“Hindi itinuro sa amin yan sa Ministeryo! Wala kaming kabatiran diyan. Kung ano ang aral at doktrina na nabahagi namin sa mga pag-aaral ay hanggang doon lang ang aming karapatan. Sapagkat kung hihigit na kami sa itinuro sa amin sa loob ng Ministeryo ng Tagapamahalang Pangkalahatan ay makalalabag na kami! At kung ipagpipilitan namin yan ay maaring ikaalis ng aming mga karapatan at kung sasamain pa ay ikatitiwalag pa namin lalo na nga’t hindi sa amin ibinigay ang kapahintulutan na ituro ang mga bagay na yan na sa pananaw ng mga makaririnig ay mga misteryosong pahayag na wala pang anumang paliwanag.”
Ang mga putul-putol na pahayag na ito ay hindi lang makailang ulit na ating narinig sa pagtatanggol ng mga kapatid nating ministro sa loob ng Iglesia ni Cristo kapag naririnig nila ang mga hanay na napatutungkol sa hiwaga at sa mga kaganapan ng panahon. Sapagkat dumarating sa kanila ang mga pagkamangha at interes sa pakikinig. Kahit na simpleng kapatid ang naghahanay. Kaya naroon ang kanilang matiyagang pakikinig at hindi na napapansin humahaba na ang oras ng inilalagi nila at lumilipas ang mga oras na halos ayaw ng tapusin kung maaari ang mga pag-uusap. Marahil sa pananabik na makarinig ng mga hanay na napatutungkol sa hiwaga at kaganapan ng panahon. Nang una umaani ng kantyaw sapagkat ipinapalagay nila na hidwang pananampalataya yan kapatid! Ito ang kanilang nabibitiwan lalo na nga at hindi katanggap-tanggap ang pahayag na tila isang kababalaghan sa kanila na napaka-imposibleng mangyari. Ngunit matapos ang paliwanagang pag-uusap ay nasasabi na nilang malalim ka na kapatid ang tanong sino ka? Kaya umaalis ang mga kapatid na ministro na naroon ang kasiyahan sa kanilang napakinggan na tila yung oras ng kanyang pagdo-doktrina ay siya ang nadoktinahan ng pangkaraniwang kapatid.
MULI TAYONG MAGPAPASIMULA NG ATING PAG-AARAL. ITO ANG IKALAWANG BAHAGI SA NAKARAAN, ANG LIHIM NA PANUKALA NG ATING PANGINOONG DIYOS MGA HIWAGA NG KANYANG KALOOBAN IPINAHIHINTULOT NA MAUNAWAAN NG LAHAT. NA ANG NAKARAAN AY PATUNGKOL SA PANAGINIP AT PANGITAIN. NGAYON NAMAN ANG IBAT-IBANG ANYO NG KARUNUNGAN NG PANGINOONG DIYOS SA PAGIGING KATIWALA SA HIWAGA AT KAGANAPAN NG PANAHON HINDI IPINAGKALOOB SA MGA KAPATID NA MINISTRO NG IGLESIA NI CRISTO. ITO AY MALAKING PAGKAKAIBA SA IBINIGAY SA MGA MINISTRO SA LOOB NG IGLESIA NI CRISTO SAPAGKAT BATID NAMAN NATIN SA MGA PAGSAMBA TINATALAKAY AT TINITINDIGAN NILA SA KANILANG MGA PAGTUTURO NA SA MGA MINISTRO IBINIGAY ANG MINISTERYO SA PAKIKIPAGKASUNDO. PAKIKIPAGKASUNDO NGUNIT TILA PAKIKIPAG-ALIT SA MGA KAPATID ANG NAIPAGLILINGKOD NG MGA KAPATID NA MINISTRO NA NAHIRATI NA SA PAGSUNOD SA MGA KINIKILALANG LIDER PA MAN DIN NA GINAGAMIT NA ANG PAGKA-MINISTRO SA PANANAMANTALA AT PAGMAMALABIS SA HALIP NA PAKIKIPAGKASUNDO.
