ANG KAHALAGAHAN NG PAGSUSUGO NG DAKILANG DIYOS!
ISAIAS 42 : 1 Narito ang aking lingkod na aking inaalalayan; ang aking hinirang, na kinalulugdan ng aking kaluluwa. Inilagay ko ang aking Espiritu sa kanya; siya’y maglalapat ng katarungan sa mga bansa. 4 Siya’y hindi manlulupaypay o madudurog man, hanggang sa maitatag niya sa lupa ang katarungan; at ang mga pulo ay maghihintay sa kanyang kautusan. 6 Ako ang PANGINOON, tinawag ko kayo sa pamamagitan ng kamay, at kayo’y iniingatan, at ibinigay kita sa bayan bilang tipan isang liwanag sa mga bayan, upang imulat ang mga bulag na mata, upang ilabas ang mga bilanggo sa bilangguan, at silang nakaupo sa kadiliman mula sa bilangguan. 8 Ako ang PANGINOON, iyon ang aking PANGALAN; hindi ko ibibigay sa iba ang aking kaluwalhatian, o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan. 9 Narito ang mga dating bagay ay lumipas na, at ang mga bagong bagay ay ipinahahayag ko; bago sila lumitaw ay sinabi ko sa inyo ang tungkol sa kanila. (ABAB)
ANG LINGKOD NA HINIRANG
MATEO 12 : 15 Nang malaman ito ni Jesus, umalis siya sa lugar na iyon. Maraming tao ang sumunod sa kanya, at pinagaling niya ang lahat ng maysakit. 16 Ngunit mahigpit niyang ipinagbilin na huwag nilang ipamalita kung sino siya. 17 Sa gayon, natupad ang sinabi ng Diyos sa pamamagitan ni Propeta Isaias, 18 “Narito ang lingkod ko na aking hinirang, ang aking minamahal at lubos na kinalulugdan; ibubuhos ko sa kanya ang aking Espiritu, at siya ang magpapairal ng katarungan sa mga bansa. 19 Hindi siya makikipag-away o makikipagsigawan, ni magtataas ng boses sa mga lansangan, 20 hindi niya puputulin ang tambong marupok, hindi rin niya papatayin ang ilawang umaandap, hanggang katarunga’y hindi nagtatagumpay nang ganap; 21 at ang pag-asa ng mga Hentil, sa kanya ay ilalagak.” (ANG BIBLIA BBMB)
Ang kahalalan ito bilang sugo ay natupad sa ating Panginoong Jesu-Cristo, ang hinirang na kinalulugdan ng ating PANGINOONG DIYOS na sumasakanya ang Banal na Espiritu na Siyang ANAK NG TAO o ISANG TAONG BAGO, na ang kabalangkasan, ang ulo ang ating mahal na Panginoong Jesu-Cristo at ang Iglesia na Kanyang Katawan tinawag sunod sa Kanyang pangalan, ang IGLESIA NI CRISTO.
Sapagkat ganap tayong sumasampalataya sa pagiging ISANG TAONG BAGO ng ating Panginoong Jesu-Cristo EFESO 2 : 15 Na inalis ang pagkakaalit sa pamamagitan ng kaniyang laman, kahit kautusan na may mga batas at ang palatuntunan; upang sa dalawa ay lalangin sa kaniyang sarili ang isang taong bago, sa ganito’y ginagawa ang kapayapaan; Sapagkat I CORINTO 12 : 12 Si Cristo’y tulad ng isang katawan na may maraming bahagi. Kahit na binubuo ng iba’t ibang bahagi, ito ay nananatiling iisang katawan. na dito naka-ugnay tayo bilang sangkap, hinirang sa Kanyang Katawan. Kaya “sa pamamagitan ng Kanyang laman lalangin sa dalawa” ay nasaklaw sa pagsusugo sa Panginoong Jesu-Cristo ng PANGINOONG DIYOS, ang Kanyang mga makakasama na “bago sila lumitaw ay sinabi ko sa inyo ang tungkol sa kanila.” Kung sino sila na pinagpaunang pahayag ng ating PANGINOONG DIYOS yan ang bahagi ng ating pag-aaralan. Mahalagang makilala natin ” kung sino ang pinatutungkulang sila.”
