ANG BANAL NA HAPUNAN 2016 HINDI PANGKARANIWAN SA NAGDAANG MGA TAON NG PAGBABANAL NA HAPUNAN LALO NA SA PANIG NG MGA TATANGGAP NA ITINIWALAG SA UDYOK NG BANAL NA ESPIRITU

8 thoughts on “ANG BANAL NA HAPUNAN 2016 HINDI PANGKARANIWAN SA NAGDAANG MGA TAON NG PAGBABANAL NA HAPUNAN LALO NA SA PANIG NG MGA TATANGGAP NA ITINIWALAG SA UDYOK NG BANAL NA ESPIRITU”

  1. kapatid, sana po ang mga natiwalag na kapatid ng dahil lang sa panggigipit ng kasalukuyang TP ay magkaroon din ng lingguhan pagsamba, paghuhuling-banal na hapunan, pagpapasalamat para naman maramdaman po natin lalo ang presensya ng AMA.. sabik na sabik na po ang aming kaluluwa.. kapag kami po ay sumasamba iba na po ang pakiramdam namin.. hindi po namin maiwasan hindi mag isip kung bakit parang brain washing na po ang nangyayari.. sana po ay magkaroon din po ng mga pagtitipon ang mga Iglesia ni Cristong Hinirang..

    Like

  2. Mahal na Ka Elias, habang dumaraan po ang mga araw ay lalo pong dumarami ang aking natutuklasan. Tunay nga po ang sinabi niyo sa unang pahina ng inyong blog na sa pamamagitan nito ay makakarating ang isang hinirang sa pinakamataas na uri ng pananampalataya, kailangan lang talaga ang pagsasaliksik at talas ng kaisipan upang makabahagi sa hiwaga. Tumibay din po at tumatag ang aking pag-asa patungo sa hinahangad na kaligtasan. Kaya po nagpapasalamat ako sa Amang Banal at sa ating Panginoong JesuCristo sapagkat ginamit Nila kayong kasangkapan sa gawaing ito para ang mga tulad naming naliligaw at nanghihina ay maging lubos ang pananampalataya sa inaasahang kaligtasan. Lagi po kayong mag-iingat at mahal po namin kayo 🙂

    ———————————————————-

    Ang pagmamahal ng isang tunay na IGLESIA NI CRISTO na HINIRANG kapag ipinararating at ipinahahayag ay umaaliw sa damdamin ng isang kinakasangkapan napahintulutan lamang. Lalo kong ipinagpapasalamat sa DAKILANG AMANG BANAL at mahal nating Panginoong Jesu-Cristo kapag nakasusumpong kayo ng mga karagdagang kaalaman na magpapatibay pa lalo ng inyong mataas na pagkilala at magpapaalab pa ng pananampalataya sa kaukulan ng ating mga ginagawa para ipatungkol ang lahat-lahat ng Kapurihan at Kaluwalhatiang ganap sa ating mahal na DAKILANG AMANG BANAL at mahal nating Panginoong Jesu-Cristo. Nais kong ipabatid mo sa mga mahal nating kapatid ang taos-puso kong pasasalamat sa pamumuhunan ninyong lahat ng panahon para masipag na ipagmalasakit sa iba ang natanggap din ninyong mga Kaalaman at Karunungan para sa kapakinabangan din ng kanilang mga kaluluwang pagal sa pananabik na may mga tunay na kapatid na totoong sa kanila’y magmamahal. Magandang gabi sayo kapatid na Aiza. Laging tapat na nagmamahal sa inyong lahat. – Kapatid na Elias Arkanghel.

