ROMA 13: 1 “….. LUMALABAN SA PAMAHALAAN AY LUMALABAN SA ITINAKDA NG DIYOS; AT SILA’Y PARURUSAHAN.”

2 thoughts on “ROMA 13: 1 “….. LUMALABAN SA PAMAHALAAN AY LUMALABAN SA ITINAKDA NG DIYOS; AT SILA’Y PARURUSAHAN.””

  1. Muli po Ama igawad mo ang Banal na Espiritu Santo sa
    pagpapahayag kong ito, upang buksan ang kamalayan ng isip at
    pukawin ang damdamin ng mga kapatid namin sa pananampalataya.
    Dalhin sa lubos na pagkaunawa sa mga pangyayaring gawa ng
    minahal at pinagmalasakitan naming mga Ministro sa Iglesia. Di
    maitatago matinding kalungkutan ang aming nadarama, sa mga mahal
    naming Ministro na dapat ay aming kaisa. Sa iisang diwa,
    damdamin at puso kami ay iniwan na nila. O Diyos ng langit
    ngayon ay inihahayag mo na. Pagdidilim ng kanilang isip kasama
    na pati puso nila. Katalinuhan nila unti-unting binabawi.

    Silang itong aral at nakakabatid ng kaalaman at pagkaunawa.
    Ngayon sila’y mangmang, bulag, pipi at bingi sa katotohanan.
    Matinding pasakit sa kabuuan ng Iglesia at sa kahihiyan ay
    ibinibilad pa. Di pa nakuntento, mga kapatid naming inosente
    dinamay pa nila. Pinanunuod bawat pagkilos ng mga kapatid na
    nahikayat nila. Habang sa magagarang hotel sila’y nagkakape at
    pakuyakuyakoy pa. Di alintana ang hirap ng mga kapatid nila.
    Hinahayaang magtiis sa init at lamig. Makatao pa ba sila? Ang
    “Ama” ba talaga ang Diyos nila? Pero bakit ganun? ang Diyos ay
    di na sila nangakikilala. San nila ihahatid mga kapatid kong
    iniibig. Di ba sila natatakot sa poot mo “Ama”. Bakit sa
    kaguluhan at paglaban sila ang nangunguna. Ano bang dapat
    ikatakot ng mga Ministrong aming hinangaan kung ang Diyos naman
    ang sa inyo ay sasama at mangunguna. Kailan kayo titigil sa
    kasamaang walang sing lupit. Di ba kayo nakukunsyensya o
    sadyang ang aral ay limot nyo na. Kailan kayo papipigil at
    magbabalik sa piling ng “Ama”. O Panginoong JesuCristo tulungan
    mo sila, sapagkat sila’y aming mga kapatid na patuloy naming
    iniibig. Kung sa pagkakasala sila ay nahulog at sa diablo man
    sila’y nagpagamit, di ba mas matimbang ang Pag-ibig at Dalisay
    na Aral mo “Ama”. Ngunit hindi ako ang hahatol kundi ikaw pa
    din “Ama”. Hiling ng iyong lingkod maging aming Kanlungan ka sa
    panahong kami ay mahahapis. Magsisilbing Matibay na Moog at
    Tanggulan sa panahong kami ay inaapi na. Ingatan mo kami “Ama”
    yan ang tanging dalangin ng lingkod mong nagmamalasakit.
    Panginoong kong JesuCristo tulungan mo nawa ang iyong buong
    Iglesia. Maraming maraming Salamat po “Ama”. -CJ

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s