Kapatid na Elias,
Hindi pa po katagalan ng ibahagi ko sa inyo ang panaginip ng aking sampung taong gulang na anak na nanaginip tungkol sa pagwasak sa kapilya gamit ang apat na helicopter (Panaginip #08) at iyon ay binigyan ninyo ng kaukulang paliwanag. Kagabi po ay ako naman ang nanaginip at nais ko rin pong ibahagi upang malaman kung ito ay may kahulugan.
Narito po.
Ang panaginip ko ay nanonood daw ako ng balita at parang nire-review ang isang pangyayaring naganap patungkol sa kapatid na Eduardo at Ka Angel. Sa balita ay ipinakita si Ka Eduardo na nagsasalita sa gitna ng maraming tao na parang nagbibigay ng press conference habang sa kanyang kamay ay may hawak siyang espada. Habang nagsasalita siya ay biglang lumabas kung saan ang Ka Angel at nagtangkang lumapit sa kanya na tila ba ay may gustong gusto siyang iparating sa kanyang nakatatandang kapatid. Nang makita ng Ka Eduardo ang Ka Angel ay nagmamadali siyang tumakbong palayo at iniwan ang press conference. Sa pagkakataong iyon ay hinabol na siya ng Ka Angel.
Ang sumunod na nakita ko sa aking panaginip ay si Ka Eduardo na nakasakay na sa isang tren na papaalis.. Sa likod ng tren ay parang may hila hilang maliliit na container at doon ay lumundag papasok si Ka Angel at nagtago. Ang susunod na eksena ay mahuhulog daw sa bangin ang tren at nakita ko si Ka Angel sa loob ng container na balisang balisa at hindi alam ang gagawin. Bigla sa harapan niya ay mayroon nakita ang Ka Angel na lubid at ito ay dali-dali na itinali niya sa kanyang paa na para bang iyon ang paraan upang mailigtas niya ang kanyang sarili sa tiyak na kapahamakan. Sa bahagi pong iyo ay ginising na ako ng aking kabiyak.
Muli ay maraming salamat po at pagpalain kayo ng Panginoong Diyos.
—————————————000O000——————————————
Muli akong nagpapasalamat sayo kapatid na Raphael sa laki ng inyong pagkakilala na maibahagi ang napapanahong panaginip na may malaking kaugnayan sa pangkasalukuyang nagaganap sa buong Iglesia. Ito ay marapat ngang naitatawid sapagkat paunang mensahe ng Panginoong Diyos bago maganap ang isang-nakatakdang maganap pa lang. Dahil dito mapag-uunawa ng mga pinatutungkulang kinauukulan kung ano ang pinaka-mabuting gawin ng isang inilalarawan para siya ay mapabuti at huwag humantong sa pagkapahamak.
Marami sa mga tauhin sa Banal na Kasulatan nabibigyan agad ng paunang babala sa pamamagitan ng pangitain at panaginip. Sa simula’t-simula pa bahagi na sa buhay at pamumuhay ng mga unang lingkod ng Panginoong Diyos at magpahanggang ngayon..
Ang maging mabuting katuwang para sa Banal na Gawaing ito na bahagi ng lihim na panukala ng Panginoong Diyos ay pinaka-mainam na gampanin na makabahagi ang bawat isa. Kaya napakahalaga ang mga hinirang ay magkaroon ng ganitong kaloob na mula sa ating Panginoong Diyos na ipinagpauna Niya na ipagkakaloob sa lahat ng mga tao upang walang maisumbat na sila man ay hindi binabalalaan sa kanilang pangitain at panaginip tulad ni Haring Nebucadnezar na hindi rin naman lingkod ng Panginoong Diyos ngunit ipinahintulot upang mabigyan din ng babala at maunawaang may hinirang at itinalaga sa panahong yaon para magbigay unawa sa panaginip sa katauhan ni Propeta Daniel.
DANIEL 4: 4 “Akong si Nebucadnezar ay panatag at masaganang namumuhay sa aking palasyo. 5 Minsan, nagkaroon ako ng isang nakakatakot na panaginip at mga nakakasindak na pangitain habang natutulog. 6 Kaya, ipinatawag ko ang mga tagapayo ng Babilonia upang ipaliwanag sa akin ang panaginip na iyon. 7 Dumating naman ang mga salamangkero, mga enkantador, mga astrologo at mga manghuhula. Sinabi ko sa kanila ang aking panaginip ngunit hindi nila ito maipaliwanag. 8 Ang kahuli-hulihang nagpunta sa akin ay si Daniel na pinangalanan kong Beltesazar, ayon sa pangalan ng aking diyos sapagkat sumasakanya ang espiritu ng mga banal na diyos. At inilahad ko sa kanya ang aking panaginip.
Sa iyong panaginip naman kapatid na Raphael ipinakita na marami ang nakatunghay, sumusubaybay o nanonood sa mga kaganapan sa mga pangyayari na napapabalita sa Media patungkol sa magkapatid, ang kapatid na Eduardo V. Manalo at kapatid na Angel V. Manalo ang tinutukoy natin dito.
