AWIT 103: 1-22 MB 1 Si Yahweh ay papurihan, purihin mo, kaluluwa, Ang pangalan niyang banal purihin mo sa tuwina. Tayong mga tunay na IGLESIA NI CRISTO ang higit na hinahanapan na dapat makatugon dito. Ang mga tunay na IGLESIA NI CRISTO na pinatutungkulan ay hindi ang lahat ng nasa loob ngayon. Kung bakit natin nasabi ito sapagkat may mga tunay na mga IGLESIA NI CRISTO na inilabas pilit, inihiwalay, itiniwalag ngunit hindi sa Kalooban ng ating PANGINOONG DIYOS kundi proseso lang ng tao. Karamihan sa itiniwalag ay walang kamalay-malay, ang iba naman ay bunga ng personal na dahilan ng nag-ulat na napagtitibay dahil sa impluwensya. Ang iba naman ay itiniwalag dahil sa matapang na pumuna ng mga nakitang kamalian na tila karaniwan ginagawa ng tuntunin kahit hayag ng naipipintas sa dangal ng IGLESIA ngayon. Ito ang mga pamamaraan na kanilang pinasusunod kahit labag na sa tuntunin na sinusunod naman ng mga nagsasabing hindi sila tiwalag na nangungutya sa mga kapatid na gamit ang FB account. Ang IGLESIA NI CRISTO na iningatang mainam ng Kapatid na Felix Y. Manalo at ng Kapatid na Erano G. Manalo, mga mabubuting lider natin na suminop sa kabuuan ng IGLESIA NI CRISTO ng sila ay kapwa mga nabubuhay pa ay binago ng kasalukuyang pamamahala ng Iglesia. Kaya ang mga nagsasabi ngayon na sila ay mga IGLESIA NI CRISTO na nasa loob hindi basehan para magmalaki na sila ang mga tunay na IGLESIA NI CRISTO subalit wala sa uring nakatutugon sa hinahanap na dapat sa KANYA ay pumuri, sumamba at maglingkod.
2 Ikaw, aking kaluluwa, ang Diyos ay papurihan, At huwag mong lilimutin yaong kanyang kabutihan. Kaya nga mahalagang naiaangkop natin ang ating sarili para maging marapat ang ating pagpupuri sa ating PANGINOONG DIYOS. Nang sa gayun nagagawa nating laging nagugunita ang lahat ng KANYANG kabutihan nagawa sa atin. Ano pa ang mga dapat na ating laging naaalaala? 3 Ang lahat kong kasalana’y siya ang nagpapatawad, At anumang aking sakit, ginagamot niyang lahat. 4 Sa bingit ng kamatayan ako ay inililigtas, At pinagpapala ako sa pag-ibig niya’t habag. Hindi ba kahayagan lang na yan ANG DAKILANG PAG-IBIG NG PANGINOONG DIYOS NATIN. Sino ang makahihigit? Sobrang pagmamahal sa atin ng PANGINOONG DIYOS na lalo pang kinahayagan ng KANYANG DAKILANG PAGMAMAHAL sa atin nang ang ating Panginoong Jesu-Cristo na KANYANG Dakilang Anak ay pumayag na mamatay para sa atin.
5 Sa sarili ang dulot n’ya’y kasiyahan habang buhay, Kaya naman ang lakas ko ay lakas ng kabataan, Katulad ng sa agila ang taglay kong kalakasan. Kaya nga mga mahal kong kapatid lagi nating alalahanin ang mabubuti NIYANG ginagawa para sa atin habang nabubuhay tayo magdudulot ito sa atin ng kapanatagan habang naghihintay sa kaganapan. Alisin natin ang pagkainip. Sapagkat tanda yan ng kawalang pananampalataya sa PANGINOONG DIYOS na nagtakda ng lahat. Hindi tayo dapat pinanghihinaan ng loob sa mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan sa loob ng IGLESIA NI CRISTO. Magpakalakas tayo katulad ng agila na walang kapaguran sa pagkampay ng kanyang pakpak marating lang ang kanyang ibig paroonan. Mabuting kaparaanan ito ng ating PANGINOONG DIYOS para kilalanin ang sa KANYA ay ganap na sumusunod. Ang sa KANYA ay nagtitiwalang-lubos na hinding-hindi NIYA tayo pababayaan. Ang sa KANYA ay nananalig sa magagawa NIYANG tulong sa atin sa panahong ito ng pagsubok, na mawawakasan din ang lahat sa takdang panahon, na itinakda NIYANG lahat ng ng ito para sa paglilinis. Dinadalisay ang lahat inaalis ang mga siit na sumisingit sa ating diwa na lumilikha lang ng kaguluhan para mapalitan ng pananampalatayang matibay na matibay at matatag.
