Kapatid na Elias,
Nagpapasalamat ako una’t higit sa lahat sa Panginoong Diyos na Siyang nagbibigay sa inyo ng karunungan upang maipaliwanag ang kahulugan ng mga pangyayaring nagaganap ngayon at magaganap pa sa loob ng Banal na Iglesia. Gayundin ang mga babalang ibinigay niyo sa pamamagitan ng pagpapaliwanang sa mga panaginip na ibinabahagi ng mga kapatid natin at kabilang na nga po ako at ang aking anak roon. Ang tutoo itong hula ukol sa Big Four sa Central ay panaginip ng aking 10 taong gulang na anak (Panaginip #0008) na inyong ipinaliwanag noon at muling nare-post ngayon dahil may kaugnayan sa pagtitiwalag ng Banal na Espiritu sa Big Four ng Central. Bagamat hindi ako natitinag ay nabahala lamang ako sa nabasa kong post ni Ka Kelly Ong
na nagsasabi ngang kayo ay si Erano Martin Evangelista. Nabahala ako sa paraang bakit nila pinipilit na kayo si Martin E. gayong hindi naman nila kayo personal pang nakikita. nag-alala din ako dahil tulad ng nabanggit ninyo , ay hindi nakabuti sa ilang tagapagtanggol nating mga kapatid sa FB ang pagaalinlangan at paninira sa kahalalan niyo. Ang tutoo ito po ay napatunayan ko rin dahil may isang kapatid na talagang masugid na nagtatanggol sa Iglesia laban sa Sanggunian na ngayon ay wala na, at tandang tanda ko nang mabasa ko ang paulit ulit niyang babala na huwag maniwala sa inyo dahil kayo raw nga si Erano Martin Evangelista.Ang pagkabahala ko po ay nawala nang biglang sumulpot sa aking email address ang pinakabago ninyong mga post kahapon kabilang na ang pagtutuwid sa pagkakilala nila sa inyo at ang palibot lihan na nauukol sa pagtitiwalag ng Banal na Espiritu.
Masugid ko po kayong sinusubaybayan at ang nakapukaw po sa aking una ay nang ipahayag ninyo na sa July 27, 2015 ay magkakaroon nga po ng pagtitiwalag sa mga tiwaling namamahala sa Iglesia. Bagamat hindi ko po ikinatuwa kailanman na may natitiwalag sa Iglesia (hindi kagaya ng iba nating kapatid sa INC na tila ba ipinagdiriwang pa at ipinagbubunyi ang pagkakatiwalag ng mga kapatid, kabilang na ang ilang mga mabubuti at tapat na ministro, at lalot higit sa lahat ay ang mismong sambahayan ng Kapatid na Erano G. Manalo na lubos na nagdulot ng hapis sa amin) ay binantayan ko po itong mabuti. Ang lalo nga pong nagpasidhi sa akin ay nang malapit na sa itinakdang araw ay binigyan nyo pa ng eksaktong oras na 12:00 noon ay magaganap ang pagititwalag ng Banal na Espiritu. Nasa ibang bansa po ako kaya may malaking pagkakaiba sa time zone ngunit hindi iyon naging hadlang upang magbantay kami sa nalalapit na pangyayari. Subalit dumating ang takdang oras ay wala kaming nakita na natupad sa inyong unang naipahayag.
