Kapatid na Elias,
Maari po bang humingi ng payo? Alin po ba ang nararapat, ang tanggapin namin ang banta ng pagtitiwalag o manatiling sumusunod dala ng pangamba para sa aming buhay? Nakakatakot ding isipin na kahit tiwalag na ay maari parin nilang saktan. Nalilito po at nangangamba kami. Maraming salamat po
————————————————————————————–
Kapatid na Raphael dumating sayo ang pagsubok lagi mo lang alalahanin ibinigay sayo yan na kayang-kaya mo. Tuturuan ka ng Panginoong Diyos natin at ng Panginoong Jesu-Cristo kung ano ang marapat mong gawin. Ako na napahintulutan sa patnubay ng Banal na Espiritu , ibabahagi ko at ipapaunawa ko sayo ang ipinahintulot na kaalaman.
Gaya ni Jose at Maria ng malalagay na sila sa panganib dahil sa sanggol na dinadala ni Maria na nakatakdang patayin pagkasilang. Ay minarapat nilang magpasya. Kaalinsabay din ng mga panahon na yun ang mahigpit na pag-uutos na dapat magpatala ang lahat ng mamamayan sa mga nasasakupan ng Galilea at Judea, sa layuning mahawakan ni Herodes at makontrol ang talaan ng mga nasasakupan niya. Sa gayon tukoy niya ang ipapatay na mga bata ayon sa idad na hinahanap nila. Katumbas naman sa atin na gustong matukoy ang mga ipapapatay sa karapatan o ititiwalag.
Paano ba tinanggap nila Jose at Maria ang utos ng Panginoong Diyos mismo sa kanila? Dito tayo magpapasimulang bumasa ng Banal na Kasulatan.
Mateo 2: 13 Pagkaalis ng mga matatalinong tao, nagpakita kay Jose sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sinabi nito sa kanya, “Bumangon ka’t dalhin mo agad sa Egipto ang iyong mag-ina. At huwag kayong aalis doon hangga’t hindi ko sinasabi sapagkat hahanapin ni Herodes ang bata upang patayin.” 14 Bumangon nga si Jose at nang gabi ring iyon, dinala niya sa Egipto ang kanyang mag-ina. 15 Doon sila nanirahan hanggang sa mamatay si Herodes. Sa gayon, natupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta: “Tinawag ko ang aking anak mula sa Egipto.”
Paano ba tinanggap nila Jose at Maria ang utos ng Panginoong Diyos mismo sa kanila? Sa pamamagitan ng panaginip! Nagpakita ang Anghel ng Panginoon at nagbigay ng mensahe. Ito ang kaparaanan ng Panginoong Diyos sa pakikpag-usap sa tao, noon man magpa-hanggang ngayon.
Halos magkakahalintulad ang mga kaganapan noon sa kaganapan ngayon. Ang malabis na paggamit ng kapangyarihan ng mga lider. Walang habas na pagpatay. Walang habag at awa sa sinuman. Nang mga panahon na yun ay pinaghaharian din kaguluhan dahil sa pangamba sa pagdating ng Mesias. Kaya ganun na lang sila kasigasig na mapigil nila ang pagdating nito. Dahil din sa takot na maagaw ang kanilang trono sapagkat batay sa hula ng mga kasulatan noon ang Mesias na ito ay luluklok bilang Hari.
Kapatid na Raphael ipinahihintulot na tayo ay makapag-ingat. Kaya nga ang Panginoong Diyos din ang may utos na kung kinakailangan mong tumakas sa dakong magagawa mong doon makasamba at payapang makapamuhay ipinahihintulot. Ngunit kung wala naman batid ng Panginoong Diyos Ka Raphael ang laman ng puso mo .. habang nasa paglalakbay at nasa pagsasa-ayos pa ang lahat. Gawin mo ang ayon sa pasya mo na mag-aalis ng takot at pangamba sayo.
Narito ang mga hanay na magbibigay ng lakas ng loob sayo at sa lahat ng mga makababasa nito. Pahayag mismo ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
16 Narito, sinusugo ko kayong gaya ng mga tupa sa gitna ng mga lobo: mangagpakatalino nga kayong gaya ng mga ahas at mangagpakatimtimang gaya ng mga kalapati. 17 Datapuwa’t mangagpakaingat kayo sa mga tao: sapagka’t kayo’y ibibigay nila sa mga Sanedrin at kayo’y hahampasin sa kanilang mga sinagoga; 18 Oo at kayo’y dadalhin sa harap ng mga gobernador at mga hari dahil sa akin, sa pagpapatotoo sa kanila at sa mga Gentil. 19 Datapuwa’t pagka kayo’y ibinigay nila, huwag ninyong ikabalisa kung paano o kung ano ang inyong sasabihin: sapagka’t sa oras na yaon ay ipagkakaloob sa inyo ang inyong sasabihin. 20 Sapagka’t hindi kayo ang mangagsasalita, kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang sa inyo’y magsasalita.
21 At ibibigay ng kapatid ang kapatid sa kamatayan, at ng ama ang kaniyang anak: at mangaghihimagsik ang mga anak laban sa kanilang mga magulang, at sila’y ipapapatay. 22 At kayo’y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan: datapuwa’t ang magtitiis hanggang sa wakas, ay siyang maliligtas.
