Ang mali kapag hindi naitama mag-iiwan sa mambabasa ng pagtatanong na lilikha ng kaguluhan. Para ang mapayapang isip niya na ganap ng sumampalataya ay maakit pa sa kamaliang nililikha ng mapanlinlang na pagpapahayag gamit ang BIBLIA waring nagmamalasakit sa estilo niyang alam.
Dahil ang PANGINOONG DIYOS ay pag-ibig maging ang ating Panginoong Jesu-Cristo muli SILANG magmamalasakit na tayo’y mapayuhan sa udyok ng Banal na Espiritu ay inihahatid sa’tin ang KANILANG KARUNUNGAN para maipaglingkod sa lahat. Sa gayun ay huwag mailigaw ng maling may pagkaunawa na nagmumula sa may tusong pamamaraang pagtatanong na siya rin ang nabitag upang lumabas na naipagkanulo niya ang kanyang sarili.
Hindi natin layunin siraan ang kapatid nating ito maging sinoman sila na nasa likuran ng The Last Chronicles. Ibig lang natin na ang mangibabaw ay yung Katotohanan at hindi ang kamalian. Sapagkat ayaw din natin silang mahirati sa pagtatahi at paglulubid ng mga kamaliang nakamamatay ng pananampalataya na kung may maakit sa pagtuturo nila, ay paano nila pananagutan sa ating PANGINOONG DIYOS ang mga kapatid na maililigaw nila? Mga ilang kaluluwa na kaya ang napaniwala nila mula ng gawin nila ang pagpapahayag? Kaya narito kapatid, kukunin natin yung mismong paratang niya sa atin at ating sasagutin.
Sabi ng author ng The Last Chronicles mula 1955 hanggang sa panahon na pumanaw ang Ka Erdy ay payapa at walang anumang kaguluhan sa Iglesia. Kaya ang naging pananaw niya bilang ministro sa pahayag na ipinaunawa ng Banal na sa Espiritu sa TAGAPAGTANGGOL NG IGLESIA NI CRISTO (Ika-Apat na Bahagi) KALAPASTANGANANG WALANG KAPANTAY NAGAGANAP NA sa pagdidiin niya ayon kanya ay KASINUNGALINGANG LAHAT!
Hindi na ako hihigit sa nalalaman ko lang, subalit sapat ito at natitiyak kong mapag-uunawa ng marami na hindi nagsi-sinungaling ang kapatid na Elias Arkanghel. Mayroon ngang batayan ang ipinauunawa ng Banal na Espiritu na nag-udyok sa inyong kapatid na maihanay dahil yun naman ang nakasulat sa BIBLIA na matagal ng nailihim sa mahabang panahon na ipinasara kay Propeta Daniel dahil nauukol nga
sa huling panahon ayon kay Gabriel Arkanghel.
1955 Mula sa deklarasyon ng PANGINOONG DIYOS na nakasulat sa BIBLIA sa pamamagitan ni Propeta Daniel na nangangahulugan na maging sa panahon pa ng Sugong Lider Kapatid na Felix Y. Manalo ay may kaguluhan ng nagaganap sa loob ng IGLESIA NI CRISTO na pasinungalingan man ng tao ay hindi maitatanggi sapagkat nasusulat. Kaya kung itatanong ko sayo kapatid yan ba ay masasabi mong nasa uri ng kapayapaan o kaguluhan?
1963 Namatay ang kapatid na Felix Y. Manalo ang Sugong lider ng IGLESIA NI CRISTO. Kaalinsabay ang panliligalig ng mga ibat-ibang lider ng relihiyong nagtatawa na may kasamang pagangantyaw na “Patay na ang lider niyo! Babagsak na kayo” Ano ang nilikha nito sa lahat ng mga kapatid natin? Kapayapaan ba o kaguluhan?
1968 Pag-uusig sa Hacienda Luicita. Tanong kapatid yan ba ay kapayapaan o kaguluhan?
1972 Deklarasyon ng Martial law na apektado ang kaisipan ng mga kapatid. Ito ba ay kapayapaan ba o kaguluhan?
1976 Lektura ng kapatid na Erano G. Manalo, anong sinabi patungkol sa “Kayong manggagawa ngayon, inaasahan ko na kapatid, heto, mali ito, bakit ka mag-uulat ng hindi totoo? masama iyan. Galit ang Ka Erdy sa lahat ng “MANLULUPIG, MANINIKIL NG KAPATID. Tanong kapatid kapayapaan ba na masasabi ito o kaguluhan?