Alang-alang sa mga bagong magbabasa may paunang laging hiling ang inyong kapatid na ugaliin natin ang manalangin. Pagpapakilala natin ito sa ating PANGINOONG DIYOS na hindi tayo nananangan sa sarili nating pagkaunawa sa halip nagagawa nating maipagkatiwala sa PANGINOONG DIYOS na tila SIYA ang nangungusap sa atin habang binabasa ang mga pahayag na udyok ng KANYANG Banal na Espiritu sa aba ninyong lingkod na napahintulutan lamang magpahayag na pawang sinipi natin sa KANYANG mga salita na nakasulat sa Banal na Kasulatan, na ipinag-uutos na ‘magpahayag ka, sapagkat malapit ng maganap ang lahat ng ito’.
Ang mga Katotohanang ito na sadyang ngayon lang darating sa inyong pagkaunawa sapagkat ang ilan sa mga talatang pinag-aaralan natin ay ngayon lang mabibigyan ng ganitong kaukulang paliwanag kung kaya ang ibang ministro nagsasabing ‘hindi sa amin itinuro yan sa Ministeryo’. Wala namang pagtatalo doon dahil lalo ngang nagpapatotoo na tama nga at totoo ang mga paunang pahayag ng ating PANGINOONG DIYOS na nakalihim sa hiwaga, na kahit pag-aralan ay hindi mapag-unawa. Bahagi rin ito sa ating inaawit sa mga Pagsamba at doon ay binanggit din ang patungkol sa nakalihim sa hiwaga sa sugo ay inihayag. Ngunit mga mahal kong kapatid HINDI LAHAT! Hindi lahat inihayag sa sugo. Hayaan ninyong patototohanan ng Banal na Espiritu na nag-udyok sa atin kung gaano katotoo itong sinasabi natin ngayon.
Totoo ba na may inilingid pa sa kaalaman ng isang kinikilalang sugo? TOTOO! Kahit pa sila ay tiyak na mga sugo na ng ating PANGINOONG DIYOS pero nahayag ang kanilang kakulangang kaalaman. Ano ang ibig lang nitong patunayan? ANG PANGINOONG DIYOS LANG ANG NAKAKAALAM NG LAHAT! Kaya nga may pinaka-dakilang sugo na kumilalang mayroon Siyang hindi nalalaman bagamat Siya ay Anak ng PANGINOONG DIYOS. Siya ang ating mahal na Panginoong Jesu-Cristo ang nagpapatotoo sa Kanyang sarili na mayroon Siyang hindi nalalaman ito ay nang sabihin Niya sa mga alagad MATEO 24: 36 “Ngunit walang nakakaalam ng araw at oras ng pagsapit niyon, kahit ang mga anghel sa langit o maging ang Anak man. Ang Ama lamang ang nakakaalam nito. Yan ang patungkol sa araw ng paghuhukom. Baka naman may pag-aalinlangan pa kayo sapagkat agad na tinukoy sa Panginoong Jesu-Cristo? Alang-alang sa ikauunawa ng lahat magbibigay pa tayo kahit isa man lang sa mga nakikilala pa nating lingkod na PANGINOONG DIYOS na mapapatunayan nating inililingid pa sa kanya kahit na sugo na siyang kinikilala. SINO KAYA?
Sino nga kaya ang tiyak ng sugo ng PANGINOONG DIYOS ngunit napagkaitan pa ng kaalaman at pagkaunawa sa mga lihim ng PANGINOONG DIYOS? – Elias Arkanghel
(MAGPAPATULOY ANG ATING PAG-AARAL SA PINATUTUNGKULANG SUGO SA PAGKAKAKILANLAN … Sa Ikalawang Bahagi )
Reblogged this on Mga Hinirang and commented:
ISAIAS 42 : 1 Narito ang aking lingkod na aking inaalalayan; ang aking hinirang, na kinalulugdan ng aking kaluluwa. Inilagay ko ang aking Espiritu sa kanya; siya’y maglalapat ng katarungan sa mga bansa.
LikeLike
🙂
LikeLike
Reblogged this on Iglesia Ni Cristo Never Keep Silent.
LikeLike