    Liked by 1 person

  3. Magandang Araw po syo Mahal naming Ka. Elias…. Lubos po akong nagpapasalamat una sa lahat sa atin pong Panginoong Dios,Panginoong Jesus…. sapagkat ako po ay sumasampalataya na isa ako sa mga mapapalad na natawag at naakay para magsuri at magbasa o makaunawa sa blog nyo pong ito at dahil mahal na mahal ko po ang kahalalan ang pagka-Iglesia Ni Cristo ko po kaya nagpasya akong magbasa sa blog nyo…marami po akong natutunan at nalaman na hindi po naituturo sa panahon ng mga pagsamba.. tulad po ng mga katotohanang nangyayari talaga ngayon sa Iglesia… at higit po sa lahat ay ang kalooban ng atin pong Panginoong Dios at Panginoong Jesus na nais po Nilang ipabatid sa lahat po ng mga kapatid… Bago po ako nagpatuloy magbasa ,nanalangin po ako at humingi ng patnubay sa ating Panginoong Dios at Panginoong Jesus para maunawaan ko pong lubos ang mga nakasulat dito… Maraming Maraming Salamat po sayo Ka. Elias dahil kinasangkapan po kayo ng ating Mahal na Ama para iparating po ang mga nais po Niyang ipaunawa sa ating mga kaanib sa Iglesia.. Dalangin ko po sa ating Panginoong Dios at Panginoong Jesus na matawag din at maakay ang buo kong pamilya ,mga mahal ko sa buhay na hindi pa nakakapagbasa sa blog niyo po….ALam nyo po, lalo po akong lumalakas at tumitibay habang binabasa ko po mga nakasulat sa blog nyo… dati po kasi masyado akong nag-aalala sa mga bagay bagay na pang mundo lamang… naisip ko po na bakit di ko ituon ang isipan at paningin ko sa mga pangako ng ating Panginoon Dios at Panginoong Jesus …. naisip ko po na pangmundo lamang ang mga alalahanin na ito… Kaya po nagpapasalamat din po ako sa Ka. Lina Castillo dahil naging kasangkapan din po sya para maakay ako… Nagpasya po ako na ipagpapatuloy ko ang pagsusuri at pagbabasa sa blog nyo dahil sumasampalataya po ako na narito din po ang mga mensahe ng ating Panginoong Dios at Panginoong Jesus para sa kaligtasan ng bawat isa… Maraming Maraming Salamat po ulit Ka . Elias …

    ———————————————————

    Maraming salamat mahal kong kapatid na Maria Isobel, Mabuti ang iyong kahilingan kaya natitiyak kong ipagkakaloob ng DAKILANG AMANG BANAL. Ikaw na humahanap sa mga Katotohanan ang higit na makasusumpong nito. Darating sayo ang lubusang pagkaunawa sapagkat sumasampalataya ka. Kaya mula ng maipagmalasakit sayo ng kapatid na Lina ang nilalaman ng blog na ito ay inibig mo na ring maipaglingkod ito sa mga mahal mo sa buhay. Maraming salamat sayo sapagkat ang maluluwalhati sa gagawin mo ang ating Panginoong Jesu-Cristo para sa lalo pang Kapurihan at Kadakilaan ng ating DAKILANG AMANG BANAL. Muli maraming salamat sayo Maria. Nagmamahal mong kapatid, – Elias Arkanghel

    Liked by 1 person

  4. Mahal po naming Ka Elias,

    Pagbati po at pangungumusta. Sana ay lagi ka pong nasa maayos na kalagayan sa pag-iingat at pagmamahal ng Ama at ng Panginoong Jesus.

    Nakakatuwa pong magbasa palagi ng mga isinusulat mo po na siya po naming patuloy na sinusubaybayan at inaantabayanan dahil sa ito po ay nagbibigay po sa amin ng lakas, pag-asa, ligaya, liwanag at gabay lalo na po sa panahong ito ng matinding pagsubok, bagabag, ligalig, panganib sa maraming bagay at nakapanlulumong lungkot sa damdaming nasasaktan dahil sa mga nararanasan. Kahit po nalulungkot at nasasaktang labis dahil sa mga nangyayari ay patuloy pa rin pong nagtitiis at umaasa sa mga pangako ng Ama at ng Panginoong Jesus sa kabila ng nasasaktan at umiiyak na mga puso. Salamat po ng napakarami sa Ama at sa ating Panginoong Jesus dahil lagi ka pong inuudyukan ng mga isusulat mo po na lagi na ay napapanahong mga turo, saway at payo.

