“ISAIAS 49: 1-26 … ANG KASULATANG ITO HABANG INYONG BINABASA AY NAGANAP NGAYON!” – ELIAS ARKANGHEL
1 Makinig kayo mga taong naninirahan sa malalayong mga bansa. Pinili na ako ni Yahweh bago pa isilang, at hinirang niya ako para siya’y paglingkuran. 2 Mga salita ko’y ginawa niyang singtalim ng espada, siya ang sa aki’y laging nag-iingat. Ginawa niya akong parang matulis na palaso na anumang oras ay handang itudla. 3 Sinabi niya sa akin, “Israel, ikaw ay lingkod ko; sa pamamagitan mo ako’y pupurihin ng mga tao.”4 Ngunit ang sagot ko, “Ako ay nabigo sa aking pagsisikap, hindi nagtagumpay gayong ibinuhos ko ang aking lakas.” Gayunma’y ipinapaubaya ko kay Yahweh ang aking kalagayan, na ako’y kanyang gagantimpalaan sa aking nakayanan. 5 Bago pa ako ipanganak ay hinirang na ni Yahweh; pinili niya ako para maging lingkod niya, upang tipunin ang bayang Israel na nagkawatak-watak. Binigyan ako ni Yahweh ng karangalan, sa kanya nagbubuhat ang aking kalakasan. 6 Sinabi sa akin ni Yahweh: “Israel na aking lingkod, may mas mahalaga pa akong ipapagawa sa iyo. Bukod sa pagpapanumbalik sa mga Israelitang nalabi, gagawin din kitang liwanag sa mga bansa upang ang buong daigdig ay maligtas.” Sa panig ng mga hindi nakauunawa hindi niyo man paniwalaan subalit ito ang katotohanan … Ako ito na hindi ako sapagkat ang diwang napapaloob sa akin ang Diwa ng ating PANGINOON DIYOS sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Bahagi ako ng Kanyang Katawan dahil ako ay lihitimong IGLESIA NI CRISTO. Nakatakdang muling ipagkanulo ang Anak ng Tao ang nagmamay-ari ng Katawan kung saan ako ngayon kabilang. MATEO 26: 23,24 BMBB 23 Sumagot si Jesus, “Ang kasabay kong sumawsaw sa mangkok ang siyang magkakanulo sa akin. 24 Mamamatay ang Anak ng Tao ayon sa nasusulat tungkol sa kanya subalit kahabag-habag ang taong magkakanulo sa kanya! Mabuti pa sa taong iyon ang hindi na siya ipinanganak!” Nakatakdang muling maipagkanulo ang Panginoong Jesu-Cristo ang Kanyang Banal na Katawan ito ang Kanyang Iglesia kung saan ako nabibilang na Kanyang Hinirang. Naganap ang pagtanggap ng Banal na Hapunan, halos katatapos lang isang linggo pa lang ang lumilipas nang maisagawa ng kahuli-hulihang Lokal na tumanggap ng Banal na Hapunan. Kaya kung paano ang panahong naipagkanulo ang Panginoong Jesu-Cristo ay gayun din muling maipagkakanulo Siya na magmumula rin ang magkakanulo sa hanay ng kapatid na tumanggap din ng Banal na Hapunan. Ngunit ang pahayag ng Panginoong Jesu-Cristo … KAHABAG-HABAG ANG TAONG MAGKAKANULO SA KANYA! MABUTI PA SA TAONG IYON ANG HINDI SIYA IPINANGANAK! … Ngunit ako na si Elias Arkanghel hinihiling sa DAKILANG AMANG BANAL at sa ating mahal na Panginoong Jesu-Cristo ang kapatid na pinatutungkulan na natuksong maipagkanulo ang Banal na Gawaing ito ay patawarin NIYO po siya sapagkat alam man niya ang kanyang ginagawa ngunit hindi ang IYONG Lihim na Panukala. Ituring NIYO na lang pong kakulangan ng kaalaman niya sa mga Katotohanang hindi naabot ng Kanyang kaisipan. Ipinauubaya ko na po SAYO DAKILANG AMANG BANAL ang kapalarang kong itinakda MO. Mangyari ang ibig MO, hindi ang ibig ko at ang ibig ng iba!
Mahal po naming Ka Elias,
Kumusta ka na po? Natutuwa po kaming malaman at mabasa ang patotoong ito ukol sa iyo na nakasulat sa aklat ng hula na ang banal na kasulatan na siya pong ibinabahagi mo po sa lahat bilang patunay ng iyo pong kahalalan na ipinanukala ng Ama na kagaya ng mga nauna ng lingkod ng Ama ay may mga hula na naipauna ng ipasulat ng Ama para kung dumating man ang lingkod na iyon ng Ama na sugo Niya ay ipinagkakaloob po Niya sa lingkod Niyang iyon para ipangpatunay sa pagkakahirang sa tungkuling iniaatang sa balikat ng isinusugo ng Ama. Paniwalaan, sampalatayanan at tanggapin man po o hindi ng karamihan ay nasa sa kanila na po iyon. Ngunit ang Ama na may kaloob po sa inyo ng banal na gawaing ito ay SIYA po ang magpapatotoo dahil sa mga ipapangaral mo po sa lahat na mula sa Ama. Mahal po naming Ka Elias, kahit ano po ang mangyari ay sumasampalataya po kami sa banal na gawaing ito na kaloob po sa iyo ng Ama. Kaisa mo po kami anuman po ang mangyari at nawa po ay lagi ka pong iingatan, gagabayan at pagkalooban ng mga karunungang mula sa ating Amang Banal at ng ating Panginoong Jesus. Kagaya po ng mga ipinadanas na ng Ama na mga tagumpay sa mga nauna ng matutuwid na lingkod ng Ama ay ganoon din po ang matibay na pag-asa po namin sa kahuli-hulihang gawaing ito na kaloob po sa iyo ng Ama bilang kahalili ng mga nauna ng lingkod ng Ama na pinagpahinga na po dahil SIYA po ang may mga panukala ng lahat ng mga bagay na KANIYA pong nilikha. Sumasampalataya po kaming ikaw po ang hinirang ng Ama para magsaayos ng mga bagay na hindi na maayos dahil sa naoobserbahan at nakikita po naming nangyayari na na ipinagkikibit balikat lamang ng mga naturingang mga tagapanguna at ipinagdidiinan po nilang maayos ang lahat sa Iglesia bagama’t ang katunayan po ay malinaw na hindi po.