6 Si Yahweh ay humahatol, ang gawad ay katarungan; Natatamo ng inapi ang kanilang karapatan. Kaya nga pumanatag tayo kung sa palagay ninyo kayo ay inaapi dahil inalis sa inyo ang karapatan ninyong makaSamba sa loob ng Kapilya. Hinatulan kayo ng gayun-gayun na lamang, kaya nasasabi ninyo na tila walang katarungan ang pagkakatiwalag ninyo. Mga mahal kong kapatid ang PANGINOONG DIYOS ang inyong kakampi. SIYA ang hahatol at maggagawad ng katarungan para maibalik muli ang inyong karapatan at kalayaang mapayapang makapaglingkod. Kung kailan, matiyagang hintayin, mangyari ang Kalooban ng PANGINOONG DIYOS natin at hindi ang kagustuhan na minamadali natin. Kaya nga pansamantala sa inyong tahanan magagawa ninyong makapanalanging taimtim. Ang lahat ng inyong pangungusap na doon ay ipaglalambing may tugon ang DAKILANG AMANG BANAL natin. Mararamdaman mo hindi SIYA malayo sayo tulad ngayon sa Langit na KANYANG tahanan tinatanaw ka kapatid. Saglitin mong tumayo tanawin mo ang Langit… Sige na .. ingat ka .. gawin mo .. nakatanaw ka na? Pumikit ka sambitin mo sa PANGINOONG DIYOS at sa Panginoong Jesu-Cristo ang lahat ng pasasalamat mo ng buong giliw na pagpapahayag. Hahaplos ang Kapangyarihan ng PANGINOONG DIYOS sayo. Hahaplos talaga sayo.. Yayakap sa buo mong pagkatao. Iluha mo kung madama mo. Kasabay ang pangangakong magpapakatapat kang magiging mabuting Hinirang NIYA sa loob ng IGLESIA NI CRISTO.
7 Ang balangkas niya’t utos kay Moises ibinilin; Ang kahanga-hangang gawa’y nasaksihan ng Israel. Hindi bagong bagay kapatid ko ang magpatotoo ang Kapangyarihan ng PANGINOONG DIYOS na hayag na hayag na KANYANG ginawa sa panahon ni Propeta Moises, na nasaksihan ng Bayang Israel noon at muling masasaksihan ng Bayang Israel sa Espiritual sa panahon natin ngayon. Ganap ka lang sumampalataya! Sapagkat ang PANGINOONG DIYOS natin ay iisa sa PANGINOONG DIYOS ni Abraham, PANGINOONG DIYOS ni Isaac at PANGINOONG DIYOS ni Jacob.
8 Kay ganda ng kalooban, mahabagin itong Diyos, Kung magalit ay banayad, kung umibig nama’y lubos. 9 Banayad nga kung magalit, hindi siya nagtatanim; Yaong taglay niyang galit, hindi niya kinikimkim. 10 Kung siya ay magparusa, di katumbas ng pagsuway; Di na tayo sinisingil sa nagawang kasalanan. 11 Ang agwat ng lupa’t langit, sukatin ma’y hindi kaya, Gayon ang pag-ibig ng Diyos, sa may takot sa kanya. 12 Kung gaano kalayo ang silangan sa kanluran Gayon din niya inalis sa atin ang ating mga kasalanan. 13 Kung paano nahahabag ang ama sa anak niya Gayon siya nahahabag sa may takot sa kaniya. Napakapalad nating mga tunay na IGLESIA NI CRISTO. Ang PANGINOONG DIYOS natin ay napakaganda ng Kalooban. Puspos ng Pag-ibig ang PANGINOONG DIYOS natin na lubhang mahabagin. Ito ang marapat na tularan natin. Nagagalit man ngunit banayad at hindi kinikimkim ang galit. Samantalang tayo magkaminsan ay mapusok magalit, ang masama pa magkaminsan ay kinikimkim natin kaya halos sumabog sa galit. Yan ang kahinaan natin kaya nagtatamo tayo ng kaparusahan ngunit naroon ang KANYANG pagpapahinuhod pa rin sa atin dahil sa habag at awa NIYA nililikhaan tayo ng Banal na takot matapos maalis ang kasalanan natin ng ipagmakaawa natin. O salamat po DAKILANG AMANG BANAL, IKAW po ang pinaka-magandang halimbawa na dapat naming tularan, gaya ng IYO pong bugtong na Anak ang aming mahal na Panginoong Jesu-Cristo, tularan namin KAYO sa pagiging banayad kung magagalit man. at manaig ang mahinahon at maamong tinig upang huwag kaming mahulog sa tuksong makapinsala ng damdamin ng aming kapwa lalo na mga kakapatid pa po namin sa IGLESIA NI CRISTO para pagharian kami ng Kapayapaan nagmumula po sa INYO.
