Bahagi lang ito sa paggunita natin sa kamatayan ng Kagalang-kagalang na Kapatid na Erano G. Manalo, bilang ika-anim na taon ng papagpahingahin na Siya ng ating Panginoong Diyos upang matupad ang mga nakasulat sa Banal na Kasulatan.
Ngunit pangunahin sa lahat, aawit tayo ng pasasalamat pagpupuri at pagpaparangal sa ating Panginoong Diyos at sa ating Panginoong Jesu-Cristo. Ipinagpapasalamat natin sa kabila ng matitinding pagsubok ay matatag pa rin tayong nakapaninindigan sa panig ng katwiran, sa panig ng ating Panginoong Diyos at ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
Bakit hindi yung bagong himig? Sapagkat walang madamang anumang kapangyarihan kapag inaawit ito. Palihasa bahagi ng pagbabago ng Sanggunian na ipinilit lamang para maisantabi na ang magandang himig ng Iglesia ni Cristo sa panahon ng Kagalang-galang na Kapatid na Erano G. Manalo.
Kung ganun bakit hindi ang himig sa panahon ng Kapatid na Erano G. Manalo ang awitin ng sabay-sabay? Sapagkat masaya ang himig nito at hindi umaayon sa kalalagayan ng Iglesia ni Cristo ngayon.
Haharapin pa natin ang isang katotohanan. Magsasagawa tayo ng mga Pagsamba kung saan ipinahihintulot. Ngunit ang mga tiwaling Sanggunian kasama ang kanilang pwersa ay gagambalain nila ang mga mapayapa nating mga Pagsamba. Kaya nga marami ang mananabik sa mga Pagsamba dahil nadaig sila ng pwersa at napatigil ang mga Pagsambang isinasagawa sa dakong mga napili nila. Nakatakda itong mangyari … Kaya nga tatagan natin ang ating loob. Ang kapalarang ito ay sa mga hindi natin makakasama sa dakong itatalaga. Sapagkat kung saan tayo naroroon ay hinding- hindi titigil ang Pagsamba.
AMOS 8: 11 Sinabi ng Panginoong Yahweh, “Darating din ang araw na papairalin ko sa lupain ang taggutom. Magugutom sila ngunit hindi sa pagkain; mauuhaw sila ngunit hindi sa tubig, kundi sa pakikinig ng aking mga salita. 12 Mula sa hilaga papuntang timog, mula sa silangan hanggang sa kanluran, hahanapin nila ang salita ni Yahweh, subalit iyon ay hindi nila matatagpuan. 13 Dahil sa matinding pagkauhaw na ito, mawawalan ng malay-tao ang magagandang dalaga at ang malalakas na binata.
Yan ang dahilan kung bakit ang malungkot at dating himig ang ating aawitin? Ito ay bahagi ng isang paghahanda sa nakatakdang maganap kapag ang parusa ng Panginoong Diyos ay igawad na sa mga kinauukulan sa loob ng Iglesia na naging dahilan ng pagtigil sa mga Pagsamba.
Sapagkat isinasa-alang-alang natin ang malungkot na kalagayan ng Iglesia ni Cristo sa kabuuan. Kapag inawit natin ito ay madarama ng ating Panginoong Diyos at ng ating Panginoong Jesu-Cristo ang paghingi ng pagsaklolo natin upang mamalagi Nilang tayong alalayan at agapayanan habang ipinahihintulot pa ang mga ganitong pagsubok sa Iglesia.
Ang Pangitain Tungkol sa Isang Basket ng Prutas
AMOS 8: 1 Ipinakita naman sa akin ng Panginoong Yahweh ang isang basket ng prutas. 2 Sinabi niya, “Amos, ano ang nakikita mo?” “Isa pong basket ng prutas,” sagot ko. At sinabi sa akin ni Yahweh,”Dumating na ang wakas ng Israel. Ang pagpaparusa sa kanila’y di ko na maipagpapaliban pa. 3 At sa araw na iyon, malulungkot na awitin ang maririnig sa palasyo. May mga bangkay na naghambalang sa labas at maghahari ang katahimikan.”
