Posted on December 25, 2015 OPEN LETTER: KAPATID NA ANTONIO RAMIREZ EBANGELISTA, KAPATID NA JOY YUSON AT KAPATID NA LOWELL MENORCA II … (MULA SA MINISTRO NG IGLESIA NI CRISTO KAPATID NA MARTIN LUTERO “MAY BILIN ANG KAPATID NA ERANO G. MANALO NA HINDI NINYO SINASAMPALATAYANAN.” Scroll down to see more content
Mahal na kapatid na Elias,
Matagal ko na pong nais mag-comment at sagutin ang mga sinasabi ni Kapatid na Antonio Ramirez Ebangelista, at ngayon ay pati pala sila Kapatid na Joy Yuson at Lowell Menorca II, na gusto ko na sanang humanga sa kanila dahil sa puspusan silang nakikipagbaka sa front line, pero gaano man sila katalino sa palagay nila sa sarili ay hindi rin talaga sila matalino.
Bakit kailangan silang magsalita ng may pag-aglahi kay Kapatid na Elias Arkanghel na humihikayat pa sa iba para hindi lamang hindi maniwala kay kapatid na Elias Arkanghel kundi magsalita pa ng mga pamumusong? May ginawa bang masama sa kanila ang kapatid na Elias Arkanghel, na pati sa iba pa, na kadagumal-dumal ang bibig kung magsalita na masahol pa sa mga taga-sanglibutan subalit malakas ang loob na mag-angking sila diumano ang collective “Elias”…