Ang bawat mga pangyayari at kaganapan sa kasalukuyan sa loob ng Iglesia ni Cristo ay may mga magkakaugnay na pangyayari sa nakaraan. Kung bakit natin nasasabi ito sapagkat ang Banal na Kasulatan na rin ang nagpapatotoo na (MANGANGARAL) 3: 15 Lahat ng nangyayari ngayon ay nangyari na noong una, gayon din ang magaganap pa. Paulit-ulit lamang ang mga pangyayari.
Kaya nga kung paano itong mga kapatid nating nasa CENTRAL tila nagmamalaking hindi sila maiaalis sa kanilang kinalalagyan. Sapagkat habang matatag din silang nadedepensahan ng Ka Eduardo sa kapulungan ng mga kapatid ay umano ay walang katiwaliang nagaganap sa kanilang hanay. At masaya pa nilang nasasabi na walang maaaring pumalit sa kanilang posisyong tangan-tangan, hanggat nakapamamalagi sila sa Templo Central at ang kapatid na Eduardo ay nasa panig nila.
Ito ang nakita ng mga ministrong may paninindigan sa mabuti at ang ibig pamalagiin ang nakagawiang sistema ng Kapatid na Erano G. Manalo. Kaya naging banta sa hanay ng mga tiwaling Sanggunian. Dahil sa katusuhan, gumamit sila ng mga nakapipinsalang pamamaraan at ibintang sa hanay ng mga ministrong nakapupuna sa kanilang kamalian. Kaya gumamit na sila ng dahas at pwersahang pinasusunod may pagbabanta sa buhay ng pamilya kung tatanggi at magpapatuloy sa di umano sa paninira sa kanila.
EZEKIEL 24: 25 “Tao, aalisin ko sa kanila ang matibay nilang Templo na siya nilang ipinagmamalaki at kasiyahan, gayon din ang kanilang mga anak. 26 Sa araw na yaon, isang takas ang magbabalita sa iyo ng mga pangyayari. 27 Sa araw na yaon, makapagsasalita ka na uli; makakausap mo na ang takas na yaon. Ikaw nga ang magiging pinakababala sa kanila. Sa gayon, makikilala nilang ako si Yahweh.”
Kaya ang kapatid na Isaias T. Samson Jr. ang kinatuparan sa ngayon ng isang takas na magbabalita sa ating lahat, upang matapang niyang maisalaysay ang mga pagkukunwari ng nasa Central sa pangunguna ng mga tiwaling Sanggunian upang sila ay gimbalin sa pamamagitan ng katotohanan ihahayag sa lahat na magagawa lang niya kung siya ay makalalabas at tatakas.
Kaya ang ipinagmamalaki nilang mamamalagi sila sa Templo? Ang Panginoong Diyos na ang mag-aalis sa kanila, ano ngayon ang kanilang magagawa? Mapipigil ba nila? Kaya mga kapatid kong pinanghihinaan ng loob dahil sa mga kaguluhan sa Iglesia. Ipaubaya natin sa Panginoong Diyos ang lahat hintayin natin mga karagdagan Niya sa ating tagubilin. Kung minsan ay inuubliga ako ng ilan ngunit ang pagpapasya ay nasa Panginoong Diyos nating mahal. Ngunit magpatuloy lang kayo sa paninindigan at ang mga Pagsamba huwag titigilan. Mag-abuloy kayo ayon pa rin sa inyong maibigan, kung doon magaan ang inyong kalooban, ay hindi kayo pipigilan. Ang ibig ko lang sa inyong ipaunawa maisasaayos din ang lahat mapanunumbalik din ang inaasam nating kapayapaan ngunit kailangan munang mangyari, maganap kung ano ang Kalooban ng Panginoong Diyos natin. Lahat ng balak Niya tiyak na magaganap. Lahat ng panukala Niya tiyak na mapangyayari. Kasama na ang muling maisaayos tayong lahat! Isaias 46:10 Sa simula pa’y itinakda ko na, at aking inihayag kung ano ang magaganap. Sinabi kong tiyak na magaganap ang lahat ng balak ko, at gagawin ko ang lahat ng gusto kong gawin.
– Elias Arkanghel
Salamat po sa paalala,sumasamba parin po ako kahit na ganito ang nangyayari sa INC na kinamulatan ko,at maghahandog o abuloy parin po ako ayon sa pasya ng isip at puso ko.
LikeLike
Kapatid na Elias,
Mahal na kapatid,
Ako po ay isang kapatid dito sa ibayung dagat, at nahaharap na muli kakausapin ng distinado namin…..at irereport na daw ako sa Distrito sa dahilang ako ay patuloy na nagsi-share sa mga nagpo-post sa akng tunay na FB….. at ito pupunta na po at sa Kapilya para sumamba at tutupad sa aking tungkulin…. at harapin sila sa naging aksiyon ko sa kalagayan ng Banal Na Iglesia… Nawa tulungan ako ng ating Diyos at Panginoong Jesu-Cristo sa kalagayan kung ito gaya po ng payo po niyo sisikapin ko po na maging maamong parang kalapati sa harap nila po peru alam ng Panginoong Diyos ang laman ng puso ko. Maraming salamat po…
LikeLike
Don’t be scared we got Our AlmightyGod to protect us
LikeLike
Patnubayan mo nawa ako Ama ng Banal mong Espiritu sa mga pahayag kong ito. Mga Mahal naming mga Ministro bakit kayo nalilito??? Kayo pa ba’y sa Diyos o kasangkapan na ng Diablo. Nagsasabing magRally tayo sa harapan ng hukuman ng tao at pinaniniwala na ito’y di tulad ng karaniwang pagtitipong ginagawa ng mga tao. Di nyo ba alintana na kami’y tao, na halos agawin sa aming mga bibig ang mga biyayang inihahandog upang maging tulong nyo. Bakit kailangan nyong matakot? Di ba ang Diyos ay sumasainyo. Sa Hukuman ng Tao kayo’y nababagabag at nababalisa ngunit sa hukuman at hatol ng Diyos kayo’y di natatakot. https://iglesianicristoneverkeepsilent.wordpress.com/2015/08/27/hatol-na-ng-panginoong-diyos-ang-umiiral-pauudyok-ba-kayo-sa-mga-tiwaling-sanggunian-tanong-sino-ngayon-mga-kapatid-kong-ministro-ang-inyong-papanigan/
LikeLike
Reblogged this on Iglesia Ni Cristo Never Keep Silent.
LikeLike