MATEO 24: 1-14 : NAKATAKDANG PAGKAWASAK NG TEMPLO IPINAGPAUNA NG PANGINOONG JESU-CRISTO, MALAKING KAUGNAYAN SA NAGAGANAP NGAYON SA LOOB NG IGLESIA NI CRISTO SA TEMPLO CENTRAL

23 thoughts on “MATEO 24: 1-14 : NAKATAKDANG PAGKAWASAK NG TEMPLO IPINAGPAUNA NG PANGINOONG JESU-CRISTO, MALAKING KAUGNAYAN SA NAGAGANAP NGAYON SA LOOB NG IGLESIA NI CRISTO SA TEMPLO CENTRAL”

  1. Nais ko pong sabihin ang aking panaginip noon na sa isang bahay ay nakita ko na nakahiga ang ka Erdy na nakatagilid tapos po ay nakayakap ang Katenny ng buong pagmamahal na parang napapakanlong paharap syang nakayakap sa Ka Erdy..tapos po sa isang panig ng bahay ay nandoon na nakatanaw si ka June santos sa kanila.

    Liked by 1 person

  2. Kagaya po ng sa lahat ng nakabasa sa huling paragraph, ang Banal na Espiritu ay tunay ding humaplos sa aking mga balikat at nagsasabing “everything is and will be alright”.
    Ang sarap ng pakiramdam na meron at laging gumagabay, na sa kabila ng ating mga nararanasang sakit, mga nararamdaman hinagpis, sa mga nangyayari sa atin sa loob ng Iglesia, nandiyan Siya, na laging umaalalay, tayong naghahanap ng kalingang Spiritual, mga tunay na INC.

    Mabuhay po kayo Ka Elias Arkanghel!

    Ang Inyong Unang Sumubaybay,

    “Abraham”
    (UdyokNgBanalNaEspiritu…panimula, May30/2015,9:53PM)
    “Abedom”
    Panaginip#0007,June26/2015,9:27PM

    Liked by 1 person

  3. Mahal na kapatid,

    Maraming salamat po sa Ama at kayo ay binigay niyang kasangkapan upang lalo kaming mamulat sa kahalagahan ng aming pagka Iglesia. Habang binabsa ko ang inyong mga pahayag ay di ko maiwasan ang maluha sa kalungkutan na nararamdaman ko para sa iba nating kapatid na naakit ng diablo. Sana po ay mag patuloy kayo sa pag gabay sa aming mga hinirang, tulungan nawa kayo palagi ng ating Mahal na Ama.

    Liked by 1 person

  4. Magandang araw po Kapatid na Elias, maraming marami pong salamat sa muli ninyong pagpapahayag. Habang binabasa ko po ang mga pahayag ninyo ay di ko po maiwasang lumuha sapagkat nararamdaman ko po na hinahaplos ang buo kong katawan ng Espiritu Santo…kahit inulit ko pa pong basahin ay muli’t muli ko pong nararamdaman ang Banal na Espiritu na humahaplos sa buo kong katauhan. Sana po ay idagdag niyo rin po ako sa inyong email add dahil marami po akong katanungan sa inyo. Noon ko pa po kayo gustong makausap. Ang mga pagpapahayag niyo po ay aking ipinamamahagi rin sa mga kapatid natin upang lalo silang tumibay.

    Ang Inyo pong kapatid kay Cristo,
    David Rock

    Liked by 1 person

  5. Magandang araw po kapatid na Elias, maraming marami pong salamat sa muli nyong pagpapahayag, habang binabasa ko po ang pahayag ninyo ay di ko po maiwasang pumatak ang aking luha sapagkat naramdaman ko po na hinaplos ang buo ko katawan ng Espiritu Santo….kahit inulit ko pa pong basahin ay muli at muli ko pong nararamdaman ang Banal na Espiritu na humahaplos sa buo kong katauhan. Sana po ay idagdag nyo rin po ako sa inyong email add. Dahil marami po akong katanungan sa inyo. Noon ko pa po kayo gustong makausap. Ang mga pagpapahayag nyo po ay aking ipinamamahagi rin sa mga kapatid natin upang lalo po silang tumibay.

