Ang Banal na Espiritung gumagabay na nagdidikta sa atin ng kung ano ang marapat na isipin at marapat natin sabihin, ay hindi kasusumpungan ng kamalian. Sapagkat ang Banal na Espiritu ay mula sa pagsusugo ng Panginoong Diyos natin. Ang paggamit ng Dakila sa dakila ay may pagkakaiba bagamat ito ay ipinahihintulot mismo ng ating Panginoong Diyos na ginagamit sa mga hanay na nakasulat sa Banal na Kasulatan …
Mahal kong kapatid narito ang ilang hanay ng mga talata upang masagot ang iyong katanungan.
I CORINTO 14: 26 Ano nga ito, mga kapatid? Pagka kayo’y nangagkakatipon ang bawa’t isa sa inyo’y may isang awit, may isang aral, may isang pahayag, may wika, may isang pagpapaliwanag. Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay sa ikatitibay.
Mahalagang maipaunawa ang mga kauri ng wika lalo na kung ito ay hindi maunawaan o masyadong malalim at matalinhaga. Kaya naman gaya ng pahayag sa Banal na Kasulatan kailangan talaga may isang tagapagpaliwanag. Kapag naipaliwanag na ngayon sa atin at maipaunawang ganap, matututo na tayong magpahalagang sumunod na walang anumang pagtutol dahil diyan magagawa na nating masinop ang lahat sa ikatitibay ng lahat ng bagay.
Sapagkat kung maayos na ang lahat, hindi na darating sa kaninumang kaisipan ang anumang pag-aalinlangang sumunod. Muli tayong magtatanong kung sa Banal na Kasulatan pinahintulot din ba ng Panginoong Diyos na ikapit ang salitang dakila hindi lang sa tao? Maging saan naman kaya?
DEUTERONOMIO 4: 5 Narito, aking tinuruan kayo ng mga palatuntunan at ng mga kahatulan, na gaya ng iniutos sa akin ng Panginoon kong Dios upang inyong gawing gayon sa gitna ng lupain na inyong paroroonan upang ariin. 6 Ingatan nga ninyo at inyong isagawa; sapagka’t ito ang inyong karunungan at ang inyong kaalaman sa paningin ng mga tao, na makakarinig ng mga palatuntunang ito, at magsasabi, Tunay na ang dakilang bansang ito ay isang pantas at maalam na bayan.
Sa dakilang bansa ikinapit din ang salitang ito sapagkat itinuturing namang karunungan at kaalaman ang makarinig na pinatutungkol sa isang pantas at maalam na bayan. Sapagkat malinaw na itong ginagawa nating pagsagot sa katanungang bumangon ay para lalo tayong matuto sa mas dapat na sundin na palatuntunang mula sa ating Panginoong Diyos. Dahil din dito tinuturuan din tayo ng marapat na kahatulan ng hindi nauuwi sa panghuhusga gaya ng nakagawian ng iba. Ngunit ang sayo ay upang alamin kung ano ang marapat na sundin at katawagan na dapat pa bang sabihin?
Dapat na nga bang alisin natin ang salitang Dakila sa higit na pinatutungkulan o hayaan lang na ikapit lang ang dakila sa indibidwal na tao gaya ng mga bayani ngunit sa Kapurihan pa rin at Kaluwalhatian ng DAKILANG DIYOS na pinagmulan ng kanilang pagiging dakila? Narito ang ilan lang sa mga talata na ikinakapit sa tao ang salitang dakila na nakasulat sa Banal na Kasulatan.
JEREMIAH 5: 5 Ako’y paroroon sa mga dakilang tao, at magsasalita sa kanila; sapagka’t kanilang nalalaman ang daan ng Panginoon, at ang kahatulan ng kanilang Dios. Nguni’t ang mga ito ay nagkaiisang magalis ng pamatok, at lumagot ng mga panali.
Ang dakilang tao maaring ikapit din sa mga pangunahing lider sa Iglesia sapagkat inaabot nila ang pinaka-mataas na antas sa Ministeryo. Lamang bumababa ang pagkakilala sa kanila nang hinanap na nila ang sarili nilang pagkapahamak bagamat hindi sila dapat makita doon. Kaya nga kung hindi tayo magiging maingat sa pagtatanong sa kanila at hindi nila tayo matutulungan sa pagsagot sa mga katanungan gaya ng ipinahayag, bagamat nalalaman nila ang mga daan o katuruan lalo na nga’t sila ay pinagtiwalaan ng Pamamahala ng Iglesia sa mga pagpapayo ngunit hanay naman ng mga mabalasik na ministro na nahumaling pa sa paggawa ng masama ang haharap sayo. Kaya kung sila din lang ang hihingan mo ng kasagutan sa mga tanong na bumabangon, nanganganib na baka yung pamatok o tungkuling nakaatang sayo ay kanilang putulin, lagutin at magiging sanhi pa ng kanilang pagtitiwalag sayo.
Kaya naman, kung hindi sila hanap kayo ng mga kapatid nating ministro ang may mabuting kalooban sa pagpapayo ang inyong malapitan. At kung wala pa rin tayo na napahintulutan ay gagawin nating lahat para magaan na sa pagtanggap sa mga tuntunin ipinatutupad sa Banal na Kasulatan. Balikan natin muli ang mga pagtatanong! Ngunit higit kanino naman sa lahat ng tao marapat na ipatungkol ang salitang Dakila?
