PANAGINIP #00015 : KAPATID NA INC DEFENDERS NANGANGANIB … BILIN NG KAPATID NA ERANO G. MANALO SINUNOD …

2 thoughts on “PANAGINIP #00015 : KAPATID NA INC DEFENDERS NANGANGANIB … BILIN NG KAPATID NA ERANO G. MANALO SINUNOD …”

  1. Magandang Umaga po Ka Elias,

    Ako po si Kapatid na Adrian Cruz. Magiting po na sumusubaybay sa inyong blog at naniniwala na kayu po ay ang Elias na sinugo ng Diyos sa mga huling araw upang isaayos muli ang Iglesia Ni Cristo.

    Ka Elias ako po ay nanaginip at eto po ay una kong panaginip about sa nangyayari sa Iglesia nating mahal. Noong pong Septyembre o Oktubre etong taon di ko na po natandaan kung anung saktong buwan at araw. Ito po ay tanghali ng ako ay umidlip sa aking bahay.

    “Napanaginipan ko po, na kami ay nasa eskwelahan at maraming mga tao na para bagang kami ay nasa evacuation centers. Parang may nangyaring bagyo o kung ano pa man.”

    “Ako po ay nagising at ako po ay tumingin pa kanan sa aking pagkakahiga nakita ko po ang aming Destinadong Ministro na nakabarong na puti na kalimitan ginagamit nila tuwing may gawain. Kumakain po ang aming ministro sa isang styrofoam. ”

    “At naitanong ko po sa kanya kaagad na. ”

    Ako: “Ano po ba ang nagyayari?”
    Ministro: “Tinitigil nila ang Pagsamba!”
    Ako: “Sino po ang nagpapatigil?”
    Ministro: “Si Ka Maximo Bularan.”

    Pagkatapos po ng ministro na sinabi nya sa akin na si Ka Maximo Bularan daw po ang nagpatigil ng pagsamba. Ay bigla naman po ako nagising sa aking Pagkakaidlip. Di ko po mawari sa aking isipan na bigla ako nanaginip at una kong panaginip buong buhay ko about sa Iglesia.

    Binahagi ko lang po ito ang aking unang panaginip mahal naming Ka Elias. Maraming Salamat po. Nandyaan kayo na nagbibigay sa amin ng Lakas upang maging matibay at panghawakan sa aming sarili na may isang Elias na sinugo ang Diyos upang gabayan kami sa Tamang Daan. Maraming Salamat po Ka Elias Arkanghel.

    Mapalad ka kapatid na Andrian sapagkat napahintulutan kang tumanggap ng mensahe ng Panginoong Diyos. At yan ay naitawid mo para bigyan ka ng unawa kung saan at sino ang mga pinatutungkulan sa panaginip mo.

    Totoo na matitigil ang mga Pagsamba ayon sa Banal na Kasulatan na halos kauuhawan nga ng mga kapatid ang Salita ng ating Panginoong Diyos. Ngunit may dakong ipahihintulot doon ay magpapatuloy ang ating mga Pagsamba. May mga dako ring mapahihintulutan na makapagsagawa ng mga Pagsamba lalo na inilalarawan sa panaginip mo na tila nasa evacuation center kayo na pininsala ng kalamidad. Ito ang pinsalang ang may gawa ang mga tiwaling Sanggunian pa rin. Sayong panaginip ang ka. Maximo Bularan ang ginamit para kumakatawan sa buong Sanggunian kung saan siya kabilang. Ang Kabuuan ng Sanggunian ang pinatutungkulan sa panaginip mo ang magiging sanhi ng pagtigil ng mga Pagsamba. Kapatid na Andrian maraming salamat sa pakikibahagi mo. Hayaan mong pagkalooban ka ng ating Panginoong Diyos ng mga biyaya’t pagpapalang kailangan mo para makapamalagi ka pang nakapagpapatuloy na nakapaglilingkod sa atingmahal na Panginoong Diyos at sa Panginoon Jesu-Cristong mahal natin.. Kasamang tatanggapin ito ng mga mahal mo sa buhay. Muli maraming salamat!

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s