2009 Namatay ang kapatid na Erano G. Manalo Tagapamahalang Pangkalahatan ng IGLESIA NI CRISTO. Ano ang nilikha nito sa lahat ng mga kapatid natin? Kaalinsabay ng panliligalig ng Special Task Force na bago namatay ang Ka Erdy ay isa ito sa mga pangyayari na lumikha ng matinding kaguluhan sa kanyang kapanahunan .sapagkat ang pangunahing nagtatag ng pinsalang ito ay sa katauhan ng kanyang anak na inaasahan niyang hahaling-tapat subalit hindi gayun. Kapayapaan ba kapatid o kaguluhan?
Kung may iba pang kaguluhang kayong mga nalalaman mga kapatid na idaragdag sa nalalaman ko lang, mula 1955 hanggang 2009 ay pakibahagi niyo na lang para magpatotoo na may Katotohanan na hindi ko panaginip at talagang naganap sa loob ng IGLESIA NI CRISTO ang lahat ipinapahayag sa Blog ng June 23, 2015 na napapaloob sa taong 1955 hanggang 2009.
Nawa nakatulong ito para mabigyan daan na maliwanagan ang lahat, na kahit pilipitin nila ang mga KATOTOHANAN na ating ipinahayag sa IGLESIA NI CRISTO…HINIRANG Blog ay hindi maigugupo kailanman ng sinuman ang KATOTOHANAN. Lalo na kung ang layunin ay maminsala lamang palitawin na may kamalian. Sapagkat kulang man tayo sa kaalaman pinupunan ito ng AMANG BANAL sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, sa pagsusugo NILA sa Banal na Espiritung sa atin ay gumagabay, pumapatnubay, at naghahatid ng KARUNUNGAN ating hinihiram. Salamat po sa INYONG Pagmamahal Purihin,Luwalhatiin, Parangalan namin ang DAKILA NINYONG PANGALAN! Amen.
–
–
Hashtags: Please copy and paste to all your messages
#accessthetruth #inc101 #onewithevm #1withevm #net25 #eduardomanalo #gliceriosantosjr #jojodeguzman #antoniodeguzman #antonioebangelista #radelcortez #arneltumanan #incdefenders #iamonewithevm #eaglenews #iglesianicristo #INC101 #IAMONEWITHEVM #onewithevm #1with25 #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #incmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #inccfo #incmedia #foreverinc #eduardovmanalo #babylynmanalo #ricardoventura #templocentral #kadiwa #binhi #buklod #bukabin #iamonewith25 #net25 #kadbin #eaglenews #edwilzabala #lowellmenorca #kellyong #antonioebangelista #antonioebanghelista #incphotooftheday #incphotocontest #incscan #tabernaclechoir #gemmamanalo #kristinedorothymanalo #angelomanalo #FlashbackFriday #OneNationWith25 #iamonewithevm #IglesiaNiCristo
Magandang araw po sa lahat.
Sorry po kung ngayon lang ako makabahagi ng konting nalalaman sa mga pangyayaring nakaapekto sa Iglesia sa pagitan ng mga taong 1955- 2009. Hindi ko po matandaan ang mga eksaktong petsa at kung ang mga ito’y makapagdaragdag ng pagkaunawa. Noong pong ideklara ang martial law ay nabahala din ang Bayan Niya. Nang lumikas ang mga kapatid mula sa dakong tinitirhan dahil sa matinding pag-uusig, at nagkaroon ng Baryo Maligaya yan ang nadama ng buong Iglesia. Nagbigay ng ligalig ang pag-upo ni Cory na nadama ng lahat sa loob ng ating Bayan. Ang pagputok ng Mt. Pinatubo ay nagdulot din ng malaking pinsala sa marami nating kapatid. Maraming salamat po.
