ANG PAG-IBIG NG MGA HINIRANG SA LAHAT… NA PAGIGING DAPATIN NG ATING PANGINOONG DIYOS AT NG ATING PANGINOONG JESU-CRISTO.
1 Corinto 13: 1-13 BMBB 1 Makapagsalita man ako sa mga wika ng mga tao at ng mga anghel, kung wala naman akong pag-ibig, para lamang akong kampanang umaalingawngaw o pompiyang na kumakalampag. Mga mahal kong kapatid, binigyan man tayo ng Kaloob para makapangaral sa panig ng mga Hinirang gayundin sa panig din naman ng mga talagang nakapag-aral sa Ministeryo na nakapaghahanay at nakapagpapahayag ng mga mabubuting salita mula sa Banal na Kasulatan, na naibabahagi natin sa mga kapatid sa wika na nauunawaan ng mga tao, ngunit kung walang pag-ibig ay wala ring kabuluhan. Kahit Anghel pa nga ang katulad sa paglalarawan na may anyong kabanalan nakapagpapahayag, subalit walang pag-ibig, ay wala rin talagang kabuluhan. Kaya marahil naihalintulad lang sa kampana o pompiyang na may kakayahang makatawag pansin lamang dahil sa nagagawang ingay nito na nakapagbibigay aliw lamang at nakapang-aakit lamang sa mga nakaririnig. Subalit
2 Kung ako man ay may kakayahang magpahayag ng salita ng Diyos at umunawa sa lahat ng hiwaga, kung mayroon man ako ng lahat ng kaalaman at ng malaking pananampalataya na anupa’t nakakapagpalipat ako ng mga bundok, ngunit kung wala naman akong pag-ibig, wala akong kabuluhan. 3 At kung ipamigay ko man ang lahat ng aking mga ari-arian at ialay ang aking katawan upang sunugin, ngunit wala naman akong pag-ibig, wala rin akong mapapala! Kapansin-pansin na hindi pangkaraniwang mga katangian, kaloob o kakayahan na ang pawang mga binanggit sa itaas na bahagi. Pansinin at unawain ninyo na kahit pa taglayin di umano ang kakayahang makapagpahayag ng Salita ng ating PANGINOONG DIYOS, makapagpaliwanag ng panaginip, maging mapagkawang-gawa, matapat na lingkod na maituturing at may napakataas man ng pananampalataya kung wala pa ring pag-ibig, ay ano? Wala pa ring kabuluhan. Kaya aralin natin mga mahal kong kapatid, ano nga ba talaga ang taglay-taglay ng pag-ibig?
4 Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man, Tulad ng sinasabi sa Banal na Kasulatan ang “PAG-IBIG AY MATIYAGA“. Kapag matiyaga hindi naiinip, hindi nababagot, hindi nagmamaktol, hindi nag-aalala. Palibhasa panatag ang kaniyang kalooban, tiwalang-tiwala siya sa may AKDA ng lahat sa kaganapan. Alam na alam niya na kapag Gawain ng Panginoong Diyos hindi makahihigit ang ibig ng tao na mapangyari ang gusto na niyang mangyari kung mapangungunahan naman ang pagpapasyang ginagawa ng PANGINOONG DIYOS. Kung kailan NIYA papangyarihin ang KANYANG mga sinalita na ipinahahanay lamang sa abang kapatid niyo sa udyok ng Banal na Espiritu ay pumanatag tayo. Ang mahalaga nasunod ito naihanay na at nababasa na ninyo, ng iba upang magsilbing paunang babala nang sa gayun dumating sa pagkaunawa ng lahat ang mga paghahandang gagawin ng hindi maisumbat pa sa PANGINOONG DIYOS na hindi naipagbigay alam sa kanila ang mga paunang pahayag kung may biglang kaganapan na tiniyak na magaganap sa hindi inaasahang pagkakataon kung kaya gayun na lamang ipinagmamalasakit ng mga kapatid na Hinirang.