    Liked by 1 person

  6. Maraming maraming salamat po sa muli mong pagpapahayag kapatid na Elias Arkanghel. Nasasabik na po ako sa malapit ng pagdating ng ating kaligtasan, subalit higit ko pong ipinagpapasalamat sa’yo na patuloy mo kaming ipinaglalambing sa ating Panginoong Diyos, lumuluha po akong sandaling nanalangin para sa aking pamilya at sa aming mga mahal sa buhay at para sa kabuuan ng banal na Iglesia, na nawa ay sumaating lagi ang Kanyang patnubay at tulungan tayong lahat na maging matatag at matagumpay na matapos ang ating takbuhin.

    Ang inyo pong kapatid kay Cristo,
    Lani

    Liked by 1 person

  7. Ka Elias, ngayon ko lang po nabasa ang post niyong ito at galak na galak po talaga ako! Kagabi po kasi nalaman ko ang isang kaganapan sa isang tao na hindi ko naman po gustong mangyari. Gusto ko nga po sanang mag email sa inyo ngayon para hilingin na magparamdam kayo sa blog para makita po ng ibang defenders at malaman nilang buhay na buhay kayo at hindi kayo ang taong tinutukoy nila.

    Maraming salamat po at nadagdagan na naman ang aking kaalaman dahil sa mga post niyo ngayon. Marami narin po pala kayong mga readers na kapatid mula sa ibang bansa at nakausap ko po ang iba. Naniniwala sila sa mga inihahanay ninyo. Hindi lang po sila active sa FB defenders group pero marami po silang nakatunghay sa inyo lalo na sa Hongkong.

    Ipanalangin po sana ninyo ang buo kong pamilya na hindi na sila mawalay pa dahil malapit na po.

    SALAMAT PO SA AMA AT IBINIGAY KAYO SA AMIN!

    ——————————————————————————————-

    Kapatid na Aiza (Lina), Dumarating sa lahat ng tao ang kamatayan .. marahil hanggang doon na lamang ang kanyang buhay. Ako man ay nakikiramay sa kanyang mga naulila. Sapagkat wala tayong itinuturing na kaaway. Kung maaari nga kapag naisaayos ng lahat at mapahintulutan ng Panginoong Diyos natin…. sila man ay hangad din nating maakay at makasama sa tunay na paglilingkod na maghahatid sa lahat sa kaligtasan patungo sa Bayang Banal. Ito pa rin ang pananampalatayang ipinagmalasakit ng Kapatid na Felix Y. Manalo at Kapatid na Erano G. Manalo na tanging nasa loob lamang ng Iglesia ni Cristo.

    Sa panig naman ng mga kapatid natin na nagkamaling akala sa kung sino ako at ipinagpipilitan pa sayo na tama sila ng hinala. Na ang iba nga sa kanila halos nakapagbitiw pa ng masasakit na pananalita sayo. Kapatid na Lina nabasa ko yun na halos ipagtabuyan ka nila. Pero maging sila ay ipinanalangin ko sapagkat ayaw lamang nilang mapasukan sila ng mga inaakala nilang gigiba sa kanilang pagtatangol sa Banal na Iglesia. Ngunit batid ko darating ang araw ikaw ay muli nilang babalikan at maririnig mong paghingi nila sayo ng taos sa pusong panunuyo at paghingi ng paumanhin, sa mga nasabi nila sayo. Kaya hintayin mo lang maging sinuman siya o maging ilan sa kanila .

    Ang mahalaga sa akin ikaw ay aking mabuting kapatid at masipag na nagtataguyod ng Blog ng Iglesia ni Cristo… Hinirang at FB Page natin kung kaya nadaragdagan ang mga tumatangkilik maging sa ibayong bansa. Nang mabasa ko ang mensahe mo at ang kahilingan mong maipanalangin ka at ang buo mong pamilya kapatid na Aiza, naisagawa kunang ipaglambing sa Panginoong Diyos natin at sa mahal nating Panginoong Jesu-Cristo ang kahilingan mo pati na ang mahalagang basbas at pagpapala sa inyo. Muli maraming salamat sayo.
    – Elias Arkanghel

    Liked by 1 person

      1. Good Evening po Ka Elias, matagal na po akong nais sumulat sapagkat mga 4 o limang beses na po akong nakakapanaginip ng tungkol sa Ka Erdy at sa mga iba pa pong may kaugnayan sa kanya….subalit ngayon lang po ako nagkaroon ng pagkakataon. nagbabasa po ako ng inyong blog..at ito ay nagpapalakas sa akin..

