Mahal kong kapatid, naaliw akong basahin ang komento mong tila umaawit ng pagpupuri at pasasalamat sa ating mahal na Panginoong Diyos at mahal nating Panginoong Jesu-Cristo. Ang kilalanin mo ang Kanilang nagawang tulong mula ng magpasimula ang Banal na Iglesia sa pangunguna ng Kapatid Felix Y. Manalo na ipinagpatuloy ng mahal nating Tagapamahalang Pangkalahatan na Kagalang-galang na Kapatid na Erano G. Manalo ay hayag na hindi nila talaga tayo iniiwan. Hanggang ngayon naman kahit na kapwa sila pinagpahinga na.
Kaya nga sa tulad mong mapagpasalamat sa ating Panginoong Diyos at sa ating Panginoong Jesu-Cristo naramdaman Nila ang taos puso mong pasasalamat… ang ngiti Nila sa langit hindi mo man nakikita. Kapatid ipadarama Nila sayo na magpapatotoo sa lahat! Kasi nariyan Sila kapwa hahaplos sa pisngi niyo, alam na alam Nilang nahihirapan na rin kayo. Di ba nararamdaman mo ang kapwa paglapit Nila sayo? Ang sarap-sarap mabuhay sa piling Nila hindi ba? ..Oh Panginoong Diyos ..Panginoong Jesu-Cristo.. salamat muli Kayong dumalaw sa tahanan ng mga kapatid ko. Heto po yung gustung-gusto nila na tinatabihan Niyo at ang nasa kalagitnaan Niyo ay sila. Gusto na nga po nila ng mapayapang buhay kung kailan Niyo po ibibigay maghihintay lang po sila huwag lang po Kayong lalayo sa buhay nila. Salamat po Dakilang Panginoong Diyos kinasasabikan nila ang Banal mong Kapangyarihang ito… na lumulukob sa buo nilang pagkatao. Minsan pa po pakihawakan mo ang kanilang uluhan.. hanggang sa likuran. Kasi po diyan silang lahat muling magpapanibagong lakas … at sisigla ang pagal nilang mga katawan. Panginoon nakita mo po bang lumuluha na ang isa kong kapatid na ito? Pakiyakap na rin po! Pakiyakap muna rin po! Isama ng kanyang mga mahal sa buhay. Tapos po pakihaplos ang luhaan nilang mga mata. Huli ko pong kahilingan..pahintulot po.. dampi ng labi Mo sa kanilang mga uluhan. MARAMING MARAMING SALAMAT PO!
– Elias Arkanghel
Hashtags: Please copy and paste to all your messages to make sure that ACTIV will not be able to delete this message.
#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore
Mahal po naming Ka Elias,
Napakasaya po ng nararamdaman ko habang ako po ay nagbabasa nitong mga ipinasulat sa iyo ng Ama para ipaalam at ipakita po sa lahat na gawa ng makapangyarihang kamay ng Ama ang lahat ng mga bagay na nangyayari. Mga pinanukala Niya at Kanya rin po na pinangyayari.
Magtitiis po kaming maghintay sa araw na iyon na itinakda ng Ama upang makabalik na po sa kaningningan, dalisay, banal, payapa at maligayang paglilingkod sa ating mahal na Ama at sa ating mahal na Panginoong Jesus na siya po nating laging mithiin. Salamat po ng napakarami sa ating Dakilang Ama at sa ating Panginoong Jesus at sa Banal na Espiritu ng Ama na inilagay ng Ama sa ating mga puso, upang siyang kasa-kasama natin, upang magpaalala ng Kaniyang mga banal na kautusan, at upang magawa nating lagi ang banal na kalooban ng Ama sa kapurihan ng Dakila Niyang pangalan at ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
Salamat po sa iyo at nagpakasangkapan ka po sa kalooban ng Ama at ng Panginoong Jesus, upang ipaalam sa amin ang mga panukala ng Ama at ang ating hinihintay ay malapit na Niyang ipagkaloob. Purihin at itanyag ang napakabanal na pangalan ng Ama at ng ating Panginoong Jesus, dahil hindi nila tayo iniwan at kailanman ay hindi po iniiwan hangga’t lagi tayong sumusunod at nagpapasakop sa Banal na Kalooban ng Ama at ng Panginoong Jesus. Walang sawang pasasalamat po sa Ama dahil sa pagkasangkapan ng Ama sa mga propeta, sa mga nauna ng naging lingkod ng Ama na naging ehemplo sa atin ngayon upang ipakilala at ipaalam ang kahalagahan ng pagsunod.
Kasamang hindi po natin malilimot ang Ka Felix Manalo na Huling Sugo ng Ama sa mga huling araw na ito at kahit napakarami niyang dinanas at binatang hirap at pag-uusig ay hindi siya tumigil at pinanghinaan ng loob dahil sa ipinadamang patnubay ng Ama. Ganoon din po na ipinagpapasalamat natin sa Ama at pinagpahinga man ang Ka Felix ay biniyayaan uli tayo ng mabuti at matuwid na mangunguna sa katauhan ng mahal po nating Ka Erdy. Salamat ng marami sa Ama dahil po sa bago pinagpahinga ang Ka Erdy ay napangaralan din po niya tayong mabuti at ang mga ito ay hindi po malilimot. Salamat po ng napakarami sa Ama at mahigpit na ikinintal ng Ama ang Kanyang mga salita, pangaral, turo at saway sa ating puso at isip na siya naman na po nagiging gabay sa ating paglalakbay at higit po sa lahat gabay po sa ating paglilingkod.
Salamat sa pag-ibig, sa kaloob na buhay, lakas at kalusugan, sa banal na karapatang mgmana ng mga pangako ng Ama, sa awa at pagpapatawad ng Ama sa ating twina ay pagkakasala, sa gabay malayo sa mga panganib, at sa lahat ng bagay na kaloob ng Ama sa bawat isa po sa atin kasama na ang walang sawang mga katalinuhan at mga biyaya araw-araw. Tulungan at samahan nawa po tayo lagi ng Ama at ng Panginoong Jesus para makamtan ang mga pangakong inaasam natin at makarating tayo sa piling ng Ama sa banal na bayang laan at doon ay patuloy na pupuri at maglilingkod sa Ama at sa Panginoong Jesus.
Pasensiya ka na po Ka Elias at napahaba ang comment ko po. Inspirado po akong magsulat ng nasa damdamin ko po sa araw na ito. Dahil po sa nabasa ko na naman po na isinulat mo po. Dahil po sa ramdam ko po palagi ang pagmamahal ng atin pong Ama at ng atin pong Panginoong Jesus. Nakakalakas po talaga. Lahat kayang gawin dahil sa mga nagpapalakas sa atin kahit na tayo ay nasa mga panahon ng kahinaan. Alam mo na po ibig kong sabihin.
Salamat pong muli Ka Elias. Ingatan ka po lagi ng Ama at ng ating Panginoong Jesus kasama mga mahal mo po sa buhay.
Gumagalang at nagmamahal mo pong abang kapatid,
Ka Sunshine
Like