Magandang umaga po! last week po napanaginipan ko mismo ang kapatid na Erano G. Manalo hindi ko nga lang po gaanong matandaan yung detalye, ang natatandaan ko na lang po ay parang kinuha akong tagapag alaga nya buhay pa po sya sa panaginip ko umakyat po ako sa mataas na hagdan at nakita ko rin po ang Ka Tenny. medyo nalimutan ko na po in details kasi ngayon ko lang po nabasa ang blog nyo na nag iinterprete po kayo ng panaginip. Nagtaka nga po ako bakit ko napanaginipan ang Ka Erdy. tanong ko na din po bakit po sa August 31 yung pag awit ng kahalalan eh hindi po pagsamba yun kundi lunes po yon? Maraming salamat po sa blog nyo lumalakas po ako at nabubuhayan ng pag asa
Ka Elias wag nyo ireveal ang Pangalan ko sa FB tunay ko pong FB yan, Ingat Yaman po ako sa aming Lokal, pakitago na lang po ako sa Pseudo name na Hezekiah sakali po at sagutin nyo ang sulat ko. Maraming Salamat Po! – Kapatid na Hezekiah,
Kawikaan 27:
1 Huwag ipagyayabang ang araw ng bukas, pagkat di mo alam kung anong magaganap. 2 Hayaan mong iba ang sa iyo’y pumuri at ang sariling bangko’y huwag mong buhatin.
SAYONG PANAGINIP ….
Kapatid na Hezekiah,
napanaginipan mo kamo ang kapatid na Erano G. Manalo at nakita mo ang Kapatid na Tenny? Mapalad ka nasumpungan mo na ang Kapatid na Erano G, Manalo! Pagmasdan mo ang Logo ng Iglesia ni Cristo … Hinirang. Diba’t ang Kagalang-galang na Erano G. Manalo ang nakikita mo na nakalarawan? Dahil diyan ang pag-asa mong bumaba na halos sa bahagdan ng antas ng tatag sa pananampalataya, dahil sa kawalan na nga ng lakas na pinanghina ng mga pangyayari na kaganapan sa loob ng Iglesia, ay muli kang binigyan ng lakas, dinagdagan ng tatag ng pananampalataya, para makarating ka muli sa antas ng pananampalatayang hinahanap sa atin. Kapatid magpatuloy ka! Ang nakita mong Kapatid na Tenny ay siya namang lumalarawan sa kanyang kalalagayan ngayon na kumakatawan naman sa mga kapatid natin. Ipinagkakatiwala ng Panginoong Diyos na sayo ay paalagaan sila. Literal bang ang Kapatid na Tenny? Hindi! Sila ang mga nawawalan na rin ng pag-asa ngayon gamit din ang Social Media na inaapuhap din ang aral at katuruang itinuro sa atin ng Kagalang-galang na Erano G. Manalo na kanilang kinauuhawan na muling madama ang Banal na Espiritung kinasasabikan din nila. Kung paano ka nabuhayan ng pag-asa sa pamamagitan ng Blog na ito, ay siya mo ring ipaglingkod sa iba.
Kung bakit August 31, sa susunod na pahina kuna sasagutin!
Magandang gabi sayo kapatid na Hezekiah at sa buo mong pamilya! Idinadalangin ko sa Panginoong Diyos … minsan pa Panginoon .. nakikisuyo po .. pakidalaw Mo po ang sambahayan ng kapatid kong ito. Kapag nasa tahanan Ka na nila… ako po ay muling naglalambing Sayo… Sige na po! Yakapin Mo sila isa-isa at iwanan ng mga biyaya at pagpapalang kailangan nila. Salamat, maraming-maraming salamat po! – Elias Arkanghel
Reblogged this on Iglesia Ni Cristo Never Keep Silent.
LikeLike