Sa Banal na kasulatan mahalaga ang salitang paglalakbay! Ilang paglalakbay ang naganap noon sa mga unang lingkod ng ating PANGINOONG DIYOS. Sa panahon ng mga Magulang, sa panahon ng mga Propeta at sa panahong Cristiano. Ang paglalakbay ng mga lingkod ng ating PANGINOONG DIYOS ay itinatakda NIYA para lumikas kapag umabot na sa sukdulan ang kasamaan ang pagkakasalang nagawa ng tao. Kaya humihirang ang DAKILANG PANGINOONG DIYOS ng mangunguna para ipagmalasakit ang KANYANG Bayan at ang mga piling mga hinirang na KANYANG nakatakdang iligtas.
Sa daan ng paglalakbay maraming mahihiwagang nagaganap na palatandaan ng pakikisama ng PANGINOONG DIYOS sa kanila, na hindi napapahalagahan ng mga reklamador lalo na sa panahon ni Propeta Moises. Ang pawang naiisip nila ay lalo lang silang magugutom sa ilang, na lalo lang silang mahihirapan at dumarating ang takot na abutan ng kamatayan sa paglalakbay. Kaya naisasantabi ang mga patotoong hiwaga na kahit nasaksihan nila, na naganap ang napakadaming hiwaga sa kanila sa ilang. Sa kabila ng lahat ay sinisino pa rin ang nangunguna sa kanila na pangkaraniwang tao na wala namang kapangyarihan subalit napapamangha din sa kanya. Gaya ng naitatanong sa Panginoong Jesu-Cristo “kung walang pagkasi ng Banal na Espiritu na gumagabay at tulong mula sa PANGINOONG DIYOS paano niya nagagawa ito”. Subalit naroon pa rin sa iba ang pagmamagaling, taglay ang masamang espiritung mapanghikayat. Galit ang nananaig sa kanya na ayaw tumanggap ng pagpapayo mula sa iba. Ibig niya na siya ang paniwalaan kaya ililihis niya sa katotohananan at pinipilipit ang totoo para mapaniwala niya na ang kanyang mga sinasabi ang totoo. Subalit naipagkakanulo niya ang kanyang sarili at naihahayag ang layunin ng kanyang puso. Ang makapandaya dahil naging bulaang guro nagtahi-tahi ng kasinungalingan. Kaya hinahayag siya ng kanyang galit kung kaya kung anu-ano na lang ang nasasambit kung babalikan niya aaralin ang mga ipinapahayag ay pawang kamalian dahil pinamahayan ng galit ang puso. Kaya ng papiliin ni Propeta Moises kung sino ang panig sa kanya. Tunay na marami siyang nahikayat lahat ng yun ay NAPAHAMAK.
Subalit sa mga nakasunod at nagpatuloy ay matagumpay namang nagtamo ng kapayapaan sa paglalakbay, kaligtasan sa kamay ng mga kumakaaway at pagpapala na sumagana sa buhay. Kung kikilalanin natin sila upang tularan ay kilalanin natinang mga lingkod ng ating PANGINOONG DIYOS na nanguna sa kanyang sambahayan, ang lingkod ng PANGINOON na si Noe na matuwid at mabuting tao, kasamang naligtas ang kanyang asawa, tatlong anak na lalaki at ang kani-kanilang asawa. Si Lot at ang dalawa niyang anak na babae, ang kanyang asawa na sinawimpalad sa daan na sa kabila na may bilin na huwag lilingon o hihinto sa libis ay sumuway kaya napahamak. Si Propeta Moises ang lalaking hinirang ng PANGINOONG DIYOS na pinangunahan ang Bayang Israel sa paglaya sa Ehipto na binatbat ng patotoo sa hiwaga ng PANGINOONG DIYOS ang kanyang panahon.
Ngayon sa huling yugto ng panahon… kapag binanggit mo ito sa mga kapatid na may kapahamakang darating ano kaya ang magiging reaksyon nila? Subalit tunay mayroon ngang magaganap na paglikas at paglalakbay. Sa panig ng mga kapatid babangon ang malaking katanungan kung gaano ba katotoo ito? Lilikha ng maraming pagtatanong at pag-aalala sa kaisipan ng mga kapatid. Sa pakiwari ay hindi makabubuti subalit ipinahihintulot ng PANGINOONG DIYOS upang likhaan ng Banal na takot ang lahat bago ang nasabing kawasakan.
Subalit sa panig ng mga hinirang na nahanayan ng mga matitibay na patotoo sa nakasulat sa IGLESIA NI CRISTO…HINIRANG Blog na mula sa Banal na Kasulatan sila ay pawang nagagalak may pananabik sa kanilang lahat.