Kaya malaki ang kaibahan ng ibinigay sa mga ministro ng katulad ng ibinigay sa mga unang lingkod ng ating Panginoong Diyos. Ngayon ay binibigyan daan na sa atin ang makaunawa ng mga hiwaga at makaalam ng mga kaganapan ng panahon. Kailangan natin ang mga patotoong ito lalo na sa panahong ito. Sapagkat ang mga Katotohanang ito ang lalong magbibigay daan para lalo pa natin yakapin ang ating pagka-Iglesia ni Cristo. Dahil sa mga ihahayag tunay na titibay at tatatag ang ating pananampalataya at lalo nating mahigpit na panghahawakan ang ating kahalalan upang panatilihin itong nasa atin anuman ang mga susunod na mangyayari sa ating buhay at pamumuhay bilang mga Hinirang ng ating Panginoong Diyos at ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
Mga mahal kong kapatid muli kayong saglit na manalangin. Nariyan ang Banal na Espiritu, nasa tabi ninyo nag-aantabay na inyong isagawa ang kahilingan namin. Hingin ninyo ang kapahintulutan ng ating PANGINOONG DIYOS na maunawaan natin ang ating mga pag-aaralan, mga Katotohanang mula sa KANYA at sa ating Panginoong Jesu-Cristo na bahagi ng Kanyang Lihim na Panukala ang mga hiwaga at kaganapan ng mga panahon. Tutulungan sila at tutulungan din naman tayo ng ating PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng ating mahal na Panginoong Jesu-Cristo sa patnubay at paggabay sa atin ng Banal na Espiritu, na ngayon ay lalakip na ang Kanilang pagsama sa aba ninyong kapatid na napahintulutan lamang.
Kanina sa unahan ng ating tinatalakay mayroong hanay ng talatang binabanggit sa mga kapatid nating ministro na kanilang tinitindigan na ibinigay sa kanila. Sipiin natin ang:
2 CORINTO 5: 18 Datapuwa’t ang lahat ng mga bagay ay pawang sa Dios, na pinakipagkasundo tayo sa kaniya rin sa pamamagitan ni Cristo, at ibinigay sa amin ang ministerio sa pagkakasundo;
Tunay na ang ibinigay sa kanila ay ang ministerio ng pagkakasundo upang sa pamamagitan naman ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay mailapit tayo sa ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS. Kaya nga hindi matuwid na sila ay usigin sa halip ay unawain kapag wala silang nalalaman patungkol sa mga hiwaga at kaganapan ng panahon na sadyang inilihim sa lahat ng panahon. Limitado ang ipinabatid sa kanila at ito ay ipinahintulot ng Panginoong Diyos kung ano lang ang itinuro sa kanila ng kapatid na Felix Y. Manalo, Sugong Lider at ng mabuting Tagapamahalang Pangkalahatan sa katauhan ng kapatid na Erano G. Manalo ay yaon lamang ang kanilang ipangangaral at doon sila nakasunod sa kanilang kapanahunan. Sapagkat lubusang nakasunod at nagampanan ng kapatid Felix Y. Manalo at ng Kapatid na Erano G. Manalo ang kanilang mabuting kaukulan bilang nangunguna sa loob ng Iglesia ni Cristo ng sila ay nabubuhay pa ay nadulutan nila ang PANGINOONG DIYOS at ang ating Panginoong Jesu-Cristo ng Kanilang Kapurihan at Kaluwalhatian.
Ngunit ngayon sa panahon ng Ka Eduardo ay lalo pang nalimitahan ang kanilang mga kaalaman sa Banal na Ministeryo. Sapagkat ang Pamamahala at ang Sanggunian kasama ang mga nasa Distrito at hanggang sa mga lider sa bawat Lokal pati na ang mga pamunuan ay pawang naka-sentro ang kanilang pangangaral mga pagbibilin na napatutungkol sa pananalapi ng Iglesia. Bukang bibig nila sa kanilang mga pagtuturo gamit ang Banal na Tribuna ay lagi na lang sa mga pagtatanging handugan at paglalagak. Kaya kapag nakakausap mo ang mga kapatid na ministro ang madalas na ibig na paksa ay patungkol sa pananalapi. Wala na ang pagpapatibay at pangangalaga sa mga kapatid. Ngunit kapag binubuksan mo ang usapin patungkol sa hiwaga at kaganapan ng panahon ay naroong matigilan at matulala. Lalo na kapag inilalarawan ang darating ng kaparusahan at matatapos na ang pitong taon ng pamamayagpag ng mga tiwaling lider ng Iglesia sa Pamamahala ng Ka Eduardo, na sinaklawan ng hiwaga at kaganapan ng panahon na patutungkol na sa ating panahong kinakaharap ngayon.
PAKI-BASA NG SUNUD-SUNOD ANG BERDENG NAKAHANAY NA MGA TALATA. SALAMAT..