    Kasama ka po palagi sa aming patuloy na mga pagdalangin sa Ama at sa Panginoong Jesus kasama ang buong pamilya ng Ka Erdy, lahat ng mga kapatid na itiniwalag ng mga ministro at lahat ng mga kapatid sa kabuuan sa Iglesia at patuloy kaming sumusunod, nagtitiwala at umaasa sa mga banal na kalooban ng Ama at ng ating Panginoong Jesus. Patuloy ka pong gabayan at ingatan ng Ama at ng ating Panginoong Jesus. Salamat po Ka Elias sa pagmamahal at pagmamalasakit.

    Gumagalang at nagmamahal mo pong abang kapatid,
    Ka Sunshine

    —————————————————————————

    Mahal kong kapatid na Sunshine, gayundin ang kasiyahan kong magpasalamat sa pagkilala niyo sa Blog na ito na kinakasangkapan na rin ng AMANG BANAL at ng ating Panginoong Jesu-Cristo na pinaghuhugutan ng lakas,pag-asa, ligaya, dahil sa liwanag ng mga Katotohanang ipinahahanay sa atin dito sa Udyok ng Banal na Espiritu na nagsisilbing gabay at patnubay nating lahat para sa pagdadala ng ating buhay at pamumuhay para lalong tumibay ang inyong pag-asa at pananampalataya. Salamat. Nagmamahal mong kapatid, – Elias Arkanghel

    Liked by 1 person

    1. Mahal po naming Ka Elias,

      Marami pong salamat sa pagtuturo at paggabay sa amin na lalo pang magbagong-buhay sa nalalapit na pagbabanal na hapunan. Ako po ay kinikilabutan at naiiyak habang binabasa ko po ang inyong mga Pahayag. Maraming Salamat sa AMA, isa ako sa mga biniyayaan na masaksihan at makita ang katotohanan laban sa katiwalian. Binuksan ng AMA ang aking puso at isipan, bagamat ako’y sadyang tao lang na nagkakasala din.

      Maraming marami pong salamat sa lahat Ka Elias sa pangunguna sa amin at maraming salamat lalo na sa ating Panginoong Hesus at sa ating Panginoong Diyos ang AMA na nasa Langit na gumagabay sa atin.

      – Adrian Cruz

      ———————————————————————————————–

      Salamat kapatid na Andrian Cruz sa kagandahang loob mo at matapat na pagkilala sa Banal na Gawaing ito sa napahintulutan lamang ng DAKILANG AMANG BANAL na inyong abang lingkod. Salamat din at bukas ang iyong isipan sa pagtanggap sa mga kaganapan hayag sayo sa loob ng IGLESIA NI CRISTO. Ang lahat ng ito ay pagsubok lamang ng PANGINOONG DIYOS natin upang lalong mahayag kung anong uring mga IGLESIA NI CRISTO tayo. Kaya matatapos din ang lahat ng ito. Kung kailan ang PANGINOONG DIYOS lang at ang Panginoong Jesu-Cristo ang nakaaalam. Nayanig man ang lahat dahil sa mga kakaibang pangyayari ngunit hindi dahilan para panghinaan ng loob ang iba at iwan ang mga Pagsamba. Sa halip mas lalo ngang kailangan tayong maging matibay at matatag na makapanindigan. Kaya kapatid ko maisasangkap sa ating pagkatao ang lahat ng yan kung dadalangin tayo lagi na, at lalapit sa ating DAKILANG AMANG BANAL at mahal na Panginoong Jesu-Cristo na napakukupkop tayo sa KANILANG DAKILANG PAG-IBIG AT PAGMAMAHALna ipinagkakatiwala sa KANILA ang ating buhay, pamumuhay at kapalaran. Muli maraming salamat sayo! Tanggapin ninyong lahat pati na ng lahat ng kumikilala sa Banal na Gawaing ito kasama ng inyong mga mahal sa buhay at kanilang mga mahal sa buhay ang mga biyaya, basbas, pagpapala ng ating DAKILANG AMANG BANAL at ng ating mahal na Panginoong Jesus-Cristo Nagmamahal mong kapatid sa pananampalataya .. – Elias Arkanghel

      Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s