
-
ako po ay mangaawit din sa isang lokal sa Bulacan…
tama po ang hinaing ng aking kamang-aawit… marahil ito po ang isang dahilan ng pagkawala ng espiritu sa mga panahon ng pagsamba…
1. Kami pong mga mang-aawit ay hindi propesyunal na mang-aawit na basta bigyan ng nota ay alam na kaagad basahin ang mga ito. marami sa mga matatandang mang-aawit ay mas sanay parin sa pagbabantas sa mga lyrics ng awit. ang pagbabasa ng nota ay unti unti nauunawaan ng mga kamang-aawit ko ngunit hindi ito overnight. mahabang proseso.2. hindi naman po talaga issue ang salapi at oras na gugulin para sa mga pagsasanay / pagaaral ng mga awit ngunit kung ang mga aaralin ay napakarami ay kulang ito para sa isa hanggang tatlong oras na pagiinsayo, masyado po itong mabigat para sa mga hindi propesyunal na mang-aawit. ang mga mang-aawit nga po sa katoliko inaabot ng 3-5 hours para sa isa o dalawang Bago (as in New) na awit, kahit singer na may album ask them ilang awit ang kaya nilang aralin sa loob ng isang oras? promise medyo imposible po na maaral ang mga Bagong awit ng sabay sabay. ok pa po sana if mahaba ang paghahanda, kagaya ng nabanggit ng kamang-aawit ko wala pa ang proccesional lagpas apat na linggo nalang. for sure hindi naman po repeat na awit yan.
3. noong araw kapag may okasyon expected na namin na mayroong bagong awit pero isa-dalawa o tatlo na pinakamadami, at oktubre o pagpasok palang ng november maaral na. pero ngayon November 17, lahat puro bago ang awit, (kakaiba pa ang himig -Nakakapanibago), totoo kaunting kaunti nalang malapit na maging konsyierto ang mga tunog, kaunti nalang para na tayong El Shaddai at born again dahil sa mga kakaibang himig. noon bago man ang awit pero madaling matutuhan dahil may solemne puso ang mga awit. ngayon pang concert, pop na pop.
4. ano magiging epekto ng lahat? mababaw ang mga awit kulang sa pagsasapuso, ang totoo kahit hawak namin ang himnario at binabasa ang awit ay mas mainam na kabisadong kabisado mo ito yung tipong kahit pumikit ka o mabasa ng luha ang mata mo makakaawit ka ng tama. ngayon dahil bago nga ang lahat ng awit kailangan mo tutukan ang mga nota bantas at lyrics( na mayroon pa ngang makabagong pananalita na dati hindi angkop) upang maawit mo ng tama. tendency pag hindi mo kabisado mahina ang awit.
5. sa huli patuloy ang pagsunod, patuloy ang pananalangin pagkat ang Diyos parin ang gagawa sa para sa tapat niyang hinirang.
Reblogged this on Iglesia Ni Cristo Never Keep Silent.
LikeLiked by 1 person
Mahal na Kapatid , ako po ay isang Mang awit dito sa isang bansa sa Amerika gusto ko lang pong idulog sa inyo ang bumabagabag sa aking isipan na katanungan , hindi na po kasi lingid sa ating pang unawa na ang mga lyrics o katagang bumubuo ngayon sa mga awit ay patungkol na sa baha bahagi at parang hindi na sa pagpupuri sa ating Panginoong Dios, iminumulat po ang mga Kapatid na may kumakalaban sa aral na itinataguyod ng Iglesia ang mga mensahe ay puno ng Paghihimagsik at Pakikipaglaban na pinapa intindi na ina api ang Pamamahala. May mga binuong nota na halos pang konsyerto na sobrang ang tataas ng himig at di na akma sa ginagawa nating Pagsamba kaya ramdam talaga na di na sinasamahan ng Espiritu Santo. Gusto ko pong maunawaan bilang isang Mang await naka pagdudulot pa ba ako ng kaaliwan sa Dios kapag binibigkas ko sa aking mga labi ang mga awit na ito na lumalaban naman ang puso ko dahil hindi ito nagdudulot ng Kapayapaan kundi pagka ka watak watak ng dating Iglesiang Nag kakaisa ? Sana po ay pagpayuhan ninyo ako dahil hindi na po ako masaya sa aking mga pagtupad at ayoko pong pakasangkapan sa pag awit na iba na sa aking unang natutunan. Pagpalain nawa kayong lalo ng ating Ama na patuloy na maging kasangkapan upang makapag bigay kaaliwan sa maraming kaluluwang sabik sa pagkandili ng Ama.
Ang inyong kapatid kay Cristo,
Lyka
LikeLike