LikeLike
KA. ELIAS ARKANGHEL, TOTOO PO ANG BIAS NA PAGTITIWALAG NGAYON SA IGLESIA NI CRISTO PATI WALANG KASALANAN AY DINADAMAY NILA NA ANG LAHAT NG ITO AY LIHITIMONG PAG UUTOS NG PAMAMAHALA NGAYON KAYA WALA SILANG TIGIL SA PAGHAHANAP SA MGA NAGBUBUNYAG NG KATOTOHANANG NAGAGANAP NA KATIWALIAN NA DULOT NG PAGDUNGIS NILA SA MALINIS NA PANGALANG IBINIGAY NG DIOS SA ATIN NG DAHIL SA KANILANG KAGAGAWAN. KUNG BAKIT KO SINABI AY SILA DIN PO ANG PINAGMULAN NITO, ANG KASABIHAN NGA PO AY GANITO ” WALANG BULOK NA HINDI MANGANGAMOY” KUNG KAYA DAHIL SA GINAWA NILA KAYA PO NAGKAROON NG PAG ALSA SA PANIG NG NANNININDIGAN SA BANAL NA ARAL NG ATING PANGINOONG DIOS. AT DAHIL SA WALANG KAPANTAY NA PAG-IBIG NG PANGINOONG DIOS KUNG KAYA MULI NYANG ISINUSUGO ANG MAGSASAAYOS NG LAHAT NG BAGAY ANG ESPIRITU NI ELIAS NA PROPETA AYON KAY KAPATID NA ERANO G. MANALO AT SA INYO PONG KATAUHAN NATUPAD. NAWA’Y LAGI PO KAYONG PAGPALAIN AT IINGATAN SA MASASAMA AT TAMPALASAN NA LABAN SA GAWAING IBINIGAY PO NG PANGINOONG DIOS SA INYO….!
LikeLike
“…Kapatid na Gregorio Pilar magandang gabi sayo. Una nagpapasalamat ako sa ating DAKILANG AMANG BANAL at sa ating mahal na Panginoong Jesu-Cristo sapagkat KANILA kang napahintulutan makabahagi na makaunawa at makabasa ng mga ipinapahayag natin dito sa IGLESIA NI CRISTO … HINIRANG Blog. Gaya ng itinatanong mo, “kung bakit sa internet kayo nagtuturo sa mga kapatid….. kung sa internet po kayo nagsimulang mangaral ayon sa BANAL NA KASULATAN paano ang pagpapaliwanag ukol dito sa inyong pagdating na isusugong muli ng PANGINOONG DIOS si ELIAS…?” Ang lahat ay may takdang panahon. Hindi naman mamamalaging ganito ang aking kalagayan. Ngunit sa ngayon dito ako pinahihintulutan pa habang nasa proseso pa ng pag-iingat at paghihintay sa udyok ng Banal na Espiritu. Mahalagang bilin sa akin ang pag-iingat … Napakahalaga! Kung paano noon ang Panginoong Jesu-Cristo ay nagbilin na sa mga Apostol at sa mga tao noon na huwag munang sasabihin na Siya ang Cristo ay may ganun ding bilin satin kaya kung ang ibig na ng mga tao ang susundin ko malalabag ko naman ang PANGINOONG DIYOS na pinaggagalingan ng KANIYANG bilin at mga utos. Kaya pare-pareho na matiyaga nating hintayin! Uulitin ko mahal kong kapatid. Mangyari ang ibig ng AMANG BANAL hindi ang ibig ko at ibig ng iba. Patungkol naman sa walang katapusang pangungutya sa pamilya ng Tatay Erdy gamit ang Tribuna nitong mga kasalukuyang Lider natin sa Iglesia ay mahahanganan din ang kanilang pamiminsala. Hintayin natin ang PANGINOONG DIYOS din ang kikilos para makamit natin at ng pamilya ng Tatay Erdy ang mapayapang paglilingkod. Magandang gabi!…”
————————————————–
Magandang araw po Kapatid na Elias! Ako po si Gregorio Pilar nabasa ko po ang inyong sagot sa aking katanungan noong nakaraan salamat po sa inyong kasagutan. salamat po at pinalalakas ang aking pananampalataya sa mga inihahanay nyong Blogs patungkol sa mga nangyayari at mangyayari pa na pawing nakalihim sa HIWAGA NG KATOTOHANAN na mula sa MGA BANAL NA KASULATAN. Ang totoo kaya po ngayon ko lang NABASA ang inyong SAGOT ay dahil po nagsimula ko pong binasa mula sa unang bahagi ng inyong inihanay na hanggang sa umabot ako sa paksang doon ako nagtanong sa inyo. Salamat po PANGINOONG DIOS at MULING NADAMA KO SA AKING PAGKATAO ANG BANAL NA ESPIRITU NA MATAGAL NAWALA MULA NG PUMANAW ANG KAPTID NA ERANO G. MANALO AT ISA PO AKO SA NAGPAPATOTOO NA NARITO AT NASA INYO ANG BANAL NA ESPIRITU NA MULA SA PANGINOONG DIOS. KAYA ANG TANGI KONGI DALANGIN SA AMANG BANAL AY LAGI PO KAYONG IINGATAN NG DAKILANG PANGINOONG DIOS AT IBIGAY LAGI NA ANG KALUSUGAN NG INYONG KATAWANG LAMAN HABANG KAYO PO AY KINAKASANGKAPAN NYA SA PAGPAPATULOY NG GAWAIN MULA SA SUGO HANGGANG SA BAGO DUMATING ANG TAKDANG ARAW AT ITO’Y ANG ARAW NG PANGINOONG.
