Enero 2, 1925, taon ng kapanganakan ng minamahal nating Tagapamahalang Pangkalahatan Kapatid na Erano G. Manalo. Ginugunita natin taon-taon ang kanyang kapanganakan kahit pinagpahinga na ng ating Panginoong Diyos sa idad na 84 ng ika-31 ng Agosto taong 2009 sa oras na 3:53 ng madaling araw sa kanyang tahanan.
Mahalagang laging gunitain ang petsang ito na may Banal na kaukulan kung bakit kailangan pang gunitain. Sapagkat inaalaala natin ang lahat ng ginawang Kadakilaang tulong sa kanya ng ating DAKILANG AMANG BANAL sa pamamagitan ng ating mahal na Panginoong Jesu-Cristo sa patnubay at paggabay ng Banal na Espiritung isinusugo sa buong panahon ng kanyang matagumpay na pamamahala sa Iglesia ni Cristo ng siya ay nabubuhay pa tulad din ng matagumpay na pangunguna ng Sugong lider kapatid na Felix Y. Manalo. Purihin natin, Dakilain, Luwalhatian natin ang DAKILANG AMANG BANAL at ang ating Panginoong Jesu-Cristo. Ang tagumpay ng ating mga mahal na kapatid tunay na SILA ang pinagmulan ng lahat!
Kaya naman kasama nating inaalaala ang naiwang mga mahal sa buhay ng kapatid na Erano G. Manalo na tiyak na may pagbibiling naganap sa sinumang naroroon ng araw na siya ay lagutan na ng hininga na para sa kanyang mga mahal sa buhay na huwag silang pababayaan, pangunahin na ang kabuuan ng Banal na Iglesia ni Cristo. Kamusta na nga ba ang kabuuang ng Iglesia ni Cristo sa pamamahala ng Ka Eduardo Manalo? Kamusta na ang Nanay Tenny ang ulirang may bahay ng kapatid na Erano G. Manalo na ulirang ina ng Ka Eduardo? Kamusta ang Ka Eduardo? Kamusta ang mga kapatid na Lolita, Kapatid na Liberty, ang kapatid na Felix Nathaniel II at ang kapatid na Marco Eraño? Kamusta ang kanilang mga anak, kanilang mga mahal sa buhay?
Anuman ang kalagayan ng isa’t-isa hindi ba’t pinaka-mainam pa rin na idalangin natin sila sa ating mahal na Panginoong Diyos at sa mahal nating Panginoong Jesu-Cristo. Ang diwa ng kapatid na Erano G. Manalo sa pagmamahal at pagmamalasakit niya sa ating mga kakapatid sa Iglesia ni Cristo ang dapat nating tularan. Ikaw, tayong lahat na nakasaksi ang dapat na magtaguyod nito upang magawa natin ng buong pagmamahal at walang anumang pag-iimbot at reserbasyon.
Kaya nga inaanayayahan ko ang mga mahal nating mga ministro na nagtataglay pa rin ng Banal na takot. Kayo na lubusang hinubog ng kapatid na Erano G. Manalo sa pagiging mabuting tagapanguna para tunay na ipagmalasakit ang mga kapatid nating Iglesia ni Cristo na sa inyo ay ipinagkakatiwala upang dalhin lahat sa pinaka-mainam at pinaka-mabuting kalalagyan ang lahat ng kanilang mga pinagpagalan. Nagawa niyo na ba ito? O hindi pa?
Halikayo mga mahal kong kapatid hindi pa huli ang lahat! Bigyan niyo ng pagkakataong makabalik tayo sa pamamaraan ng kapatid na Erano G. Manalo kung paano niya ipinaglilingkod ang kanyang sarili sa lahat ng mga kapatid, na hindi inuuri at tinitingnan anumang kalalagayan sa buhay ng kakapatid dukha man o nasa magandang kalalagayan, ay balanse niyang nagawa ito sa masinop niyang pamamahala. Alam niyo kung bakit nagawa ito ng kapatid nating mahal, kapatid na Erano G. Manalo? Dahil sinunod niya ang Kalooban ng ating DAKILANG AMANG BANAL sa pamamagitan ng ating mahal na Panginoong Jesu-Cristo kaya naroon ang paggabay ng Banal na Espiritu na hindi kailanman humiwalay sa kanya. Lahat ng katuruan, lahat ng aral ibinase niya sa kung ano lamang ang nakasulat sa Banal na Kasulatan tinularan niya ang iniwang maganda at mabuting halimbawa ng Sugong Lider kapatid na Felix Y. Manalo.