ANG KAPAHAMAKAN NG ISRAEL
4 Pakinggan ninyo ito, kayong sumisikil sa mga nangangailangan, at kayong umaapi sa mga dukha. 5 Ang sabi ninyo sa inyong sarili, “Inip na inip na kaming matapos ang mga araw ng pagdiriwang. Hindi tuloy namin maipagbili ang aming mga inani. Kailan ba matatapos ang Sabbath, para maipagbili namin ang mga trigo? Tataasan namin ang halaga, gagamit kami ng madayang takalan, at dadayain namin sa timbang ang mga mamimili. 6 Bibilhin namin upang maging alipin ang mga mahihirap sa halagang isang pilak, at ang mga nangangailangan ay sa halagang katumbas ng isang pares na sandalyas. At ipagbibili namin ang ipa ng trigo.” 7 Sumumpa si Yahweh, ang Diyos ng Israel, “Hindi ko na mapapatawad ang masasama nilang gawa. 8 Magkakaroon ng lindol sa lupa at mananangis ang bawat isa. Mayayanig ang buong bayan; tataas- bababa ito na tulad ng Ilog Nilo.” 9 Sa araw na iyon, sabi ng Panginoong Yahweh, “Lulubog ang araw sa katanghaliang-tapat, at magdidilim sa buong maghapon. 10 Ang iyong kapistahan ay gagawin kong araw ng kapighatian; at ang masasayang awitin ninyo’y magiging panaghoy. Pipilitin ko kayong magsuot ng panluksa, at mapipilitan kayong mag-ahit ng ulo. Matutulad kayo sa magulang na nagdadalamhati, dahil sa pagkamatay ng kaisa-isang anak. Ang araw na iyon ay magiging mapait hanggang sa wakas.”
KAYA NGA MAY PAGHAHANDA AT PAGSASAAYOS PARA HINDI MADAMAY SA PAGSAMBANG HAHADLANGAN NG PWERSANG BINUO NILA. PAANO KUNG HINDI MAKIKINIG ANG IBA? MAKAKASAMA PA BA SILA SA DAKONG ITINATALAGA NA MAKAPAGSASAGAWA NG MAPAYAPANG PAGSAMBA?
MGA KAPATID,
HINTAYIN ANG PAGPAPASYANG SABAY-SABAY NA ISASAGAWA NG LAHAT. WALANG BABABA SA TUNGKULIN, WALANG TITIGIL SA PAGSAMBA. ANG PAGBABASEHAN NIYO LANG NG PAGSUNOD AY NARITO LANG SA IGLESIA NI CRISTO… HINIRANG. HINDI SI ELIJAH ANG SINUSUNOD KO DITO …ISINANGGUNI KO ANG PAG POST NG MENSAHE NIYA … NGUNIT HINDI NANGANGAHULUGAN NG PAHINTULUTAN AY SINUSUNOD KO NA SIYA. AKO AY TAPAT NA SUMUSUNOD SA UDYOK NG BANAL NA ESPIRITU. KILALA AKO NG NAKAHIHIGIT SA AKIN… SAMANTALANG SI ELIJAH AY GUSTO PALANG AKONG KILALANIN. KILALA KO RIN NG PERSONAL ANG NAKAHIHIGIT SA AKIN.
3. LAHAT NG ABULUYAN, TANGING HANDUGAN BAWAT PAGSAMBA AY MAAYOS AT MAINGAT NA LIKUMIN SA BAWAT LOKAL, UPANG GUGULIN SA PAGSASAAYOS MULI NG MGA KASIRAAN NG INYONG SARILING GUSALING SAMBAHAN.
Mga mahal kong dating kapatid na Eduardo V. Manalo marahil nauunawaan mo ang huling bahagi ng talata. Kailangan niyo munang pagbayaran ang kasuklam-suklam na ginawa ninyo sa Iglesia ni Cristo, sa harap ng Panginoong Diyos at ng Panginoong Jesu-Cristo. Kung nakahanda kayong aminin sa lahat ng mga tao at ng mga kapatid, muli akong magbabalik at magpapahayag para sa panig ninyo. Ako rin ang pakakasangkapan muli sa Panginoong Diyos at sa Panginoong Jesu-Cristo na tutulong ipaunawa sa lahat ng tao kung bakit kailangan na mangyari ang mga bagay na ito. – Elias Arkanghel
Reblogged this on Iglesia Ni Cristo Never Keep Silent.
LikeLike