PAGGALANG SA PAMAHALAAN
ROMA 13: 1 Ang bawat tao’y dapat pasakop sa mga pinuno ng pamahalaan, sapagkat walang pamahalaang hindi mula sa Diyos, at ang Diyos ang nagtatag ng mga pamahalaang umiiral. 2 Kaya nga, ang lumalaban sa pamahalaan ay lumalaban sa itinakda ng Diyos; at sila’y paparusahan. 3 Ang mga pinuno ay hindi dapat katakutan ng taong gumagawa ng mabuti. Ang mga gumagawa lamang ng masama ang dapat matakot. Kung ayaw mong matakot sa mga namumuno, gumawa ka ng mabuti, at pararangalan ka nila.
Ito ang dahilan kung bakit kailangan tayong lahat ay paalalahanan. Baka nakalilimot lang dahil sa labis ng kalituhan at pagkatakot sa mga nauulinigan ninyo na mga nasa Sanggunian, na may hinahandang pagtugis sa inyo ang Departamento ng Katarungan (DOJ). Dapat ba nating hadlangan ang gusto ng Panginoong Diyos na pagsasaayos sa Iglesia ni Cristo para muling umiral ang kapayapaan? Kung ganun sundin natin ang Panginoong Diyos! Huwag kayong papayag na maging instrumento kayo para kalabanin ang Panginoong Diyos sa iniisip ng Sanggunian na gamitin kayo para maging brigada na hahadlang sa pinapagawa sa pagpapasya ng Panginoong Diyos sa kanila. Kaya huwag na huwag kayong sasama anuman ang kanilang maging pagpapasya. Kung nariyan na kayo agad na kayong bumalikwas! Tuwiran na ring kinakalaban ninyo ang Panginoong Diyos kung aayunan ninyo ang kagustuhan ng mga nasa CENTRAL. Kaya nga para hindi tayo madamay sa galit ng Panginoong Diyos kilalanin natin na;
4 Sila’y mga lingkod ng Diyos para sa ikabubuti mo. Ngunit kung gumagawa ka ng masama, dapat kang matakot dahil sila’y may kapangyarihang magparusa. Sila’y mga lingkod ng Diyos, na nagpaparusa sa mga gumagawa ng masama. 5 Kaya nga, dapat kayong pasakop sa kanila, hindi lamang upang hindi kayo maparusahan, kundi alang-alang na rin sa inyong budhi.
Kaya kung kinikilala sila ng Panginoong Diyos para sa ikabubuti natin. Sila rin ay kinikilala ng Panginoong Diyos na magpaparusa sa mga gumagawa ng masama. Dapat tayong pasakop!
6 Iyan din ang dahilan kung bakit kayo nagbabayad ng buwis. Ang mga pinuno ng pamahalaan ay mga lingkod ng Diyos at ito ang kanilang tungkulin. 7 Ibigay ninyo sa bawat isa ang nararapat sa kanya. Magbayad kayo sa mga dapat bayaran at magbigay kayo ng buwis sa dapat buwisan; igalang ninyo ang dapat igalang at parangalan ninyo ang dapat parangalan.
Hindi lang naman ang pagmamalabis sa karapatang kapatid ang nagawang paglabag ng Sanggunian kung kaya sila dapat akusahan ng kapatid na Isaias Samson at ng kaniyang pamilya. Ang hindi rin nila pagbabayad ng buwis at ng ibat-iba pang mga paglabag na katulad nito. Dahil dito;
TITO 3: 1 Paalalahanan mo ang mga kapatid na magpasakop sa mga pinuno at may kapangyarihan; sundin ang mga ito at laging maging handa sa paggawa ng mabuti. 2 Pagbawalan mo silang magsalita ng masama laban kaninuman, at turuan mo silang maging mahinahon at magalang sa lahat ng mga tao.
Kaya nga sa pamamagitan ng Blog na ito ay marapat na paalalahanan sila. Dahil iba ang itinuturo nila sa mga kapatid natin. Pagrerebelde! Pagsasalita ng laban sa gobyernong tumutugis sa kanila. Ang protektahan sila at huwag payagang makuha sila ng mga tao ng gobyerno.
I PEDRO 2: 13 Alang-alang sa Panginoon, pasakop kayo sa lahat ng may kapangyarihan sa bayan, sa Emperador, na siyang pinakamataas na kapangyarihan, 14 at sa mga gobernador, na isinugo niya upang magparusa sa mga gumagawa ng masama at magparangal sa mga gumagawa ng mabuti. 15 Nais ng Diyos na sa pamamagitan ng inyong wastong pamumuhay ay mapatigil ninyo ang mga hangal sa kanilang kamangmangan. 16 Mamuhay kayong tulad ng mga taong malaya. Huwag ninyong gawing panakip sa paggawa ng masama ang kalayaang ito, subalit mamuhay kayo bilang mga alipin ng Diyos. 17 Igalang ninyo ang lahat ng tao at mahalin ang mga kapatid kay Cristo. Mamuhay kayo nang may takot sa Diyos at may paggalang sa Emperador.
