Ang pananampalataya ng bawat indibidwal na IGLESIA NI CRISTO ay nahahayag kung ano ang kanyang iniisip. Nailalarawan niya ito sa pamamagitan ng kanyang mga gawa at kung paano niya na rin ito naipahahayag. Dahil sa kanyang labis na pananalig at matinding pananampalataya udyok ng pag-ibig ay naipadarama niya ang kanyang mabuting layunin at nararamdaman ito ng kahit isang baguhan pa lamang na hindi pa siya nakikilalang lubos. Pawang nakakaaliw sa pandinig ng PANGINOONG DIYOS at ng ating Panginoong Jesu-Cristo ang namumutawi sa bibig ng isang lingkod ng PANGINOONG DIYOS na ganap na sumasampalataya sa lahat ng magagawa NILA. Kaya naman napahihintulutan ng DAKILANG AMANG BANAL at ng Panginoong Jesu-Cristo na isugo ang Banal na Espiritu upang lalo pang makapagdulot sa KANILA ng Kapurihan, Kaluwalhatian at Kadakilaan ang ginagawa ng mga Hinirang na kinalulugdan NILA.
Kaya ang isang mananampalataya… positibo ang laging pananaw sa mga nangyayari at hindi kayang tinagin at gibain ng anumang kasinungalingang pang kaway ng diablo upang dayain ang hinirang at linlangin ang tao, na sa pasimula ang ibig ay pawang kaguluhan. Kaya naman tinatalunton niya, pinupuntahan yaong may mga kinikimkim na sama ng loob. Doon siya namamahay at naglalagi at ang kawawang nabibiktima niya, ay napapasama at nagagamit niya ang kahinaan nito bilang tao. Ang mga taong ito ang kanyang madaling nalalansi.
Batid natin, hindi kaila sa simula pa, ang trabaho ng diablo ay diktahan ang sinumang maibigan niyang tuksuhin upang pigilan o kontrahin ang Kagandahang-loob ng PANGINOONG DIYOS natin, na ang pangunahing tinukso noon sa Panahon ng Magulang ay si Eva hanggang sa naibuyo ang kanyang asawa na si Adan na nagkasala na rin. Marami na sa atin ang nakaaalam nito, kung paano nagkasala ang unang tao. Lamang kung bakit natin binabalikan ito, sapagkat may nais ipapuna sa atin ang PANGINOONG DIYOS natin na nagpapakilala sa katusuhan ng diablo. Dahil diyan mapag-uunawa natin ang pamamaraan ng diablo upang ang lahat ay makapag-ingat. Kaya aalamin natin kung ano ang gamit niyang madalas na pananalita. Magpasimula tayong magbasa sa;
GENESIS 3 : 1 – 5 BMBB 1 Ang ahas ang pinakatuso sa lahat ng hayop na nilikha ng Panginoong Yahweh. Isang araw tinanong nito ang babae, “Totoo bang sinabi ng Diyos na huwag kayong kakain ng anumang bungangkahoy sa halamanan?” 2 Sumagot ang babae, “Maaari naming kainin ang anumang bunga sa halamanan, 3 huwag lamang ang bunga ng puno na nasa gitna niyon. Sinabi ng Diyos na huwag naming kakainin ni hihipuin man ang bunga nito; kung kami raw ay kakain nito, mamamatay kami.”4 Ngunit sinabi ng ahas, “Hindi totoo iyan, hindi kayo mamamatay!” 5 “Sinabi lang iyan ng Diyos, sapagkat alam niyang kung kakain kayo ng bunga niyon ay makakaunawa kayo. Kayo’y magiging parang Diyos at malalaman ninyo ang mabuti at masama.”