        Liked by 1 person

        1. pangalawang panaginip ko po ay nasa bahay namin ang Ka Erdy at nanalangin po sya pagkatapos po ng panalangin ay parang nagmamadali sya sa pag alis at ang sabi nya sa akin ay sumunod daw ako sa kanya at susundan daw po nya ang ka Lottie..susunod ako kila Lottie sumunod ka sa akin…kapag naaalala ko po ito ay naiiyak po ako…

          Liked by 1 person

    1. Ka Elias, nakikita ko po talaga mabuti ang puso niyo kaya po siguro kayo ang napili ng Ama para maging kasangkapan sa mga lihim niyang panukala. Nararamdaman ko po ito sa bawat pahayag niyo na ayaw ninyong makasakit ng damdamin ng iba. Salamat po uli 🙂

      Liked by 1 person

  8. Magandang gabi po Ka Elias,
    Maraming salamat po sa muli ninyong pag-post sa blog na ito. Lagi ko pong kinasasabikan na makabasa sapagka’t marami po akong natututuhan sa mga inihahanay ninyo. Salamat din po sa inyong panalangin sapagka’t damang-dama ko po habang binabasa ang banal na espiritu na galing sa Diyos na yumayakap sa akin. Hindi po ako nag-aalinlangan kahi’t katiting, sapagka’t dama ko po na kayo ang sugo ng Diyos upang magsaayos ng lahat upang makapanumbalik sa tunay at dalisay na muli ang Iglesia Ni Cristo.
    May isusumbong lamang po ako sa inyo. Nag post po ako sa true FB account ko ng picture ng templo central na may verse sa bible from Isaias 1:26. It is only a day after I posted it I was reported and was asked to remove the picture immediately because it is like sending a wrong message about the new administration in the church. Tumulo po ang aking luha at nasabi ko sa aking sarili, wala po akong masamang ipi-nost kung hindi galing sa verse ng biblia, bakit po iyong bagay na iyon ay katitisuran din po nila. Sumunod po ako sa bilin sa akin at kaagad ay inalis ko po. Hindi po pala lahat ng nasa loob ng Iglesia ni Cristo mapa-ministro,may tungkulin at ordinaryong kapatid ay binibigyan ng Diyos ng pagkaunawa. Masakit po sa aking loob na sabihin ito sa inyo pero ito po ang aking nasasaksihan. Tinatanaw ko pong malaking utang na loob at malaking biyaya ang sa Diyos ay nagbibigay sa akin ng liwanag. Ka Elias, wala po akong pag-aalinlangan sa inyo at nagpapasalamat din po ako kay Ka Lina Castillo formerly Gliceria Santita and Aiza na naging kaibigan ko po sa mga defenders.
    Muli salamat po sa pagmamalasakit.
    Maria Centenero

    Liked by 1 person

  9. Kapatid, maraming salamat sa patuloy na pagbibigay ng pagpapatibay sa ating mahal na IGLESIA. I’m your silent readers. I always share your blogs coz it make us more stronger in keeping the faith. Mabuhay Ka po and God bless us all. Maraming salamat po.

    ——————————————————————-

    Salamat salamat! Ang kapatid mong ito sa pananampalataya ay hindi magsasawang maghatid ng ikalalakas ninyo at ikatitibay habang nagaganap ang lahat ng ito sa loob ng Iglesia ni Cristo. Sapagkat ito ang ibig ng ating Panginoong Diyos at ng ating Panginoong Jesu-Cristo na kaparaanan Nila para mangusap na mahal na mahal Nila tayo. – Elias Arkanghel

    Like

  10. Magandang araw po kapatid na Elias. Na-ispirituhan po ako sa ginawa nyong paghahanay na mga nakasulat sa Bibliya. Sana po ay i add nyo ako sa inyong email sapagkat marami po akong katanungan sa inyo. Ako po ay naniniwala sa inyo na kayo ay isinugo ng ating AMA para mag-ayos ng lahat ng mga bagay sa huling mga araw ng Iglesia ni Cristo sa mundong ito. Nakinig ko po pahapyaw ang sinabi ng kapatid na Erano G. Manalo na may huling Elias na isusugo ang Panginoong Diyos. Napakabait po ng AMA sapagkat ipinasumpong sa akin ang blog nyo sa pamamagitan Fb. Naitanong po sa akin ni the last prophet kaya pinilit ko pong hanapin at nagpapasalamat po ako at nasumpungan ko ito.

