Posted on October 6, 2015 HIRAP NA NARANASAN NI PROPETA ELIAS … HINDI IBA SA DINARANAS NA HIRAP SA TOTOONG KALAGAYAN NI ELIAS ARKANGHEL
Mga kapuwa ko Ministro,
Sa tuwing mananawagan ang Kapatid na Elias ay may naaalaala akong nakakahintulad nito sa mga pangyayaring naganap sa buhay ni Elias na Tishbita, katulad ng huli na kaniyang panawagan, “IPAMAHAGI NATIN ANG MGA PATOTOONG … ITO.”
Alalahanin po natin kung ano ang mga hirap na naranasan ni Propeta Elias dahil sa mga bagay na nangyayari noon sa bayang Israel. Dahil sa pagpigil ng langit ng kaniyang ulan ay nagkaroon ng matinding tagtuyot at kagutom sa lupain sa loob ng tatlong taon at kalahati, na maihahalintulad sa panahon ng makabagong Elias na ayon sa hula ni Daniel ay panahon ng pag-iral kasiraan o kawasakan (“desolation” NKJV) na magaganap bago dumating ang kawakasan. Maihahambing dito ang tagtuyot sa Espiritual na nararanasan ngayon sa Iglesia dahil sa paglayo ng Banal na Espiritu sa mga pagsamba at pagkagutom sa mga…