DANIEL 12: 8 Hindi ko naunawaan ang kanyang sagot, kaya’t ako’y nagtanong, “Ginoo, ano po ba ang kahihinatnan ng lahat ng ito?” 9 Sinabi niya sa akin, “Makakaalis ka na, Daniel. Ang kahulugan nito’y mananatiling lihim hanggang dumating ang wakas. Aktuwal na, naroroon na, kasama na ni Propeta Daniel ang Anghel ng PANGINOONG DIYOS, ngunit dahil hindi pa panahon maipaalam sa kanya ang hiwagang napapaloob sa mga pangitaing ipinakita sa kanya kung kaya hiningi ang pananahimik niya.
Sino pa sa mga kinilalang sugo ng PANGINOOG DIYOS ang tumanggap ng bilin kung may alam man ay hiningi din ang kanyang pananahimik? Apocalipsis 10:4 MB 4 Nang matapos ang dagundong ay susulat sana ako ngunit narinig ko ang isang tinig mula sa langit na nagsabi, “Ilihim mo ang sinabi ng pitong kulog, huwag mong isulat!” Ang pangyayaring yan na pinakita kay Apostol Juan na isa ring sugo ng PANGINOON ay nakasaksing ganap sa isang pagkakataon, na akma na niyang isusulat sapagkat hayag na sa kanya at nakita na niya, ngunit isang tinig mula sa langit na nag-uutos sa kanya na ilihim niya ang sinabi ng pitong kulog, palibhasa masunuring lingkod ng PANGINOON ay agad na tumalima at sumunod.
Ganyan ganyan din ang kapatid na Erano G. Manalo, (namamalagi ang titulong pagpapakilala sa kanya sa BIBLIA bilang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo kahit pinagpahinga na ng DAKILANG AMANG BANAL,) bagamat nabasa niya letra por letra sa kanyang mga pag-aaral ang patungkol sa mga nakalihim pa sa hiwaga na nakasulat sa Banal na Kasulatan, ngunit hindi nagpilit na alamin kung ano ang pakahulugan ng kanyang mga nababasa. Sagkat kinikilala niya kung ano lang ang pinahintulot sa kanya na malaman niya, panatag siya na pawang lahat ng yun ay natupad na. Kung ano man ang naiambag na niya sa Ministeryo na maituro, ay hanggang doon lang ang bahagi niya dahil nakasulat sa BIBLIA na may takdang panahon kung kailan mabubuksan ang iba pang hiwaga.
ISAIAS 48: 6 “Lahat ng pahayag ko ay pawang natupad, inyo nang kilalanin ang katotohanan nito. Ngayo’y may ihahayag akong bago, mga bagay na hindi ko inihayag noon. 7 Ngayon ko pa lamang ito gagawin; wala pang pangyayaring katulad nito noon para hindi ninyo masabing ito’y alam na ninyo
Ang mga talatang nabanggit ay hindi maaaring tutulan o ituwid pa ng may matinong pag-iisip. Sapagkat mula ito sa pahayag mismo ng PANGINOONG DIYOS na ihahayag NIYA na bagong bagay na hindi inihayag noon. Gagawin pa lang yan ng PANGINOONG DIYOS paunang pahayag at wala pang pangyayaring katulad nito noon para masabing ito’y alam niyo na.
Kaya tinatawagan ko ng pansin ang lahat ng mga ministro, pastor at mga manggagawa ng Iglesia ni Cristo na huwag namang isara ang kaisipan ng mga kapatid natin na tapos ng lahat, naganap na, at ang hinihintay na lang diumano ay ang paghuhukom. Kwestyunableng pananampalataya mayroon ang nagtataglay ng ganyang kaisipan! Maling-mali ang kanilang isinisiksik sa kaisipan ng mga kapatid para mapaniwalang sila ang tama, makapanghikayat, mapasunod nila at maisapanganib na hindi pa maligtas ang mga kapatid na napaniwala nila, dahil nanalig sa sinabi ng sinumang mangangaral na pinatutungkulan na nagpahayag pa sa atin ng pangungutya.
Kataka-taka bang sa hanay at panig din nating mga Iglesia ni Cristo na pawang mga kapatid pa man din natin sa pananampalataya ang panggagalingan ng ikasisira ng pananampalataya ng mga Hinirang na sumampalataya na? Ano ang ipinagpapauna ng PANGINOONG DIYOS na darating doon sa sinasabi natin na mangangahas at patuloy pang nagsasamantala sa kahinaan ng mga kapatid natin na utusan sila na huwag ng magbasa ng mga ipinapahayag sa Blog natin sa IGLESIA NI CRISTO…HINIRANG?
