AKO’Y IGLESIA NI CRISTO. Ang awit ng ating kahalalan …Paano natin ipagpapalit Sa anumang ligaw na himig … Kung dito lang sa lupa, libangan ng tao, pag ibig saka lang inaawit. Samantalang hanggang langit, pati mga Anghel ay umaawit, Panginoong Diyos pa, Panginoong Jesu-Cristo, Kapag Ako’y Iglesia ni Cristo ang inaawit, tunay SILA nga ang sa atin ay nakikinig. – ELIAS ARKANGHEL
Madarama ng lahat ng tao sa buong mundo … ang KAPANGYARIHAN NG PANGINOONG DIYOS .. Yayakap sa kanilang lahat..
Halikayo darating na ang TAGAPAGTANGGOL …
Juan 16: 1-33
1 Sinasabi ko ito sa inyo upang huwag kayong mawalan ng pananalig sa akin. 2 Ititiwalag nila kayo sa mga sinagoga. Darating ang panahon na ang sinumang pumatay sa inyo ay mag-aakalang naglilingkod siya sa Diyos. 3 At gagawin nila ito sapagkat hindi nila ako kilala, ni ang Ama. 4 Subalit sinabi ko na ito sa inyo upang kapag ito’y nangyari, maaalala ninyo ang sinabi ko sa inyo.
Ang Gawain ng Espiritu Santo
Hindi ko ito sinabi sa inyo noong una sapagkat kasama pa ninyo ako. 5 Ngunit ngayo’y pupunta na ako sa nagsugo sa akin at wala ni isa man sa inyo ang nagtatanong kung saan ako pupunta. 6 Ngayon sinabi ko na sa inyo, lubha naman kayong nalungkot. 7 Subalit dapat ninyong malaman ang katotohanan. Ang pag-alis ko’y sa ikabubuti ninyo, sapagkat hindi paparito sa inyo ang Tagapagtanggol kung hindi ako aalis. Ngunit kung wala na ako, isusugo ko siya sa inyo. 8 Pagdating niya ay kanyang patutunayan sa mga taga-sanlibutan na mali ang pagkakilala nila tungkol sa kasalanan, tungkol sa pagiging matuwid, at tungkol sa paghatol ng Diyos. 9 Mali sila tungkol sa kasalanan sapagkat hindi sila nananalig sa akin. 10 Mali sila tungkol sa pagiging matuwid sapagkat ako’y pupunta sa Ama at hindi na ninyo makikita; 11 at tungkol sa paghatol ng Diyos, sapagkat hinatulan na ang pinuno ng mundong ito.
12 Marami pa akong sasabihin sa inyo subalit hindi pa ninyo kayang unawain ngayon. 13 Ngunit pagdating ng Espiritu ng katotohanan, papatnubayan niya kayo sa lahat ng katotohanang galing sa Diyos. Sapagkat ang sasabihin niya ay hindi mula sa kanyang sarili, kundi ang kanyang narinig; at ipahahayag niya sa inyo ang mga mangyayari sa hinaharap. 14 Pararangalan niya ako sapagkat tatanggapin ng Espiritu mula sa akin ang ipahahayag niya sa inyo. 15 Ang lahat ng sa Ama ay sa akin, kaya ko sinabing tatanggapin ng Espiritu ang mula sa akin at ipahahayag niya ito sa inyo.
“Ako ay magpapakilala sa inyo, sa takdang panahon!” “Pagkat may nakahihigit pa sa akin.” “Siya ay ako, ngunit hindi ako Siya.” ” Ako ay sa Kanya, ngunit Siya ay hindi sa akin.” “Kung ano ang iniisip ko, yun din ang iniisip Niya!” “Pagkat hindi kami dalawa, kundi kami ay iisa!” “Iisa ang aming diwa sa pag-ibig at pagmamahal sa IGLESIA gaya rin naman ninyo tayo ay iisa sa Katawan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.”
MASASAKSIHAN NIYO NA KANYANG IPATATAYO ANG TEMPLO SA ITUKTOK NG BUNDOK .