Ngunit sa panig ng hindi maniniwala, ipinagpauna na natin na pawang panlalait at pangungutya ang kanilang mga sasabihin sa atin. Hindi iba sa mga pangyayari sa unang mga lingkod ng ating PANGINOONG DIYOS. Kaya kung hindi mga magbabago at babalikwas ay hindi rin bagong bagay ang kahihinatnan ng mga magtatawa at mangungutya sa atin. Nakalulungkot sa paglalarawan ng BIBLIA kung hindi sila magbabago, silang lahat ay pawang mga mangapahamak lamang.
Bago ang iba pang kaunawaan patungkol sa paglikas at paglalakbay ay bigyang daan natin na mabasa ang panaginip ng isang kapatid na nagbibigay ng kaunawaan sa marapat na paghahanda na gagawin. At kung may mga kaugnay pang panaginip at pangitain ang mga kapatid at di man kapatid kaugnay o patungkol sa kaganapan na ating binabanggit ay ilalagay na lang natin dito bilang karagdagang patotoo.
PANAGINIP NG ATING KAPATID:
Nais ko po sanang ibahagi sa inyo ang aking napanaginipan kung ano po ang ibig ipakahulugan nito? Kagabi po napanaginipan ko na ako daw po ay nagmamadaling pumunta ng kapilya madaling araw po iyon dahil ako po ay tutupad. Pagdating ko po ng kapilya ay naabutan ko po na madaming tao na nakapila sa isang sasakyan na truck na puno na tao at yung unahan ay paliko papunta sa bintana at nananalangin na kaya alam ko nahuli na ako sa panata ng mga tutupad sinalubong ako ng pang limang Pd namin. At sinabihan ako na huli na daw po ako. Kaya sa gilid na lang ako pinaupo sa may labas. Yung inupuan ko may upuan na semento pahaba po na parang nasa simbahan po ng ibang relihiyon hindi po siya kapilya natin. May naabutan po ako dun na babae at nakatabi ko sa upuan alam ko sasamba lang yun at walang tungkulin. Habang nagtetexto sa loob di ko naman po naiintindihan kung ano tinetexto dahil nakabaling ang pansin ko dun sa katabi ko. Dahil sa pagtatanong nya kung may Biogesic daw ba akong dala. Agad agad akong naghalungkat sa bag kong dala at nakakita naman po ako ng Biogesic at daglian kong iniabot sa kanya. Di pa po nya naiinom ay nagulat kaming bigla dahil wala na pong tao sa loob sabi namin di man tayo nalikuman bakit bigla silang nangawala. At yun po bigla na akong nagising
Yan po itinype ko na sa message baka po kasi makalimutan ko kaya kinopy paste kuna lang
Kringkring Sunga
Di ko po nailagay sa pagmamadali ko naka pantulog lang daw po ako naka sando at short na maigsi di naman po ako nagsusuot ng ganon. tapos yung unahan ng truck diretso lang at nakapila yung mga tao paharap sa bintana ng kapilya at yung unahan ng truck nakadikit na halos sa bintana upang kitang kita nila yung loob.
ANG TALINHAGA TUNGKOL SA SAMPUNG DALAGA
1 “Ang kaharian ng langit ay maitutulad dito. May sampung dalagang lumabas upang sumalubong sa lalaking ikakasal. Bawat isa’y may dalang ilawan. 2 Ang lima sa kanila’y hangal at ang lima nama’y matatalino. 3 Ang mga hangal ay nagdala ng kanilang mga ilawan ngunit hindi nagbaon ng langis. 4 Ang matatalino nama’y nagbaon ng langis, bukod pa sa nasa kanilang mga ilawan. 5 Naantala ang pagdating ng lalaking ikakasal kaya’t inantok at nakatulog sila sa paghihintay.
6 “Ngunit nang hatinggabi na’y may sumigaw, ‘Narito na ang lalaking ikakasal! Lumabas na kayo upang salubungin siya!’ 7 Agad bumangon ang sampung dalaga at inayos ang kanilang ilawan. 8 Sinabi ng mga hangal sa matatalino, ‘Bigyan naman ninyo kami kahit kaunting langis. Aandap-andap na ang aming mga ilawan.’
9 ‘Baka hindi ito magkasya sa ating lahat. Mabuti pa’y pumunta muna kayo sa tindahan at bumili ng para sa inyo,’ tugon naman ng matatalino. 10 Kaya’t lumakad ang limang hangal na dalaga. Habang bumibili sila, dumating ang lalaking ikakasal. Ang limang nakahanda ay kasama niyang pumasok sa kasalan, at isinara ang pinto.11 “Pagkatapos, dumating naman ang limang hangal na dalaga. ‘Panginoon, panginoon, papasukin po ninyo kami!’ sigaw nila.