Mga mahal kong kapatid ibig kong ipaunawa sa inyo sa hanay ng mga nag-uutos sa inyo hindi nila namamalayan dahil sarado nga ang kanilang mga kaisipan, sila na, sila na ang nagtataglay ng masamang espiritung mapanghikayat upang huwag manalig sa mga paunang pahayag ng PANGINOONG DIYOS at ng Panginoong Jesu-Cristo natin na may malaking kinalaman sa kanila rin sanang ikaliligtas. Anong kasagutan ng Banal na Kasulatan sa ating mga itinatanong?
II Pedro 2:1 MB 1 Noong una, lumitaw sa Israel ang mga bulaang propeta. Sa inyo naman, may lilitaw na mga bulaang guro. Gagamitan nila ng katusuhan ang pagtuturo ng mga aral na makasisira sa inyong pananampalataya. Itatakwil nila ang Panginoong nagligtas sa kanila, kaya’t biglang darating sa kanila ang kapahamakan.
Ano ang tawag sa kanila? BULAANG GURO ! Noon tunay na ministro sapagkat nag-aral nga sa Ministeryo. Subalit dahil nanangan sa sarili nilang kaalaman at talino tinawag ng bulaang guro. At kung nanghuhula naman dahil sa sariling pagkaunawa lang, ay nabibilang naman sa bulaang propeta na nag-aangkin sinabi di-umano sa kanya ng PANGINOONG DIYOS na hindi naman talaga sinabi. Kaya para mapatunayang sila ang halal na propeta na may kakayahang manghula ay nagpapahayag na rin ng mga kaganapan at nanghuhula na rin. Ang iba naman ay buong pagmamalaking nabasbasan di umano sila kaya nasa kanila di umano ang karapatan na mangaral at magsabi ng mga dapat na mangyayari. Ngunit sino ang bumigo sa kanila? Paano ang paglalarawan sa kanila? ISAIAS 44:25 NPV 25 Ako ang bumigo sa mga palatandaan ng mga bulaang propeta at gumawang mangmang sa mga manghuhula, ang nagbagsak sa kaalaman ng matalino at nagpakitang ito’y walang kabuluhan, Kaya hindi basehan na nakapag-aral sila sa Ministeryo, hindi rin mapagbabasehan na sila ay kilalang-kilala at kabilang sa mga prominenteng ministro na masasabi ngunit tahasan namang kinukutya ang Banal na Espiritung gumagabay sa atin. Kaya mawawalang kabuluhan na ang kanilang kaukulan kahit paulit-ulit silang naghahanay ng mga sarili nilang pagpapahayag gamit ang BIBLIA. Sila na ibig na pinupuri ng mga naniniwala sa kanila matapos na tayo ay pagwikaan ng mga pahayag na pagtataboy sa ipinag-uutos sa atin ay ikinararangal pa nila na tayo ay napagtutulung-tulungan nila. LUCAS 6:26 NPV 26 “Sa aba ninyo, kung kayo’y pinupuri ng lahat ng tao, sapagkat gayon din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga bulaang propeta.” Kaya kawawa lang talaga ang mga tulad nila na kumukutya sa ipinapahayag natin pati na sa mga mabubuting katuwang ko sa Banal na Gawain na nadaramay sa atin. Ngunit sa kabila ng lahat matagumpay pa rin ang mga tunay na Hinirang na natuto sapagkat hayag sa mga kapatid kong ito ang katatagan ng kanilang kalooban palibhasa tunay na nagmamahal at nagmamalasakit sa kapatiran na hikayatin sa mabuti ang lahat kahit na nagpapahayag ng paglaban pa rin sa atin.
