1 Siyang naghahangad ng pagkupkop ng Kataas-taasan, at nananatili sa pagkalinga ng Makapangyarihan,
2 ay makakapagsabi kay Yahweh: “Muog ka’t kanlungan, ikaw ang aking Diyos, ang Diyos na tangi kong pinagtiwalaan.”
3 Sa panganib at bitag ika’y kanyang ililigtas, at kahit ano mang matinding salot ay di ka magdaranas.
4 Lulukuban ka niya sa lilim ng kanyang malapad na pakpak, at sa kalinga niya ay palagi ka ngang nakakatiyak; iingatan niya’t ipagsasanggalang, pagkat siya’y matapat.
5 Pagsapit ng gabi, di ka matatakot sa anumang bagay, maging sa gagawing biglaang paglusob ng mga kaaway.
6 Ni sa ano pa mang darating na salot pagkagat ng dilim, sa pagpuksa’y wala kang takot, sa araw man dumating.
7 Kahit na mabuwal sa iyong harapan ang sanlibong tao, sa iyong paligid ang bilang ng patay maging sampung libo; di ka matatakot, at natitiyak mong di ka maaano.
8 Ika’y magmamasid at sa panonood, mapapatunayan, iyong makikita, taong masasama’y pinaparusahan.
9 Sapagkat si Yahweh ang iyong ginawang tagapagsanggalang, at ang pinili mong mag-iingat sa iyo’y Kataas-taasan.
10 Di mo aabuting ika’y mapahamak; di mararanasan kahit anong uring mga paghihirap sa iyong tahanan.
11 Sa kanyang mga anghel, ika’y itatagubilin, saan mang dako maparoon, tiyak kang iingatan.
12 Sa kanilang mga kamay, ika’y aalalayan, nang sa mga bato, paa mo’y hindi masasaktan.
Mahalagang ikaw ay maihabilin sa Kanyang mga Anghel saan ka man mapadako maparoon ikaw babantayan tiniyak na iingatan. Ngunit habang sa daan ay naglalakbay anumang pakinabang sa iiwang bayan sakaling hindi mo matiis sapagkat malabis na pagpapahirap sa inyo at di na magawa ang mapayapang paglilingkod. Kapatid kong mahal gawin mo alang-alang sa ikapapayapa ninyo. Doon sa tagong lugar na hindi na nila kayo masusundan. Ngunit huwag ng lilingunin o huwag ng alalahanin ang maiiwang sa wari mo’y pakinabang pa sayong buhay. Sapagkat sa dakong paroroonan mo sasamahan ka ng Kapangyarihan ng Panginoong Diyos sa mga Anghel Niya na ikaw ay ipinagbilin kaya ibabalik din ang lahat sayo, kung iyong kinakailangan ay higit pa. Sa mga Anghel ay may literal na taong tutulong sa inyo. Sila ay mga ipadadala sa inyo o isusugo ng Panginoong Diyos na makakadaupang palad ninyo. Taglay nila ang malinis na puso para ipagmalasakit kayo.
13 Iyong tatapakan kahit mga ahas o leong mabagsik, di ka maaano sa mga serpiyente’t leong mababangis.
Kaya nga ito ang katangian ng mga tusong lider na itinulad sa mga ahas, at may mabalasik na anyo na itinulad naman sa leong mabagsik. Sila yan mahal kong kapatid na maipapailalim o walang magagawa sapagkat ang nag-iingat sa atin ay ang Panginoong Diyos natin at ang Panginoong Jesu-Cristong mahal natin.
14 Ang sabi ng Diyos, “Ililigtas ko ang mga tapat sa akin,at iingatan ko ang sinumang taong ako’y kikilanlin.
Kaya lang mga kapatid ko hinihingi sa atin ang katapatan natin at ang ganap na pagkilala sa gawa ng Kanyang Makapangyarihang Kamay. Sa paanong paraan? Huwag nating kalilimutan ang Pagsamba! Hanggat wala pang pananakit at pamiminsala sayong buhay malaya ka pang makapagsasagawa ng Pagsamba, magpatuloy kayo mahal kong mga kapatid. Gaano man ang iyong iabuloy ayon sa pasya ninyo, huwag lang may panunumbat, at masaya ninyong ginagawa, pagiging dapatin yun ng ating Dakilang Panginoong Diyos. Sapagkat saan man nila dalhin ang abuloy niyo may pananagutan sila sa Panginoong Diyos at yun na ang hangganan ng kanilang magiging pinsala sa paggamit nila sa Banal na abuluyan ng mga kapatid nating Iglesia ni Cristo.