23 Datapuwa’t pagka kayo’y pinagusig nila sa isang bayang ito, ay magsitakas kayo tungo sa kasunod na bayan: sapagka’t sa katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi ninyo matatapos libutin ang mga bayan ng Israel, hanggang sa pumarito ang Anak ng tao.
Yan ang mga pagpapayo ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Talagang kalakip ang pag-iingat at pagpapakatalino. Kaya lang hinihingi din sa atin ang kaamuan katulad ng pagiging matimtiman ng kalapati. Upang hindi manaig ang galit ng kakausap sa atin. Dahil mismong kasambahay na natin ang magkakanulo sa atin. Kaya kailangan talaga nating magpakahinahon. Dahil kung hindi at labis ang pakikipagtalo nasa paglalarawan ay maaari nila tayong ipakulong o patayin ang ating karapatan. Kaya nga kung masusunod naman natin ang bilin. Pangako na sasama sa atin ang Banal na Espiritu para turuan tayo ng marapat nating sasabihin.
Kung handa ka ng tanggapin kapatid na Raphael ay huwag kang matakot sa banta ng tao. Sapagkat ikaw ay nasa panig na ng higit pang katotohanan na nasa katotohanan. Kaya lalo kang manalig na ang Panginoong Diyos at ang Panginoong Jesu-Cristo natin ay hindi Sila hihiwalay sa atin. Ano pa bang kulang kapatid ko? Hindi ba’t wala na!
Hilingin lang natin kapwa sa Panginoong Diyos ang pag-iingat at patnubay para sayo at sayong mga mahal sa buhay. Tiyak kong matapos mong manalangin nasa sayo na ang iyong hinihiling.
– Elias Arkanghel
Kapatid na Elias,
Salamat po sa napakagandang payong ito mula po sa biblia na pagpapayo ng ating Panginoong Jesus para sa ating mga nararanasan na karahasan at pagmamalupit na ngayon ng mga itinuring na mga nangunguna sa banal na kawan ng Panginoong Jesus. Makakaasa ka po na susundin ko po kasama ng aking sambahayan ang mga pagpapayong ito. Salamat pong muli.
LikeLiked by 1 person
Kapatid na Elias,
Unat higit sa lahat ay ipinagpapasalamat ko sa Panginoong Diyos at sa Panginoong JesuCristo ang walang hanggang pag-ibig at pagkalinga na Kanilang ipinadarama sa mga hinirang na ngayo’y natatakot, nalilito, at nanglulupaypay dala ng mga nakalulungkot
na kaganapan ngayon sa loob ng Banal na Iglesia. Kinukupkop na tunay ng Amang nasa langit ang mga lingkod Niyang lubos na nanganganlong sa Kanyang
pagliligtas. Gayundin ang pagpapasalamat ko sa Panginoong Diyos dahil ibinigay Niya po kayo Kapatid na Elias upang gabayan din naman kami sa aming pagpapasya, bigyan kami ng mga pagpapayo na hango sa Banal na Kasulatan upang palakasin ang aming loob, papagtibayin ang aming pagasa at pananampalataya upang patuloy kaming manghawak sa mga dakilang pangako ng ating Panginoong Diyos. Ang tutoo po Kapatid na Elias, litung-lito ako kahapon mula paggising ko pa lamang ng umaga. Hindi ko alam ang aking gagawin kayat naisipan kong silipin ang inyong blog at una kong nabasa ang comment ng kapatid na Diwata at ang naging pagtugon nyo ukol sa nadarama ng kapatid na KAPAYAPAAN AT PAGASA sa tuwing binabasa ang blog ninyo. Dito ko na po ipinikit ang aking mga mata at ibinuhos ko sa Ama sa pamamagitan ng MASIDHING PANALANGIN AT MATINDING PAGTANGIS
ang tunay kong damdamin.
Hiniling ko sa Ama na igabay ako sa aking pagpapasya dahil may hangganan ang aking nakikita. Makaraan nga lamang po ay humingi na ako ng payo sa Kapatid na Elias.
MGA MAHAL NA KAPATID NA SUMUSUBAYBAY, PANSININ NYO ANG INIHIHINGI KO NG PAYO.
Wala akong binanggit tungkol sa pagpapanibagong tala subalit paano natukoy ng Kapatid na Elias ang UGAT NG AKING KAHAPISAN kaugnay sa mga talatang kanyang sinipi tungkol sa pagpapatalang nangyari sa panahon bago ang kapanganakan ng Panginoong JesuCristo ? MALIWANAG BA NASA KAPATID NA ELIAS ARKANGHEL ANG TUNAY NA PAGKASI NG BANAL NA ESPIRITU! Kaalinsabay po ng pagtugon niya sa aking paghingi ng kaukulang payo, ay yun na po ang aking ginawa. Sinunod ko ang pasya ng aking puso at tunay ngang nawala ang takot ko at pangamba! Dininig ng Ama ang aking panalangin sa pamanagitan ng Panginoong JesuCristo. PURIHIN ANG PANGINOONG DIYOS!
Maraming salamat po Kapatid na Elias. Patuloy nawang sumainyo ang biyaya at pagkasi ng Banal na Espiritu!
LikeLiked by 1 person
Reblogged this on Iglesia Ni Cristo Never Keep Silent.
LikeLike