PAGTUTUWID : MALING PAGKAKILALA KAY ELIAS ARKANGHEL …. HINDI SIYA SI MARTIN EVANGELISTA GAYA NG INAAKALA NINYO …

9 thoughts on “PAGTUTUWID : MALING PAGKAKILALA KAY ELIAS ARKANGHEL …. HINDI SIYA SI MARTIN EVANGELISTA GAYA NG INAAKALA NINYO …”

  1. Kapatid na Elias,

    Nagpapasalamat ako una’t higit sa lahat sa Panginoong Diyos na Siyang nagbibigay sa inyo ng karunungan upang maipaliwanag ang kahulugan ng mga pangyayaring nagaganap ngayon at magaganap pa sa loob ng Banal na Iglesia. Gayundin ang mga babalang ibinigay niyo sa pamamagitan ng pagpapaliwanang sa mga panaginip na ibinabahagi ng mga kapatid natin at kabilang na nga po ako at ang aking anak roon. Ang tutoo itong hula ukol sa Big Four sa Central ay panaginip ng aking 10 taong gulang na anak (Panaginip #0008) na inyong ipinaliwanag noon at muling nare-post ngayon dahil may kaugnayan sa pagtitiwalag ng Banal na Espiritu sa Big Four ng Central. Bagamat hindi ako natitinag ay nabahala lamang ako sa nabasa kong post ni Ka Kelly Ong
    na nagsasabi ngang kayo ay si Erano Martin Evangelista. Nabahala ako sa paraang bakit nila pinipilit na kayo si Martin E. gayong hindi naman nila kayo personal pang nakikita. nag-alala din ako dahil tulad ng nabanggit ninyo , ay hindi nakabuti sa ilang tagapagtanggol nating mga kapatid sa FB ang pag-aalinlangan at paninira sa kahalalan niyo. Ang tutoo ito po ay napatunayan ko rin dahil may isang kapatid na talagang masugid na nagtatanggol sa Iglesia laban sa Sanggunian na ngayon ay wala na, at tandang tanda ko nang mabasa ko ang paulit ulit niyang babala na huwag maniwala sa inyo dahil kayo raw nga si Erano Martin Evangelista. Ang pagkabahala ko po ay nawala nang (PAKIBASA NA LAMANG ANG KABUUAN NG KOMENTO DITO MGA MAHAL KONG KAPATID) https://iglesianicristohinirang.wordpress.com/2015/08/18/patotoo-007-kakilakilabot-na-palatandaan-sa-langit-pinahayag-mo-elias-malakas-na-kulog-at-pag-ulan-naganap-ayon-sa-kapatid-ko-sa-pilipinas-ng-july-27-2015-bago-mag-alas-dose/

    Like

  2. Nabasa ko po ang mga blogs nyo pero ang pinaka tumawag ng pansin ko ay ang paggawa nyo ng sirkular na pagtitiwalag kanila ka EVM at nakalagda ay ang Ama, Panginoong Jesus at Banal na Espiritu. I dont think thats approroatez you’re playing God already po. 😦

    ————————————————————————————————————
    Kapatid na MJ unawain mong mabuti ang hanay. Ang kapatid na Elias ay naatasan lamang kung kaniya man itong pinagtitibay. At ang sinasabi mong; “nakalagda ay ang Ama, Panginoong Jesus at Banal na Espiritu” kitang-kita mo na ang iyong kapatid na Elias lamang ang nakalagda at yan ay nakikita ng maraming mga sumusubaybay dito. Dahil sa pagsunod sa nag-atas kaya pinagtitibay ng napahintulutan lamang. Ang tatlong binabanggit mo mahal kong kapatid ay hindi mga nakalagda! Kundi gaya ng iyong mababasa Ipinag-uutos ng PANGINOONG DIYOS, Pinasyahan ng PANGINOONG JESU-CRISTO at Inuudyok na Isagawa ng Banal na Espiritu. Sana maunawaan mo. Maraming salamat sa patuloy mong pagsubaybay!