Bakit ganito na lamang ang aking imbitasyon sa inyo? Sapagkat ako man ay sumasampalataya sa ipinahayag ng Banal na Kasulatan na:
DANIEL 12: 10 Marami ang dadalisayin at mapapatunayang may malinis na kalooban. Ngunit magpapakasama pa ang masasama, at wala isa man sa kanila ang makakaunawa sa mga bagay na mauunawaan ng marurunong
Diyan ako panatag! Marami pang mapapatunayang may malinis na kalooban sa panahong ito ng pagdalisay kaya nagaganap ang lahat ng ito sa loob ng Iglesia ni Cristo. Kayo ang tinitiyak ng Banal na Kasulatan ang makauunawa sapagkat ito ang nararapat sa inyong may Banal na takot na may malinis na kaisipan na handang magmalasakit sa mga Hinirang kayo man ay nagtataglay ng diwa ng mahal nating kapatid na Erano G. Manalo na handang maglingkod at mamatay sa Banal na Iglesia ni Cristo sa Kapurihan ng ating DAKILANG AMANG BANAL at ng ating mahal na Panginoong Jesu-Cristo.
May email po ako Ka EA. Salamat po 🙂
LikeLiked by 1 person
Happy Birthday po mahal naming Ka Erdy. Marami pong salamat sa lahat. See you po.
Gumagalang at nagmamahal mo pong abang ķapatid,
Ka Sunshine
LikeLike
Mahal po naming Ka Elias,
Nakakamiss po ng sobra ang Ka Erdy. Kahit hindi po ako nagkapalad na makamayan ang Ka Erdy noon sa dalawang lokal na dinayo po naming dinaluhan noong panahon na ako po ay naninirahan pa sa dalawa kong unlce sa Angeles City noon nang mangasiwa ang mahal na Ka Erdy sa Clarkview Pampanga ay kahit po sa malayo lang na nasulyapan ko po siya ay biyaya pong napakalaki ang ipinadama at ipinabaon sa akin ng Ama. Ang maamo niya pong mukha pati sa pananalita ay hindi ko nalimutan at ang tinig niyang dala ay biyaya at kalakasan na pang-espiritwal ang siyang baon ko at hanggang ngayon ay taglay ko pa rin po. Kaya nga po nahihirapan ang damdamin ko sa mga nangyayari at ginagawang kasamaan sa mga naiwang mga mahal sa buhay ng Ka Erdy. Naging napakamapagmahal niya sa ating lahat tapos ginaganito mga mahal niya sa buhay? Para ko pong nakikita ang lungkot sa mga mukha niya kung buhay pa siya. Para ko pong nakikita na lumuluha siya sa ginagawang pang-aapi sa mga mahal niya. Ang sobrang lungkot… luha ay di mapigil sa patuloy na pagpatak at pagdaloy sa pisngi. Sana maayos na po ang lahat. Magkaayos na sana ang mga mahal sa buhay ng mahal na Ka Erdy. Sana kausapin na ng mahal nating Ka Eduardo ang mahal niyang nanay at pati na mga mahal niyang kapatid. Sana palambutin ng Ama ang puso nila na nagmamalupit sa kanila at sa aming maliliit na abang tupa. Sana muling ibalik ng Ama ang pag-ibig sa mga puso ng bawat isa para lahat ay masaya. Ang daming nasasaktan at lagi na ay lumuluha. Sana maaayos na po ang lahat. Ito po ang aming pinapangarap, minimithi at hinahangad. Sana dinggin na po ng Amang maawain at ng Panginoong Jesus dahil halos ubos at tuyo na ang aming mga luha. Parang hindi na po kakayanin kung mayroon pang hindi magandang mangyayari.