Dahil dito ay inakala namin na nawala na ng nauukol sa pagtitiwalag na ito ng Banal na Espiritu at kamiy nagpatuloy na lamang sa pagsubaybay sa FB sa mga kaganapan patungkol sa banal na Iglesia. isang araw habang ako’y nasa trabaho pa, bago umuwi ay naisipan kong sumilip sa inyong blog at binasa ko ang mga bagong artikulo na inyong ipinalabas. Subalit ang laki ng pagkagulat ko nang mabasa ko na noong July 27, 2015 ay mayroon pala kayong post ukol sa pagtitiwalag ng Banal na Espiritu at ako lubos na kinilabutan ng inyong sabihin na pinagtibay ng Langit ang pagtitiwalag sa oras na inyong binanggit, na pagkatapos ng panalangin ay sinundan ng isang NAPAKALAKAS NA KULOG na narinig ng lahat at ang PAGBUHOS NG NAPAKALAKAS NA ULAN na tumagal ng may pitong minuto. Dito ay muli akong namangha dahil papaanong nangyari na sa itinakda ninyong oras malayo pa bago dumating ang July 27, 2015 ay naganap ang isang kakilakilabot na palatandaan bagamat iyon ay hindi ko narinig at nasaksihan. Dahil dito ay naisipan kong tawagan ang aking kapatid sa Pilipinas upang i-verify kung tutoong may MALAKAS NA KULOG AT ULAN na naganap nung araw na iyon. Muli akong kinilabutan ng sabihin sa akin ng aking kapatid na ‘AY OO! NUNG ARAW NA IYON AY KUMULOG NG PAGKALAKAS LAKAS AT NATAKOT SILANG LAHAT DAHIL NOON LANG DAW SIYA NAKARINIG NG GANOON KALAKAS NA KULOG NA SA SOBRANG LAKAS AY NAWALAN DAW NG KURYENTE NG MGA SANDALING IYON AT PAGKATAPOS NGA AY ANG ULANG MALAKAS NA KUNG HINDI SIYA NAGKAKAMALI AY NABALITA PA SA TV PATROL NA SA IBANG LUGAR AY MAY KASAMA PANG YELO ANG ULAN! TiNAnong niya kung bakit ko alam at doon ko na ipinahayag nga ang nabasa ko na pagpapahayag ng Kapatid na Elias na sa araw na iyon ay pinagtibay sa Langit ang PAGTITIWALAG NG BANAL NA ESPIRITU!
Muli ay maraming salamat po Kapatid na Elias. Sumainyo nawang lagi ang patnubay at pagpapala ng Panginoong Diyos at ng ating Panginoong JesuCristo at ang katunungan at paggabay naipagkakaloob ng Dakilang Ama sa udyok ng Banal na Espiritu alang alang sa ikaaayos muli ng minamahal nating IGLESIA NI CRISTO
Ngayon ko lang pong nakita ang inyong mga isinulat at ako ay nabuhayan ng loob. Kami po ng aking anak at isa naming kaibigan, kagaya na yata ng maraming mga kapatid, ay nagugulo ang aming isipan at hirap na hirap po ang puso namin dahil sa mga kasalukuyang masamang nangyayari sa loob ng mahal nating Iglesia. Nagkaroon po ng kasagutan ang marami kong tanong sa aking sarili at ako po ay napayapa. Salamat po una sa Panginoong Diyos at sa Panginoong Jesus. Pangalawa ay sa inyo….
Nagmamahal nyong kapatid.
——————————————————————————————
Salamat din sayo mahal kong kapatid!
Lalo pa ninyong pag-ibayuhin kapatid ang pakikipag-ugnayan sa ating Panginoong Diyos at sa ating Panginoong Jesu-Cristo sa pamamagitan ng laging pananalangin. Maglambing ka at hingin mo kung ano ang kailangan mo. Kapag naramdaman Nila ang alab ng pagmamahal mo sa Kanila. Hintayin mo ang Kapangyarihan ng Banal na Espiritu hinihiling ko na hahaplos sayo at yan ang pagpapalang Espiritual na may kalakip na pagpapala sa iyong mga anak at kaibigan mo na patuloy na mag-uukol ng panahon sa pagsubaybay dito. Muli maraming salamat sa inyo! – Elias Arkanghel
LikeLike
KAPAYAPAAN AT PAG ASA … yan po ang naramdaman ko nung nabasa ko lahat ng ito… Mag-iingat po kayo lagi Ka Elias sampu ng iyong pamilya.. Mabuhay po kayo.
******* “Naririnig ng Panginoong Diyos at ng Panginoong Jesu-Cristo ang bawat hinaing ng mga tunay Nilang hinirang. Nang sambitin mo yan kapatid ko… ganun din ang kahilingan ko lagi para sayo, at sa mga mahal mo sa buhay… pagpapala ang hatid nito sayo.” – ELias Arkanghel *******
LikeLike
I personally know Eraño Martin Evangelista and I can emphatically deny that he is Elias Arkanghel. Kelly Ong is gravely mistaken; he/she even got Mr. Evangelista’s name and other facts all wrong. I do not personally know Elias Arkanghel, but I have an idea who he might be.
Elias, brother, may you lead your flock to righteousness.
******* Salamat kapatid ko. Ang patotoo mo at patotoo ng iba pag pinag-isa pananampalatayang bubuhay at magliligtas ng kaluluwa. – Elias Arkanghel *******
LikeLike
Kapatid na Elias,
Kasalukuyan pong nanganganib ang aking buhay at kahalalan. Hindi ko po alam kung paano ako papanatag dahil sa nabalitaan ko na talagang nagdala sa akin ng pagkabagabag at pag-aalinlangan.