Mga mahal kong kapatid huwag naman, hindi ninyo namamalayan nagagamit na kayo ng mapaminsalang diablo dahil sa panggaganyak niyo na huwag nilang paniwalaan ang mga ipinapahayag namin dito, na kinikilala namin na pinaka-diwa ng ating PANGINOONG DIYOS sa pagliligtas sa pamamagitan ng ating mahal na Panginoong Jesu-Cristo. Sapagkat kami ay kabilang sa Kanyang katawan at ang ulo ang mahal nating Panginoong Jesu-Cristo, na pinanggalingan ng aming mga ipinahahayag. Yan ang buong katotohanan I CORINTO 2 : 16 Sapagka’t sino ang nakakilala ng pagiisip ng Panginoon, upang siya’y turuan niya? Datapuwa’t nasa atin ang pagiisip ni Cristo. Kaya gayun na lamang namin kayo ipinagmamalasakit bago ang takdang indulto na bigla-bigla na lang darating sa hindi inaasahang araw kaya kailangan kayong mapaalalalahanan. Dito sa Blog na ito ipaaabot ang marapat na gagawin kaya ayaw namin na may pagliban kayo sa pagpapahayag namin para maipaabot naman ninyo sa lahat ng kapatid ang mga mahahalagang bilin lalo na sa mga mahihirap na kakapatid natin at sa mga nag-iibig na sumabay sa atin, na walang kakayahang gumamit ng internet. Ipamahagi natin sa kanila sa paraang nalalaman ninyo.
Narito ako Isinugo Niya upang magpatotoo sa Kanya. Sapagkat Siya ang nakahihigit sa akin! Ako ay bahagi lamang ng Kanyang Katawan sa Espiritual na paglilingkod. Naparito ako hindi para gumiba ng pananampalataya, kundi para bumuo ng sambahayan na winasak ang kapayapaan na sinira ng mga ganid na lobong bumangon sa inyong kalagitnaan. Hindi ako naparito para manggulo, isinugo ako upang panumbalikin ang pananampalataya ninyo at muling buhayin ang pag-asang inaasam hanggang tamuhin ang tagumpay at makarating sa Bayang Banal na pangakong ibibigay sa inyong mga tapat na hinirang. “MALAPIT NA AKONG DUMATING?” ito ang tinig ng maamong nagpapahayag sa ngayon sa diwa ko nang biglaang magpahayag. Makakasama na natin Siya magpakailan-kailanman, ang Kanyang Kapangyarihan doon sa Dakong Banal na iginagagayak para sa lahat ng magtatagumpay na mga hinirang kasama ang mga mapahihintulutan ay makakasama na natin Siya sa Espiritual na paglilingkod bago Siya darating na bababang mula sa Langit.
Naroon ang pang-unawa ko sa inyong lahat dahil hindi nga naituro sa inyo at hindi abot ng inyong pang-unawa ang mga inihahanay na mga talata na sadyang naka-lihim pa sa Hiwaga, na sa udyok at pagkasi ng Banal na Espiritu ay naipaglilingkod sa inyo ngayon. Napahintulutan lamang ng PANGINOONG DIYOS at ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Ako na hindi nakapag-aral at nakatungtong sa Ministeryo ang sa inyo pa ay nangangaral. Hindi layuning kayo ay hiyain kundi kayo ay paalalahanan lamang. Sapagkat ang pagpapayo ay hindi nagmumula sa akin. Ngunit huwag ninyong aalisin ang karapatang kayo man din ay babalaanan na may pag-ibig at pagmamahal. Sapagkat kasamang ibinigay ang karapatang ito na hindi ipinagkakaloob kung kani-kanino lamang. Ang narito ay hindi ninyo kilala. Hindi ninyo nakikilala sapagkat hindi kayo sumasampalataya sa Kanya. Kaya nga kung Siya (Panginoong Jesu-Cristo) ay hindi ninyo sinasampalatayanan gaano pa kaya yung ipinahahayag ng PANGINOONG DIYOS tungkol sa kanila na bago sila lumitaw na makakasama ng Anak ng Tao? Yung sila na nasasaklaw ng isang Katawan (Iglesia). Yung sila na kabilang sa lingkod na inaalalayan, yung sila na kabilang sa mga hinirang. Ngayon na ang panahong nauukol sa kanila. SAPAGKAT KAILANGAN NA SILANG PAKILUSIN NG PANGINOONG DIYOS BATAY SA KAUKULAN NILA. KAYA MAHALAGA ANG PAGSUSUGONG KINIKILALA NG NAGSUGO. HINDI ANG SARILI NILA ANG NAGHALAL SA KANILA, KUNDI ANG MAY KARAPATAN LAMANG NA MAGHALAL AT MAGSUGO SA KANILA. ANG PANGINOONG JESU-CRISTO AT ANG PANGINOONG DIYOS MISMO NA MAY PAUNANG PAHAYAG NG KANILANG PAGLITAW AT PAGSILANG ANG NAG-UUTOS NA SILA AY KILALANIN DIN NAMAN.