    ——————————————————————————

    Kapatid, kapag ako ay tumatanggap ng mga mensaheng tulad nito ay nagagalak ang aking Espiritu. Sapagkat tunay na nagpatotoo sa inyo ang Kapangyarihan ng ating Panginoong Diyos. Dininig Nila ang aking pagsamo at pagdalangin upang ipaglambing kayong mga mahal na mahal kong mga kapatid. Nawa lalo kayong manghawak sa ating pagiging tapat na mga Iglesia ni Cristo hanggang matapos ang pagsubok sa atin ng ating mahal na Panginoong Diyos. Kapatid tiyak kong mapagtagumpayan nating lahat ng maibalik natin sa Panginoong Diyos at sa ating Panginoong Jesu-Cristo ang Kapurihan at Kaluwalhatiang para sa Kanila. Muli maraming salamat!

    Liked by 1 person

  11. Maraming salamat po ka Elias nananatiling matatag po ang pagkakilala ko po sa inyo walang sinuman ang makapagbabago po nito.

    ———————————————————————————————————–
    Kapatid na Chard,

    Mahal kong kapatid, salamat sayong matatag na pagkilala patungkol sa pahintulot sa akin ng ating Panginoong Diyos na makapaghanay ng mga nababasa niyo sa Blog nating ito. Muli maraming salamat! – Elias Arkanghel

    Liked by 2 people

    1. Magandang gabi po Ka Elias…

      Salama’t pong muli ng napakarami sapagka’t kapag may posting po kayo totoong ito po ay aking ikinagagalak at laging kinasasabikan na basahin. Salama’t po sa mga panalangin ninyo habang binabasa ko po ito ay damang dama ko po ang kapangyarihan ng ating Diyos at ng Panginoong Jesu-Cristo. Sana po kami ng buong pamilya ay makapanatiling matatag at makasalubong sa pagbabalik na muli ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Huwag po kayong mag-alala sapagka’t buo po ang aking pagtitiwala sa inyo, na kayo po ang mag-aayos na muli sa ating pinakamamahal na Iglesia Ni Cristo.
      Ang nagmamahal ninyo kapatid sa pananampalataya,

      Maria Centenero

      ————————————————————————————–

      Kapatid na Maria, Salamat sayong kagandahang loob mahal kong kapatid. Gagantihan ng ating Panginoong Diyos ang lahat ng ito sapagkat Siya ang higit ninyong Pinararangalan sa pagkilala ninyo sa Kanyang pahiram na Karunungan sa abang lingkod ninyo na napahintulutan lamang para ipagmalasakit kayong lahat. Muli maraming salamat!

      Liked by 1 person

    1. Maagandang hapon po, mahal naming Kapatid na Elias,

      Habang nakatutok po ako sa aking email ay biglang bumungad ang inyong sulat. Laking kagalakan po at alab ang aking naramdaman sa aking kalooban na katulad ng isang taong buong kasabikan na naghihintay sa mailman at inaasahang dala-dala ang isang liham mula sa isang taong minamahal.

      Dahil sa kasabikang malaman agad ang mahalagang tagubilin nilalaman ng inyong sulat, in- scan ko lamang po muna ang mga unang paragraph at dali-daling pumunta sa pinakahuli. Doon natawagan agad ang aking pansin sa bahaging sinabi ninyo, “Halikayo! Narito ang Kapangyarihan ng Panginoong Diyos! Hayan at handang humaplos sa iyo! Naramdaman muna ba na tumabi sayo ang Kanyang Kapangyarihan?” Hindi ko pa man natatapos basahin ang banghay ay agad kong naramdaman bumalot hindi lamang sa aking likod kundi sa buo kong pagkatao ang Banal na Espiritu. Hanggang sa isinusulat ko po ang aking munting kalatas na ito ay nangingilid ang luha sa aking mga mata sa kagalakan.

      Salamat po Ama, salamat po Panginoong Jesus, sa Inyong pagmamahal sa amin ng aking pamilya na ipinadarama sa pamamagitan ng Inyong lingkod na si Kapatid Elias, na dalisay na nagmamahal sa amin katulad ng pagmamahal noon ng Ka Erdy! Huwag po ninyong pababayaan ang aming mahal na Kapatid. Ipagsanggalang po ninyo siya hanggang sumapit ang araw na kaniyang tutuparin ang kaniyang napakabigat na pasaning iaatang Ninyo sa kaniya, ang pag-aayos sa lahat ng bagay sa loob ng Inyong pinakamamahal at pinakamamahal din naming Iglesia.