TAGA-EFESO 1 : 3 Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na siyang nagpala sa atin ng bawa’t pagpapalang ukol sa espiritu sa sangkalangitan kay Cristo: 4 Ayon sa pagkapili niya sa atin sa kaniya bago itinatag ang sanglibutan, upang tayo’y maging mga banal at mga walang dungis sa harapan niya sa pag-ibig: NOON PA MAN HUMIRANG NA, PUMILI NA ANG ATING PANGINOONG JESU-CRISTO UPANG TULARAN SIYA SA KABANALAN.
5 Na tayo’y itinalaga niya nang una pa sa pagkukupkop na tulad sa mga anak sa pamamagitan ni Jesucristo sa ganang kaniya, ayon sa minagaling ng kaniyang kalooban, ITINALAGA NIYA NG UNA PA … 6 Sa ikapupuri ng kaluwalhatian ng kaniyang biyaya, na sa atin ay ipinagkaloob na masagana sa Minamahal: 7 Na sa kaniya’y mayroon tayo ng ating katubusan sa pamamagitan ng kaniyang dugo, na kapatawaran ng ating mga kasalanan, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang biyaya, 8 Na pinasagana niya sa atin, sa buong karunungan at katalinuhan, 9 Na ipinakikilala niya sa atin ang hiwaga ng kaniyang kalooban, ayon sa kaniyang minagaling na ipinasiya niya sa kaniya rin. KUNG BAKIT SINABING IPINASIYA NIYA SA KANYA RIN SAPAGKAT ANG MGA HINIRANG NA KANYANG PINILI, ITINALAGA, AY BAHAGI NG KANYANG KATAWAN O NG IGLESIA. KAYA BINIGYAN NIYA TAYO NG PAGKAUNAWA AT PINAHIRAM TAYO NG KATALINUHAN UPANG MAPAG-UNAWA NATIN ANG HIWAGA NG KANYANG KALOOBAN.
10 Sa pagiging katiwala sa kaganapan ng mga panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo, ang mga bagay na nangasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa; sa kaniya, sinasabi ko SA LAYUNIN NA ANG NAPILI NIYA AT ITINALAGANG GAGANAP AY MAGSASA-AYOS O MAGTITIPON NG LAHAT NG MGA BAGAY KAYA IPINAGKATIWALA NG ATING PANGINOONG JESU-CRISTO PATI NA ANG PAGIGING KATIWALA SA KAGANAPAN NG PANAHON. KAYA SAPAT ANG LAHAT NG PALATANDAANG PAUNANG PAHAYAG NIYANG IBINIGAY SA ATIN KAYA NAUUNAWAAN NATIN. KAYA NAMAN ANG DIWA NIYA AT LAYUNIN NATIN AY MAGKAKAUGNAY SAPAGKAT KINUKUPKOP TAYO NG KAPANGYARIHANG IPINAGKALOOB SA KANYA NG DAKILANG AMANG BANAL UPANG ITO ANG NAGDIDIKTA KUNG ANO ANG PINAKA-MARAPAT NATING GAWIN UPANG PATULOY NA MABIGYANG NG KALUWALHATIAN ANG ATING AMANG BANAL SA MGA IPINAG-UUTOS SA ATIN NG ATING PANGINOONG JESU-CRISTO..
TAGA-EFESO 1 : 7 Upang sa mga panahong darating ay maihayag niya ang dakilang kayamanan ng kaniyang biyaya sa kagandahang-loob sa atin kay Cristo Jesus: 8 Sapagka’t sa biyaya kayo’y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito’y hindi sa inyong sarili, ito’y kaloob ng Dios; MAHALAGANG NAKAUGNAY KUNG BAKIT? UPANG SA PANAHONG DARATING NA KAKATULUNGIN NA NG ATING PANGINOONG JESU-CRISTO YAONG PANGUNAHING NAKATALAGANG KINAUUKULAN AT NAHAYAG NA ANG DAKILANG KAYAMANAN BINABANGGIT. ITO AY SIKSIK, NA HALOS WALA NG SAPAT KALAGYAN SA DAMI NITO… NA DIYAN AY KABAHAGING TATANGGAPIN NG LAHAT NG MGA TAPAT NA HINIRANG NA MAGTATAGUMPAY. KUNG ITO AY TAWAGIN NG ATING PANGINOONG JESU-CRISTO AY DAKILANG KAYAMANAN.
11 Tayo rin naman sa kaniya ay ginawang mana, na itinalaga na niya tayo nang una pa ayon sa pasiya niyaong gumagawa ng lahat ng mga bagay ayon sa pasiya ng kaniyang kalooban; 12 Upang tayo’y maging kapurihan ng kaniyang kaluwalhatian, tayong nagsiasa nang una kay Cristo: 13 Na sa kaniya’y kayo rin naman, pagkarinig ng aral ng katotohanan, ng evangelio ng inyong kaligtasan, na sa kaniya rin naman, mula nang kayo’y magsisampalataya, ay kayo’y tinatakan ng Espiritu Santo, na ipinangako, 14 Na siyang patotoo sa ating mana, hanggang sa ikatutubos ng sariling pag-aari ng Dios, sa ikapupuri ng kaniyang kaluwalhatian.