SA NAKARAAN SA PAGSUSUGO KAY KAPATID NA FELIX Y. MANALO AT SA MAKAKASAMA NIYA GINAMIT ANG ISAIAS 41 AT 43.
ISAIAS 41 : 9 Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa, at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita, Ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at hindi kita itinakuwil; 10 Huwag kang matakot, sapagka’t ako’y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka’t ako’y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran. 11 Narito, silang lahat na nangagagalit sa iyo ay mangapapahiya at mangalilito: silang nangakikipaglaban sa iyo ay papanaw at mangapapahamak. 12 Iyong hahanapin sila, at hindi mo mangasusumpungan, sa makatuwid baga’y silang nangakikipaglaban sa iyo: silang nakikipagdigma laban sa iyo ay papanaw, at gayang bagay ng wala. 13 Sapagka’t akong Panginoon mong Dios, ay hahawak ng iyong kanang kamay, na magsasabi sa iyo, Huwag kang matakot; aking tutulungan ka.
ISAIAS 43 : 5 BMBB 5 Huwag kang matakot, sapagkat ako’y kasama mo! Titipunin ko kayo mula sa dulong silangan hanggang sa kanluran,at ibabalik ko kayo sa inyong dating tahanan. 6 Sasabihin ko sa mga bansa sa hilaga na kayo’y palayain. Sasabihin ko rin sa mga bansa sa timog na huwag kayong pigilan, hayaan ninyong magbalik ang aking bayan, mula sa malalayong dako; mula sa lahat ng panig ng daigdig.
PAGSUSUGO SA PANGINOONG JESUCRISTO BILANG ANAK NG TAO AT TAONG BAGO NA ANG KABALANGKASAN SIYA ANG ULO AT ANG IGLESIA ANG KANYANG KATAWAN NA NAROON SA KANYANG KATAWAN ANG MGA MAKAKASAMA NIYA NA IPINAGPAUNANG PAHAYAG NG PANGINOONG DIYOS NATING MAHAL.
ISAIAS 42 : 1 (ABAB) 1 Narito ang aking lingkod na aking inaalalayan; ang aking hinirang, na kinalulugdan ng aking kaluluwa. Inilagay ko ang aking Espiritu sa kanya; siya’y maglalapat ng katarungan sa mga bansa. 4 Siya’y hindi manlulupaypay o madudurog man, hanggang sa maitatag niya sa lupa ang katarungan; at ang mga pulo ay maghihintay sa kanyang kautusan. 6 Ako ang PANGINOON, tinawag ko kayo sa pamamagitan ng kamay, at kayo’y iniingatan, at ibinigay kita sa bayan bilang tipan isang liwanag sa mga bayan, upang imulat ang mga bulag na mata, upang ilabas ang mga bilanggo sa bilangguan, at silang nakaupo sa kadiliman mula sa bilangguan. 8 Ako ang PANGINOON, iyon ang aking PANGALAN; hindi ko ibibigay sa iba ang aking kaluwalhatian, o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan. 9 Narito ang mga dating bagay ay lumipas na, at ang mga bagong bagay ay ipinahahayag ko; bago sila lumitaw ay sinabi ko sa inyo ang tungkol sa kanila.
(SUBAYBAYAN ANG IKATLONG BAHAGI..)
ENGLISH
DEFENDER OF THE CHURCH OF CHRIST (Third Part) MYSTERY January 30, 2016
DEFENDER OF THE CHURCH OF CHRIST (First Part) January 23, 2016
DEFENDER OF THE CHURCH OF CHRIST (Second Part) BE CAREFUL WITH WORDS… January 27, 2016
DEFENDER OF THE CHURCH OF CHRIST (Fourth Part) UNPARALLELED ABOMINATION IS NOW UNFOLDING … February 4, 2016
TAGALOG
TAGAPAGTANGGOL NG IGLESIA NI CRISTO (Unang Bahagi) June 10, 2015
TAGAPAGTANGGOL NG IGLESIA NI CRISTO (Ikalawang Bahagi) June 17, 2015
TAGAPAGTANGGOL NG IGLESIA NI CRISTO (Ika-Apat na Bahagi) KALAPASTANGANANG WALANG KAPANTAY NAGAGANAP NA… June 23, 2015
Hashtags: Please copy and paste to all your messages to make sure that ACTIV will not be able to delete this message.