12 “Ngunit tumugon siya, ‘Tandaan ninyo, hindi ko kayo nakikilala.’ “13 Pagkatapos nito’y sinabi ni Jesus, “Kaya’t magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam ang araw o ang oras man.”
Kringkring Sunga : “Di ko po nailagay sa pagmamadali ko naka pantulog lang daw po ako naka sando at short na maigsi di naman po ako nagsusuot ng ganon.“
Kung bakit kapatid ko sayong panaginip ay nilarawan kung ano na lang ang kasuotan mo ay yun ang suut-suot mo. Narito ang mahalagang bilin sa araw ng paglalakbay o paglikas na binabanggit. 15 “Unawain ninyo itong mabuti: kapag nakita ninyong nagaganap na sa Dakong Banal ang kasuklam-suklam na kalapastanganang tinutukoy ni Propeta Daniel, 16 ang mga nasa Judea ay dapat tumakas papunta sa kabundukan, 17 ang nasa bubungan ay huwag nang mag-abala pang kumuha ng kahit ano sa loob ng bahay, 18 at ang nasa bukid ay huwag nang umuwi upang kumuha ng balabal. 19 Sa mga araw na iyon, kawawa ang mga nagdadalang-tao at mga nagpapasuso! 20 Ipanalangin ninyo na ang inyong pagtakas ay huwag mapataon sa taglamig o sa Araw ng Pamamahinga. 21 Sapagkat sa panahong iyon, ang mga tao’y magdaranas ng matinding kapighatiang hindi pa nararanasan mula nang likhain ang sanlibutan hanggang sa ngayon, at hindi na mararanasan pa kahit kailan. 22 Sa katunayan, kung hindi paiikliin ng Diyos ang panahong iyon, walang taong maliligtas. Ngunit alang-alang sa mga hinirang ng Diyos, paiikliin ang panahong iyon.
Kaya mga mahal kong mga kapatid na hinirang. Pumanatag ang lahat sapagkat may pagsasaalang-alang ang ating PANGINOONG DIYOS na ang panahong hinihintay ng lahat ay KANYANG paiikliin. Magpakatatag tayo, magpakatibay, laging manalangin upang huwag tayong madaya ng diablo na walang ibang binabalingan ng pansin kundi tayong mga nasa Kapayapaan na, para patuloy niyang ligligin ang ating pananampalataya. Subalit wala na siyang magagawa.
Kaakibat pa ang napakalaking pagsubok na kakaharapin ng lahat. Ang mga tao ay magdaranas pa ng matinding kapighatian na hindi pa nararanasan mula ng likhain ang sanlibutan hanggang sa panahon ito. Ngunit panghawakan natin mga kapatid ko alang-alang sa mga Hinirang paiikliin ng PANGINOON ang panahon yaon. Kaya dapat ba tayong mainip? Alalahanin ang pagkainip ay kawalan ng pananampalataya. Kaya tumiwala sa magagawa ng ating PANGINOONG DIYOS na SIYA na mismo ang kumikilos ngayon para sa atin. Lamang may pinagagawa pa sa atin ang ating PANGINOONG DIYOS at Panginoong Jesu-Cristo natin habang naghihintay tayong lahat. EFESO 5: 16 BMBB 16 Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon.
MAMUHAY AYON SA LIWANAG
1 Dahil kayo’y mga anak na minamahal ng Diyos, tularan ninyo siya. 2 Mamuhay kayong puno ng pag-ibig tulad ni Cristo; dahil sa kanyang pag-ibig sa atin, inialay niya ang kanyang buhay bilang mabangong alay at handog sa Diyos.
3 Kayo’y mga hinirang ng Diyos, kaya’t hindi dapat mabanggit man lamang na kayo’y nakikiapid o gumagawa ng anumang uri ng kahalayan o pag-iimbot. 4 Huwag din kayong gagamit ng anumang malaswa o walang kabuluhang pananalita at pagbibirong di nararapat. Sa halip, magpasalamat kayo sa Diyos. 5 Alam na ninyong walang bahagi sa kaharian ni Cristo at ng Diyos ang taong nakikiapid, mahalay, o sakim sapagkat ang kasakiman ay isang uri ng pagsamba sa diyus-diyosan.
