Isang daang isang taon na ang Iglesia ni Cristo mula ng ito ay muling maitatag sa bansang Pilipinas sa pamamagitan ng paunang pahayag ng ating mahal na Panginoong Jesu-Cristo. Na ito ay kaugnay din sa paunang pahayag ng Anghel ng Panginoong Diyos na si Arkanghel Gabriel at si Propeta Daniel ang nahihiwagaan at namamangha na Kaniyang paunang pinagpahayagan patungkol dito;
Daniel 9:24 “Ang lunsod na ito ay binibigyan ng 490 taon upang tigilan ang pagsalangsang, layuan ang kasamaan at pagsisihan ang kasalanan. Pagkatapos iiral na ang katarungan at magaganap na ang kahulugan ng pangitain. Itatalaga na ang Dakong Kabanal-banalan.
NAGANAP NA ANG LAHAT NG ITO AT KASALUKUYAN PANG NAGAGANAP
Gaano man kalayo sa panahon natin mga mahal kong kapatid ang panahon ng Panginoong Jesu-Cristo, ngunit lalong higit sa panahon ni Propeta Daniel ay hindi ito dapat nagiging basehan katulad ng sinasabi na ng ilan na hindi na ito katanggap-tanggap sa panahon natin. Kwestyunable na sa mga marurunong na kilala pa natin sa husay ng kanilang pakikipag-debate ngunit kinasumpungan ang kanilang dila ng kamangmangan ng kanilang tuligsain ang pamamaraan ng pakikipag-ugnayan ng Panginoong Diyos sa tao na napatutungkol sa panaginip at mga pangitain. Gayundin ang mga mahihiwagang kaganapan nababasa nila sa atin ay isinasantabi na lamang nila na pangkaraniwan lamang. Hindi kaya ang pananampalataya na nila ang nagiging kwestyunable?
Alalahanin sana nila na ang isang-libong taon sa tao ay katumbas lang ng isang araw sa ating mahal na Panginoong Diyos. Kaya kung noon ang mga Anghel ng Panginoon ay derektang nakikipag-ugnayan sa mga lingkod niya kaya nga hindi ito bagong bagay sa kanila. Sapagkat eksistido pa rin ito ang buong katotohanan ay kasa-kasama pa rin natin Sila sa panahong ito. Kung magiging mapagbasa lamang kayo ng Banal na Kasulatan hanggang sa kahuli-hulihang bahagi (Pahayag) binanggit bago dumating ang ating mahal na Panginoong Jesu-Cristo, makakasama natin Sila sapagkat pawang may mga ginagampanan Sila. Sapagkat ang Kanilang pakikisama sa mga tao ay para sa Kapurihan ng ating Panginoong Diyos at ng ating Panginoong Jesu-Cristo, kung kaya makikita at makakasama at makakadaupang-palad pa natin Sila sa pamamaraang ipinahintulot ng ating MAKAPANGYARIHANG DAKILANG AMANG BANAL.
Kaya binubuksan sa kapahintulutan ng Panginoong Diyos sa udyok ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo muli tayong tuturuan ng mga Kaalaman at Katotohanan na lalong magpapatibay ng ating pananampalataya at magpapatatag ng ating pakikipag-ugnayan sa ating mahal na DAKILANG AMANG BANAL at mahal nating Panginoong Jesu-Cristo.