Malinaw na kailangan nating pasakop sa lahat ng kapangyarihan sa bayan gaya ng ibinigay sa DOJ. Huwag tayong maging malabis na tagasunod ng mga tiwaling Sanggunian. Sapagkat kung sila rin lang ang ating susundin na patuloy nila tayong dinadala sa mga paglabag. Marahil ito na nga ang hinihintay na hudyat na huwag ng makitungo pa sa kanila. Kung handa na ang mga kapatid sa mga lokal na magkanya-kanya ay maaari na nating isagawa sa bawat Kailangan lang na may matapang na mangunguna ngunit taglay ang kaamuan sa lahat ng kanyang pangungunahan. Kayo ang magiging katuwang ng Panginoong Diyos para ang mga kapatid ay maingatan at walang sinuman sa kanila ay mapinsala ng mga nasa Sanggunian na ang layunin ay maminsala ng karapatan at buhay.
3. LAHAT NG ABULUYAN, TANGING HANDUGAN BAWAT PAGSAMBA AY MAAYOS AT MAINGAT NA LIKUMIN SA BAWAT LOKAL, UPANG GUGULIN SA PAGSASAAYOS MULI NG MGA KASIRAAN NG INYONG SARILING GUSALING SAMBAHAN.
Ka. Eduardo V. Manalo marahil nauunawaan mo ang huling bahagi ng talata. Kailangan niyo munang pagbayaran ang kasuklam-suklam na ginawa ninyo sa Iglesia ni Cristo, sa harap ng Panginoong Diyos at ng Panginoong Jesu-Cristo. Kung nakahanda kayong aminin sa lahat ng mga tao at ng mga kapatid, muli akong magbabalik at magpapahayag para sa panig ninyo. Ako rin ang pakakasangkapan muli sa Panginoong Diyos at sa Panginoong Jesu-Cristo na tutulong ipaunawa sa lahat ng tao kung bakit kailangan na mangyari ang mga bagay na ito. – Elias Arkanghel
Muli po Ama igawad mo ang Banal na Espiritu Santo sa
pagpapahayag kong ito, upang buksan ang kamalayan ng isip at
pukawin ang damdamin ng mga kapatid namin sa pananampalataya.
Dalhin sa lubos na pagkaunawa sa mga pangyayaring gawa ng
minahal at pinagmalasakitan naming mga Ministro sa Iglesia. Di
maitatago matinding kalungkutan ang aming nadarama, sa mga mahal
naming Ministro na dapat ay aming kaisa. Sa iisang diwa,
damdamin at puso kami ay iniwan na nila. O Diyos ng langit
ngayon ay inihahayag mo na. Pagdidilim ng kanilang isip kasama
na pati puso nila. Katalinuhan nila unti-unting binabawi.
Silang itong aral at nakakabatid ng kaalaman at pagkaunawa.
Ngayon sila’y mangmang, bulag, pipi at bingi sa katotohanan.
Matinding pasakit sa kabuuan ng Iglesia at sa kahihiyan ay
ibinibilad pa. Di pa nakuntento, mga kapatid naming inosente
dinamay pa nila. Pinanunuod bawat pagkilos ng mga kapatid na
nahikayat nila. Habang sa magagarang hotel sila’y nagkakape at
pakuyakuyakoy pa. Di alintana ang hirap ng mga kapatid nila.
Hinahayaang magtiis sa init at lamig. Makatao pa ba sila? Ang
“Ama” ba talaga ang Diyos nila? Pero bakit ganun? ang Diyos ay
di na sila nangakikilala. San nila ihahatid mga kapatid kong
iniibig. Di ba sila natatakot sa poot mo “Ama”. Bakit sa
kaguluhan at paglaban sila ang nangunguna. Ano bang dapat
ikatakot ng mga Ministrong aming hinangaan kung ang Diyos naman
ang sa inyo ay sasama at mangunguna. Kailan kayo titigil sa
kasamaang walang sing lupit. Di ba kayo nakukunsyensya o
sadyang ang aral ay limot nyo na. Kailan kayo papipigil at
magbabalik sa piling ng “Ama”. O Panginoong JesuCristo tulungan
mo sila, sapagkat sila’y aming mga kapatid na patuloy naming
iniibig. Kung sa pagkakasala sila ay nahulog at sa diablo man
sila’y nagpagamit, di ba mas matimbang ang Pag-ibig at Dalisay
na Aral mo “Ama”. Ngunit hindi ako ang hahatol kundi ikaw pa
din “Ama”. Hiling ng iyong lingkod maging aming Kanlungan ka sa
panahong kami ay mahahapis. Magsisilbing Matibay na Moog at
Tanggulan sa panahong kami ay inaapi na. Ingatan mo kami “Ama”
yan ang tanging dalangin ng lingkod mong nagmamalasakit.
Panginoong kong JesuCristo tulungan mo nawa ang iyong buong
Iglesia. Maraming maraming Salamat po “Ama”. -CJ
LikeLike
Reblogged this on Iglesia Ni Cristo Never Keep Silent.
LikeLike