Mga mahal kong kapatid sa pasimula pa lang napakabuti na ng ating PANGINOONG DIYOS. GENESIS 2 : 1 BMBB 1 Nilikha nga ng Diyos ang langit at ang lupa at ang lahat ng bagay na naroroon. Nilikha niyang walang kasiraan. Walang maipipintas. Nilalang ng PANGINOONG DIYOS ang lahat ng bagay na wala ng kakulangan na ang unang tao ang saksing-buhay sa napaka-Dakilang kabutihan at pag-ibig ng PANGINOONG DIYOS. Saan sila unang pinamalagi ng ating PANGINOONG DIYOS? GENESIS 2: 15-17 BMBB 15 Inilagay ng Panginoong Yahweh ang tao sa halamanan ng Eden upang ito’y pagyamanin at pangalagaan. 16 Sinabi niya sa tao, “Makakain mo ang alinmang bungangkahoy sa halamanan, 17 maliban sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama. Huwag na huwag mong kakainin ang bungang iyon, sapagkat sa araw na kainin mo iyon ay mamamatay ka.”
Ang tao naman naipakikilala mga kapatid na hindi talaga kuntento, mapaghanap kaya nakagawa pa ng paglabag sa bilin na kabawalan dahil sa pang-uupat ng diablo panghihikayat kay Eva. Natuksong kainin ang bunga ng punong kahoy na nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama. Hanggang pati na si Adan ay nahikayat niya na kumain na rin at ito nga ang sanhi ng unang pagkakasala ng tao sa PANGINOONG DIYOS. Ito na rin ang unang kamatayan ng tao sa Espiritual. Namatay ang kanilang karapatan na manirahan sa Halamanan ng Eden. Kaya itinaboy sila sa labas ng Halamanan ng Eden. Sa panahon naman natin ay katumbas ng itiniwalag o kinalagan sa karapatan na inilabas sa Iglesia ni Cristo.
Makatwiran at makatarungan ang naging pagpapasya sa kanila kung lalawakan natin ang ating pag-iisip, dumaan sila sa tamang proseso bago sila inalis sa Halamanan ng Eden. Pinaalalahanan muna sila na huwag na huwag kakainin ang bungang iyon. Pansinin na inuulit-ulit na “huwag na huwag” na ang ibig sabihin ay mahigpit na ipinagbabawal ng PANGINOONG DIYOS subalit kapwa sinuway nila. Mahinahon silang kinausap ng PANGINOONG DIYOS sa halip na magsising-lubos ay nangatwiran pa ang tao at sinisi pa ni Adan ang PANGINOONG DIYOS at sinisi naman ni Eva ang diablo, kaya inilapat ng PANGINOONG DIYOS ang makatarungan at marapat na pagpapasya. Kaya ang PANGINOONG DIYOS ang pinaka-mabuting naglalapat ng hatol at pagpapasya. Marapat lamang na sa KANYA sumasangguni sa ating kapanahunan ngayon sa gayun ay maipamagitan naman ng ating mahal na Panginoong Jesu-Cristo at sa udyok ng Banal na Espiritu sa kinauukulan mabibigyan matuwid na pagpapasya para mailapat ang makatwirang pagtitiwalag na naayon lahat sa Kalooban ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS natin na pangunahing nagbigay ng halimbawa ng pinaka-makatwirang pagtitiwalag.
Mga mahal kong kapatid, atin namang kilalanin ang diablo sa talatang ating sinipi sa itaas na bahagi na ating nabasa. Ang diablo na masuwayin at taksil sa ating PANGINOONG DIYOS sa tagpong ito ay ano ang mapagkakakilanlan natin sa kanya? Tulad ng ipinaunawa Pinakatuso! Mapagmataas sapagkat gusto niyang higitan ang PANGINOONG DIYOS sa pagpapasya. Napansin niyo ba mga mahal kong kapatid kung ano ang mga salitang malimit gamitin ng diablo? Mga salitang may pag-aalinlangan, negatibo ang kanyang kaisipan, likas siyang sinungaling at mayabang o palalo. Tulad ng “Totoo bang sinabi ng Diyos na … ” “Hindi totoo iyan, …” “hindi kayo mamamatay” “Sinabi lang yan ng Diyos …” ” Kayo’y magiging parang Diyos …” Ang mga salitang ginamit sa pagkontra sa sinabi ng PANGINOONG DIYOS, at pagtutol sa Salita ng PANGINOONG DIYOS ang ginagamit ng diablo para linlangin niya ang mga kumilala na sa PANGINOONG DIYOS, subalit dahil sa mapaniwalain yaong kapatid ay nadaya pa rin.