kA. ELIAS AKO PO AY HUMIHINILNG SA INYO NG ISANG PANALANGIN UKOL SA AKING PAMILYA NA SANA NAWA AY PAPANUMBALIKIN ANG MAALAB NA PAGLILINGKOD NAMING MAG ASAWA AT MAGING SA PAGLAKI NG AKING ANAK NA NASA 5 TAONG GULANG PA LAMANG.
MULI MARAMING SALAMAT PO SA INYO KA. NA ELIAS ARKANGHEL!
LikeLike
Ang malaking hamon sa aking pagka-Iglesia ni Cristo ay ang pananatili ng “moral compass” na dati ay walang anumang bahid ng pag-aalinlangan. Nais kong makatiyak na ang aking mga ginagawa ay patuloy pa ring may kabuluhan sa Diyos. At dahil naturuan tayo ng sugo na laging gawin ang mga paglilingkod nang may kaayusan at karapatan, papaano kong maisasagawa ang pagsamba, paghahandog, pagmimisyon at iba pang gampanin kung may pag-aalinlangan sa kahalalan ng mga nangunguna sa Iglesia? Marapat bang manahimik na lamang at parang rituwal ang paglilingkod dahil hindi na tulad nang dati na walang hadlang at sagana sa mga pagkakataong makatanggap ng mga kaukulang payong ramdam na ramdam na may basbas ng Diyos? Sa kabilang dako, hindi ko rin nanasain na maging marahas sa pagpasiya na maaaring humantong sa walang saysay na pagkahiwalay sa Iglesia at pagbaba ng uri ng paglilingkod tulad ng kawalan ng pagkakataong makasambang pormal na may kaayusan at gabay na nanggagaling sa mga tunay na halal ng Diyos.
LikeLike
Ka Elias Arkanghel mahal na kapatid … Maraming maraming salamat sa iyong madaling pagsagot sa udyok ng Banal na Espiritu, sa ginawa ng The Last Chronicles na naghanay ng paninira sa iyong mga inihanay na, … Totoong hinihintay at inaasahan namin na iyong tutugunin po ito …. Dahil alam ko marami siyang mapapaniwala at ito’y nakikita sa mga naglilikes at mga kilala ko pa man din po ang iba, pero naniniwala at sumasampalataya po ako, na di magwawagi ang sinuman na sirain ang Gawaing ito, dahil nakatakda ….ang Gawain Ni Elias… Ang Elias na magsasa-ayos ng lahat ng bagay ….. Kaya sino ang makakapigil sa gawaing ito na panukala ng Ama?…. just want to used the word po…. wala … wala… wala po!!!… Muli maraming salamat po kapatid.
——————————————————————————-
Maraming salamat din sayo kapatid na Ferdinand, Hindi lingid sa aking kaalaman kung paano ka gumagawa na may kasipagan para maipaglingkod din sa iba ang ating sama-samang pinagpapagalan sa Banal na Gawaing ito. Ginagawa natin ang lahat para maparangalan maluwalhati mapadakila natin ang AMANG BANAL at ang ating mahal na Panginoong Jesu-Cristo. Lahat ng Karunungang kailangan natin ay ipinahihiram sa atin ng AMANG BANAL kaya walang takot nating hinaharap at binabaka ang lahat upang maipagmalasakit din natin ang sa atin ay mga nag-iisip ng pinsala. Lahat naman sila ay nasusubok lang din upang subukin din ang katatagan natin sa pakikitungo natin sa kanila. Kaya magpapatuloy lang tayo anuman ang dumating pang mga pagsubok sa buhay na kakaharapin nating lahat. Basta ang mahalaga laging nasa tabi natin ang DAKILANG AMANG BANAL at ang ating Panginoong Jesu-Cristo na nagbabantay nagmamahal sa ating lahat. – Elias Arkanghel
LikeLiked by 1 person