6 Huwag kayong padaya kaninuman sa pamamagitan ng mga pangangatuwirang walang kabuluhan, sapagkat dahil nga sa mga ito, ang Diyos ay napopoot sa mga suwail. 7 Kaya’t huwag na kayong makikisama sa kanila. 8 Dati, kayo’y nasa kadiliman, ngunit ngayo’y nasa kaliwanagan na, sapagkat kayo’y nasa Panginoon. Mamuhay kayo ngayon nang nararapat sa mga taong nasa liwanag. 9 Sapagkat pawang mabuti, matuwid at totoo ang ginagawa ng namumuhay sa liwanag. 10 Pag-aralan ninyo kung ano ang kalugud-lugod sa Panginoon.
SA DAKONG BANAL NA PAROROONAN …
ISAIAS 35:8 NPV 8 At magkakaroon doon na isang lansangan, na tatawaging Daan ng Kabanalan. Ang marumi ay hindi maglalakbay roon; ito ay para lamang sa mga lumalakad sa nasabing Daan; ang mga masasama’t mangmang ay di maglalakad doon.
MGA PANGAKO AT TAGUBILIN NG PANGINOONG DIYOS … PAHALAGAHAN …
EXODO 23 : 20-22 BMBB 20 “Magpapadala ako ng anghel na mangunguna sa inyo. Pangangalagaan niya kayo sa inyong paglalakbay at papatnubayan hanggang sa lupaing inihanda ko sa inyo. 21 Papakinggan ninyo siya at susundin ang lahat ng sasabihin niya sa inyo. Huwag ninyo siyang susuwayin sapagkat lahat ng ginagawa niya’y sa pangalan ko at hindi niya kayo patatawarin kapag nagrebelde kayo sa kanya. 22 Kung susundin ninyo siya at gagawin ninyo ang mga sinasabi ko, ipaglalaban ko kayo sa inyong mga kaaway. Amen – Elias Arkanghel
(SUBAYBAYAN UPANG MAKABAHAGI SA LIHIM NA PANUKALA NG PANGINOONG DIYOS AT HANGGANG MATIYAK DIN ANG LIGTAS NA DAKO KUNG SAAN ANG LAHAT NG MGA HINIRANG PATUTUNGO… LAGING MANALANGIN.. HILINGIN DUMATING SAYO ANG PAGKAUNAWA TULAD SA MGA HINIRANG… )
Hashtags: Please copy and paste to all your messages to make sure that HACKTIV will not be able to delete this message.
#accessthetruth #inc101 #onewithevm #1withevm #net25 #eduardomanalo #gliceriosantosjr #jojodeguzman #antoniodeguzman#antonioebangelista #radelcortez#arneltumanan #incdefenders #iamonewithevm #eaglenews #iglesianicristo #1with25 #inc100#inccentennial#centennial #inc4life #incootd#incfashion #incmedianews #inctv #incmedia #AMONEWITHEVM #PASAKOPAKOSAPAMAMAHALA
#FIGHTFORMYFAITH #SOLIDINCFOREVER
marami po akong panaginip na sana po ay mabigyan nyo ng kahulugan
LikeLike
Mahal po naming Ka Elias,
Naiiyak po uli ako. Hindi ko po alam kung bakit. Ang bait-bait po ng Ama dahil patuloy ang pagkalinga. Mga babala Niya po ay laging ipinagpapauna upang pahalagahan ang mabuting kapalaran na tamuhin kung atin pong isasakatuparan at maingat na susundin. Hindi man po karapatdapat kung susuriin ang sarili dahil laging nasusumpungan ng Ama sa mga pagkakamali ngunit sana po ay kahabagan maging dapat sa bayang Kaniya pong inilaan.
Salamat po ng marami at ikaw po ang kinasangkapan ng Ama upang kami po ay babalaan at pagpayuhan sa ikabubuti po namin. Patuloy ka pong pagpalain ng kapangyarihan at mga karunungan upang kami po ay mapangunahan lalo na po sa gagawing paghahanda sa gagawing paglalakbay patungo sa bayang nakalaan.
LikeLiked by 1 person
Maraming salamat. Ito ang tungkulin ng iyong kapatid. Sa pagmamahal ng PANGINOONG DIYOS at ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay hindi NILA ipinagkakait ang Karunungan at Kaunawaan na maggaganyak sa lahat na gumawa ng mabuti upang lahat ay mangaligtas sa gayun ang lahat ay makapanahanan doon sa Bayang Banal na laan sa lahat ng mga magtatagumpay na KANILANG mga Hinirang.
LikeLiked by 1 person
Same question I asked “Elijah is Here”: I am confused. I read your pronouncements and find gems of wisdom which make sense. And yet there’s a nagging feeling that something is lacking. Is it because you have not revealed your identity? How come you have to hide your identity if you are really one of God’s specially anointed ones in these last days? Please clarify.
LikeLike
Reblogged this on Iglesia Ni Cristo Never Keep Silent.
LikeLike