Magandang araw po mahal na kapatid nais ko po sanang ipaabot sa inyo ang aking panaginip kagabi po mahimbing akong nakatulog at nakita ko po sa aking panaginip ang bahay sambahan ng Templo Central na nilamon ng apoy loob at labas subalit sa ganong sitwasyon ay nanatiling nakatayo ang bahay sambahan hindi po siya nasira o natupok man yun lang po at marami pong salamat.
Lubos na gumagalang,
Daniel Magtangol
- TEMPLO CENTRAL NILALAMON NG APOY
- NILALAMON NG APOY LOOB AT LABAS
- NANATILING NAKATAYO …HINDI NASISIRA O NATUPOK MAN

KATAPATAN SA PANGINOONG DIYOS SA KABILA NG KINAKAHARAP NA PAGSUBOK
ECCLESIASTICO 1 Anak, kung nais mong maglingkod sa Panginoon, humanda ka sa mga pagsubok.2 Maging tapat ka at magpakatatag,huwag kang masisiraan ng loob sa panahon ng kasawian.3 Manalig ka sa Panginoon at huwag kang lalayo sa kanya,upang ikaw ay parangalan sa katapusan ng iyong buhay. 4 Tanggapin ang anumang ipagkaloob niya sa iyo, tiisin mo ang kabiguan kahit ano ang mangyari. 5 Kung ang ginto ay dinadalisay sa apoy, ang banal ay sinusubok ng Panginoon sa apoy ng paghamak. 6 Magtiwala ka at tutulungan ka niya, mamuhay ka sa katuwiran at umasa sa kanya. 7 Kayong may paggalang sa Panginoon, maghintay kayo ng kanyang habag; huwag kayong lalayo sa kanya nang hindi kayo mapahamak. 8 Kayong may paggalang sa Panginoon, magtiwala kayo sa kanya, at siguradong tatanggap kayo ng gantimpala. 9 Kayong lahat na may paggalang sa Panginoon, umasa kayo sa kanyang pagpapala. Asahan ninyo ang kanyang pagkahabag at kagalakang walang hanggan.
I CORINTO 10: 13 BMBB Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na hindi nararanasan ng lahat ng tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipapahintulot na kayo’y subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang mapagtagumpayan iyon.
Kapatid na Daniel Magtanggol maraming salamat sayong pakikibahagi. Hindi ko pwedeng pigilan ang Udyok ng Banal na Espiritu kung gaano kahaba ang pagbibigay ng paliwanag. Marahil minarapat ito upang sa lalo pang ikatitibay at ikatatag ng pag-asa ng marami nating mga kapatid. Ang mga kasunod na paghahanay ay kasama na silang lahat …. Maraming salamat ang Basbas, biyaya’t pagpapala ng ating PANGINOONG DIYOS at Panginoong Jesu-Cristo ay sumayong lagi. Maraming salamat! – Elias Arkanghel
Ang panahong hinihintay sa pagpapanibagong yugto ng panahon ay maikli na mga mahal kong kapatid. Kaya nga ang patotoong panahon ay naganap na, nagaganap pa at magaganap na. Kaya nga ipahintulot ng ipaunawa sa kapatid niyo ang ipinagkait noon kay Propeta Daniel na malaman na ipinasara sa kanya ni Gabriel Arkanghel ang Anghel ng PANGINOONG DIYOS na kasa-kasama ng kanyang lingkod na si Propeta Daniel noon. Ngayon pa ba kayong mga pinanghihinaan titigil at bibitaw sa paglilingkod? Baka naman kaya pa? Hindi naman tayo susubukin ng PANGINOON ng higit sa ating makakaya. Tiniyak naman na mapagtatagumpayan natin. Kapatid pikit ka … pikit ka mahal kong kapatid … damahin mo kung sino ang nasa tabi mo. ANG PANGINOONG DIYOS na ba? Ang Panginoong Jesu-Cristo na ba? Sige na kapatid umpisahan munang maglambing. Iluha mo ang kalagayan ninyo ngayon…. habang hinahagod ng DAKILANG AMANG BANAL ang buo mong pagkatao. Habang yumayakap sayo ang Panginoong Jesu-Cristo. Habang binabantayan NILA ang sasabihin mo. Alam na NILA ang nasa puso mo kapatid ko. Pero sige na isatinig mo ang lahat ng ibig mong sabihin. Hayaan mong tumulo ang luha mo na makita NILA at maramdaman sa mga sinasabi mo na mahal na mahal na mahal mo SILA. Kapatid huwag kang titigil sa pananalangin … ihabilin mo ang inyong sambahayan ang mga mahal mo sa buhay… ipangako mo na aayusin muna ang iyong buhay at pamumuhay… mangangakong hindi hihiwalay sa pagkakilala sa IGLESIA NI CRISTO. Na anuman ang kalagayan mo ngayon ..ipinilit ka mang inihiwalay ngunit sa pagsamo mo ang PANGINOONG DIYOS AY PAG-IBIG hindi ka NIYA bibitawan. Huwag ka lang bibitaw hanggang matiyak mo kapatid ko na makasama ka doon sa Dakong Banal sa Bayang Banal kapiling ang iyong mga mahal sa buhay. – Amen – Elias Arkanghel

Hashtags: Please copy and paste to all your messages to make sure that HACKTIV will not be able to delete this message.