Ang “PAG-IBIG AY MAGANDANG-LOOB“ taglay nito yung walang halong pagkukunwari. Palibhasa mahal niya ang kanyang kapwa tao, lalo na ang mga kakapatid sa Iglesia ni Cristo. Kaya, hindi niya hahayaang mamalaging naroon sa masama silang kalalagayan, kung kaya matiyaga niya itong hihikayatin na taglay ang kabutihan, kaamuang loob, kahinahunan hanggang maihatid muli ang mga kapatid pabalik sa loob ng kawan o IGLESIA NI CRISTO na may mabuti na’ng pagkakilala sa isa’t-isa sa mga kakapatid sa loob ng Iglesia.
Ang “PAG-IBIG AY HINDI MAINGGITIN” gumagawa siya na hindi nananaghili o nagseselos. Kung nakikita mang nagtatagumpay ang kapatid sa Iglesia sa kanyang ginagawa, dapat masaya siya para rito, lalo na nga nakikita niya nag-aambag sa lahat para sa ikatitibay ng pagkakilala at pananampalataya ng nakararami. Karunungan na napag-unawa sa mga Salita ng ating PANGINOONG DIYOS at ng ating Panginoong Jesu-Cristo na matalinong naibabahagi ito. May mga pinanghihinaan mang mga kapatid bunga ng matitinding pagsubok na pinagdadaanan ng lahat. Ngunit naririyan ang mga tapat na Hinirang masipag na ibinabahagi sa iba ang mga natutunan para makapagbigay ng suportang moral na may mga pagpapayong Espiritual. Hindi alintana ang mapagod at mapuyatsa pagnanais na maging mabuting katuwang ng kinauukulan hanggang maipagtagumpay ang pinaka-mabuting nilalayon para sa kapakanan ng kabuuan ng Iglesia ni Cristo.
Ang “PAG-IBIG AY HINDI MAYABANG NI MAPAGMATAAS MAN” dapat kilala natin ang ating sarili sa panahong nakikipag-diskusyon sa mga kakapatid na may ibang pananaw sa ating pananaw. Hindi dapat masumpungan na nagmamalaki kahit masasabing may espesyal na katangian ang isa’t-isa. Batid natin na pawang hiram lamang natin ang ating mga Karunungan at Kaalaman na nagmula sa ating PANGINOONG DIYOS na ibinabahagi naman sa atin ng ating mahal na Panginoong Jesu-Cristo. Kaya ipagpatuloy lang ang kinasanayan na naituro na sa atin ng DAKILANG AMANG BANAL na lalong makita sa atin ang kababaang-loob, kabaitan, kahinahunan, kagandahang-loob na humahatak na makahikayat na mapabilang sa mga tunay na mga Hinirang ng ating mahal na Panginoong Jesu-Cristo. Kaya nga lalo pa nating maipakita na tayo ay
5 hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim sa kapwa. 6 Hindi niya ikinatutuwa ang gawaing masama, ngunit ikinagagalak ang katotohanan. 7 Ang pag-ibig ay mapagpatawad, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at mapagtiis hanggang wakas.
Ang “PAG-IBIG AY HINDI MAGASPANG ANG UGALI” maiiwasan natin ito kung tinitimbang natin ang ating mga binibitawang salita. Maingat na inaaral kung sakaling masabi muna ano kaya ang balik nito sayo? Saan kaya patungo ang usapin kung ang kagaspangang ugali ang nakita ng kausap natin sa ating pagkatao? Kaya ang isang mabuting Hinirang mabuti ang relasyon sa lahat. Kahit pa sa panahong nakikipagpalitan ng mga pahayag ng kaalaman ay hindi nakapagbibigay pinsala ng damdamin ng kapwa sapagkat ang nangingibabaw ang tunay na pag-ibig.
Ang “PAG-IBIG AY HINDI MAKASARILI na kaya nating magtanggi ng sarili. may pagsaalang-alang sa kapakanan ng ating mga kapatid. Ang interes ay maihatid ang kapatid sa pinaka-mabuting kalagayan at mahikayat na maging mabuting hinirang na nasasalig sa Kalooban ng PANGINOONG DIYOS ang lahat ng kaniyang iniisip, sinasabi at ginagawa. Yan ang mabuting hinirang na ang mga natutunan ay naipagmamalasakit natin ng walang hinihintay na anumang kapalit. Dito lalo tayong kung paano natin iniibig ang ating kapwa ay yun din ang pag-ibig natin sa ating sarili.
