Elsa
Magandang araw po Ka Elias.
Aaminin ko po na noong una ko pong mabasa sa mga Defender na kayo daw po si Erano Evangelista ay isa ako sa mga nagpakalat na hindi po kayo dapat basahin o paniwalaan dahil isa umano kayo sa mga nananamantala sa krisis na nangyayari ngayon sa banal na Iglesia.
Aaminin ko po na noong una ko pong mabasa sa mga Defender na kayo daw po si Erano Evangelista ay isa ako sa mga nagpakalat na hindi po kayo dapat basahin o paniwalaan dahil isa umano kayo sa mga nananamantala sa krisis na nangyayari ngayon sa banal na Iglesia.
Ngunit nagbago po ang lahat ng iyon nang may makausap po ako na nagbabasa pala ng blogs po ninyo. Tinanong po niya ako kung paano ko napatunayan na kayo nga si Evangelista, at hindi ko po nasagot dahil nga naman hindi ko pa nabasa ng maayos ang inyong blog. Ang nasabi ko lamang po, hindi ko po pinagtuunan ng pansin ang inyong blog dahil nahihilo akong basahin ito dahil sa disenyo.
Gayunpaman binigyan ko po ng pagkakataon na suriin nang maayos ang inyong blog. Bago ko po ginawa ito ay binantayan ko po ang puso ko nang hindi ako maligaw ng landas. Nagsisi po ako na hinusgahan ko kayo kaagad bago ko pa nabasa ang nilalaman ng blog po ninyo. Nakalimutan ko po na kaya nananatiling bulag ang mga kapatid ay dahil mas pinipili nilang sabihin na kasinungalingan ang mga ebidensiyang lumulutang sa internet, at wala po akong pinagkaiba sa kanila kung ako man ay magsasabing hindi kayo dapat paniwalaan nang hindi ko binibigyan ng pagkakataon ang sarili ko na basahin ang blog niyo.
Naliwanagan po ako nang husto sa mga pangyayari ngayon sa Iglesia nang basahin ko mga post niyo sa tulong ng kaibigan ko na ngayon na nagpakilala sakin sa inyo. Nagtataka nga po ako bakit sinasabi nila agad na hidwang pananampalataya ang mga isinulat ninyo, kahit na malinaw po sa akin na wala naman po kayong ganoong layunin. Bukod pa rito ay dama ko po na may kaloob ng Espiritu Santo ang mga nabasa ko, lalo pa pong tumibay ang loob ko upang manatili sa loob ng Iglesia kahit nararamdaman ko na po na gusto ko nang bumitiw at sumuko.
Kaawa-awa po ang mga humuhusga sa inyo, maging defender man o mga bulag. Marahil hindi pa po nila lubos na naunawaan ang mga nauna ninyong sinulat at pinagtuunan lang ng pansin ang mga panaginip na nailathala po dito. Ano po bang masama sa mga napanaginipan namin? Mali po ba na isipin na baka may pakahulugan ang mga ito? Hindi po ba maging sa Biblia nakipag-usap ang Diyos sa Kaniyang mga lingkod sa pamamagitan ng mga panaginip? Hindi po ba nagbigay rin ng interpretasyon si Jose sa mga panaginip ng hari, na nakatulong sa hari upang masagip ang mga taga-Egipto mula sa tuluyang pagkagutom? Gayon din naman po ang nangyari sa Bagong Tipan hindi po ba?
Sinaliksik ko rin po kung paano magsulat si Evangelista at wala po akong nakitang pagkakapareho sa inyo ni isa. Inobserbahan ko rin kung paano siya magsalita sa TV at sa unang kita ko pa lang sa kaniya alam ko na pong huwad siyang propeta, isa ring katuparan na malapit na talaga ang Paghuhukom.
Nagpadala na po ako ng panaginip ko rito, at kahit na hindi po ganoon kalinaw sa akin ang inyong mga sagot, naiintindihan ko po. Naniniwala po ako na sa takdang panahon, mauunawaan ko rin ang lahat ng ito.
Sa ngayon, malaki po ang pasalamat ko sa paggabay ninyo sa pamamagitan nitong Hinirang blog. Sana po ipagpatuloy niyo lang ang pagsulat kahit anong mangyari. Marami pong kapatid ang umaasa sa Elias na magsasaayos ng lahat ng ito bago dumating ang araw ng Paghuhukom.
Salamat po at patuloy nawa kayong tulungan ng ating Panginoong Diyos.
Ang inyong kapatid sa Panginoon,
Elsa
Elsa
Ako po ay silent reader po ng inyong blog at PATULOY na naniniwala na hindi po kayo si Erano Evangelista dahil po binabasa ko lahat ng blog ninyo. At pino-post ko pa. Ang sabi ko sa post ko po dahil po nga napapagtalunan yon . I am just an ordinary human sometimes feel emptiness in our heart longing for love and affection, your blogs really gives hope and filled the emptiness of our heart. Someone who could shield us in times of this challenging and persecution situation made by strong force of the SANGGUNIAN . I told them as long as He is not giving me a false doctrine or invite us in other religion I am one to defend our CHURCH OF CHRIST and it gives me inspiration and be strong in holding our faith with GOD and JesusChrist. I will continue to read your blogs. Just call me po jezebelyn. Thank you po and more power.
LikeLiked by 1 person
Reblogged this on Iglesia Ni Cristo Never Keep Silent.
LikeLike