Hindi ko rin po alam kung ano ang marapat kong gawin sa mga panahong ito, bukod sa manalangin nang taimtin na hindi ako pababayaan ng Ama sa aking pakikipagbaka. Maaari po bang isama ninyo ako sa inyong mga pananalangin sa Kaniya? Na ako at aking pamilya ay laging ingatan mula sa mga kapahamakan?
Ang tanging pinanghahawakan ko na lamang po ay ang pangako ng Diyos na maisasaayos ang lahat ng ito sa tamang panahon.
Salamat po Ka Elias.
Anna
******* Kapatid na Anna naipaglambing kuna sa Panginoong Diyos sa pamamagitan ng panalangin ang iyong kahilingan. Anuman ang ipahintulot ng Panginoong Diyos natin sayo, may kaakibat na magandang kapalaran pati na sa mga mahal mo sa buhay. Sa huli makikita mo ito kaya’t ipagpapasalamat mo, pagkat alam Niya ang mas makabubuti sayo. Anna, payapain mo ang iyong pag-iisip at pumanatag. Nakabakod na sayo at sa mga mahal mo sa buhay ang Kanyang Dakilang Pag-ibig at Pagmamahal na mag-iingat sa inyo. – Elias Arkanghel *******
LikeLike
Reblogged this on Iglesia Ni Cristo Never Keep Silent.
LikeLike
Ka Elias,
Nang nabasa ko po ang post ng Ka Kelly Ong na kayo si Martin Evangelista ay halos ayaw tanggapin ng puso’t isip ko.Gusto ko pa rin pong maniwala na kayo ay totoong nagpapahayag na may gabay ng Banal na Espiritu. Kaya po ako ay nagpapasalamat sa pagpapatunay ninyo at ng ibang mga kapatid sa tunay na kahalalan ninyo. Matagal na po akong sumusubay sa blog ng Iglesia Ni Cristo Hinirang sa katunayan po ako ang unang nagpahayag sa inyo ng aking panaginip. Ang mga ipinapahayag po ninyo ay lubhang malalim at matalinhaga na para sa akin ay hindi masasabi ng pangkaraniwang tao o ministro man. Nagbibigay po kayo ng napakalaking pag-asa sa akin na dumadaan sa napakatinding pagsubok ng pananampalataya na sa tamang panahon ay maisasaayos ang lahat at maibabalik sa kaluwalhatian ang Iglesia . Marami pong salamat.
******* “Maraming salamat sa pagkakilala mo kapatid na Marilyn sa Banal na Gawaing ito! Anumang pagsubok ang kinakaharap mo kayang-kaya mo kaya binigay ng Panginoong Diyos sayo. Gusto lang Niya na lagi kang naglalambing sayong mga pananalangin. Anak kong mahal, tatagan mo lang, pagkat may pagpapalang laan sa tulad mong matiyagang naghihintay!” – Elias Arkanghel *******
LikeLike
Totoo po yan Ka Rafael! Nung oras po na yun ay kausap ko ang ate ko sa FB at nag aantay nga po kami ng balita. Tanghaling tapat biglang bumuhos ang malakas na ulan. Sabi po ng ate ko sa Maynila na sobrang lakas daw po ng kulog dumadagundong. Sabi pa niya umulan ng yelo! Ako naman di ko napansin kasi nasa loob ako ng isang building. Nagbasa ako sa revelation after ng ilang weeks at mukhang may kapareho ang pangyayari tungkol sa isang Anghel tungkol sa pagkulog, pagkidlat at pag ulan ng yelo. Sa araw na iyon ni-research ko sa google ay maraming pangyayari sa buong mundo sa araw mismo ng July 27. Kaya wala akong pag-aalinlangan sa kahalalan ni Ka Elias.
******* Maraming salamat kapatid na Aiza! Tunay ang lahat ng naganap at nakatakdang magaganap pa lang ay may kapahintulutan at Kalooban ng ating Panginoong Diyos! Ngunit ikaw ay mapalad, pagkat di mo ako iniwan, kahit may lumiligalig sayong pagkilala nanalig ka ako ay ipinaglaban. Ngayon ang ganti sayo ng Dakilang Panginoong Diyos aanihin mo at ng iyong mga mahal sa buhay! – Elias Arkanghel *******
LikeLike