Ang katusuhang yan ng diablo hanggang ngayon ay ipinandadaya niya sa mga lingkod ng PANGINOONG DIYOS na mapaghanap pa na hindi kuntento kung ano ang ipinagkaloob na sa kanila. Ngunit mayroon pang ibig sa ating ipaunawa… nang nangungusap ang diablo kay Eva ginamit niya ang sinalita ng PANGINOONG DIYOS. Basahin muli ang talatang 5 “Sinabi lang iyan ng Diyos, sapagkat alam niyang kung kakain kayo ng bunga niyon ay makakaunawa kayo. Kayo’y magiging parang Diyos at malalaman ninyo ang mabuti at masama.”totoo yung sinabi niya kaya lang may dagdag. Pamamaraan niya rin ang magsabi ng totoo kaya lang humihigit sa Katotohanan.
Ano nga ba ang naging pahayag ng PANGINOONG DIYOS na dinagdagan ng diablo? GENESIS 3 : 22 BMBB 22 Pagkatapos, sinabi ng Panginoong Yahweh, “Katulad na natin ngayon ang tao, sapagkat alam na niya ang mabuti at masama. Baka pumitas siya at kumain ng bungangkahoy na nagbibigay-buhay at hindi na siya mamatay.”23 Kaya, pinalayas niya sa halamanan ng Eden ang tao upang magbungkal ng lupang kanyang pinagmulan. Inaalam natin kung ano ang pahayag ng diablo kay Eva “Kayo’y magiging parang Diyos at malalaman ninyo ang mabuti at masama” Ano naman ang sinabi ng PANGINOONG DIYOS? “Katulad na natin ngayon ang tao, sapagkat alam na niya ang mabuti at masama. Napagwangis na natin ang kapwa ipinahayag. Malinaw na hindi sa kalikasan magiging katulad. Eh saan magkakatulad? Gaya ng saktong pahayag “sapagkat alam na niya ang mabuti at masama,.” Ganyan ang katusuhan ng diablo dinaragdagan ang Katotohanan at hinihigitan pa kapag ang nais ay mapasama ang iba. Ibig lang niyang idamay ang tao sa kasamaaan ng pag-iisip niya. Gumagamit ng mga kasinungalingan, mga nakamamatay na termino sa isang sumasampalataya. Palibhasa siya man ay sumasampalataya din sa PANGINOONG DIYOS at nanginginig pa. SANTIAGO 2 : 19 BMBB 19 Sumasampalataya ka na ang Diyos ay iisa, hindi ba? Mabuti iyan! Ang mga demonyo man ay sumasampalataya rin, at nanginginig pa. Kaya naroon man ang pagkilala niya sa PANGINOONG DIYOS ginagapang naman niya ang totoong mga sumasampalataya sa PANGINOONG DIYOS natin. Hinihikayat niya na siya ang paniwalaan siya ang dapat na pakinggan … nakapanghihikayat dahil pawang sinalita ng PANGINOONG DIYOS ang ginagamit din. Lamang, naipagkakanulo siya kung ano ang tunay na motibo dahil sa taliwas na paliwanag na dinadagdagan ng mga kasinungalingan kahit may bahaging katotohanan ang sinasabi nawawalan na ng saysay. Subalit sa panig ng mga mahihina ay naililihis ang mga Katotohanan na tinanggap na nila at sila ay napapaniwala pa niya. Nakaaakit talaga ang diablo dahil waring nagmamalasakit ngunit ang layunin ay hadlangan ang mga Katotohanan at udyukan ang mga sumasampalataya upang alisin ang pagkilala at ibaling na sa kanya ang paniniwala.
Subalit ang may malinis na puso at kalooban bigung-bigo ang diablo. Tuksuhin man niya sa anumang paraan ay hindi niya matitinag at magigiba ang matibay ng pananampalatayang nakasalig sa tulong na magagawa sa kanya ng ating PANGINOONG DIYOS at ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Ito ang mga Hinirang na mapanalanginin at hindi binibigyan ng pagkakataon kahit na maliit na puwang ang diablo na may masamang kaisipan para sumingit sa Katotohanan.
