Aug 18th, 8:20pm
Ka Elias, noong una ko pong mabasa ang mga blogs ninyo ay naniwala na po ako sa inyo. Habang binabasa ko nga po ang mga sinulat ninyo ay hindi ko po mapigilang lumuha. Hindi ko po maipaliwanag ang naramdaman kong espiritung lumukob sa akin at naramdaman ko na niyakap ako ng ating Ama at ang aking luha ay walang tigil na umaagos na hindi ko mapigilan na parang nasa Pagsamba ako at ang naririnig kong nagsasalita sa sulat ay si Ka Erdy. Buti na lang po ako lang mag-isa sa bahay at baka isipin nila napapaano na ako. After ko pong mabasa ang sulat ninyo lalo pong lumakas ang aking loob. Hindi na ako natatakot sa Sanggunian dahil nga po sa mga pagmamalupit nila sa mga kapatid. Kapag po nagkakaroon ako ng pagkakataon nag shashare po ako ng blog ninyo sa mga kapatid lalo na po ung willing makinig at matuto. Naniniwala po ako sa inyo dahil wala po akong makitang masama sa isinulat ninyo. Hindi niyo naman po kinakalaban ang Iglesia bagkus ito pa nga ay inyong pinagmamalasakitan. Ang mga kapatid ay inuutusan ninyong huwag tumigil sa mga pagsamba at sundin ang mga doktrina sa loob ng Iglesia ni Cristo. At hindi ko rin po makita na kayo ay nagtatayo ng sariling religion. Katulad po ng sabi ni kapatid na Martin Lutero, ganun din po ang aking mga saloobin.
Pati rin po ang sabi ni AE na hindi naman niya kami tinututulan na basahin ang blogs ninyo pero itinanggi naman niya na kayo ay kaniyang kilala. Subalit hindi ako gaanong naniwala sa kanya, ang inisip ko po baka ayaw niyang ipaalam na magkakilala kayo dahil mapanganib. Hindi ko naman po naisip na si Ka Kelly Ong po ang siyang Elias dahil hindi ko po makita ang resemblance sa inyong dalawa. Magkaiba po kayong sumulat. Pero naniniwala din naman po ako na totoong defender si ka Kelly Ong. Inaabangan ko po ang kasunod ng mga isinulat ninyo. Noong August 17, lumabas ang inyong sulat. Inaamin ko po nalungkot ako kasi hindi ko alam kung sino na ang paniniwalaan ko. Dahil nga po ipinanawagan ni ka Kelly na huwag daw maniwala sa inyo dahil kayo daw si Martin Ebangelista na nagtayo ng sariling Iglesia at itiniwalag din ni ka Erdy. Kaya nang gabi pong iyon nanalangin po ako ng marami para huwag akong iligaw ng aking isipan. Kasi nga po ang nagpapaalala na huwag kayong paniwalaan ay credible din naman, kaya nagdalawang isip po ako. Mali ba ako? Tanong ko sa aking sarili. Kaya po idinulog ko sa Diyos ang mga bagay na ito, lingid sa aking kaalaman ganun din po ang ginawa ng aking mga anak. Lahat po pala kami ay iisa ang isipan na manalangin sa Ama para magabayan kami. Kinabukasan nga po (August 18,2015) nagpost kayo na magka-iba ang personality ni Elias Arkanghel at Martin Ebangelista. Natuwa po kami ng mga anak ko at nagpasalamat pa kami dahil nga po mali ang mga paratang sa inyo. Nang una ko pong mabasa ang mga sulat ninyo, kinabukasan naman po naghanap po ako ng mga video tape ni ka Erdy para mapakinggan, tamang tama naman po na ang napili kong topic ay tungkol kay Elias. Na may pangatlong Elias daw po na darating at magsasaayos ng daraanan ng Panginoong Jesus. Kaya lalo po akong naniwala sa inyo na kayo nga si Elias na kinasihan ng Diyos upang magsaayos sa mga kaguluhang nangyayari sa Iglesia ngayon. Ang ipinagtataka ko lang po ay kung bakit ayaw nilang maniwala gayong naipaliwanag ninyo naman po ng malinaw ang mga panaginip ni Daniel. Sa aking pananaw, wala pong makapagpapaliwanag ng ganoong kahusay at ganoong kaliwanag kung hindi ang kinasihan ng Diyos. Baka ang iba ay hindi man lang binabasa ang mga blogs ninyo at agad-agad nagpaparatang na sa inyo na hindi kayo totoo. Sana po ay basahin muna nila ng mabuti at manalangin din upang ituro sa kanila ang tamang kaisipan. Dahil ako po ay hindi naman ministro para magkaroon ng kaalaman sa biblia, mahilig lang po akong magbasa ng mga kapaki-pakinabang na mga basahin. Sana po hindi ako nagkamali sa paniniwala ko sa inyo. Tulungan nawa po kayo ng ating Ama.
Tanong ko po pala: Kahit nasaan po ba kami ay doon kami aawit ng Akoy Iglesia Ni Cristo? Paano po makakaawit ang ibang kapatid kung hindi naman nila alam? Papaano po iyong mga ipinagagawa ninyo? Katulad ng huwag nang magreport sa Central? Gusto po sana naming gawin iyon kaya lang ang distrito laging nangungulit sa mga forms. Lalabas na lumalaban kami sa Pamamahala daw. Huwag po ninyong ilagay ang sender, salamat po.
Reblogged this on Iglesia Ni Cristo Never Keep Silent.
LikeLike