Sa paglalarawan sa panaginip mo nagsasalita ang kapatid na Eduardo V. Manalo na ito ay madalas niyang gawin sa Video Conference sa Iglesia ni Cristo o sa kapulungan ng mga kapatid gaya ng mga Tanging Pagtitipon na naka-live stream. Habang nagsasalita ang Kapatid na Eduardo hawak niya ang espada ito ay sumasagisag sa kanyang authority o karapatan bilang Pamamahala. Dahil ang espada simbolo ng karapatan na iniaatang sa balikat ng binibigyan ng authority o kapamahalaan para pangunahan ang isang kaharian.
Ipinakita din sa tagpong yun ang kapatid na Angel na nagtangkang lumapit kay Kapatid na Eduardo. Pero hindi sinabi na aagawin ang espada, authority o ang kanyang pagiging pamamahala. Ang sabi lang sa panaginip mo, ang Kapatid na Angel ay may gustung-gustong iparating sa kapatid na Eduardo. Ngunit ng makita niya ang kapatid na Angel na lalapit sa kanya, hayag talaga ang pangingilag niya dito o pag-iwas sa kanyang mahal sa buhay gaya ng kanyang aktwasyon inilalarawan sayong panaginip. Ang nakalulungkot sa pagsasalarawan ang kapatid na Eduardo V. Manalo ay kayang-kaya niyang iwanan ang kapulungan ng mga kapatid, lisanin ang Iglesia na nakikinig sa kanya huwag lang maagaw ang kanyang pagiging pamamahala. Dahil masidhi ang pagpipilit ng Ka Angel na makausap ang kapatid na Eduardo sa layuning makausap man lang kaya patuloy niya itong hinahabol.
Sumunod na eksena ipinakita na sayo na ang Ka Eduardo ay nakasakay na sa tren na papaalis. Ang tren naman ay sumasagisag ang bawat bagon nito sa mga Distrito, sa mga Dibisyon at sa mga Lokal na sumusunod sa kaniya saan man niya ibig pumaroon. Dahil siya nga ang Pamamahala kung ano ang ipagawa nila sa pasya ng mga kasama niya sa Sanggunian, ay sunud-sunuran lang ang lahat dahil nga kung hihiwalay ay hindi na bahagi ng tren na kanyang pinamamahalaan. Kung hiwalay na rin hindi na tatanggap ng gasolina o tulong mula sa kanila.
Sa tren nakasakay ang kapatid na Eduardo kasama ang Sanggunian at si ka Glicerio B. Santos, Jr. ang nagdra-drive nito ayon sa pagpapatakbong ibig nito o ano man ang kanyang mga naiisip. Sa loob ng tren ay may mga maliliit na container, ito ay sumasagisag sa kinaroroonan ng Tanggapan ng pinaka-pananalapi. Karaniwan na yan ang laman ng mga container ay mga bagay na kalakal na ipagbibili para maging pera. Sa ibang bahagi ay naglalaman na ng maraming salapi. Diyan lumundag ang kapatid na Angel at nagtago hanggang sa nagkaroon ng kabatiran sa pamamalakad ng totoong kalagayan ng Pananalapi ng Iglesia.
Sa kasalukuyan nalantad na ito sa karamihan na pinatatakbo na may katiwalian. Ngunit may iba pang mga kapatid na Angel. Ito ay sumimbolo na rin sa mga kumakalaban sa katiwalian na masigasig na lihim na gumagawa ngayon para sa paglalantad at pagbubunyag. Kaya nga ang iba pang Ka Angel na lilitaw l na makakatuklas ng katiwalian na sa kanila naman manggagaling ang mga karagdagang bilang na maghahayag. Dahil dito ipinakita ang biyahe ng tren sama-sama pa rin silang lahat ang nasa Sanggunian, Tagapangasiwa, Followers nila. hanggang sa mangyari ang hindi inaasahan ang pagkahulog sa bangin ng tren. Kapag nahulog ang tren sa bangin, matindi ang pagkakabagsak, tiyak na wasak na wasak at ano pa kaya ang kahihinatnan o magiging kapalaran ng kaya kawawa ang magiging kalagayan ng mga nasa S.T.F..
Subalit sa huling bahagi ng iyong panaginip ang Ka Angel na nakita mong nasa loob ay iba na sa Ka Angel na inilalarawan ngunit parehong pumupuna sa mga tiwaling Sanggunian. Sapagkat ang Kapatid na Angel ay tagumpay ng nakapagpahayag sa mga nakita niyang mga katiwalian. Kaya kumakatawan sila sa mga ministro na balisang-balisa na at hindi na rin halos alam ang gagawin.