Ngunit nais ipaunawa ang mga katanungan sa itaas na bumabangon ay pinagsama-sama lamang natin para tuwirang sagutin hindi sa sariling paliwanag kung bumuo ng mga katanungan. Sapagkat salat man tayo sa karunungan, kaya ipinauubaya nating pakasangkapan sa Banal na Espiritung nag-uudyok na isinusugo ng ating mahal na Panginoong Diyos ng marapat naman nating maihanay ang Kanilang ibinibigay na mga hanay ng talata tugon sa mga katanungan mula sa Banal na Kasulatan na hindi pa kailanman nabubuksan o naihahanay sa kapulungan ng mga Sumasamba sa loob ng Iglesia ni Cristo sa loob ng isang daan at isang taon … ngunit sa kapahintulutan ng DAKILANG AMANG BANAL bahagi ng Kanyang Lihim na Panukala ay unti-unti nating ihahanay sa Blog na ito. Unti-unti sapagkat hindi ito magagawa sa biglaang pagpapahayag. Sapagkat sa mahabang panahon ang Banal na Kasulatan ay nagawa sa patnubay pa rin at pagbabantay ng Panginoong Diyos sa mga lingkod Niyang kinalugdang mga lingkod niya. Tulad sa panahon ni Propeta Daniel, sa huling bahagi ng kanyang isinulat na talata sa kanyang aklat ay ipinag-uutos na isara muna ang aklat at ibinilin na mabubuksan lamang ito hanggang sa takdang panahon sa Kalooban pa rin ng Panginoong Diyos natin ay muling mabubuksan.
Magpapasimula na tayo mga mahal kong kapatid ngunit hiningi ko ang maikling pansariling panalangin ninyo sa tuwing magbabasa kayo ng mga napapaloob sa Blog na ito, upang tulungan kayo na ganap ninyong maunawaan ang mga ibinabahaging Karunungan ng ating Panginoong Diyos sa pamamagitan ng ating mahal na Panginoong Jesu-Cristo sa patnubay ng Banal na Espiritu.
Mula ng pasimulan natin ang magpahayag patungkol sa panaginip at mga pangitain ay kanila na tayong inuupasala at kanilang binabato ng mga masasakit na pahayag, mga terminong may panunungayaw pa sa ilan kapag nababasa nila na tayo ay may mga pagpapaliwanag patungkol sa mga panaginip at pangitain ng mga kakapatid natin sa Iglesia ni Cristo… na naghanay sa atin na inaakala naman nila na sarili nating pagpapaliwanag. Mabuting alamin natin bakit ba nananaginip ang mga tao? Kakapatid man o hindi kakapatid sa Iglesia ay nananaginip din sila. Sino po ba ang pangunahing gumagawa nito sa mga tao?
JOB 33: 14 Magsalita man Siya sa ibat-ibang paraan, walang makikinig sa Kanyang isasaysay. 15 Nagsasalita Siya sa panaginip at pangitain sa kalaliman ng gabi, pag ang tao ay mahimbing. 16 Ipinauunawa Niya ang Kanyang saloobin, pinaghahari Niya ang takot sa kanilang damdamin. 17 Nagsasalita ang Diyos upang sila ay pigilin sa paggawa ng masama at sa pagmamagaling. 18 Hindi nais ng Diyos na sila ay mapahamak, mula sa kamatayan, sila ay Kanyang ililigtas.
Gaya ng ating katanungan bakit ba nananaginip ang mga tao? Sino po ba ang pangunahing gumagawa nito sa mga tao? Sa hanay ng talata sa Banal na Kasulatan na ating sinipi sa Job ang PANGINOONG DIYOS mismo ang nagsasalita sa panaginip at pangitain pag ang tao ay mahimbing. Ito ba ay maaari pa bang tutulan ng ating mga mahal na kapatid pa man din na tahasang naging kritiko sa mga panaginip at mga pangitain ng mga kapatid na naghahanay sa atin? Marahil kapag nabasa na nila ito ay hindi na nila gagawin. Subalit kung magpapatuloy pa sila sa pagpuna sa kabila na nabasa na nila ito, mga mahal kong kapatid kaawaan na natin sila, sapagkat sila na ang tuwirang binabanggit ng Panginoong Diyos mismo na hindi na talaga makikinig anuman ang Kanyang isasaysay.