Para sa mahal po nating Ka Erdy sa kaniyang kaarawan: Salamat po ng marami sa buong panahon ng pagsasakit, salamat po ng marami sa buong panahong ginugol para maiwanan kami ng magagandang halimbawa, salamat po ng marami sa mga dalisay na turo at saway ng Ama at mga tagubilin ng Panginoong Jesus na matibay na naiukit at naitatak sa aming mga puso. Salamat po ng marami sa pagmamahal na dalisay at malasakit na tunay. Salamat po ng marami sa mga mahal mo sa buhay na muling nagpakasangkapan para ipagmalasakit kaming tunay buhay man po nila at karapatan inilagay sa panganib siya pong katunayan na naturuan mo po silang tunay, hanggang ngayon ay inaapi ngunit patuloy na nagtitiyagang naghihintay sa saklolo ng Ama at patuloy na patnubay. Mahal na mahal ka po namin kahit pinagpahinga na ng Ama. Hindi ka po namin lilimutin dahil sa lahat ng ginawa mo po para sa amin. Mahal na mahal din po namin pamilya mong patuloy na sa amin ay nagmamahal. Sana magkita-kita po tayo sa araw na hinihintay at sana po ay wala ng mawalay pati mga mahal mo po sa buhay magkakasama kaming maglalakbay patungo sa ating Amang naghihintay.
Ito po ang aking saloobin mahal na Ka Elias. Sana po ang munting tinig at abang kahilingan sa Ama sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesus ay marinig at ipagkakaloob ng Ama.
Gumagalang at nagmamahal mo pong abang kapatid,
Ka Sunshine
LikeLike
Bruder Elias,
Remembering Bruder Erdy…
Early morning of September 1, 2009, I cannot believe the news that the Overall Administrator, Tagapamahalang Pangkalahatan of the Iglesia Ni Kristo, Brother Eraño G. Manalo, has been called to rest with God. He died in his home at exactly 3:53 AM, August 31, 2009, at the age of 84 as announced by Ministro Bienvenido C. Santiago.
It was so painful because he was like a father to me. Tears roll down in my face. The Iglesia members, even ministers, were not informed that the Executive Minister Eraño G. Manalo was sick. I do not know why? Many questions arise in the minds of the Iglesia members regarding his death. What was going on? Why we were not informed that he was sick? Afraid that the members will be demoralized?
The man who ordained me into the Iglesia Ministry is now dead. His death grieves me so much. All the memories with the man that I love so dearly is in my heart, since the day that he put his arm in my shoulder while walking in the lobby and told me, “Dean, gusto kong maging ministro ka” (Dean, I want you to become a minister).
After many years and precious moments with him in the Central Office, in the clinic, etc, he ordained me. I became a Minister of the Gospel. He assigned me as Pastor in the Locale of Bel-air, Makati and made me a Pastor ng Bayan in the City of Marikina.
Now that he is gone, I’m so sad, truly sad. His death makes me to fully understand the meaning of sadness and the meaning of great loss.
I believe in You, O God, that You will protect the faithful in death, but not necessarily from death. I always take stand beside the psalmist who said that death will mean the destruction of the body, but Elohim will redeem our soul from the power of Sheol, for You, O God will receive us (Ps. 49:15). The Lord Yeshua Messiah says, “I am the One who raises the dead to life. Everyone who has faith in Me will live, even if they die. And everyone who lives because of faith in Me will never really die. Do you believe this?” (John 11:25-26). Yes, I do believe.
Yes, Sir, hindi ko malilimot ang lahat lahat ng itinuro mo sa akin… Ako po ay maninindigan sa panig ng katotohanan at katuwiran… Paalam, maraming salamat po… (Yes, Sir, I cannot forget everything you taught me… I will remain strong in the side of truth and righteousness… Farewell, thank you so much…)
Respectfully yours in the service
and presence of the Lord,
Bruder Dean
LikeLiked by 1 person
Reblogged this on Iglesia Ni Cristo Never Keep Silent.
LikeLike