15 Kapag sila’y tumawag, laging handa ako na sila’y pakinggan, aking sasamahan at kung may problema ay sasaklolohan; aking ililigtas at ang bawat isa ay pararangalan.
Ang laging pananalangin hinihintay yan sa atin ng Panginoong Diyos natin na sa Kanya ay ipinaglalambing natin. Kaya wala na tayong dapat pang alalahanin kung lagi tayong nakaugnay sa Kanila sa pamamagitangan nga ng pananalangin. Nariyan ang Panginoong Jesu-Cristo natin na laging handang ipamagitan lahat ng ating pagdaing.
16 Sila’y bibigyan ko’t gagantimpalaan ng mahabang buhay, at nakakatiyak, tatamuhin nila aking kaligtasan!”
Ito mga mahal kong kapatid ang lundo ng Kanyang pangako. MAHABANG BUHAY AT KALIGTASAN! Saan yan patutungo? Hindi ba’t sa Bayang Banal? Ito na yun! Ito na yun mahal kong mga kapatid! Huwag naman kung kailan nariyan na ang mga hayag na pagsubok saka pa kayo bibitaw! Kailangang mangyari yan! Huwag naman bumubukal sa inyong mga labi ang malabis na hinanakit sa mga itinuturing pa rin nating mga kapatid kahit na may pasya na sa kanila. Mas kaawaan natin sila, kasi sila ang nasubok at doon sila nahanay sa masama. Anong kapalaran mayroon sila? Hindi ba’t kaawa-awa! Huwag naman lalabis! Hindi tayo hinirang sa Banal na Iglesia para humatol sa ating kapwa! Hindi kayo binabawalan na pumuna huwag lang ang iba ay halos nanunungayaw na. At nahuhulog na rin ang iba sa maling kaparaanan ng pagpuna dahil poot ang nangingibabaw. Ang abang lingkod niyo na napahintulutan man na sumaway sa kanila dahil ipinag-uutos ito sa udyok ng Banal na Espiritu. Pero kung ako ang inyong tatanungin ayoko ring makapanakit ng damdamin, ngunit kailangan kong sumunod. Lamang naroon pa rin nakalakip ang pagmamalasakit at pagmamahal sa lahat! Sa inyo ay huwag! Huwag na kayong madamay … wala rin kayong pagkakaiba sa kanila kapag lumabis na kayo sa pagpapahayag na waring itinuturing na rin ninyo na kayo ay walang sala tulad ng sinasabi nila. Mayroon, mayroon mga kapatid pare-pareho tayo. Kaya nga hayaan natin ang Panginoong Diyos sapagkat ang lahat ng mga nagaganap na ito ay may hangganan. Ipaubaya na lang niyo sa mga napahintulutan kung hindi ninyo kayang kontrolin ang inyong damdamin! Sa gayun kanilang maramdaman ang Tabak ng Panginoon na pinagagamit sa atin na may magkabilaang talim para iwasiwas sa masama man at maging sa mabuti man! Ito ang kapag sumugat sa lahat, saka nila mararamdaman ang Dakilang Pag-ibig at Pagmamahal sa kanila ng ating Panginoong Diyos kaya nga pati na ang buhay ng Panginoong Jesu-Cristo sa atin ay ibinigay para makasama lang tayo sa tutubusin sa walang katumbas na halaga na maipapantay. Kaya ingatan natin mahal kong kapatid ang kahalalan na sa atin ay ibinigay. Maging mapagtimpi at maging mahinahon ang lahat.