Katotohanang magliligtas sa kanya sa kawasakang nagbabanta na tinatalakay na sa Pagsamba kahapon na may petsa Mayo 28/29, 2016… Bagama’t ipinatutungkol man ng mga nagangasiwa sa Pagsamba kahapon na ito na diumano ang paghuhukom, subalit nauunawaan ng mga Hinirang na napahintulutan ng makaunawa sa ipinahayag sa Blog ng IGLESIA NI CRISTO…HINIRANG kung saan ito napapanahong ipinatutungkol. Dahil malinaw naman na sinabi na datapuwa’t hindi pa ang wakas .. siyang pasimula ng kahirapan. Uulitin natin … siyang pasimula ng kahirapan.. Mabuting sipiin natin ang isa sa pangunahing talata na inihanay sa Pagsamba kahapon sa oras at araw sa Pilipinas.
Sa Espiritual na kaganapan ang paghuhukom na binabanggit kasunod ang literal na kawasakan bago pa ang paghuhukom. May paghuhukom at paghatol na gagawin na ang PANGINOONG DIYOS natin bago pa ang pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo na sa haba ng panahong ipinagkakaloob sa lahat, na kung hindi makapagsisi at kung hindi pa makasusunod… susumpain na sila ng PANGINOONG DIYOS. Sapagkat kasama sila sa naging dahilan ng digmaan sa Espiritual na binabanggit ito ay lumikha ng napakatinding kawasakan sa loob ng IGLESIA NI CRISTO na ngayon ay lubhang malaki na ang pinsala na dapat ng ayusin. Kaya magaganap pa ang matitinding labanan ng mga Lokal sa Lokal (Bansa laban sa Bansa sa paglalarawan), Distrito laban sa Distrito (Kaharian laban sa Kaharian ang paglalarawan) Ito ang pagyanig na binabanggit ng kapatid na Erano G. Manalo na yayanigin ang pananampalataya na ipinaunawa sa atin. Kaya ang digmaang ito ang magiging sanhi ng taggutom ng mga tumatanggap na maliit na tulong sa hanay ng mga ministro, manggagawa at mga empleyado sa loob ng Iglesia na siyang magiging pasimula ng matinding kahirapan ng IGLESIA dahil sa mga pananalaping usapin na hindi na maitatago pa sa karamihan ng mga kapatid na mga nag-uusisa at nakakasaksi ng kalumaan ng mga Bahay Sambahan na tila naiuugnay nga nila sa napapabalitang masasabi na nila na may katotohanan pala at totoong may katiwaliang nagaganap sa loob ng Iglesia. Kaya sila man ay kikilusin na ng PANGINOONG DIYOS natin. Subalit walang sinumang makapipigil sa pinaka-Lihim na Panukala ng PANGINOONG DIYOS. Inaakala man ng iba na ito ay kabiguan subalit ang totoo ay hindi, sa maikling panahon lang mga kapatid ang pagtitiis at ipaghihintay na lang natin kaya dapat magtumibay at magpakatatag, ito ay bahagi ng pagdalisay at paglilinis sa loob ng Iglesia ni Cristo kaya minarapat na itong mangyari bago ang takdang PAGLALAKBAY.
Mga mahal kong kapatid sa kabuuan ng IGLESIA NI CRISTO .. hinihingi na ang pagbabagumbuhay nating lahat. IPINAUNAWA NA NG PANGINOONG DIYOS ANG PINAKA-MAGIGING LUNAS NG LAHAT NG MGA SULIRANING KINAKAHARAP NG IGLESIA …. upang muling makabangon ang mga kapatid na pinanghihinaan na ng loob… mga kapatid nating IGLESIA NI CRISTO na nananabik na rin na maibalik ito sa dati niyang maningning at maluwalhating kalagayan. Ang mga kapatid na may mapayapang paglilingkod ang lahat na nabubuhay sa pagmamahalan at pag-iibigang magkakapatid. At kapag naisaayos na sa loob ng IGLESIA NI CRISTO … yaon namang gantimpalang laan sa lahat ng magtatagumpay ay makababahagi na ang lahat doon sa Dakong itinatalaga.. ang PANGINOONG DIYOS ang magkakaloob ng lahat ng ating pangangailangan sa loob ng tatlong taon at kalahati na pangangalagaan ang babae sa ilang na kumakatawan sa IGLESIA hanggang sa makabahagi na sa laan gantimpala sa pagpapanibagong yugto ng panahon.