#accessthetruth #inc101 #onewithevm #1withevm#net25 #eduardomanalo #gliceriosantosjr#jojodeguzman #antoniodeguzman#antonioebangelista #radelcortez #arneltumanan#incdefenders #iamonewithevm #eaglenews#iglesianicristo #INC101 #IAMONEWITHEVM #onewithevm #1with25 #inc100 #inccentennial#centennial #inc4life #incootd #incfashion#incmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #inccfo #incmedia #foreverinc #eduardovmanalo #babylynmanalo #ricardoventura #templocentral #kadiwa #binhi #buklod #bukabin #iamonewith25 #net25 #kadbin #eaglenews #edwilzabala #lowellmenorca #kellyong #antonioebangelista #antonioebanghelista #incphotooftheday #incphotocontest #incscan #tabernaclechoir #gemmamanalo #kristinedorothymanalo #angelomanalo #AMONEWITHEVM #PASAKOPAKOSAPAMAMAHALA
#FIGHTFORMYFAITH #SOLIDINCFOREVER
Talagang hindi ko po matiis na hindi maiyak at tumulo ang luha saking mga mata habang binabasa ko ang iyong inihanay na MENSAHE. Tunay po na kasama nyo ang BANAL NA ESPIRITU SANTO, hindi tulad sa mga ministrong nagtuturo sa panahon ng pagsamba, sapagkat hindi maapuhap o maramdaman ang biyaya na dulot ng kanilang pagtuturo bagamat Biblia ang kanilang ginagamit. Ang totoo ang nanay ko po ay nagsabi rin sakin na wala ng bisa si Ka. Eduardo V. Manalo sa pagtuturo at hindi na po raw nila madama sa kanilang puso ang biyaya sa tuwing dadalo sila sa WEBEX na pagsamba na pinangangasiwaan ni EVM. Kapanatikuhan na lamang po ang magsasabing may biyaya pa silang nararamdaman. Sana po Ka. ELIAS sa itinakdang panahon sa unang PAGSAMBA na ikaw na po ang mangangasiwa ay sana isa po ako na nandoon, totoong sabik na po akong magkaroon ng kaganapan ang takdang araw na iyon at ang makita po kayo.
PATULOY AKONG MAGBABAGONG BUHAY AT MAGTYATYAGA AKONG MAGHIHINTAY……. PUPURIHIN KONG LAGI ANG PANGINOONG DIOS HABANG NABUBUHAY AT MAGPAKAILAN MAN.
Salamat po Ka. ELIAS ARKANGHEL sa patuloy nyong pagpapayo.
LikeLiked by 1 person
Reblogged this on Iglesia Ni Cristo Never Keep Silent.
LikeLike
Napakaganda po ng inyong paliwanag at nakakalakas ng loob. Ang gabay po ng Amang Banal sa pamamagitan ng ating Panginoong JesuCristo ay lagi pong sumasainyo 🙂
LikeLiked by 1 person
Maraming salamat mahal kong kapatid. Karunungan ng PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo ay napahihintulutan lamang tayo sa pagsusugo NIYA sa Banal na Espiritu. Magandang hapon kapatid na Aiza
LikeLiked by 1 person
Magandang umaga po sayo ka. Elias at maging sa mga kapatid ko po sa pananampalataya. totoo po na sa inyong naihanay na mensahe ngayon ay lalo pong lumakas ang aking pananampalataya, habang binabasa ko po ang inyong mensahe ay naramdaman ko po ang paghaplos saking buong pagkatao ng BANAL NA ESPIRITU at kasabay ng pagluha ng aking mga mata..! Maraming salamat po sa PANGINOONG DIOS.
—————————————————————-
Magandang umaga sayo kapatid na Gregorio Pilar kahayagan ng pag-ibig at pagmamahal sa atin ng PANGINOONG DIYOS ang tayo ay mapaalalahanan ng KANYANG mga pagpapayo mula sa Karunungan pahiram NIYA sayong kapatid, upang sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo sa patuloy na pagsusugo sa Banal na Espiritu ay lagi pa NILA tayong mapayuhan sa ikatitibay at ikalalakas ng ating pananampalataya bilang mga IGLESIA NI CRISTO. Muli maraming salamat sa pagkilala mo kapatid ko sa Banal na Gawaing ito. – Elias Arkanghel
LikeLiked by 1 person