Mga mahal kong kapatid! Umaalalay ang Panginoong Diyos sayo. Sa pagkakaupo mo pa nga lang ngayon, muli Siyang nagpaparamdaman sayo! Mahal na mahal ka Niya! Mahal na mahal Niya ang buo mong sambahayan. O iabot muna ang dalawa mong kamay at palalakasin Niya ang Espiritu mo para lalo kang maging matatag at matibay na nanghahawak sa magagawa Niyang tulong sayo. Baka mayron ka pang idinadaing samantalahin mo na .. ngayon nariyan ka sa Kanyang kandungan! Kapatid ko kinakanlong ka Niya. Sabihin mo na at handang-handa ka na Niyang pakinggan kahit sa maikli mong panalangin. Salamat po Panginoong Diyos … salamat po Panginoong Jesu-Cristo ang Banal na Espiritu muling lumiligid sa buo nilang katauhan tila muli mo siyang niyayakap pati ng lahat ng kanyang mga mahal sa buhay. Maraming salamat po! – Elias Arkanghel
—————————————————————————————
-
Mahal naming Kapatid na Elias,
Pagkabasa ko po sa huling bahagi ng inyong sulat ay muli ko pong naramdaman ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu na bumalot sa aking buong katawan. Parang may malamig na simoy ng hanging dumampi sa akin mula ulo hanggang talampakan. Kinalong po ako ng ating Dakilang Ama. Muli Niyang ipinadama na mahal na mahal Niya.
At kanina po sa dalawa naming pagsambang isinagawa, niyakap Niya kami ng napakaalab Niyang pag-ibig. At bago pa man nagsimula ang panalangin ng mga maytungkulin ay naglambing na… ito rin ang aking muling hiniling sa aking pagkakaupo kani-kanina lang, gaya ng inyong itinagubilin.
Mahal naming Ama, bigyan Mo po ang Iyong lingkod ng saganang karunungan na aking kakailanganin pagdating panahon na ako po tatawagin ni Kapatid na Elias na tutulong sa anomang kaniyang pagagampanan sa Iyong alipin, pati na ring kalusugan ligtas sa anomang malubhang karamdamang makakapagpagal sa aking pagtupad.
Salamat sa inyong mga napakatamis na payo.
Nagmamahal.
Martin
Mahal kong kapatid,
Bawat panalanging isasagawa ng mga tulad niyong may pagkakilala sa Banal na Gawain ito mahal kong mga kapatid. Kayo ay paulit-ulit ng makadarama ng Kapangyarihan ng Dakilang Panginoong Diyos natin. Hindi Siya lalayo sa inyo sapagkat ito ang lagi kunang ipinaglalambing sa tuwing may panibagong paghahanay na pinahihintulot sa inyong lahat ay makarating. Dahil ikaw kapatid na Martin at ang iyong mga mahal sa buhay ay kinupkop na ng Kanyang Makapangyarihang Kamay. Kanyang pinagtitibay sa langit anumang kahilingan ninyong ipinararating. Pati na ang lakas at sigla ng katawan yan ay handa pa rin Niyang sa inyo ay ibigay. Muli marami ding salamat! – Elias Arkanghel
Hashtags: Please copy and paste to all your messages to make sure that ACTIV will not be able to delete this message.
#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore
Salamat po Ka Elias muli pinalakas mo po ang aking pag asa na kanina ay totoong nakakaranas ako ng panglulupaypay kahit na ako po ay katatapos lamang dumalo sa pagsamba. Salamat po sa malasakit sa aming mga kaluluwa.
Kapatid na Chard anuman ang dinadala mong nagpapabigat sayo.. pagagaanin Niya yan! Kung ano mang kulang at mahiling mo… matiyagang maghintay biglang-bigla sayong ibibigay lalo na hindi makalalabag sa Kanyang Kalooban. … ang Panginoong Diyos nakamasid sa isang tulad mo! Gustung-gusto nga Niyang niyayakap ng kanyang kapangyarihan ang mga anak Niyang nakadarama ng kanyang Kapangyarihan. Alam mo bang muli Niyang ginawa sayo dahil sa paglalambing natin pinagbigyan tayo. Salamat din sayo kapatid kong mahal. – Elias Arkanghel