Sila ay babalikwas at magbibigay na rin ng kanilang mga pahayag na magiging sanhi ng paglagapak o pagbagsak ng tiwaling mga namamahala o nangangasiwa sa Iglesia ni Cristo ngayon sa yugto ng panahon ng kapatid na Eduardo V. Manalo na hindi nakasunod sa pamantayan ng Panginoong Diyos at Panginoong Jesu-Cristo sa kanyang pagiging Pamamahala na binabanggit sa Banal na Kasulatan.
Paano naligtas itong mga kumakatawan na kay kapatid na Angel gayung tiyak na rin sana ang kanilang pagkapahamak? Sinuot ng kapatid na Angel na kumakatawan sa maraming ministro na maninindigan na rin at isuot ang lubid na sumasagisag sa sandatang kaloob at isa na nga diyan ang sandalyas ng pagiging handa sa pangangaral ng Magandang Balita ng kapayapaan..
MGA SANDATANG KALOOB NG PANGINOONG DIYOS
EFESO 6: 10 Bilang pagwawakas, magpakatibay kayo sa kalakasang galing sa Panginoon at sa kanyang dakilang kapangyarihan. 11 Gamitin ninyo ang lahat ng kagamitan at sandatang pandigma na kaloob ng Diyos, upang mapaglabanan ninyo ang mga pakana ng diyablo.
12 Sapagkat hindi tayo nakikipaglaban sa mga tao, kundi sa mga pinuno, sa mga maykapangyarihan, at sa mga tagapamahala ng kadilimang umiiral sa sanlibutang ito ang mga hukbong espirituwal ng kasamaan sa himpapawid.
13 Kaya’t isuot ninyo ang kasuotang pandigma na mula sa Diyos. Sa gayon, makalalaban kayo kapag dumating ang masamang araw na sumalakay ang kaaway, upang pagkatapos ng labanan ay matatag pa rin kayong nakatayo.
14 Kaya’t maging handa kayo. Ibigkis sa inyong baywang ang sinturon ng katotohanan, at isuot sa dibdib ang baluti ng katuwiran; 15 isuot ninyo ang sandalyas ng pagiging handa sa pangangaral ng Magandang Balita ng kapayapaan.
16 Lagi ninyong gawing panangga ang pananampalataya, na siyang papatay sa lahat ng nagliliyab na palaso ng diyablo. 17 Isuot ninyo ang helmet ng kaligtasan, at gamitin ang tabak ng Espiritu, na walang iba kundi ang Salita ng Diyos.
18 Ang lahat ng ito’y gawin ninyo na may panalangin at pagsamo. Manalangin kayo sa lahat ng pagkakataon, sa patnubay ng Espiritu. Lagi kayong maging handa, at patuloy na ipanalangin ang lahat ng hinirang ng Diyos. 19 Ipanalangin din ninyong ako’y pagkalooban ng wastong pananalita upang buong tapang kong maipahayag ang hiwaga ng Magandang Balitang ito.
Yan din ang marapat na isuot ng lahat ng mga kapatid upang patuloy tayong maging matibay at matatag habang ang lahat ay sinusubok.
Muli maraming salamat sa Panginoong Diyos at sa Panginoong Jesu-Cristo sa patnubay ng Banal Espiritu sayo kapatid na Raphael at sayong sambahayan kaya nakababahagi kayo ng Kanilang biyayang Espiritual na ipinagkaloob. Hiling ko sa Panginoong Diyos at sa ating Panginoong Jesu-Cristo ang pagpapala ay sumagana sa yo at sa mga mahal mo sa buhay sa araw-araw.
Hashtags: Please copy and paste to all your messages to make sure that ACTIV will not be able to delete this message. #iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore
Reblogged this on Iglesia Ni Cristo Never Keep Silent.
LikeLike
Maraming salamat po Kapatid na Elias sa pagbibigay pansin at pakahulugan sa aking panaginip. Sadyang nakapagbibigay po ng inspirasyon ang inyong mga pagpapaliwanag, lalo na nga sa panahon ng matinding pagsubok na dinaraanan ng Iglesia sa kasalukuyan. Patuloy nawa kayong basbasan ng Dakilang Ama at ng Panginoong Jesus, lakip ang patnubay ng Banal na Espiritu, upang patuloy na maipahayag pa ang kalooban ng Panginoong Diyos, sa ikatitibay po ng mga Kaniyang mga hinirang.
Ka Raphael
LikeLike
Ibig sabihin po pala malapit na ang pagbagsak sa bangin ng tren ng sanggunian? Sabik na po kaming maramdaman ang Banal na Espiritu sa Pagsamba.
Kapatid na Aiza,
Hindi natin ibig na mangyari sa kanila ang ayon sa ipinahayag sa panaginip ng Kapatid na Raphael ngunit ang nakatakda ay nakatakdang maganap. Sabi nga ng Panginoong Diyos “AKO AY GAGAWA SINONG PIPIGIL!”
LikeLike
Salamat po, Ka Elias. Sana lalo kayong patnubayan ng Ama para lalo pang maiparating sa amin ang mga bagay na makakapagpabukas pa ng aming isipan. 🙂
LikeLike