Ito ang isa lang sa pag-asang inaasahan ng mga Hinirang ang mga katotohanang iyan na binabanggit sa Banal na Kasulatan, kasama nilang bibitbitin sa nakatakdang PAGLIKAS sa nagbabantang matinding kaguluhan na ang PANGINOONG DIYOS na ang nagpapasya SINO ANG PIPIGIL? Babaunin nila ang mga Katotohanang pinaghahari nila sa kanilang mga puso ang Kagandahang Loob ng PANGINOONG DIYOS na aagapay at aalay sa nakatakdang PAGLALAKBAY upang mapabilang sa mga matatalinong lingkod na matiyagang naghintay, nagtiis na hindi papayag na maiwan. Naghihintay na ang Panginoon Jesu-Cristo lalo na ang ating PANGINOONG DIYOS … ang lahat ng makakasama yaon lamang ang maliligtas sa kapahamakang hindi inaasahan na darating sa kalupaan na pambuong daigdig na kawasakan. Subalit ang maiiwang tapat na mga IGLESIA NI CRISTO saan mang dako abutan ng kamatayan ay ligtas pa rin. Kaya sa itinakdang pagkabuhay na maguli na itinakda ng PANGINOONG DIYOS doon na silang lahat ay muling bubuhayin upang manirahan sa BAYANG BANAL na inilalaan …sa lahat ng nagtapat …na mabuting mga Hinirang. – Elias Arkanghel
Hashtags: Please copy and paste to all your messages to make sure that HACKTIV will not be able to delete this message.
#accessthetruth #inc101 #onewithevm #1withevm #net25 #eduardomanalo #gliceriosantosjr #jojodeguzman #antoniodeguzman#antonioebangelista #radelcortez#arneltumanan #incdefenders #iamonewithevm #eaglenews #iglesianicristo #1with25#inc100#inccentennial#centennial #inc4life#incootd#incfashion #incmedianews#inctv #incmedia #AMONEWITHEVM #PASAKOPAKOSAPAMAMAHALA
#FIGHTFORMYFAITH #SOLIDINCFOREVER
KAPATID NA ELIAS, KAILAN PO BA ANG SIMULA NG PAGLALAKBAY NA MAGAGANAP SAPAGKAT NAIS KO PONG MAKASAMA SA PAGLALAKBAY NA ITINAKDA NA…
LikeLike
Maraming salamat kapatid. Tulad ng ating nalalaman sa aral na ating tinanggap ay walang nakababatid kung kailan, maging ang Panginoong Jesu-Cristo, maging mga Anghel man. Tanging ang PANGINOONG DIYOS lamang ang nakaaalam sapagkat SIYA rin ang nagtakda. Ang ibinigay sa atin ang pagkaalam sa mga palatandaan at pagkaunawa sa mga kaganapan ng panahon. At kung iudyok na ito ng Banal na Espiritu sa takdang ibig na ng PANGINOONG DIYOS ang nasabing paglikas at paglalakbay, ang Blog na ito ng IGLESIA NI CRISTO…HINIRANG maririnig ninyo ang isang sigaw, tinig ng inyong abang lingkod patuloy na magpapahayag upang ang hudyat mula sa panawagan na ng ating PANGINOONG DIYOS upang lumikas ay maipagbigay alaman sa inyong lahat. Muli maraming salamat! Ang inyong kapatid sa pananampalataya na sa inyong lahat ay laging nagmamahal. – Elias Arkanghel
LikeLike