15 Dahil dito ako rin naman, pagkarinig ng pananampalataya sa Panginoong Jesus na nasa inyo, at ng pagibig na inyong ipinakita sa lahat ng mga banal, 16 Ay hindi ako tumitigil ng pagpapasalamat dahil sa inyo, na aking binabanggit kayo sa aking mga panalangin; 17 Upang ipagkaloob sa inyo ng Dios ng ating Panginoong Jesucristo, ng Ama ng kaluwalhatian, ang espiritu ng karunungan at ng pahayag sa pagkakilala sa kaniya; 18 Yamang naliwanagan ang mga mata ng inyong puso, upang maalaman ninyo kung ano ang pag-asa sa kaniyang pagtawag, kung ano ang mga kayamanan ng kaluwalhatian ng kaniyang pamana sa mga banal, 19 At kung ano ang dakilang kalakhan ng kaniyang kapangyarihan sa ating nagsisisampalataya, ayon sa gawa ng kapangyarihan ng kaniyang lakas, 20 Na kaniyang ginawa kay Cristo, nang ito’y kaniyang buhaying maguli sa mga patay, at pinaupo sa kaniyang kanan sa sangkalangitan, 21 Sa kaiba-ibabawan ng lahat na pamunuan, at kapamahalaan, at kapangyarihan, at pagkasakop, at sa bawa’t pangalan na ipinangungusap, hindi lamang sa sanglibutang ito, kundi naman sa darating: ITO AY IPINAUUNAWA AT PINABABATID SA LAHAT SA MGA NASA PAMUNUAN, KAPAMAHALAAN AT SA BAWAT KINAUUKULAN NA NABUBUHAY SA KASALUKUYAN AT SA MGA DARATING PANG LAHI AT ANGKAN.
22 At ang lahat ng mga bagay ay pinasuko niya sa ilalim ng kaniyang mga paa, at siyang pinagkaloobang maging pangulo ng lahat ng mga bagay sa iglesia, 23 Na siyang katawan niya, na kapuspusan niyaong pumupuspos ng lahat sa lahat.
TAGA-EFESO 1 : 7 Na dito’y ginawa akong ministro, ayon sa kaloob ng biyayang yaon ng Dios na sa akin ay ibinigay ayon sa paggawa ng kaniyang kapangyarihan. ANG PAGHAHALAL NG ATING PANGINOONG DIYOS SA PAGIGING MINISTRO SA PAMAMAGITAN NG ATING PANGINOONG JESU-CRISTO AY IBA SA PAGKA-MINISTRO NG MGA NANGAGSIPAG-ARAL SA MINISTERYO. SAPAGKAT ANG BUNGA NG KANILANG KAALAMAN AY LIMITADO PA NA KAILANGAN PANG GUGULAN NG MAHABANG PANAHON UPANG MAGTAMO NG KARUNUNGANG ESPIRITUAL. SAMANTALANG ANG KALOOB NA PAGHAHALAL AY HINDI MATUTUMBASAN NG ANUMANG KAALAMAN PANLUPA SAPAGKAT NAGBUHAT ITO SA DAKILANG DIYOS NA PAGHAHALAL SA PAMAMAGITAN NG KAPANGYARIHAN NG ATING PANGINOONG JESU-CRISTO NA IBINIGAY SA KANYA NG ATING DAKILANG AMANG BANAL. 8 Sa akin, na ako ang kaba-bababaan sa lahat ng lalong mababa sa mga banal, ay ibinigay ang biyayang ito, upang ipangaral sa mga Gentil ang mga di malirip na mga kayamanan ni Cristo; 9 At maipakita sa lahat ng mga tao kung ano ang pagiging katiwala sa hiwaga na sa lahat ng panahon ay inilihim ng Dios na lumalang ng lahat ng mga bagay; 10 Upang ngayo’y sa pamamagitan ng iglesia, ay maipakikilala sa mga pamunuan at sa mga kapangyarihan sa sangkalangitan ang kapuspusan ng karunungan ng Dios, 11 Ayon sa panukalang walang hanggan na ipinanukala kay Cristo Jesus na Panginoon natin: 12 Na sa kaniya’y mayroon tayong lakas ng loob at pagpasok na may pagasa sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa kaniya. ITO ANG DAHILAN KUNG BAKIT KAILANGAN NATING MAGPAHAYAG SAPAGKAT ANG PAG-UUTOS AY HINDI KUNG KANI-KANINO NAGMULA LAMANG. YAMANG NAPAHINTULUTAN TAYO BILANG KATIWALA SA KAGANAPAN NG PANAHON AY GAMPANIN NAMAN NATIN NA IPANGARAL ITO AYON SA IBIG NG MAY AKDA NG LAHAT NG ITO.. SA ATING PANGINOONG DIYOS NA PINAGMULANG NG KANYANG PINAKA-LIHIM NA MGA PANUKALA. ANG PINAKATAMPOK NITO AY UPANG MAIPAUNAWA SA LAHAT NG MGA KINAUUKULANG TINATAWAGAN NG PANSIN, ANG MGA PAMUNUAN AT SA MGA NASA KAPANGYARIHAN, NA ITO AY GAWA NG PINAKA-MAKAPANGYARIHANG PANGINOONG DIYOS NATIN NA PUSPOS NG KARUNUNGAN NA WALANG HANGGANG IPINANUKALA SA ATING MAHAL NA PANGINOONG JESU-CRISTO.