Ang totoo sila man din na mga tahasang pumupuna sa atin ay binibigyan din ng ating Panginoong Diyos ng mga panaginip at mga pangitain sa layuning ipaunawa ang Kanyang saloobin. Nililikhaan Niya ng Banal na takot na inaakala naman nila na isang bangungot lang. Bakit ano ba ang pagkakilala sa kanila ng ating Panginoong Diyos kung kaya magka-minsan binibigyan sila ng mga nakakatakot na mga panaginip at pangitain? Kung uunawain inilalarawan na sila ay mga nagmamagaling! May ilan pa nga sa kanila ay may mga pagbabanta at paninirang puri pang ginagawa sa atin kaya nga para pigilan sila. Saan? Sa paggawa ng masama laban sa atin, sila man din ay binibigyan ng panaginip. Mga mahal kong kapatid sapagkat alam ng Panginoong Diyos na sila ay ibinilang ng nasa kamatayan sapagkat patay ang kanilang pananampalataya at pagkakilala subalit palibhasa ang ating Panginoong Diyos ay pag-ibig. Ibig pa rin Niya na sila ay huwag mapahamak. Kaya tayo na may pagkakilala sila ay patuloy na ipagmamalasakit natin para magawa natin ang Kalooban ng ating Panginoong Diyos na sila man ay maligtas.
(Abangan ang mga kasunod na pagpapahayag…)
– Elias Arkanghel
Magandang araw po sa inyo ka Elias, bago ko po iparating sa inyo ang aking mensahe ay maari po ba na tawagin nyo nalang po muna akong Frank sa heading ng liham kong Ito.
At bago rin po ako mag patuloy ay nagpapasalamat po ako sa inyong tugon sa liham ko na pagbati sa inyo ng maligayang bagong taon noong isang araw ,at nagpapasalamat sa mga payo nyo na pang espiritual na totoong makapagbigay ng INSPIRASYON sa akin.
Gaya po nang aking naiparating na sa inyo, ako at halos ang aking buong sambahayan ay itiniwalag ng kasalukuyang pamamahala dalawang buwan na ang nakalilipas dahil po sa aking paninindigan Sa panig ng katwiran ng Dios at ng Panginoong Jesus, na kaugnay po nang nagaganap ngayong KAGULUHAN sa kabuuan ng Iglesia. Ako po ay aktibong Pangulong Diakono bago ako itiwalag at nasa 20 taon na po akong nanunungkulan sa pamunuan.
Ako po ay naging aktibo na bilang INCDEFENDER mula noong lumantad ang pamilya ng mahal nating yumaong kapatid ERANO G. MANALO . At ako po ay laging nagbabasa at sumusubaybay sa inyong blogs. Hindi ko na lamang po pakakahabain ang aking pagpapakilala, dahil sa kasama naman po ako ngayon ng mag kapatid na nasa HINIRANG.
Kaya po ako muling sumulat sa inyo dahil sa kaunaunahang pagkakataon ay nagkaroon po ako ng panaginip kagabi po lamang. Panaginip na tila May kaugnayan sa nagaganap sa kasalukuyan, Ito po ang aking napanaginipan:
Nasa loob po ako ng isang basketball gym o covered court, naglalaro po kami ng basketball, ang mga kasama ko po ay mga ministro, hindi ko lang po makilala kung sino sila. Yong isang ministro ng tumatakbo po siya papunta sa ring, parang bigla na lamang po siyang bumagsak at dumanak po ang napakaraming dugo sa kanya, na sa tingin ko parang kumalat po sa buong court, nagimbal po ako Kaya dali dali po akong umatras at may naaninagan pa ako na may isa pang tila tinataga sa dibdib , parang babae po yong isang pinatay at may nakahandusay pa na isang ministro na puro duro at naaninagan ko na may isa pang babae pero parang hindi siya napatay. Bali sa natatandaan ko ay tatlo po ang namatay , dalawang minstro at isang babae.
