3 thoughts on “ELIAS NA HINIRANG NG PANGINOONG DIYOS … KINIKILALA NG KAPATID NA MARTIN LUTERO TAPAT NA MINISTRONG MAHAL NA MAHAL NG PANGINOONG DIYOS AT NG PANGINOONG JESU-CRISTO”
-
Reblogged this on Iglesia Ni Cristo Never Keep Silent.
LikeLike
Magandang umaga po, Kapatid na Elias,
Narinig ko lamang po kahapon ang tinig ng Kapatid na FELIX MANALO na posted sa fb page ni Jezebelyn. Ilang beses ko na rin pong napakinggan ang voice recording na ito ng Sugo. Sa tuwing darating sa bahaging siya’y nananalangin ay laging tumutulo ang mga luha ko sa kagalagakan. Napakalambing niya sa Panginoong Diyos. Kaya ko po siya naala-ala ngayon ay dahil nabasa ko po ang inyong panalangin para kay Kapatid na Hezekiah. Napakalambing din po katulad ng sa Sugo. Kaya bagamat hindi ako ang inyong ipinananalangin ay nangilid pa rin ang luha sa aking mga mata sa kaaliwan at ako nakadama ng maalab na pag-ibig na Ama. Sana po ay akin ding matutunan ang ganitong paglalambing sa Kaniya. Ito na po marahil ang sagot ng Panginoong Jesucristo sa aking na ako’y tulungang magkaroon ng ganitong kaloob.
Bagamat hindi pa kayo nagpapakilala kung sino kayo, ang ganito pong inyong mabiyayang mga pagpapayo, na kahit sa pamamagitan lamang ng sulat ay nakakadama na kami ng Banal na Espiritu, ay isa sa mga GAWA na NAGPAPATUNAY na kayo nga po ANG ELIAS NA HINIRANG NG PANGINOONG DIYOS upang magsa-ayos ng lahat ng mga bagay sa Iglesia bago dumating ang ating Panginoong Jesu-Cristo. Ang ating Panginoong Jesu-Cristo man noong una ay hindi nagpakilala sa madla kung SINO siya:
16 Simon Peter answered and said, “You are the Christ, the Son of the living God.”
17 Jesus answered and said to him, “Blessed are you, Simon Bar-Jonah, for flesh and blood has not revealed this to you, but My Father who is in heaven. 18 And I also say to you that you are Peter, and on this rock I will build My church, and the gates of Hades shall not prevail against it. 19 And I will give you the keys of the kingdom of heaven, and whatever you bind on earth will be bound in heaven, and whatever you loose on earth will be loosed[a] in heaven.” 20 Then He commanded His disciples that they should tell no one that He was Jesus the Christ. (Matt. 16:16-20 NKJV)
Ang nakakilala lamang noong una na siya nga ang Cristo ay ang mga pinagpahayagan ng Ama–ang mga Apostol–datapuwat sila man ay pinagbilinan pa rin Niya na HUWAG SABIHIN SA SINOMAN NA SIYA ANG CRISTO. At kahit noong nagpakilala na siya ay ayaw pa rin siyang paniwalaan ng mga Judio. Ano ang isinagot sa kanila ng Panginoong Jesus?
38 but if I do, though you do not believe Me, believe the works, that you may know and believe[d] that the Father is in Me, and I in Him.” 39 Therefore they sought again to seize Him, but He escaped out of their hand. (John 10:38-39 NKJV)
Ang Kapatid na Felix Manalo man ay hindi ipinakilala ang kaniyang pangalan sa hula kundi ang kaniyang tungkulin–Angel o Sugo at ang kaniyang gawain–Pagtatatak o pangangaral ng ebangelyo na kay kalakip na Espiritu Santo. Gayundin po ang tungkol sa hula sa inyo, Kapatid na Elias, hindi po ang inyong personal na pangalan ang binanggit kundi ang inyong tungkulin–Elias sa Espiritual, dahil taglay ang Banal na Espiritu na suma-kay Elias na Propeta, at ang kaniyang gampanin:
“Indeed, Elijah is coming first and will restore all things.” (Matt. 17:11 NKJV)
Katulad ni Apostol Pedro, mapalad din po kami na inyong mga kapatid na kayo po ay aming nakilala dahil sa pagpapahayag ng Banal na Espiritu,
Sa kasalukuyan po ang Iglesia ay nasa kalagayang watak-watak. Paano pa po maayos ang kaguluhang nangyayari ngayon sa Iglesia? Tingnan natin ang mga senario na iminumungkahi kahit ng mga “defenders”:
1. Makikipagkasundo si EVM sa kaniyang ina at mga kapatid–Malayong mangyayari ito pagkat ang unang-unang hahadlang ay ang kaniyang asawa.
2. Hiwalayan ni EVM ang kaniyang asawa–Malayo ding mangyari ito dahil tila mahal na mahal niya ito at kapag ginawa ito ay tiyak na mawawalan siya ng karapatan.
3. Sisantihin ni EVM ang buong Sanggunian–Kapag ginawa niya ito ay kailangan ding itiwalag niya sila dahil: Una, ang pagtatanggal sa kanila ay pag-amin sa kanilang ginawang corruption at pagba- bankrupt sa Iglesia. Pangalawa, hindi rin papayag dito ang kaniyang asawa na siyang totoong leader nila dahil galamay niya para msunod ang kaniyang luho na kaniyang pinangarap na matikman noong siya mahirap. Pangatlo, hawak na ni Jun Santos ang buong Pananalapi ng Iglesia na ito ay nasailalim na FYM Foundation na pag-aari ng Santos family. (Baka si EVM pa ang
sisantihin o itiwalag ni JS sa Iglesia.)
4. Bababa si EVM at mag- take over sa Pamamahala ang Sanggunian/STF–Kung ngayon nga na nasa puwesto pa si EVM ay tahimik nang bino-boycott sila ng Iglesia “by hitting them where it hurts, in their pocketbooks,” gaano pa kaya kung sila na ang nakapuwesto? Napakahirap isipin kung ano ang magiging kahihinatnan ng Iglesia kapag patuloy na humina ang paghahandugan na nagaganap ngayon sa buong mundo.
WALA! WALA KAHIT ISA SA MGA SENARIONG ITO ANG MAKAPAGLILIGTAS SA IGLESIA SA KALAGAYANG KINASASADLAKAN NITO! ANG TANGING LUNAS AY ANG PAGDATING NG ELIAS NA SIYANG MAGBABAGO AT MAG-AAYOS NG LAHAT NG BAGAY BAGO DUMATING ANG KAKILA-KILABOT NA ARAW NG WAKAS!
Ang inyong kapatid,
Martin Lutero