– Elias Arkanghel
Abangan ang mga kasunod pang pagtalakay patungkol sa mga hiwaga na lihim na panukala ng ating PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
Mga kapatid kong mahal lalo pa tayong pumanatag. Ngayong pang napahintulutan tayo na tumanggap ng mga kahalalang ito at ibinigay sa atin ang pagkaunawa sa kaganapan ng panahon mas lalo tayong maging malapit sa ating DAKILANG AMANG BANAL. Ipagbilin natin ang ating mga sarili at ang ating mga mahal sa buhay na makasama sa mga magtatamo ng mga biyaya at pagpapalang Espiritual na ipinangako upang mamalaging makapanindigan tayo habang nagaganap ang lahat ng pagsubok na ibinigay sa atin ng ating PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Kapit pa mga mahal kong kapatid. Huwag kang bibitaw! Totoo ang Iglesia ni Cristo, kung ang nakikita mo ay ang nakapagpapatisod sayo paano mo maisasagawa ang katampatang Pagsamba sa ating PANGINOONG DIYOS at sa ating Panginoong Jesu-Cristo? Kung hanggang ngayon nangingibabaw na sayo ang galit dahil sa mga kagalit-galit na nakikita mo at napapanood. Malapit ng maganap ang dapat pang maganap. Iiral na ang katarungan para sa lahat… habang hinihintay mo ito mahal kong kapatid huwag kang lalayo sa KANILA. Higit mong kailangan ang ating DAKILANG AMA at ang ating Panginoong Jesu-Cristo. Hindi naman SILA dumidistansya sayo. Ang totoo yung galit mo sa kapwa kapatid ang nagpapalayo sayo sa KANILA. Sige na … dumalangin ka uli at pagtiyagaan ka pa kamo NILA. Hihiling din ako para sayo … AMA, mahal naming AMA nagsusumamo sayo ang kapatid kong ito. Hinihingi niyang pagpaumanhinan mo po siya. Dala ng kanyang kahinaan AMA… AMA ko… Huwag mo siyang pababayaan pati na ang kanyang mga mahal sa buhay. Masdan mo at iniluluha niya sayo ngayon… Kasi totoo po nagagalit na siya ng husto sa kapwa niya… nakalimutan na niya ang tuntunin patungkol dito… ngunit muli siyang nagsusumamo kinikilala ang mga pagkukulang niya SAYO … Sige na po ang kapatid kong ito muli mo pong yakapin ng IYO pong Kapangyarihan. Kailangan -kailangan ka po ng aking kapatid. Salamat po yamang tinabihan mo na po siya AMANG BANAL ng IYO pong Banal na Espiritu ilalapit niya po ang lahat ng ipaglalambing niya SAYO. Ikaw na po ang bahalang magkaloob ng kanyang mga kahilingan po SAYO! Salamat po!
Nadama ko po ang Banal na espiritu. Salamat po sa Panginoong Dios at Lagi Nyang sinasagot ang mga panalangin ko sa Pamamagitan ng Panginoong Jesus. NADARAMA ko ang Espiritu Santo maging sa pagbabasa ko sa Blog na ito.
At salamat din po saATING Panginoong Dios sa natatanging kaloob na ibinigay Nya sa akin.
LikeLiked by 1 person
Reblogged this on Iglesia Ni Cristo Never Keep Silent.
LikeLiked by 2 people