    Like

  3. Mahal na kapatid na Elias,

    Kalakip po ang copy-paste ng aking email Ka Antonio Ebangelista noong Junio 23 na nagpapahayag ng aking pagkilala sa inyong kahalalan bilang siyang Elias na darating upang isaayos ang lahat ng bagay sa Iglesia bago dumating ang araw ng kawakasan. Sa unang pagkabasa ko pa lamang po sa inyong introductory blog ay kinilala ko ang inyong karapatan. Kaya naman po pinaraan ko Kay Kapatid na Antonio ang aking pagpapahayag ay inakala ko po noon na siya ay may tuwirang kaugnayan sa inyo hanggang sa mabasa ko po isa fb ang kaniyang kasagutan na bagamat wala naman siyang tutol na basahin ng mga tao ang inyong blogs pero itinanggi naman niya na kayo ay kilala. Subalit kahit nabasa ko pa po ang kaniyang sinabing ito ay hindi ako natinag sa aking pananampalataya. Pinangatuwiranan ko na lamang po sa aking sarili na marahil ay kayo ang may kagustuhan na huwag malantad na kayo ay may kaugnayan sa isa’t isa. Nabasa ko na rin po noon pa ang pagba-babala ni Kelly Ong na kayo raw si Erano Evangelista; nabasa ko rin po ang akusasyon na siya raw (Kelly Ong) ay tiwalag. Naniniwala naman po ako na si Kelly ay tunay na defender kaya lamang ay (PAKIBASA NA LAMANG ANG KABUUAN NG KOMENTO DITO MGA MAHAL KONG KAPATID) https://iglesianicristoneverkeepsilent.wordpress.com/2015/08/18/patotoo-001-kay-kapatid-na-elias-arkanghel-ng-mabuting-ministro-ng-iglesia-ni-cristo-at-ng-ipabatid-niya-at-ilakip-dito-ang-sulat-niya-kay-kapatid-na-antonio-ebangelista-noon-patungkol-sa-elias-na-kin/

    Like

  4. Ka Elias, Ako po ay lubos na humanga sa inyo nang inyong naipaliwanag ang mga panaginip ng mga kapatid na may kinalaman sa Iglesia at pamamahala. At eto ay nilakipan nyo pa ng mga talata ng Bibliya lalo na yun binabanggit tungkol sa 4 na sungay at sa panday na ang tanging makakapagpaliwanag lamang nun sa hulang yun ay ang sugo ng Diyos na ang katuparan ng hulang yun.

    Di nyo po maaalis sa akin na mag alinlangan nung mabasa ko ang babala ni Ka Kelly Ong (PAKIBASA NA LAMANG ANG KABUUAN NG KOMENTO DITO MGA MAHAL KONG KAPATID)https://iglesianicristoneverkeepsilent.wordpress.com/2015/08/18/patotoo-003-kay-elias-arkanghel-na-nagtataglay-ng-banal-na-espiritu-hindi-gaya-ng-kilala-niyang-si-martin-evangelista-na-na-interview-sa-abs-cbn-ay-wala/?preview=true&preview_id=762&preview_nonce=fab5d17cba

    Like

  5. Ka Elias, maraming maraming salamat po sa pagpapaliwanag sa kanila. Dahil ako nga po pinagkaisahan nila dati at pinagbablock pa nila dahil sa pagpapasa ko ng blog niyo sa FB. Umiwas po sila sa akin dahil kayo daw po si Martin Evangelista. Dahil po diyan ay inadd ko sa FB si Martin dati para lang kausapin siya para uriin kung paano siya magsalita. Nung makausap ko po siya ay nagbigay kaagad siya ng cp no. Gusto niya din po akong pumunta sa kanila. Napatunayan ko pong hindi talaga siya kayo dahil sa way ng pananalita niya ibang iba! Wala po akong maramdamang espiritu sa kanya. Sabihin ba naman pong wala daw paghuhukom!!! Tinanong ko sa kanya if ano ang dapat kong puntahan na site sa kanya at ang sabi niya ay “Thename.ph” tinanong ko po if may iba pa tulad ng hinirang blog at ang sabi po niya ay “Di ko alam yun” Di ko na po siya kinausap after nun at (PAKIBASA NA LAMANG ANG KABUUAN NG KOMENTO DITO MGA MAHAL KONG KAPATID) https://iglesianicristoneverkeepsilent.wordpress.com/2015/08/18/patotoo-002-kay-kapatid-na-elias-arkanghel-na-itinanggi-mismo-ni-erano-m-evangelista-na-kanya-ang-blog-ng-hinirang-sa-tulong-ng-kapatid-na-aiza/

    Like

    1. Ka Elias,ako po ay matagal ng sumusubaybay sa mga blog nyo, naaaliw po ako at lalong lumalakas aking pananampalataya, nagpapasalamat po ako sa Panginoong Dios sapagkat kayo po ay nagiging kasangkapan upang higit na maging matibay kami sa aming mga paglilingkod sa ating Ama. Minsan na din po akong nagbigay ng aking panaginip at inyo po etong binigyan ng pakahulugan. Maraming salamat po na sa kabila ng maraming balakid, pagsubok at mga kalungkutan na aming nararanasan sa ngayun ay andyan po kayo upang kami ay makapanindigan at palakasin kami. Isang malaking biyaya po sa amin na alam namin na galing sa ating Panginoong Dios at sa Panginoong JesuCristo. Maraming salamat po at nawa’y higit pa kayong tulungan ng ating Ama. – Ka Maria

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s