Mahal po naming Ka Elias, hanggang dito na lamang po muna uli at mapahaba na naman po ang maisusulat kong saloobin ko po na sobrang nalulungkot at nasasaktan tungkol sa nangyayaring ito ngayon sa pinakamamahal po nating Iglesia Ni Cristo na kung saan dito po tayo tinawag at tinipon ng Amang banal at ng Panginoong Jesus. Alam po namin na kahit sobrang hirap ng gawaing ito at maraming babanggain sabi nga po nila at manganganib din po buhay natin ay wala po tayong kinatatakutan dahil ang makapangyarihang kamay ng Ama ang may hawak sa mga tapat na lingkod na sumusunod sa kalooban ng Ama.
Pagpapala at basbas po ng Ama at ng ating Panginoong Jesus ay sumaiyo pong lagi, mahal po naming Ka Elias.
Gumagalang at nagmamahal mo pong abang kapatid,
Ka Sunshine Shimmer
LikeLike
Ka Elias marami pong salamat at sumainyo po lagi ang patnubay ng AMA…
————————————————————————
Maraming salamat kapatid na Val. Mahalaga ang patnubay at pagkasi ng Banal na Espiritu sa atin, lalo na sa huling panahong ito na maglalabasan ang marami pang uusig, mang-uupat, hahamak sa kapatid mo. Na ang lahat ng ito ay kawalan ng pananampalataya sa Banal na Gawaing ito na sa atin ay ipinagkatiwala. Dahil pag-ibig ang ating dala-dala sinuman sa kanila ay ipanalangin na lang natin sila na mabuksan din ang diwa, damdamin nila at kaisipan. At muli nilang maramdaman ni isa sa kanila ay wala tayong iiwan dahil ang totoo silang lahat ay ating mahal. Ito ang bunga ng ating pagkakilala at lubos na pananampalataya sa DAKILANG AMANG BANAL at sa mahal nating Panginoong Jesu-Cristo na nagsusugo sa Banal na Espiritung sa atin patuloy na gumagabay. Magandang umaga sayo mahal kong kapatid. – Elias Arkanghel
LikeLiked by 1 person
Reblogged this on Iglesia Ni Cristo Never Keep Silent.
LikeLike
Magandang araw po kapatid na Elias Arkangahel, maraming salamat po,habang binabasa ko po hanay nyo ay muli pong naramdaman ang pag-ibig at pagmamalasakit ng ating Panginoong Diyos, muli po ang kababaang loob ang s’yang laging umiiral sa bawat mga hinirang upang maging karapat-dapat po sa ating Panginoong Diyos na matuwid at mapagmahal sa KANYANG bayan. Kami pong mga hinirang ay taos pusong maninilbihan at susunod po sa mga kautusan ng ating Panginoong Diyos, anoman po ang mangyari ay andoon po kami sa panig nyo po na alam namin na higit po kayong pinagkatiwalaan ng ating Dakilang Amang Makapangyarihan. Kami po na mga hinirang ay sumasampalataya po sa gawaing lihim na panukala ng ating Amang Banal. Maraming salamat po..
Ka Tesalonica
————————————————————————-
Maraming salamat sayo mahal kong kapatid na Tesalonica, maraming salamat sa inyong lahat na sa kabila ng mga pangyayaring ito ay nariyan pa rin kayo at hindi nagbabago sa paninindigan. Tama at tumpak ang iyong tinuran na pagpapahalaga sa Banal na Gawaing ito. Kaya anuman ang mangyari hindi magiging dahilan para mabago ang pagkilala natin sa mga kapatid natin na patuloy din nating mga pinagmamalasakitan para sa Banal na Gawaing ito upang kung papaano tayo nakapaninindigan sa panig ng ating PANGINOONG DIYOS at sa panig ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay maging gayun din sila na sama-sama nating gagawin at ipagpapatuloy sa Kapurihan, Karangalan, Kadakilaan, at Kaluwalhatian ng ating DAKILANG AMANG BANAL at ng ating mahal na Panginoong Jesu-Cristo. – Elias Arkanghel
LikeLiked by 1 person
Pano po ako pwedeng makadalo sa isinasagawa nyong pagtitipon…sapagkat lubos po akong namamangha sa mga hiwaga na inyong ipnangangaral na mula pa noong unang ipangaral ang ebanghelyo ay ngayon ko lang ito nababasa tungkol sa NAKALIHIM NA HIWAGA NG EBANGHELYO… Marapatin nyo po na ako’y makasalamuha nyo….ang inyong kapatid sa panginoon “Gregorio Pilar.!
LikeLike