ISAIAS 2: 2 At mangyayari sa mga huling araw, na ang bundok na kinatatayuan ng Templo ng Panginoon ay namumukod sa taas sa lahat ng bundok, daragsa sa kanya ang lahat ng bansa.
MAHALAGANG TAGUBILIN :
Ipagmalasakit niyo rin sa iba pang mga kapatid natin na IGLESIA NI CRISTO ang Blog na ito. Kung may panghihina na sila sa kanilang pananampalataya bunga ng mga katiwalian na kaganapan sa loob ng IGLESIA NI CRISTO, sa pamamagitan ng blog na ito ay muli silang lalakas sa mga mababasa nilang inihahanay dito. Mabubuhay ang pag-asa nilang hindi pala dapat ikapanlupaypay ang mga kaganapan na nahahayag sa mata ng marami. Pagkat ito ay bahagi ng mga kailangan maganap para makarating doon sa pangakong kaligtasan, pagkat nakasulat sa Banal na Kasulatan. Hayaan ninyo ang Banal na Espiritu ang magpahayag. Ang inyong abang kapatid ay naglilingkod lang para sa kapakanan ng lahat! Kinakasangkapan lamang ako ngunit wala sa akin ang karapatang humatol. Kung naihahanay man ang mga inaakala ninyong masakit na pananalita ay huwag ninyong iisipin na ang katauhang ito ang nagsasalita, at naghahanay ng mga nababasa niyo. AKO AY NASA PAGSUNOD LAMANG, KUNG ANO ANG SINABI AT IPINARARATING, ANUMAN ANG KAHINATNAN MASAKIT MAN SA KALOOBAN NG LAHAT. MALUWAG NATING TATANGGAPIN SAPAGKAT ANG IBUBUNGA NITO SA HULI, AY SA IKABUBUTI NG LAHAT.
Wala akong sariling karunungan ako ay napahintulutanlamang. Sapagkat ipinauubaya ko sa Panginoong Diyos, sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo sa udyok ng Banal na Espiritu ang gumagabay sa lahat ng aking naihahanay. na walang sinumang pangingilagan na dapat katakutan kung mula sa Panginoong Diyos at Panginoong Jesu-Cristo ang atas, na sa akin ang nag-uudyok ay ang Banal na Espiritu, na lagi ng naka-gabay at nagbabantay. – ELIAS ARKANGHEL
Habang ako ay napapalibutan ng mga muslim, aking binuksan ang blog na to para basahin… Hindi ko napigilan tumulo ang luha ko … hindi ko nara-ramdaman na ako ay nag-iisa habang binabasa ko ang blog mo Ka Elias..
******* “Kapatid kong mahal! Ang iyong tapang na gawin ang kinatatakutan ng iba ay kahanga-hangang tunay! Huwag kang malumbay! Naipanalangin kita sa Panginoong Diyos nating mahal, Panginoong Jesus ikaw ay handang ipamagitan, upang sayo lagi Silang aagapay! Niyayakap ka ng Kanilang Kapangyarihan para ipadama sayo, anak ko hindi ka nag-iisa! Kanila kang laging sasamahan.” *******
LikeLike
Nakakapangilabot po! Parang kagaya ito ng nasa revelation
LikeLike
Ako’y lumuluha, naghihirap ang aking kalooban, ngunit wala akong
magawa!
******* ” Kapatid na Leah, minsan pa, niyayaya kitang tumanaw sa langit, ang Panginoong Diyos sayo ay nakatunghay, pati Panginoong Jesu-Cristo naka-antabay. Gusto mo bang abutin ka ng Kanilang Kapangyarihan? Aaliwin ka nila para gumaan ang pagdadala mo ng buhay.” *******
LikeLike
Maraming salamat po at ramdam ko po ang inyong pagmamalasakit. Sanay matapos na ang lahat ng ito upang magkasama-sama tayong sasalubong sa ating Panginoong Jesu-cristo.
LikeLike
Reblogged this on Iglesia Ni Cristo Never Keep Silent.
LikeLike