SALAMAT DIN PO KAPATID NA ELIAS, HIHINTAYIN KO ANG ARAW NA IYON…
ANG AKING NASASAKSIHAN NGAYON AY KAIBA SA MGA NAGDAANG MGA TAON. MINSA’Y SA PAGDALO KO NG PAGSAMBA WALA AKONG MADAMA NA ESPIRITU PARANG ANG PAKIRAMDAM KO’Y HALOS LAHAT NG NANDOROON AY NAKIKIRAMDAM NA SANA’Y DUMALOY ANG BIYAYA SA PAGSAMBA NGUNIT PAKIRAMDAM KO’Y PARANG NAPIPILITAN LAMANG ANG MGA KAPWA SUMASAMBA PATI NA ANG MINISTRO NA SA PAKIRAMDAM NILA’Y NANDUROON ANG BANAL NA ESPIRITU, NGUNIT TOONG WALA SAPAGKAT KUNG TOONG NAROON SYA SA GITNA NG PAGSAMBA AY MARARAMDAMAN LAHAT NG NANDOROON ANG KAPANGYARIHAN NITO… MINSA’Y PAG MAGHAHANDOGAN NA PARANG MAS MABUTI SA AKING PAKIRAMDAM NA MAGBIGAY NG MAS MALIIT NA HALAGA AYON SA PUSO KO AT HINDI SUMASAGI SA ISIP KO ANG LAGING SINASABI NA PAG MALIIT ANG HANDOG AY KULANG DAW SA PAGKAKILALA KAYA NAPIPILITAN NA LANG AKO PARA PATUNAYAN NA HINDI AKO GANUN AT INAASAHAN KO NA KATANGGAP TANGGAP SA PANGINOONG DIYOS NGUNIT SA KABILA PALA NG PAGHAHADOG KO NG HIGIT SA MALIIT NA HALAGA AY NAPUPUNTA LAMANG SA HILIG O LAYAW SA KAGUSTUHAN LAMANG NG TAO AT HINDI SA KAPURIHAN NG PANGINOONG DIOS NATIN SAPAGKAT ITO’Y NAPUPUNTA SA PHILIPPINE ARENA, SA MGA SASAKYAN NG MGA MATATAAS ANG TUNGKULIN, NEGOSYO TULAD NG MGA INIHAYAG SA SOCIAL MEDIA AT IBA PA. NA DATI’Y HINDI GAYON SA PANAHON NG KA ERANO G. MANALO, NA HINDI NAMAN DAPAT ITO ANG PANGUNAHING PINAG UUKULAN NG MGA HANDOG NG MGA KAPATID KUNDI ITO’Y PARA SA PAGGAWA NG BAHAY SAMBAHAN, MGA SAPAT NA TULONG NG MGA MINISTRO AT MAINTENANCE NG MGA BAHAY SAMBAHAN, ILAW TUBIG AT IBA NA KALAKIP DITO.
WAG PO SANANG MAGKAMALI ANG MAKAKABASA NITO NA AKO’Y NATITISOD SA PAGHAHANDOG ANG TOTOO’Y ANG NAGHAHANDOG NG SAGANA (KUSA) AT HINDI NAPIPILITAN (BUONG PUSO AT HINDI IDINIDIKTA NG SINUMAN) AY TOTOONG NALULUGOD ANG PANGINOONG DIOS ITO ANG AKING PANANAMPALATAYANG TINANGGAP UKOL DITO.
KA. ELIAS, SANA PO WAG KAYONG MAGSASAWA SA PAGPAPAYO SAMIN LALO NA SA PANAHONG ITO NA HINAHARAP KAILANGAN NAMIN ANG ISANG MANGUNGUNA SA AMIN SA PANGANGALAGA AT TAGAPAYO NG MGA KALOOBAN NG ATING PANGINOONG DIOS. HINDI KO MAN PO BATID NA NASAINYO ANG KATANGIANG HINAHANAP NG DIOS PARA PANGUNAHAN ANG PAG-AALAGA SA MGA TUPA NGUNIT NARARAMDAM KO PO ITO.
HANGAD KO PO ANG KALIGTASAN NYO ARAW-ARAW AT KALUSUGAN NG PANGANGATAWAN. (HINDI NA PO AKO MAGWIWISH NG ANO PA MAN SAINYO SAPAGKAT ANG PANGINOONG DIOS, PANGINOONG JESU-CRISTO, AT ANG BANAL NA ESPIRITU ANG NAKABABATID NG LAHAT NG NAUUKOL PO SA INYO)…ANG LAHAT PO AY SA PURIHAN NG DAKILANG DIOS.
SALAMAT PO NG MARAMI KA. ELIAS ARKANGHEL…..
LikeLike
Reblogged this on Iglesia Ni Cristo Never Keep Silent.
LikeLike