Nagmadali po akong lumabas, pero parang biglang nasa loob po ako ng kapilya natin na pinalibutan po sa loob ng itim na parang tolda. Nahirapan po akong lumabas, ang akin Lang pong natatandaan parang sa bintana ako dumaan papalabas.
Pagdating ko po sa may driveway sa labas na po ng compound, may dumating na kapatid na lalaki na may tricycle ang karga po niya ay bundle an tila parang mga diyaryo, at may ilang kapatid na nakapalibot na may bibit na tig iisa. Ang sabi ng kapatid na may tricycle ay hindi raw naubos ang dala niya dahil kakaunti lang ang kumuha.
At habang naroon po ako sa labas, parang lumingon pa ako sa bahagi ng kapilya at nakita ko pa yong maiitim na tolda sa bintana, nakapalibot po siya doon mismo sa loob, at parang may bumulong po sa akin na yong unang Namatay ay tagapangasiwa o 01.
Nagmadali po akong lumayo at habang Naglalakad po ako ng mabilis, may tumigil na sasakyan sa aking gilid, multicab po ang tingin ko sa sasakyan at dalawang babae po ang sakay, ang isa siya ang nagmamaneho, at yong isa ang kumausap sa akin na sumabay na raw ako, ang sabi nila dito tayo dadaan sa kabilang kalsada at doon din daw naman ang labas , kung doon daw ako dadaan sa karaniwan kong dinaraanan ay May naakabang daw na panganib. At nagising na ako, may iba pang pangyayari pero yan Lang po ang aking natatandaan.
Hanggang dito na lamang po ka Elias at sanay maipaunawa nyo po sa akin sa gabay ng banal na Espiritu ang kahulugan ng aking napanaginipan.
Maraming Salamat po..
Ang inyong kapatid Kay Cristo,
Frank.
LikeLiked by 1 person
Happy New Year po ka EA,
Dinala ko po ang aking anak na lalaki sa hospital mga 11 PM, 01/10/16 dahil sa pagsusuka at pagbabawas. Awa nang ating Panginoong Diyos, okay naman na siya at nakauwi kami ng mga 1AM na ng 01/02/16. Mga 2:30AM na ako nakatulog.
Nanaginip po ako ng:
“Napapanuod ko sa napakalaking TV monitor/screen ang dalawang nasasakdal na babasahan ng hatol, lalaki sa kaliwa, babae sa kanan. Yong lalaki napayukong takip ang mukha ng dalawa niyang mga kamay, na parang humahagulgol?
Ang pinagtutuunan ko ng pansin ay ang babae sa kanan. May ipinokus (focus) sa kalahating bahagi ng tv screen, na papael na kung saan merong nagtse-tsek (check mark) sa dalawang hanay. Sa kanang hanay ay halos tick lahat pabor doon sa babae, na halos mapasigaw sa tuwa (bawal sa court room) kaya itinitaas na lamang dalawang kamay. Wala akong napansin tsek doon sa kaliwang hanay (column) pero may nakita rin akong di naka-tsek doon sa kanang hanay pabor sa babae. Tinatanong sa isip ko bakit niliban yaon? sabi ko hindi siguro relevant sa kaso.
Parehas silang nanalo sa kani-kanilang kaso.
Sa panaginip ko po, alam kong nanaginip ako, na kailangan kong isulat ito, gaya ng mungkahi ni ka Lina Castillo para diko makalimutan pero nagising naman na ako.”
Agad kong binuksan ang aming router. Nanalagin na maintindihan ang inaabangan naming na inyong pahayag bago ko isinulat/comment nitong panaginip ko.
Mabuhay po kayo ka EA,
Ka Abe/Abraham/Abedom
LikeLiked by 1 person
Abangan po namin ang karugtong nito. Maraming salamat po 🙂
LikeLiked by 1 person
Reblogged this on Iglesia Ni Cristo Never Keep Silent.
LikeLiked by 1 person