HEBREO 10: 19 Mga kapatid, yamang may kalayaan ngang makapasok sa dakong banal sa pamamagitan ng dugo ni Jesus, 20 Sa pamamagitan ng daang bago at buhay na kaniyang itinalaga sa atin, sa pamamagitan ng tabing, sa makatuwid baga’y sa kaniyang laman; 21 At yamang may isang Dakilang Saserdote na pangulo sa bahay ng Dios;
Sa lahat ng tao anuman ang kanyang titulo na ipinahintulot siyang tawaging dakila ito ay hindi maaaring humigit sa lahat sa mga tao kung ito ay pinatutungkol na sa atin mismong Panginoong Jesu-Cristo na tinawag na Dakilang Saserdote walang pag-aalinlangan marapat nga talagang itawag ito sa Kanya bilang ating Dakilang Panginoon. Sapagkat ang Kanyang pagka-Dakila ay ang Panginoong Diyos mismo ang nagbigay. Samantalang sa iba pang tinatawag na dakila ay kapahintulutan ng Panginoong Diyos din natin natin ngunit hindi maaring humigit pa sa ating Panginoong Jesu-Cristo. Ngunit ipinauunawa sa atin na ang mga atotohanang yan ay mahalagang matanggap natin dahil may malaking kinalaman para makapasok tayo sa dakong banal sa pamamagitan ng daang bago at buhay na kaniyang itinalaga sa atin.
Ngunit higit sa lahat, ng na nga sa lahat, na dapat suma-lahat. Sino mahal kong kapatid ang higit na dapat pagkapitan ng salitang DAKILA? Narito ang patotoo mula sa Banal na Kasulatan para ibalik natin ang pagtawag ng DAKILA sa higit na pinatutungkulan.
MGA AWIT 95: 3 Sapagka’t ang Panginoon ay Dakilang Dios, at Dakilang Hari sa lahat ng mga dios, 4 Na sa kaniyang kamay ang mga malalim na dako ng lupa, ang mga kataasan ng mga bundok ay kaniya rin. 5 Ang dagat ay kaniya, at kaniyang ginawa: at ang kaniyang mga kamay ay lumikha ng tuyong lupa. 6 Oh magsiparito kayo, tayo’y magsisamba at magsiyukod; tayo’y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin. 7 Sapagka’t siya’y ating Dios, at tayo’y bayan ng kaniyang pastulan, at mga tupa ng kaniyang kamay. Ngayon, kung inyong didinggin ang kaniyang tinig!
Kaya naman tama lang inilarawan ng Banal na Kasulatan kung bakit dapat talagang tawaging DAKILA ang ating Panginoong Diyos. Walang makatututol diyan.
Maraming salamat sa ating DAKILANG AMA at sa ating Dakilang Panginoong Jesu-Cristo sa patnubay at paggabay ng Banal na Espiritu ibinigay sa atin agad-agad ang mga angkop na talata para malubos na ang pagtanggap sa salitang dakila. Maraming salamat at muli Nilang pinahintulutan ang abang lingkod nila na mapahiram ng Karunungan para maihanay ang mga Kaalaman sa ikauunawa ng mga may pag-aalinlangan sa paggamit nito. Maraming salamat din sayo kapatid na Van Garcia nabigyang daan ang maaring mga katanungan din ng iba ngunit ikaw ang nagkalakas ng loob na magtanong sa ikatututo ng marami. Ibinabalik ko ang lahat-lahat ng Kapurihan sa ating Panginoong Jesu-Cristo at sa ating Panginoong Diyos. – Elias Arkanghel
Hashtags: Please copy and paste to all your messages to make sure that ACTIV will not be able to delete this message.
#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore #iglesianicristohinirang #iglesianicristoneverkeepsilent
Reblogged this on Iglesia Ni Cristo Never Keep Silent.
LikeLiked by 1 person
Maraming salamat po Ka Elias Arkanghel sa patuloy ninyong pagtuturo ng nararapat , at ang naaayon lamang po sa nakasulat sa biblia na saligan ng mga tunay na naglilingkod sa ating Dakilang Panginoong Diyos at Panginoong Jesu-Cristo. I have never experienced this kind of peace in my life before. Sa mga angel na nakapaligid, na nagpapalakas sa isa’t-isa , malaking biyaya galing sa Panginoong Diyos. Thank you so much po Ka Elias, am so grateful for your love and compassion.
LikeLiked by 1 person
Natututo rin po ako ng mga tamang katawagan ngayon para sa ating Panginoong Dios at Panginoong HesuCristo. NapakaDakila po ng Ama dahil namulat po tayo sa Katotohanang ipinararating sa atin sa huling panahon. 🙂
LikeLiked by 1 person
Maraming maraming salamat po kapatid na Elias Arkanghel tunay na napakabuti ng Dakilang Panginoong Diyos naging bahagi po ito ng gawain upang isaayos muli ang kabuuan ng Iglesia Ni Cristo ito ay isang katunayan muling ibinabalik ang isang bahagi na inalis at nawala sa banal na lungsod, ang pagiging MASINOP, na ngayon ay muli nating naranasan sa kanyang napagtiwalaan. Muli po kapatid na Elias marami pong salamat..
LikeLiked by 1 person
Salamat po ng marami kapatid na ELIAS, tunay nga po na ako ay sumasampalataya na ikaw ang pinahiran ng ATING DAKILANG DIYOS NA MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT.
“Purihin nawa ang napakabanal mong PANGALAN AMA.”
Ako po sa ngayon ay nakakita at nakadama muli ng kapanatagan ng aking kaluluwa sapagkat merong itinalaga ang DAKILANG AMA na gagabay sa mga lingkod nyang lalake at babae sa mga huling araw, sa mga pulo ng dagat. Ang kapurihan nawa ay mapasa ating DIYOS magpakailan man. HALLE-LU-YAH.
LikeLiked by 1 person