3. Ka Elias, maraming maraming salamat po sa inyong paliwanag sa panaginip ng aming anak.
    Magkahalong kilabot po at galak ang aming nadama. Kilabot dahil po sa kahulugan ng panaginip lakip ang patotoo ng Banal na Espiritu at galak na may lakip pagpapasalamat dahil naging isa po siya na ginamit na kasangkapang daluyan ng mga pahiwatig ng ating Panginoong Diyos patungkol sa mga nakalulungkot ngayong kaganapan sa loob ng Banal na Iglesia.
    Kasama po kayo sa aming mga panalangin. Nawa’y patuloy kayong kasihan ng Banal na Espiritu, ipagkaloob ang kapangyarihan at karunungan upang maipaliwanag pa sa amin ang mga kalooban ng Panginoong Diyos upang ihanda kami sa marami pang pagsubok na mangyayari sa darating pang mga araw. Samahan nawa kayong lagi ng Panginoong Jesus sa araw araw, patnubayan ng Kanyang dakilang kapangyarihan at walang hanggang pag-ibig. Higit sa lahat ay patuloy na lukuban kayo ng dakilang kapangyarihan ng Amang nasa langit, upang malubos niyo ang isang napakalaki at dakilang gampanin na ini-atang Niya sa inyong balikat alang alang po sa IGLESIA NI CRISTO.
    Patnubayan po kayo ng Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat.

    -Ka Raphael

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s