Ang “PAG-IBIG AY HINDI MAGAGALITIN O MAPAGTANIM SA KAPWA.
8 Matatapos ang kakayahang magpahayag ng salita ng Diyos, titigil rin ang kakayahang magsalita sa iba’t ibang mga wika, mawawala ang kaalaman, ngunit ang pag-ibig ay walang hanggan. 9 Hindi pa lubos ang ating kaalaman at ang kakayahan nating magpahayag ng mensaheng mula sa Diyos, 10 ngunit pagdating ng ganap, mawawala na ang di-ganap.
11 Noong ako’y bata pa, ako’y nagsasalita, nag-iisip at nangangatwirang tulad ng bata. Ngayong ako’y mayroon nang sapat na gulang, iniwanan ko na ang mga asal ng bata. 12 Sa kasalukuyan, tila malabong larawan ang nakikita natin sa salamin, ngunit darating ang araw na harapan nating makikilala ang Diyos. Bahagya lamang ang nalalaman ko ngayon, ngunit darating ang araw na malulubos ang kaalamang ito, tulad ng lubos na pagkakilala niya sa akin.
13 Kaya’t ang tatlong ito’y nananatili: ang pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig, ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.
Hashtags: Please copy and paste to all your messages to make sure that HACKTIV will not be able to delete this message.
#accessthetruth #inc101 #onewithevm #1withevm #net25 #eduardomanalo #gliceriosantosjr #jojodeguzman #antoniodeguzman #antonioebangelista #radelcortez #arneltumanan #incdefenders #iamonewithevm #eaglenews #iglesianicristo #INC101 #IAMONEWITHEVM #onewithevm #1with25 #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #incmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #inccfo #incmedia #foreverinc #eduardovmanalo #babylynmanalo #ricardoventura #templocentral #kadiwa #binhi #buklod #bukabin #iamonewith25 #net25 #kadbin #eaglenews #edwilzabala #lowellmenorca #kellyong #antonioebangelista #antonioebanghelista #incphotooftheday #incphotocontest #incscan #tabernaclechoir #gemmamanalo #kristinedorothymanalo #angelomanalo
Reblogged this on Iglesia Ni Cristo … Hinirang.
LikeLike
MAGANDANG ARAW PO SA LAHAT NG MGA HINIRANG NA LAGING KASAMANG SUMUSUBAYBAY SA MGA BLOG NA ITO DAHIL SA TULONG AT AWA AT GABAY LAGI SA ATIN ANUMAN ANG PAGSUBOK NA ATING NASASAGUPA AY HINDI TAYO NATITINAG KUNDI LALONG LUMALAKAS ANG ATING PANANAMPALATAYA NA TINANGGAP NATIN SA KANYANG PAGSUSUGO HANGGANG SA DUMATING ANG KANYANG ITINAKDANG ARAW NA IYON ANG ARAW NG KALIGTASAN NA PANGAKO SA ATING MGA HINIRANG…. AT ANG LAHAT NG ITO AY DAHIL SA KAGANDAHANG LOOB NG ATING PANGINOONG DIOS, KAYA LAGI SA KANYA ANG KAPURIHAN MAGPAKAILANMAN. NAWA’Y HUWAG NA TAYONG MAIWAN SA DAAN NG PAGLALAKBAY AT KUMAPIT TAYO NG MABUTI SA MGA ARAL NA ATING TINANGGAP HANGGANG SA MULING PAGPARITO NG ATING PANGINOONG JESU-CRISTO AT TAYO’Y KANYANG SASALUBUNGING MAY KAGALAKAN.
SABIK NA SABIK NA AKONG MAKITA NG MUKHAAN ANG KAPATID NA ELIAS ARKANGHEL… DALANGIN KO PO NA LAGING NYO ANG MALUSOG NA PANGANGATAWAN AT LAGI PO KAYONG LIGTAS SA ANUMANG PANGANIB NA NASA SANGLIBUTAN.
LikeLike
Reblogged this on Iglesia Ni Cristo Never Keep Silent.
LikeLiked by 1 person
Maraming salamat po at patuloy kayong gumagabay sa hinirang sa tulong ng ating AMANG BANAL at Panginoong JesuCristo 🙂
LikeLiked by 1 person