14 Alam niya na alabok, yaong ating pinagmulan, Alam niyang babalik din sa alabok kung mamatay. 15 Ang buhay ng mga tao’y parang damo ang katulad, Sa parang ay lumalago na animo ay bulaklak; 16 Kapag ito’y nahanginan, nawawala’t nalalagas, Nawawala mandin ito at hindi na namamalas. Ito ang dapat nating mabatid na may hangganan ang buhay natin kung mamamatay babalik lang sa alabok. May dahilan kung bakit inilalarawan ang kamatayan at kung sa ano itinulad na bagay. Kaya nga mahalagang makilala tayo na matapat ng Hinirang na may pagpapahalaga sa isang buhay na sa atin ay ibinigay.
17 Ngunit ang pag-ibig ng Diyos ay tunay na walang hanggan, Sa sinuman na sa kanya’y may takot at pagmamahal; Ang matuwid niyang gawa ay wala ring katapusan. 18 Yaong magtatamo nito’y ang tapat sa kanyang tipan, At tapat na sumusunod sa bigay na kautusan. 19 Si Yahweh nga ang nagtayo ng trono sa kalangitan; Mula doon, sa nilikha’y maghaharing walang hanggan. 20 O purihin ninyo siya, kayong mga anghel ng Diyos, Kayong mga nakikinig at sa kanya’y sumusunod! 21 Si Yahweh nga ay purihin ng buong sangkalangitan, Kayong mga lingkod niyang masunurin kailanman. 22 O purihin ninyo siya, kayong lahat na nilalang, Sa lahat ng mga dakong naghahari ang Maykapal; O aking kaluluwa, si Yahweh ay papurihan! Muli inilalarawan sa hanay ng mga talata ang DAKILANG PAG-IBIG ng ating PANGINOONG DIYOS na mahal. Hinahanapan tayo ng katapatan na sumunod sa mga kautusan na napapaloob sa Tipan ng ating PANGINOONG DIYOS. At ang lahat ay inaanyayahan na magpuri sa ating PANGINOONG DIYOS pati na ang KANYANG mga Anghel. Kaya nga para tayo ay KANILANG kalugdan bilang mga Hinirang na IGLESIA NI CRISTO. Mga mahal kong kapatid patuloy tayo sa pagiging mahinahon, mabait, maamo, mababang-loob, maunawain, mapagkalinga, mapagmalasakit ….. na nagbabagong-buhay na karapat-dapat na tumahan sa Dakong Banal, para sa maluwalhating buhay na ating inaasam-asam na ipagkakaloob ng ating DAKILANG AMANG BANAL sa lahat ng mga magtatagumpay. – Elias Arkanghel
Hashtags: Please copy and paste to all your messages to make sure that HACKTIV will not be able to delete this message.
#accessthetruth #inc101 #onewithevm #1withevm #net25 #eduardomanalo #gliceriosantosjr #jojodeguzman #antoniodeguzman #antonioebangelista #radelcortez #arneltumanan #incdefenders #iamonewithevm #eaglenews #iglesianicristo #INC101 #IAMONEWITHEVM #onewithevm #1with25 #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #incmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #inccfo #incmedia #foreverinc #eduardovmanalo #babylynmanalo #ricardoventura #templocentral #kadiwa #binhi #buklod #bukabin #iamonewith25 #net25 #kadbin #eaglenews #edwilzabala #lowellmenorca #kellyong #antonioebangelista #antonioebanghelista #incphotooftheday #incphotocontest #incscan #tabernaclechoir #gemmamanalo #kristinedorothymanalo #angelomanalo
Reblogged this on Iglesia Ni Cristo Never Keep Silent.
LikeLike
Salamat po ng marami, Kapatid na Elias. Inililigtas po ninyo kami sa pagka-inip at pagka-galit. Muli ko pong naramdaman ang mainit na pagmamahal ng Pinakamamahal nating Dakilang Diyos sa pamamagitan ng ating Mahal na Panginoong Jesucristo.
Martin
———————————————————————————-
Kapatid na Martin maraming salamat … ako man ay may pananabik ng naghihintay ng lahat ng pinaka-inaasam-asam nating tagumpay na magmumula sa PANGINOONG DIYOS natin sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo na tunay na nagmamahal nagmamalasakit sa atin, mula ng tayo ay Kanyang tanggapin sa Kanyang Banal na Katawan na naghahari ngayon at magpakailan-kailanman at yan hanggang malubos ang Lihim na Panukala ng ating DAKILANG AMANG BANAL. Muli maraming salamat! Sumainyo lagi ang biyaya, basbas at pagpapala ng PANGINOONG DIYOS natin at ng Panginoong Jesu-Cristo mahal natin. Kahilingan ko para sayo at sa mga mahal mo sa buhay, lakip ang lahat ng kapatid nating mga IGLESIA NI CRISTO. Nagmamahal ninyong kapatid sa pananampalataya – Elias Arkanghel
LikeLiked by 1 person