      Nagmamahal,

      Martin

      Liked by 1 person

      1. Hello po kapatid na Elias Arkanghel (EA), Maari ho ba ko kayong hingan ng payo tungkol sa aking gagawing salaysay? Ganito po kasi ang nangyari: Marami na pong beses na kinausap po ako tungkol sa stand ko sa mga nangyayari sa atin sa loob ng Iglesia. Ang sabi ko sa kanila: “hindi na po ako lubos na naniniwala sa pamamahala ni ka EVM” na dahilan kung kaya ay una nila akong binaba sa tungkulin bilang Mang-aawit, pangalawa, lately, ang pamilya ko: misis ko sa Finance, panganay kong babae, CWS organist, adult choir trainee, nakaumang maging Binhi President. Yong anak kong lalake at ang bunsong babae ay CWS Choir member po. Kagabi po, pinuntahan kami muli dito sa bahay na kung gusto po naming lahat na makabalik sa tungkulin lalo na sa mga bata ay huwag at iwasan ko na daw mag-like at mag-share kung anuman ang mga post ng mga defenders. Gagawa ako ng salaysay, gayon din ang aking misis na magpapasakop kami sa pamamahala. Ang agarang ninyong pagtugon sa aking kahilingan ay lubhang napakahalaga dahil dito rin po nakasalalay ang aming karapatan sa katotohanan at katwiran nga ating AMA at ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Maraming salamat po ka EA. – 
        Kapatid na ABEDOM

        —————————————————————————————————
        Mahal kong kapatid kahanga-hanga ang iyong paninindigan sa negatibong pagkakilala sa kasalukuyang Pamamahala dahil na rin sa mga nakikita mong malaking pagkakaiba nito sa tunay na Iglesia ni Cristo sa mabuting Pangunguna noon ng mahal nating kapatid na Erano G. Manalo ng siya ay nabubuhay pa. At maraming beses ka na kamong kinausap sa iyong katayuan patungkol sa mga kaganapan sa loob ng Iglesia ni Cristo. Mahal kong kapatid hinahangaan ko ang buo mong sambahayan na kung hindi nangyayari ang mga pangkasalukuyan kaganapan ay mabuting ehemplo ang sambahayan na iyong kinakalinga.

        Ngayon ay nakasalang ka na sa isang mabigat na pagsisiyasat at may alok na ibabalik kayong lahat sa inyo-inyong mga tungkulin matapos mong makagawa ng salaysay ng katapatan sa Pamamahala. Sapagkat batid nila ang iyong paninindigan na kung hindi na talaga mababago ay may totoong inaasahan sila sayo. Sapagkat hindi na sila mahihirapan na iulat ka sa Distrito at matapos na mabasa ang iyong salaysay at naroon pa rin ang iyong paninindigan na hindi na pagkakilala sa kasalukuyang Pamamahala ay madali ka ng pasyahang itiwalag pati na ang iyong sambahayan.

        Ngunit kung isasaalang-alang mong makabalik sa inyong tungkulin ay pansamantalang at hingin ang iyong pananahimik matapos mong makagawa ng salaysay ng katapatan sa Pamamahala ngunit sa Pamamahala ng ating mahal na Panginoong Jesu-Cristo sa Kanyang katawan o Banal na Iglesia ang totoong iniisip mo, tahimik kang sumunod. Muli mong magagawang payapang nakapagpapatuloy sa pagtupad. Subalit kung may iba talaga silang layunin at ito ay hindi mo naman na ikapapayapa. Mahal kong kapatid gawin mong manalangin at isangguni sa ating Panginoong Diyos ang lahat.. tiyak kong tutugunin NIYA ang iyong ipinaglalambing. Dahil diyan may pagpapasya ka ng gagawin na hindi na laban sa kalooban mo sapagkat mula sa DAKILANG AMANG BANAL sa pamamagitan ng ating mahal na Panginoong Jesu-Cristo sa paggabay sayo ng Banal na Espiritu magmumula ang magiging pagpapasya mo. Maraming salamat sayo nawa anuman ang magiging pagpapasya kilalanin mong ito ay makabubuti sayo at sayong mga mahal sa buhay. Sumainyo ang pagpapala, basbas at biyaya ng ating DAKILANG AMANG BANAL. – Elias Arkanghel

        Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s