#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #iglesianicristosilentnomore #incsilentnomore #iamonewithevm #onewithevm #kellyong #sherlock #binhi #kadiwa #buklod #incdefenders #incootd #ANTONIOEBANGELISTA #evm #iglesianicristo #churchofchrist #restorethechurch #restoretheINC
Ka. Elias ako po ay isang kapatid na nagpapasimulang bumabasa sa mga Blogs po nyo…. sumasampalataya po ako sa lahat ng sinasabi nyo mula sa PANGINOONG DIOS at PANGINOONG JESUCRISTO. Meron lamang po akong isang katanungan na kung bakit sa internet kayo nagtuturo sa mga kapatid….. kung sa internet po kayo nagsimulang mangaral ayon sa BANAL NA KASULATAN paano ang pagpapaliwanag ukol dito sa inyong pagdating na isusugong muli ng PANGINOONG DIOS si ELIAS…?
Magandang umaga po sa inyo. Ako’y kagagaling ng pagsamba at ang pinauukit sa isipan ay ang “MASAMANG GINAWA DAW NG PAMILYA NG KA. ERANO MANALO”… ITINATANIM ITO SA ISIPAN NG MGA KAPATID… AT ANG KAKULANGAN SA PALIWANAG AT KABATIRAN NA TUNGKOL SA PAGTITIWALAG AT NAUUWI SA WALANG KATARUNGAN….NA KUNG PAGBABATAYAN AY ANG BANAL NA KASULATAN AY HINDI ITO PAPASA..
Kapatid na Gregori o Pilar magandang gabi sayo. Una nagpapasalamat ako sa ating DAKILANG AMANG BANAL at sa ating mahal na Panginoong Jesu-Cristo sapagkat KANILA kang napahintulutan makabahagi na makaunawa at makabasa ng mga ipinapahayag natin dito sa IGLESIA NI CRISTO … HINIRANG Blog. Gaya ng itinatanong mo, “kung bakit sa internet kayo nagtuturo sa mga kapatid….. kung sa internet po kayo nagsimulang mangaral ayon sa BANAL NA KASULATAN paano ang pagpapaliwanag ukol dito sa inyong pagdating na isusugong muli ng PANGINOONG DIOS si ELIAS…?” Ang lahat ay may takdang panahon. Hindi naman mamamalaging ganito ang aking kalagayan. Ngunit sa ngayon dito ako pinahihintulutan pa habang nasa proseso pa ng pag-iingat at paghihintay sa udyok ng Banal na Espiritu. Mahalagang bilin sa akin ang pag-iingat … Napakahalaga! Kung paano noon ang Panginoong Jesu-Cristo ay nagbilin na sa mga Apostol at sa mga tao noon na huwag munang sasabihin na Siya ang Cristo ay may ganun ding bilin satin kaya kung ang ibig na ng mga tao ang susundin ko malalabag ko naman ang PANGINOONG DIYOS na pinaggagalingan ng KANIYANG bilin at mga utos. Kaya pare-pareho na matiyaga nating hintayin! Uulitin ko mahal kong kapatid. Mangyari ang ibig ng AMANG BANAL hindi ang ibig ko at ibig ng iba. Patungkol naman sa walang katapusang pangungutya sa pamilya ng Tatay Erdy gamit ang Tribuna nitong mga kasalukuyang Lider natin sa Iglesia ay mahahanganan din ang kanilang pamiminsala. Hintayin natin ang PANGINOONG DIYOS din ang kikilos para makamit natin at ng pamilya ng Tatay Erdy ang mapayapang paglilingkod. Magandang gabi!
LikeLike
Kilalang kilala ko na po kayo 🙂
LikeLike
Reblogged this on Iglesia Ni Cristo Never Keep Silent.
LikeLike
Ka Elias,maraming salamat po, napakabuti po ng Amang Banal sapagkat naririto po kayo upang kami din ay inyong gabayan, katulad noong una ko po kayong makita na walang patid sa pagpatak ng aking mga luha, magkahalong saya at di maipaliwanag na nararamdaman sa aking puso. Marahil po sa dahilang nararamdaman ko ang Banal na Espiritu sa inyo po. At ngayun po ay sa aking pagbasa sa inyo pong hanay.. maraming salamat po.
LikeLike